Hulwaran ng Organisasyon ng Teksto

0.0(0)
studied byStudied by 0 people
0.0(0)
full-widthCall with Kai
learnLearn
examPractice Test
spaced repetitionSpaced Repetition
heart puzzleMatch
flashcardsFlashcards
GameKnowt Play
Card Sorting

1/12

encourage image

There's no tags or description

Looks like no tags are added yet.

Study Analytics
Name
Mastery
Learn
Test
Matching
Spaced
Call with Kai

No study sessions yet.

13 Terms

1
New cards

Meyer (1982)

na kailangan ng mga mag-aaral na malaman ang organisasyon o hulwarang ginagamit ng awtor upang magamit nila ito sa kanilang pagbabasa at pagsusulat. Ganito rin halos ang pananaw ni Hayes( 1989), avon sa kanya pinatutunayan ng pag-aaral na ang kasanayan ng isang mambabasa sa pagunawa sa nilalaman ng texto ay maaaring mapabuti kung bibigyan sila ng kaalaman sa kung paano inoorganisa at inilalahad ng awtor ang kanyang pagpapaliwanag.

2
New cards

Kaayusang Kronolohikal

Kaayusang Kronolohikal

Isa sa pinakakaraniwang hulwaran ay ang Time Order, na tinatawag ding pagkakasunud-sunod ng pangyayari o kaayusang kronolohikal. Sa hulwarang ito, ang mga ideya ay inilalahad ayon sa oras o panahon ng pagkakaganap nito. Ang unang pangyayari ay nasa unang talata susundan ng ikalawa, ikatlo ... hanggang sa huling pangyayari.

3
New cards

Hambingan at Kontrast

Hambingan at Kontrast

Kadalasan nang ipinaliliwanag ng manunulat ang mga ideyang hindi pamilyar sa mga mambabasa sa pamamagitan ng pagpapakita ng pagkakatulad o pagkakaiba nito sa pamilyar na bagay o ideya. Minsan nilalayon ng manunulat na ipakita kung paano at saan nagkakatulad o nagkakaiba ang dalawang ideya, bagay, lugar o maging ang tao.

May iba 't ibang baryasyon ang ganitong hulwaran. Ang isang talata ay maaaring mag-pokus lamang sa pagkakatulad o di kaya ' y sa pagkakaiba nito o maaari ding pinagsasabay ang dalawa.

4
New cards

Sanhi at Bunga

Sanhi at Bunga

Ang pagkilala sa relasyong namamagitan sa mga sitwasyong x at y, na ang ibig sabihin ay ang sitwasyong x ang siyang sanhi ng pagkakaroon ng sitwasyong y o ang sitwasyong y ay siyang bunga o epekto ng sitwasyong x ay tinatawag na pagkilala ng sanhi at bunga. Sa pagkilala sa relasyong ito, maaari tayong magsimula sa pagsusuri ng sanhi/dahilan patungo sa epekto o mula sa bunga/epekto patungo sa sanhi.

Ang relasyong sanhi at bunga ay may kaugnayan sa pagtukoy at pagsagot sa katanungang " Bakit" sa mga sitwasyong nagaganap. Ang hulwarang sanhi at bunga ay naglalarawan at tumatalakay sa mga pangyayari nanagiging sanhi uli ng iba pang mga pangyayari.

5
New cards

uri ng Sanhi at Bunga

1. Isang Sanhi - Isang Bunga (Single Cause - Single Effect) - ang isang dahilan ay nagbubunga ng isang resulta o epekto.

2. Isang Sanhi - Maraming Bunga (Single Cause - Multiple Effects) - ang isang pangyayari ay maaaring manganak ng maraming bunga o epekto.

3. Maraming Sanhi - Isang Bunga (Multiple Causes - single Effect) - Maraming pinagmulan o dahilan na nagbunga ng isang epekto.

4. Maraming Sanhi - Maraning Bunga (Multiple causes - Multiple effects) - Maraming kadahilanan o sanhi ang nagresulta sa maraming epekto

6
New cards

Sinabi sa video: “Lahat-lahat ng gustong gawing proyekto ng ating gobyerno ay babatikusin nitong mga anti-Marcos na ito kahit ang totoo naman ay sa ikagaganda naman ng Pilipinas ang mga plano na ito ng pamahalaan. So dito pa lang ay puwede ba nating masabi na itong ginagawa ng mga tao na siraan ang administrasyon ni President Bongbong Marcos ay isa ring uri ng economic sabotage… ”

Ang katotohanan: Hindi maituturing na economic sabotage ang pagbatikos o paglalahad ng taliwas na opinyon sa mga plano ng gobyerno.

Sinabi sa video: “Lahat-lahat ng gustong gawing proyekto ng ating gobyerno ay babatikusin nitong mga anti-Marcos na ito kahit ang totoo naman ay sa ikagaganda naman ng Pilipinas ang mga plano na ito ng pamahalaan. So dito pa lang ay puwede ba nating masabi na itong ginagawa ng mga tao na siraan ang administrasyon ni President Bongbong Marcos ay isa ring uri ng economic sabotage… ”

Ang katotohanan: Hindi maituturing na economic sabotage ang pagbatikos o paglalahad ng taliwas na opinyon sa mga plano ng gobyerno.

