3-AP-10-KEY-NOTES

0.0(0)
studied byStudied by 0 people
learnLearn
examPractice Test
spaced repetitionSpaced Repetition
heart puzzleMatch
flashcardsFlashcards
Card Sorting

1/54

encourage image

There's no tags or description

Looks like no tags are added yet.

Study Analytics
Name
Mastery
Learn
Test
Matching
Spaced

No study sessions yet.

55 Terms

1
New cards

Natural o biyolohika na katangian bilang lalaki o babae.

Seksuwalidad

2
New cards

Nagtataglay ng ating mga biyolohikal na katangian.

Genes

3
New cards

Aspektong kultural na natutuhan hinggil sa seksuwalidad.

Gender o Kasarian

4
New cards

Nararamdaman o pinaniniwalaang kasarian ng isang tao.

Gender Identity

5
New cards

Pagpapahayag o pagpapakita ng gender identity (personalidad, hitsura, boses at kilos).

Gender Expression

6
New cards

Maaaring bakla, lesbian, bisexual, heterosexual at maaaring babae, lalaki o wala o pareho ang identidad.

Intersex

7
New cards

Tumutukoy sa pisikal at emosyonal na atraksyon na nararamdaman ng isang tao sa kanyang kapwa.

Sexual Orientation

8
New cards

Kaparehong kasarian.

Homoseksuwal

9
New cards

Opposite sex.

Heterosexual

10
New cards

Parehong kasarian (maaaring sa lalaki at babae).

Biseksuwal

11
New cards

Hindi nagkakaroon ng atraksyon sa kahit anong kasarian.

Aseksuwal

12
New cards

Hindi tumutugma sa pisikal na saloobin.

Transgender

13
New cards

Kapag may congenital neurological intersex condition o Benjamin’s syndrome.

Transeksuwal

14
New cards

Kilalang internalised oppression na maaaring magresulta sa mental distress.

Internalised Homophobia

15
New cards

Pinagtibay ang Universal Declaration of Human Rights (UDHR) noong December, 1948.Isa itong milestone na lubos na makakaimpluwensiya sa pagbuo ng International Human Rights law.  Pinagtibay ang dalawang internasyunal na kasunduan na higit na humuhubog sainternasyonal na karapatang pantao.

United Nations General Assembly

16
New cards

tinatawag na “International Bill of Human Rights

UDHR, ICESCR at ICCPR

17
New cards

Pangalagaan ang mga karapatang pantao ng mga mamamayan.  Kinikilala bilang “National Human Rights Institution o NHRI”  Nilikha ito ng konstitusyon alinsunod ng REpublika ng Pilipinas alinsunod saSeksyon 17 (1) ng Artikulo XIII.

Commission on Human Rights

18
New cards

Magbigay proteksyon para sa dignidad, kalayaan at kagalingan ng bawat indibiduwal.

Center for Economic, Social and Cultural Rights

19
New cards

Ang lahat ng tao'y isinilang na malaya at pantay-pantay sa karangalan at mga karapatan. Sila'y pinagkalooban ng katwiran at budhi at dapat magpalagayan ang isa't isa sa diwa ng pagkakapatiran.

Artikulo 1

20
New cards

Ang bawat tao'y may karapatan sa buhay, kalayaan at kapanatagan ng sarili.

Artikulo 3

21
New cards

Malawakang pagpatay dahil sa paglilinis ng lahi o pagbabawas ng isang partikular na populasyon.

Genocide

22
New cards

Sinasaklaw ang gulo na dala ng digmaan.

War crime

23
New cards

Paraan na ginagamit upang mapasunod ang mga tao o makakuha ng impormasyon.

Torture

24
New cards

Pag-alis ng fetus o sanggol sa sinapupunan ng ina.

Aborsiyon

25
New cards

Prosesong nagpapadali sa pagkamatay ng isang tao na kinakailangang gawin ng mga doktor.

