Looks like no one added any tags here yet for you.
Pakikipagkapwa
Ito ay isang kalakasan ng mga Filipino na ipinapakita sa pamamagitan ng pagmamalasakit, pag-unawa sa damdamin ng iba, pagtulong sa mga nangangailangan, at pakikiramay.
Kapwa
Ito ay tumutukoy sa mga taong labas sa ating sarili, tulad ng mga magulang, kamag-anak, kaibigan, kaklase, at kaaway. Ito ang simula ng paglinang sa iba't ibang aspekto ng ating pagkatao.
Katarungan (justice) at pag
Ito ay isang birtud na kailangan sa pagpapatatag ng pakikipagkapwa. Ito ay nagbibigay ng nararapat na paggalang sa dignidad ng ibang tao.
Pagmamahal
Ito ay isang birtud na kailangan din sa pagpapatatag ng pakikipagkapwa. Ito ay nagpapahintulot sa atin na magbigay ng higit pa sa karapatan at katarungan sa pamamagitan ng pagmamalasakit at pagtanggap sa kapwa.
Aspektong Intelektwal
Ito ay tumutukoy sa pangangailangan sa kaalaman at kakayahan upang matugunan ang mga pansariling kakulangan. Ito ay matutugunan sa pamamagitan ng aktibong paggamit ng media at pagkakaroon ng kagustuhang matuto ng indibidwal.
Aspektong Pangkabuhayan
Ito ay tumutukoy sa mga pangangailangan ng tao upang mabuhay, kabilang ang pangangailangan sa pagkain. Ito ay matutugunan sa pamamagitan ng sipag at tiyaga sa buhay.
Aspektong Politikal
Ito ay tumutukoy sa mga pangangailangan na may kaugnayan sa pamahalaan at mga namumuno sa bansa. Ito ay matutugunan sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga eleksyon at pagsunod sa mga batas.
Aspektong Panlipunan
Ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng kaligtasan at katiyakan sa buhay, pakikipagkaibigan, at pagkakaroon ng pamilya. Ito ay matutugunan sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon sa komunidad at pagsali sa iba't ibang grupo.
Uri ng Pakikipagkaibigan
Ayon kay Aristotle, ito ay ang mga iba't ibang uri ng pagkakaibigan na nakabatay sa pangangailangan, pansariling kasiyahan, at kabutihan.
4 na Uri ng Damdamin
Sikikong damdamin (Psychical feelings), Ispiritwal na damdamin (Spritual feelings), Pandama (Sensory feelings), Kalagayan ng damdamin (Feeling state).
Emosyon
Ang kagyat na tugon o reaksiyon ng tao sa mga bagay na kanyang nakita, naramdaman, naamoy, nalasahan, at narinig na binibigyan ng interpretasyon ng kanyang isip.
Mga Pangunahing Emosyon
Pagmamahal, Pag-asa, Paghahangad, Pagkamuhi, Pagkatakot, Pagkatuwa, Pag-iwas, Pagkagalit, Pagdadalamhati.
Mga Tungkulin ng Tagasunod
Gumagawa ng aktibong pagpapasiya upang makatulong sa pagsasakatuparan ng mga gawain ng pangkat, Nagpapakita ng interes at katalinuhan sa paggawa, Siya ay maasahan at may kakayahang gumawa kasama ang iba upang makamit ang layunin, Kinikilala niya ang awtoridad ng lider at nagpapataw siya ng limitasyon sa kaniyang mga kilos, pagpapahalaga, mga opinyon at pananagutan sa maaaring ibunga ng kanyang gawa.
Ang mabuting lider
Ayon kay Lewis, ito ay isang lider na naglilingkod, natitiwala sa kakayahan ng iba, nakikinig at nakikipag-ugnayan nang maayos sa iba, magaling magplano at magpasiya, nagbibigay ng inspirasyon sa iba, patuloy na nililinang ang kaalaman at kasanayan upang patuloy na umunlad, may positibong pananaw, may integridad, mapanagutan, handang makipagsapalaran, inaalagan at iniingatan ang sarili, at mabuting tagasunod.
Lider
Ang taong namumuno o nangunguna sa isang pangkat ng tao.
Tagasunod
Ang taong sumusunod at nagsasakilos sa mga layunin ng lider.
Pamumunong Adaptibo
Ito ay isang uri ng pamumuno na ibinabatay sa sitwasyon at may mataas na antas ng pagkilala sa sarili at kakayahang pamahalaan ang sarili. Ang lider na gumaganap ng pamumunong adaptibo ay may mataas na emotional quotient (EQ).
Pamumunong Transpormasyonal
Ito ay isang uri ng pamumuno na nagbibigay ng inspirasyon at direksyon. Ang lider na gumaganap ng pamumunong transpormasyonal ay may kakayahang gawing kalakasan ang mga kahinaan at makipag-ugnayan sa kapwa bilang mentor.
Pamumunong Inspirasyunal
Ito ay isang uri ng pamumuno na nagbibigay ng inspirasyon at direksyon. Ang lider na gumaganap ng pamumunong inspirasyunal ay modelo at halimbawa ng mga mabubuting pagpapahalaga at ipinalalagay ang kanyang sarili na punong-tagapaglingkod (servant leader).
Patricia Licuanan (1992)
ayon kay ________________, isa sa mga kalakasan ng mga filipino ay ang PAKIKIPAGKAPWA.
Katarungan (justice) at pagmamahal (charity)
Ang mga birtud ________________ at ________________ ay kailangan sa pagpapatatag ng pakikipagkapwa.
Pagkakaibigang nakabatay sa pangangailangan
Ito ay pagkakaibigang inilalaan sa isang tao dahil sa pangangailangan ng isang tao rito.
Pagkakaibigan na nakabatay sa kabutihan
Nabubuo batay sa pagkagusto (admiration) at paggalang sa isat isa.
Pagkakaibigan nakabatay sa pansariling kasiyahan
nabubuo sa pagitan mo at ng isa o mahigit pang tao na masaya kang kasama o kausap.
sikikong damdamin (psychical feelings)
ang pagtugon ng tao sa mga bagay sa kanyang paligid ay impluwensiya ng kasalukuyang kalagayan ng kanyang damdamin.
Ispiritwal na damdamin (spiritual feelings)
ay nakatuon sa paghubog ng pagpapahalaga sa kabanalan tulad ng pag-asa at pananampalataya
Pandama (sensory feelings)
tumutukoy sa limang karamdamang pisikal o panlabas na pandama na nagdudulot ng panandaliang kasiyahan o paghihirap ng tao.
kalagayan ng damdamin (feeling state)
ito ay may kinalaman sa kasalukuyang kalagayan na nararamdaman ng tao.
Scheler (Dy, 2007)
Ayon kay ____________ ang DAMDAMIN o EMOSYON ang ang pakiramdam ng isang tao na hindi nagagawa ng pisikal kundi ng mental at sikolohikal na gawain na makikita sa kilos, gawa, o ang ugali ng isang indibidwal.
3 uri ng pagkakaibigan ayon kay aristotle
pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan, pansariling kasiyahan, at kabutihan
3 uri ng pamumuno
inspirasyunal, adaptibo, transpormasyonal
Lewis (1998)
ang mabuting lider ayon kay ____________