Looks like no one added any tags here yet for you.
Dula
Ito ay nahango sa salitang giryego na drama na nangangahulugan gawin o kilos.
Komedya
Katawa- tawa magaan ang mga paksa o tema at mga tauhan ay laging nagtatapos sa tagumpay
Trahedya
ang tema nito ay mabigat o nakasasama ng loob, nakalulunos ang mga tauhang karaniwang nasasadlak sa kamalasan, mabigat na problema, kabiguan at kamatayan. nagwawakas ng malungkot
Melodrama
Ito ay sadyang namimiga ng luha sa manonood na parang wala nang masayang bahagi sa buhay kundi puro problema at kaawa- awang kalagayan na lamang ang nagyayari sa buhay Karaniwang napapanood sa teleserye sa telebisyon.
Tragikomedya
Magkahalo ang katatawanan at kasawian tulad ng payaso
(clown) para magsilbing tagapagpatawa, subalit sa huli'y malungkot dahil sa kasawian o kabiguan ng mahahalagang tauhan.
Parse/Parsa
Dulang puro tawanan at walang saysay ang kwento. Ang mga aksyon ay puro slapstick. Karaniwang napapanood sa comedy bar.
Saynete
Itinuturing na isa ito sa mga dulang panlibangan ng huling taon ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas. Ang paksa nito ay tungkol sa paglalahad ng mga kaugalian ng isang lahi o katutubo sa kanyang pamumuhay , pag- ibig at pakikipag -kapwa.
Parodiya
Anyo ng dula na mapanudyo, ginagaya ang nakakatawang ayos, kilos, pagsasalita at pag-uugali ng tao bilang anyo ng komentaryo o pamumuna o kaya'y pambabatikos na katawa- tawa ngunit may tama sa damdamin ng kinauukulan.
Proberbyo
Kapag ang isang dula ay may pamagat na hango sa mga bukambibig na salawikain, ang kwento'y pinaiikot dito upang magsilbing huwaran ng tao sa kanyang buhay.