1/62
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced | Call with Kai |
|---|
No study sessions yet.
Tauhan
nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa kwento.
Tauhan
tauhan batay sa kanyang anyo, ugali paraan kung paano ipinakita ang kagandahan ng isang kwento
Tagpuan
lugar at panahon ng mga pinangyarihan
Banghay
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento
Tunggalian
tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan
Magagandang Kaisipan
mga pahayag na nagbibigay mensahe o aral sa mga mambabasa
Simula at Wakas
paraan ng mga manunulat kung paano niya sinimulan at winakasan ang kwento. Ito’y maaaring may magandang simula ngunit may malungkot na katapusan
Kwento ng Tauhan
inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag unawa sa kanila ng isang mambabasa
Kwento ng Katutubog Kulay
ipinapakita nito ang kulturang kinagisnan ng isang lugar, kasama na ang mga tradisyon, pananamit, pamumuhay, at kapaligiran
Kwentong Bayan
nilalahad ang mga kuwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan
Kwentong Bayan
ito'y salaysay ng mga alamat, at mga kwento ng bayan na nagmula sa isang komunidad
Kwento ng Kababalaghan
pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala
Kwento ng Kababalaghan
tumatalakay sa mga kwentong hindi pangkaraniwan, katatakutan, at misteryo
Kwento ng Katatakutan
naglalaman ng mga pangyayaring kasindak sindak
Kwento ng Katatakutan
layunin nitong takutin ang mga mambabasa sa pamamagitan ng mga nakakatakot na eksena o pangyayari
Kwento ng Madulang Pangyayari
binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan
Kwentong Sikolohiko
ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan
Kwento ng Pakikipagsapalaran
Ito'y mga kwento ng paglalakbay, pakikibaka, at mga paghahanap ng pangunahing tauhan sa kanyang paglalakbay.
Kwento ng Pakikipagsapalaran
Pagsubok ng tauhan sa isang misyon o layunin.
Kwento ng Katatawanan
Layunin nitong patawanin ang mga mambabasa sa pamamagitan ng mga kwentong nakakatawa at nakakatawang pangyayari
Bisang Pandamdamin
tumutukoy ito sa naging epekto o pagbabagong naganap sa iyong damdamin matapos mabasa ang akda
Bisang Pangkaisipan
tungkol naman ito sa pagbabago sa kaisipan dahil sa natutunan sa mga pangyayaring naganap sa binasa
Bisang Pangkaasalan
may kaugnayan naman ito sa pagkakaroon ng pagbabago sa iyong pananaw sa mga kaisipang nakapaloob sa akda matapos itong mabasa
Uri ng Kwento
alamin kung anong uri ng maikling kwento ito napapabilang
Pamagat
dito nakasaad ang pinapaksa ng kwento
Tauhan
iniisa-isa ang mga nagsiganap sa kwento
Tagpuan
pinapakita kung saan ang pinangyarihan ng mga kaganapan sa kwento
Galaw ng Pangyayari o Banghay
dito ibinibigay ang sunod-sunod na pangyayari sa kwento
Pangunahing Pangyayari o panimulang aksyon
matatagpuan ang tauhan, tagpuan, panahon at posibleng simula ng suliranin at problema
Pasidhi o Pataas na Pangyayari
pagkakaroon ng saglit na kasiglahan sa mga pangyayari sa kwento
Karurukan o Kasukdulan
pinakamahalagang bahagi ng kwento, pinakahinhintay ng mga mambabasa, dito nagaganap ang pinakamatinding problema
Kakalasan o Pababang Aksyon
bahagi bago magwakas ang kwento
Wakas
matatagpuan ang pangunahing aral o mensahe sa kwento, dito na wawakasan ang mga pangyayari
Taglay na Bisa
alalamin kung anong pagbabago sa sarili ang iyong naramdaman
Kamalayang Panlipunan
alamin kung ano ang ipinapakita o inilalarawan ng akda sa ating Lipunan
Teorya
sa pagsusuri mahalagang alam mo ang teoryang ginamit sa akda
Humanismo
binibigyang-diin ang kakayahan, dignidad, at halaga ng tao
Feminismo
sinusuri ang papel ng kababaihan sa akda at ang representasyon ng kasarian
Marxismo
tinutukoy ang tunggalian ng uri, kapangyarihan, at ideolohiya sa Lipunan
Eksistensyalismo
pinapansin ang kalayaan, pagpili, at responsibilidad ng tauhan
Historikal at Sosyolohikal
iniuugnay ang akda sa kasaysayan at kalagayang panlipunan
Tradisyonal
ito ay isang anyo ng tula na may sukat, tugma, at mga salitang may malalim na kahulugan
Malayang Taludturan
isang tula nang walang sinusunod na patakaran kung hindi anumang naisin ng sumusulat
Berso Blangko
ito’y tula na may sukat ngunit walang tugma
Sukat
ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtud na bumubuo sa isang saknong
Saknong
isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya (taludtud)
Persona
tumutukoy sa nagsasalita o nagsasalaysay ng tula. Ito ang "boses" na nagpapahayag ng damdamin, saloobin, at pananaw sa loob ng tula
Tugma
ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtud ay magkasintunog
Kariktan
ito ay ang maririkit na salita na pumupukaw sa damdamin at kawilihan
Talinghaga
ito ay tumutukoy sa mga pahayag na hindi direktang sinasabi o nagbibigay ng kahulugan, kundi gumagamit ng mga simbolo, talinghaga, o metapora upang maipahayag ang isang mas malalim na kahulugan
Tulang Liriko o Tulang Pandamdamin
nagtataglay ng mga karanasan, kaisipan, guniguni, pangarap at iba’t-ibang damdaming maaaring madama ng may akda o ng ibang tao
Tulang Pasalaysay (Narrative Poetry)
naglalahad ng makukulay at mahahalagang tagpo sa buhay tulad ng pag-ibig, pagkabigo at tagumpay
Tulang Patnigan
tulang nagbibigay aliw sa mga taong namatayan, at nagbibigay pagpapahalaga sa taong pumanaw
Tulang Pantanghalan
binibigkas ng mga tauhan ang kanilang diyalogo sa paraang patula
Melodrama
ito’y nagwawakas sa kasiyahan bagama’t ang uring ito ay may malulungkot na sangkap na kung minsan ay may labis na pananalita at damdamin ang ginamit
Melodrama
matinding emosyon, madalas umiikot sa pag-ibig, sakripisyo, o pamilya
Komedya
gumagamit ng kaugaliang marcha para sa pagpasok at pag alis sa entablado, labanan na may koreograpiya at madyik o mga mahihiwagang epekto sa palabas
Katatawanan
uri ng maikling kwento na layuning magpatawa, magbigay-aliw, at magaan ang damdamin ng mambabasa. Karaniwan itong gumagamit ng mga nakakatawang sitwasyon
Trahedya
kabaliktaran ng komedya ang trahedya sapagkat ang dulang ito ay nauuwi sa pagkatalo o pagkamatay ng bida o pangunahing tauhan
Parsa
mga magkakabit- kabit o magkadugtong- dugtong na mga pangyayari ng isang dulang nakakatawa.
Parsa
eksaherado ang kilos at emosyon ng mga tauhan
Parsa
madalas ay may maling pagkakakilanlan, pagkakamali, o gulo
Saynete
dula tungkol sa lugar kung saan nagsimula ang kwento ng pangunahing tauhan at ang kanyang pakikipagsapalaran