1/29
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced | Call with Kai |
|---|
No study sessions yet.
Tekstong Impormatibo
Ito ay isa sa mga uri ng tekstong madalas ipabuo o ipasulat ng inyong mga guro sa iba't ibang asignatura kaya mahalagang matutuhan mo ang mga katangian nito at maging mahusay sa pagbuo ng ganitong uri ng teksto.
Tekstong Impormatibo
ay di piksiyon at naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag batay sa katotohanan at mga datos.
Ekspositori
Iba pang tawag sa tekstong impormatibo
libro encyclopedia
Halimbawa ng tekstong impormatibo
ano saan bakit kailan paano
Ang tekstong impormatibo ay sumasagot sa mga tanong na
Layunin ng may-akda
*Maaaring magkaiba-iba ang ___________ sa pagsulat niya ng
isang tekstong impormatibo.
Layunin ng may-akda
Maaaring layunin niyang mapalawak pa
ang kaalaman ukol sa isang paksa; maunawaan ang mga pangyayaring
mahirap ipaliwanag; matuto ng maraming bagay ukol sa ating mundo;
magsaliksik; at mailahad ang mga yugto sa buhay ng iba't ibang uri ng
insekto, hayop, at iba pang nabubuhay; at iba pa.
Layunin ng may-akda
Gayumpaman, anuman ang layunin ay mapapansing kaugnay ito lagi ng pagbibigay o paglalahad ng impormasyon.
tekstong naratibo
Di tulad ng ____________ na hindi agad inihahayag ng manunulat ang mga mangyayari upang mapaabot ang interes ng mambabasa sa kasukdulan ng akda, sa tekstong impormatibo naman ay dagliang inilalahad ang mga pangunahing ideya sa mambabasa.
tekstong impormatibo
Di tulad ng tekstong naratibo na hindi agad inihahayag ng manunulat ang mga mangyayari upang mapaabot ang interes ng mambabasa sa kasukdulan ng akda, sa ___________ naman ay dagliang inilalahad ang mga pangunahing ideya sa mambabasa.
Pangunahing ideya
Di tulad ng tekstong naratibo na hindi agad inihahayag ng manunulat ang mga mangyayari upang mapaabot ang interes ng mambabasa sa kasukdulan ng akda, sa tekstong impormatibo naman ay dagliang inilalahad ang mga pangunahing ideya sa mambabasa.
organizational markers
Nagagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi-tinatawag din itong __________ na nakatutulong upang agad makita at malaman ng mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin. Mga salita na inaano ang pagkakasunod-sunod at ugnayan ng teksto.
una bukod dito halimbawa sa kabuuan
Halimbawa ng organizational markers
Pantulong na kaisipan
Mahalaga rin ang paglalagay ng angkop na mga __________ o mga detalye upang makatulong mabuo sa isipan ng mambabasa ang pangunahing ideyang nais niyang matanim o maiwan sa kanila.
Mga estilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga bagay na binibigyang-diin
Makatutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng mas
malawak na pag-unawa sa binabasang tekstong impormatibo ang paggamit ng mga estilo o kagamitan/sangguniang magbibigay-diin sa mahahalagang bahagi tulad ng sumusunod:
Paggamit ng mga nakalarawang representasyon
Makatutulong ang paggamit ng mga larawan, guhit, dayagram, tsart, talahanayan, time line, at iba pa upang higit na mapalalim ang pag-unawa ng mga mambabasa sa mga tekstong impormatibo.
larawan guhit dayagram tsart talahanayan time line
Halimbawa ng paggamit ng mga nakalarawang representasyon
Pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa teksto
nagagamit dito ang mga estilong tulad ng pagsulat nang nakadiin, nakahilis, nakasalungguhit, o nalagyan ng panipi upang higit na madaling makita o mapansin ang mga salitang binibigyang-diin sa babasahin.
nakadiin nakahilis nakasalungguhit nalagyan ng panipi
Halimbawa ng pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa teksto
Pagsulat ng mga talasanggunian
karaniwang inilalagay ng mga manunulat ng tekstong impormatibo ang mga aklat, kagamitan, at iba pang sangguniang ginamit upang higit na mabigyang-diin ang katotohanang naging batayan sa mga impormasyong taglay nito.
Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan
*Sa uring ito ng teksto inilalahad ang mga totoong pangyayaring naganap sa isang panahon o pagkakataon.
sulating pangkasaysayan historical account
Maaaring ang pangyayaring isasalaysay ay personal na nasaksihan ng manunulat tulad ng mga balitang isinusulat ng mga reporter ng mga pahayagan o maaari ding hindi direktang nasaksihan ng manunulat kundi mula sa katotohanang nasaksihan at pinatutunayan ng iba tulad ng _________ o _________.
Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan
Ang uring ito ng teksto ay karaniwang sinisimulan ng manunulat sa isang mabisang panimula o introduksiyon.
Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan
Kung ito ay isang balita, mababasa sa bahaging ito ang pinakamahahalagang impormasyon tulad ng kung sino, ano, saan, kailan, at paano nangyari ang inilalahad. Sinusundan ito ng iba pang detalyeng nasa bahagi naman ng katawan, at karaniwang nagtatapos sa isang kongklusyon.
Pag-uulat Pang-impormasyon
*Sa uring ito nakalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyon patungkol sa tao, hayop, iba pang bagay na nabubuhay at di nabubuhay, gayundin sa mga pangyayari sa paligid.
Pag-uulat Pang-impormasyon
Ang ilang halimbawa ay mga paksang kaugnay ng teknolohiya, global warming, cyberbullying, mga hayop na malapit nang maubos, impormasyong kaugnay ng mga halaman, at iba pa.
Pag-uulat Pang-impormasyon
Ang pagsulat ng ganitong uri ng teksto ay nangangailangan ng masusing pananaliksik sapagkat ang mga impormasyon at detalyeng taglay nito ay naglalahad ng katotohanan ukol sa paksa at hindi dapat samahan ng personal na pananaw o opinyon ng manunulat.
Pagpapaliwanag
*Ito ang uri ng tekstong impormatibong nagbibigay-paliwanag kung paano o bakit nangyari ang isang bagay o pangyayari.
Pagpapaliwanag
Layunin nitong makita ng mambabasa mula sa mga impormasyong nagsasaad kung paano humantong ang paksa sa ganitong kalagayan. Karaniwan itong ginagamitan ng mga larawan, dayagram, o flowchart na may kasamang mga paliwanag.
Pagpapaliwanag
Halimbawa nito'y ang siklo ng buhay ng mga hayop at insekto tulad ng paruparo, palaka, at iba pa.