Euthanasia (Mercy Killing)

26
New cards

Mahalagang katangian ng bawat tao

Kasarian at Seksuwalidad

27
New cards

Ang bawat tao'y karapat-dapat sa lahat ng karapatan at kalayaang nakalahad sa Pahayag na ito, nang walang ano mang uri ng pagtatangi, gaya ng lahi, kulay, kasarian, wika, relihiyon, kuro-kurong pampulitika o iba pa, pinagmulang bansa o lipunan, ari- arian, kapanganakan o iba pang katayuan. Bukod dito, walang pagtatanging gagawin batay sa katayuang pampulitika, hurisdiksiyunal o pandaigdig na kalagayan ng bansa o teritoryong kinabibilangan ng isang tao, maging ito ay nagsasarili, itinitiwala, di-nakapamamahala sa sarili o nasa ilalim ng ano mang katakdaan ng soberanya.

Artikulo 2

28
New cards

Walang sino mang aalipinin o bubusabusin; ipagbabawal ang ano mang anyo ng pang- aalipin at ang pangangalakal ng alipin.

Artikulo 4

29
New cards

Walang sino mang pahihirapan o lalapatan ng malupit,di-makatao o nakalalait na pakikitungo sa parusa.

Artikulo 5

30
New cards

Ang bawat tao'y may karapatang kilalanin saan mang dako bilang isang tao sa harapng batas.

Artikulo 6

31
New cards

Ang lahat ay pantay-pantay sa harap ng batas at may karapatan sa walang pagtatangi ng pangangalaga ng batas. Ang lahat ay may karapatan sa pantay na pangangalaga laban sa ano mang pagtatangi-tanging nalalabag sa Pahayag na ito at laban sa anomang pagbubuyo sa gayong pagtatangi-tangi.

Artikulo 7

32
New cards

Ang bawat tao'y may karapatan sa mabisang lunas ng karampatang mga hukumang pambansa tungkol sa mga gawang lumalabag sa pangunahing mga karapatan na ipinagkaloob sa kanya ng saligang batas o ng batas.

Artikulo 8

33
New cards

Walang sino mang ipaiilalim sa di-makatwirang pagdakip, pagpigil o pagpapatapon

Artikulo 9

34
New cards

Ang bawat tao'y may karapatan sa ganap na pagkakapantay-pantay, sa isang makatarungan at hayag na paglilitis ng isang hukumang malaya at walang kinikilingan, sa pagpapasiya ng kanyang mga karapatan at panangutan at sa ano mang paratang nakriminal laban sa kanya

Artikulo 10

35
New cards

Ang bawat taong pinararatangan ng pagkakasalang pinarurusahan ay may karapatangituring na walang-sala hanggang di-napatutunayang nagkasala alinsunod sa batas saisang hayag na paglilitis na ipinagkaroon niya ng lahat ng garantiyang kailangan sa kanyang pagtatanggol. Walang taong ituturing na nagkasala ng pagkakasalang pinarurusahan dahil sa anomang gawa o pagkukulang na hindi isang pagkakasalang pinarurusahan, sa ilalimngbatas pambansa o pandaigdig, noong panahong ginawa iyon. Hindi rin ipapatawangparusang lalong mabigat kaysa nararapat nang panahong magawa ang pagkakasalangpinarurusahan.

Artikulo 11

36
New cards

Walang taong isasailalim sa di-makatwirang panghihimasok sa kanyang pananhimik, pamilya, tahanan o pakikipagsulatang ni sa tuligsa sa kanyang karangalan at mabutingpangalan. Ang bawat tao'y may karapatan sa pangangalaga ng batas laban sa gayongmga panghihimasok o tuligsa.

Artikulo 12

37
New cards

Ang bawat tao'y may karapatan sa kalayaan ng pagkilos at paninirahan sa loob ng mgahanggahan ng bawat estado. Ang bawat tao'y may karapatang umalis sa alin mang bansa, pati na sa kanyang sarili, at bumalik sa kanyang bansa.

Artikulo 13

38
New cards

Ang bawat tao'y may karapatang humanap at magtamasa sa ibang bansa ng pagpapakupkop laban sa pag-uusig. Ang karapatang ito'y hindi mahihingi sa mga pag-uusig na tunay na nagbubuhat sa mga pagkakasalang di-pampulitika o sa mga gawang nasasalungat sa mga layuninat simulain ng mga Bansang Nagkakaisa.

