1/45
Set ng flashcards na sumasaklaw sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks (prekwelyar na termino, sistema ng ekonomiya, salik ng produksyon, pagkonsumo, at karapatan at pananagutan ng mamimili.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Ekonomiks
Sangay ng agham panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunin ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman; nagmula sa salitang Griyego na oikos (bahay) at nomos (pamamahala).
Mikroekonomiks
Pag-aaral ng maliliit o indibidwal na yunit ng ekonomiya.
Makroekonomiks
Pag-aaral sa kabuuang ekonomiya ng bansa.
Trade-off
Pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng napiling bagay.
Opportunity Cost
Halaga ng bagay na handang ipagpalit o ‘best alternative’ na nawala sa paggawa ng desisyon.
Incentives
Mga bagay na nakakapagbago ng desisyon ng tao batay sa kapakinabangan.
Marginal Thinking
Pagsusuri ng gastos at benepisyo ng karagdagang desisyon.
Kakapusan (Scarcity)
Umiiral dahil limitado ang yaman at walang sawa ang pangangailangan ng tao.
Kakulangan (Shortage)
Pansamantalang kakulangan ng supply dahil sa kalamidad, hoarding, at iba pa.
Pangangailangan
Mga mahalagang bagay para mabuhay (hal. pagkain, damit, tirahan).
Kagustuhan
Mga bagay na nakakapagpasaya ngunit hindi kailangan (hal. gadgets, kotse).
Alokasyon
Mekanismo ng pamamahagi ng yaman, produkto, at serbisyo upang matugunan ang kakapusan.
Apat na Katanungang Pang-Ekonomiya
1) Ano ang gagawing produkto at serbisyo? 2) Paano gagawin ang produkto at serbisyo? 3) Para kanino gagawin ang produkto at serbisyo? 4) Gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo?
Tradisyonal na Ekonomiya
Nakabatay sa kultura at paniniwala.
Market Economy (Libre Market)
Ekonomiyang nakabatay sa malayang pamilihan, minimal ang papel ng pamahalaan.
Command Economy
Ekonomiya na kontrolado ng pamahalaan.
Mixed Economy
Kombinasyon ng market at command; malayang pamilihan ngunit maaaring manghimasok ang pamahalaan.
Produksyon
Proseso ng pagpapalit-anyo ng produkto sa pamamagitan ng salik ng produksyon.
Lupa
Likas na yaman at hilaw na materyales.
Paggawa
Manggagawa at lakas-paggawa.
Kapital
Gawang tao na gamit sa produksyon (makina, pera, imprastruktura).
Entrepreneurship
Kakayahan at kagustuhan magsimula ng negosyo.
White Collar Job
Gumagamit ng mental skills tulad ng guro, doktor, engineer.
Blue Collar Job
Gumagamit ng pisikal na kasanayan tulad ng karpintero, magsasaka, tubero.
Katangian ng mahusay na pamamahala at inobasyon
Mahusay na pamamahala, mataas na pakiramdam sa pagbabago, lakas ng loob, at inobasyon.
Tubo (Profit)
Kita ng entrepreneur matapos magtagumpay sa negosyo.
Pagkonsumo
Paggamit ng produkto upang matugunan ang pangangailangan at kagustuhan.
Pagbabago ng Presyo
Pagbaba o pagtaas ng presyo na nakakaapekto sa antas ng pagkonsumo.
Kita
Mas mataas ang kita, mas mataas ang pagkonsumo.
Mga Inaasahan
Panahon, kalamidad, okasyon na maaaring makaapekto sa pagkonsumo.
Pagkakautang
Mataas ang utang, mababang pagkonsumo.
Demonstration Effect
Impluwensya ng media at idolo sa pagkonsumo.
Republic Act 7394 (Consumer Act of the Philippines)
Batas na nagbibigay proteksyon at nagtatanggol sa interes ng mga mamimili.
Karapatan sa pangunahing pangangailangan
Karapatan na makakuha ng mga pangunahing pangangailangan.
Karapatan sa kaligtasan
Proteksyon laban sa mapanganib na produkto o serbisyo.
Karapatan sa palastasan (information)
Karapatan sa wastong impormasyon tungkol sa produkto/serbisyo.
Karapatang pumili
Karapatang pumili ng produkto o serbisyo na nais bilhin.
Karapatang dinggin
Karapatang maayos na marinig ang opinyon at reklamo.
Karapatang bayaran at tumbasan sa pinsala
Karapatang makatanggap ng kabayaran o tumugon sa pinsala.
Karapatan sa pagtuturo tungkol sa pagiging matalinong mamimili
Kakayahang malinaw na maunawaan ang karapatan at tungkulin bilang mamimili.
Karapatan sa malinis na kapaligiran
Karapatan sa kapaligiran na ligtas at malinis.
Pananagutan ng mga Mamimili: Mapanuring Kamalayan
Maging alisto upang maiwasan ang panlilinlang.
Pananagutan ng mga Mamimili: Pagkilos
Kumilos laban sa pandaraya at maling pagbebenta.
Pananagutan ng mga Mamimili: Pagmamalasakit na Panlipunan
Alamin ang epekto ng produkto sa lipunan.
Pananagutan ng mga Mamimili: Kamalayan sa Kapaligiran
Maging responsable sa paggamit ng likas na yaman.
Pananagutan ng mga Mamimili: Pagkakaisa
Bumuo ng samahan para sa kapakanan ng mga mamimili.