Artikulo 14

39
New cards

Ang bawat tao'y may karapatan sa isang pagkamamamayan. Walang sino mang aalisan ng kanyang pagkamamamayan ng walang katwiran ni pagkakaitan ng karapatang magpalit ng kanyang pagkamamamayan

Artikulo 15

40
New cards

Ang mga lalaki't babaeng may sapat na gulang ay may karapatang mag-asawa at magpamilya nang walang ano mang pagtatakda dahil sa lahi, bansang kinabibilanganorelihiyon. Nararapat sila sa pantay-pantay na karapatan sa pag-aasawa, sa panahongmay asawa at pagpapawalang bisa nito. Ang pag-aasawa'y papasukan lamang sa pamamagitan ng malaya at lubos na pagsang- ayon ng mga nagbabalak magkapangasawahan. Ang pamilya ay likas at pangunahing pangkat sa sangay ng lipunan at karapat-dapat sapangangalaga ng lipunan at ng Estado

Artikulo 16

41
New cards

Ang bawat tao'y may karapatang mag-angkin ng ari-arian nang mag-isa gayon dinnakasama ng iba. Walang sino mang aalisan ng kanyang ari-arian nang walang katwiran.

Artikulo 17

42
New cards

Ang bawat tao'y may karapatan sa kalayaan ng pag-iisip, budhi at relihiyon; kasama sakarapatang ito ang kalayaang magpalit ng kanyang relihiyon o paniniwala maging nagiisa o kasama ang iba sa pamayanan upang ipakilala ang kanyang relihiyon o paniniwala sa pagtuturo, pagsasagawa,pagsamba at pagtalima.

Artikulo 18

43
New cards

Ang bawat tao'y may karapatan sa kalayaan ng pagkukuro at pagpapahayag; kasamang karapatang ito ang kalayaan at kuru-kuro nang walang panghihimasok at humanap, tumanggap at magbigay ng impormasyon at kaisipan sa pamamagitan ng alin mang paraan ng pagkakalat at walang pagsasaalang-alang ng mga hanggahan

Artikulo 19

44
New cards

Ang bawat tao'y may karapatan sa kalayaan sa mapayapang pagpupulong at pagsasamahan. Walang sino mang pipiliting sumapi sa isang kapisanan.

Artikulo 20

45
New cards

Ang bawat tao'y may karapatang makilahok sa pamahalaan ng kanyang bansa, sa tuwiran o sa pamamagitan ng mga kinatawang malayang pinili. Ang bawat tao'y may karapatan sa pantay na pagpasok sa paglilingkod pambayanngkanyang bansa. Ang kalooban ng bayan ang magiging saligan ng kapangyarihan ng pamahalaan; angkaloobang ito'y ipahahayag sa tunay na mga halalan sa pana-panahon sa pamamagitan ng pangkalahatan at pantay-pantay na paghahalal at idaraos sa pamamagitan ng lihim na balota o sa katumbas na pamamaraan ng malayang pagboto

Artikulo 21

46
New cards

Ang bawat tao, bilang kasapi ng lipunan, ay may karapatan sa kapanatagang panlipunan at nararapat na makinabang sa pamamagitan ng pambansang pagsisikapat pakikipagtulungang pandaigdig at alinsunod sa pagkakabuo at mga mapagkukunanng bawat Estado, sa mga karapatang pangkabuhayan, panlipunan at pangkalinanganna lubhang kailangan para sa kanyang karangalan at sa malayang pagpapaunlad ng kanyang pagkatao

Artikulo 22

47
New cards

Ang bawat tao'y may karapatan sa paggawa, sa malayang pagpili ng mapapasukang hanapbuhay, sa makatarungan at kanais-nais na mga kalagayan sa paggawa at sa pangangalaga laban sa kawalang mapapasukang hanap-buhay. Ang bawat tao'y may karapatan sa kapantay na bayad ng kapantay na gawain, nang walang ano mang pagtatangi. Ang bawat taong gumagawa ay may karapatan sa makatarungan at nababatay sa kabayarang tumitiyak sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya ng kabuhayang karapat- dapat sa karangalan ng isang tao, at pupunan, kung kailangan, ng iba pang paraanngpangangalangang panlipunan. Ang bawat tao'y may karapatang magtatag at umanib sa mga unyon ng manggagawapara sa pangangalaga ng kanyang mga kapakanan

Artikulo 23

48
New cards

Ang bawat tao'y may karapatan sa pamamahinga at paglilibang, kasama ang mga makatwirang pagtatakda ng mga oras ng paggawa at may sahod sa mga pana- panahong pista opisyal.

Artikulo 24

49
New cards

Ang bawat tao'y may karapatan sa isang pamantayan ng pamumuhay na sapat parasakalusugan at kagalingan ng kanyang sarili at ng kanyang pamilya, kasama na ang pagkain, pananamit, paninirahan at pagpapagamot at kinakailangang mga paglilingkodpanlipunan, at ng karapatan sa kapanatagan sa panahong walang gawain, pagkakasakit, pagkabalda, pagkabalo, katandaan at iba pang kakapusan sa ikabubuhaysa mga di-maiiwasang pangyayari. Ang pagkaina at pagkabata ay nararapat sa tanging kalinga at tulong. Ang lahat ng bata, maging anak na lehitimo o di-lehitimo, ay magtatamasa ng gayon ding pangangalagang panlipunan.

Artikulo 25

50
New cards

Ang bawat tao'y may karapatan sa edukasyon. Ang edukasyon ay walang bayad, doonman lamang sa elementarya at pangunahing antas. Ang edukasyong elementarya ay magiging sapilitan. Ang edukasyong teknikal at propesyonal ay gagawing maabot nglahat at ang lalong mataas na edukasyon ay ipagkakaloob nang pantay-pantay sa lahat batay sa pagiging karapat-dapat. Ang edukasyon ay itutungo sa ganap na pagpapaunlad ng pagkatao at sa pagpapalakas ng paggalang sa mga karapatan ng tao at mga pangunahing kalayaan. Itataguyod nito ang pagkakaunawaan, pagbibigayan, at pagkakaibigan ng lahat ng bansa, mga pangkat na panlahi o panrelihiyon, at palawakin ang mga gawain ng mgaBansang Nagkakaisa sa ikapapanatili ng kapayapaan. Ang mga magulang ay may pangunahing karapatang pumili ng uri ng edukasyong ipagkaloob sa kanilang mga anak

Artikulo 26

51
New cards

Ang bawat tao'y may karapatang makilahok nang malaya sa buhay pangkalinanganngpamayanan, upang tamasahin ang mga sining at makihati sa mga kaunlaran sa siyensiya at sa mga pakinabang dito. Ang bawat tao'y may karapatan sa pangangalaga ng mga kapakanang moral at materyal bunga ng alin mang produksiyong pang-agham, pampanitikan o pansining nasiya ang may-akda.

Artikulo 27

52
New cards

Ang bawat tao'y may karapatan sa kaayusang panlipunan at pandaigdig na ang mgakarapatan at mga kalayaang itinakda sa Pahayag na ito ay ganap na maisasakatuparan

Artikulo 28

53
New cards

Ang bawat tao'y may mga tungkulin sa pamayanan sa ikaaari lamang ng malaya at ganap na pagkaunlad ng kanyang pagkatao. Sa paggamit ng kanyang mga karapatan at mga kalayaan, ang bawat tao'y masasaklawlamang ng mga katakdaan gaya ng ipinapasya ng batas ng tanging sa layunin lamangng pagtatamo ng kaukulang pagkilala at paggalang sa mga karapatan at mga kalayaanng iba at sa pagtugon sa makatarungang kahilingan ng moralidad, kaayusang pambayan at ng pangkalahatang kagalingan sa isang demokratikong lipunan. Ang mga karapatan at kalayaang ito ay hindi magagamit sa ano mang pangyayari nangnasasalungat sa mga layunin at mga simulain ng Mga Bansang Nagkakaisa

Artikulo 29

54
New cards

Walang bagay sa Pahayag na ito na mapapakahulugan ang nagbibigay sa alin mang Estado, pangkat o tao ng ano mang karapatang gumawa ng ano mang kilusan o magsagawa ng ano mang hakbang na naglalayong sirain ang nakalahad dito

Artikulo 30

55
New cards