7
New cards

Katotohanan

Katotohanan

Mga pahayag na may pagpapatunay o maaaring mapatunayan

Ito ay ang mga nagawang bagay, kasalukuyang ginagawa, binubuo, ginagampanan, aktuwal na umiiral o nariyan, subhektibo o obhektibo man ang konsiderasyon.

Ito rin ay mga pangyayaring mental o pisikal na naganap na naipapamalas. May katangian itong: (1) Batay sa pananaliksik at pagaaral, (2) Naganap na at napatunayang totoo, (3) Galing sa awtoridad, at (4) batay sa istadistika.

8
New cards

Opinyon

Mga pahayag na batay sa personal na damdamin o batay sa isang paglalahat na hindi pa napatunayan.

Ito ' y kuru-kuro o pala-palagay batay sa punto de bista ng isang tao

9
New cards

Enumerasyon o Paglilista

Enumerasyon o Paglilista

Ang enumerasyon ay listahan ng mga impormasyon. Ang mga impormasyong ito ay maaaring katotohanan, istadistika, halimbawa, at katangian. Kadalasan, walang partikular na kaayusang sinusunod sa paglalahad ng mga katangian o uring dapat isali

10
New cards

Problema at Solusyon

Problema at Solusyon

Karaniwan na inuunang talakayin ang kaligiran o pinag-ugatan ng problema at agad na isinusunod ang naiisip na solusyon. Kadalasan ding iniiwan ang solusyon sa mga mambabasa upang magkaroon sila ng aktibong partisipasyon bilang kabahagi ng problema

11
New cards

Mga Panandang Pandiskors

Ang mga pananda ay siyang naghuhudyat ng pag-uugnayan sa iba 't ibang bahagi ng pagpapahayag o diskors at siyang nagsasabi ng tungkuling ginagampanan nito. Sa Filipino, ang mga panandang ito ay kinakatawan ng mga pang-ugnay o pangatnig.

A. Mga panandang naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari o gawain

• Tulad ng pagkatapos, saka, sumunod na araw, sa dakong huli.

B. Mga pananda na naghuhudyat ng paraan ng pagkakabuo ng diskors

• 1. Naglalahad ng sunud-sunod na pangyayari (una, sunod, bilang pagtatapos)

• 2. Pagbabagong-lahad (sa ibang salita, sa madaling sabi, sa ibang pagpapahayag)

• 3. Pagtitiyak (katulad ng, tulad ng sumusunod

• 4. Paghahalimbawa (halimbawa, mailalarawan ito sa pamamagitan ng, isang magandang halimbawa nito ay)

• 5. Paglalahat (bilang paglalahat, sa madaling salita, bilang pagtatapos)

• 6. Pagbibigay-pokus (bigyang-pansin ang, pansinin na, tungkol sa, magsisimula ako sa)

C. Mga pananda na naghuhudyat ng pananaw ng awtor

12
New cards

Gamit ng Pang-ugnay (cohesive devices)

Mahalagang malaman ng mga mambabasa na ang isang texto ay hindi lamang binubuo ng magkakahiwalay na pangungusap o sugnay kung hindi ng magkakaugnay na kaisipan na maaaring inilahad, binanggit o pinag-usapan sa dakong unahan o hulihan ng texto sa tulong ng mga referensya (referents) tulad ng ito, iyon, siya, ang mga iyan, katulad noon at iba pa

Anapora (Anaphora)

mga salitang tumutukoy sa mga nabanggit na sa unahan ng texto

Catapora (Cataphora)

bumabanggit ng bagay na nasa hulihan pa ng teksto

13
New cards

Ang Suliranin ng Pambansang bayani: Si Rizal at si Bonifacio Ni Teodoro A. Agoncillo

May paniniwala si Rizal na hindi pa handa ang mga Pilipino na makibaka sapagkat walang sandata. Sa biglang malas ay matuwid siya, at ang nasirang Don Claro M. Recto, sa kanyang panayam na binigkas sa Baguio ilang taon bago siya namatay noong 1960, ay nakapagsabing si Rizal ang tunay na realista at si Bonifacio ang idealista, sapagkat ito ' y naniniwalang panahon na upang subukin ang lakas ng Espanya at ang baya ' y handang mamatay upang makamtan ang kalayaan at kasarinlan. Mapupunang magkaiba ng pananalig sina Rizal at Bonifacio: ang una ' y wala pang paniwala sa kakayahan ng bayang magtanggol sa sarili, samantala itong huli' y lubos ang paniniwala sa tining ng loob at kagitingin ng mga Pilipino.

Si Rizal ay isang Hamlet na alapaap ang loob; kung minsa ' y realista sa pagtingin sa bagay-bagay na namamasdan sa sariling bayan gaya ni Ibarra na naalisan ng piring ng idealismo, at kung minsan nama ' y idealistang lumalakad sa manipis na alapaap at napatatangay sa himpapawid. Ngunit sa katapusan, maging sa tunay na buhay at maging sa nobela, ay namayani sa kanyang buong katauhan ang romantikong idealismo.

Sa kabilang dako, si Andres Bonifacio na walang narating ay nakaunawa sa tunay na kalagayan ng bayang maralita at dahil sa wala siyang narating kaya siya naging realista sa pagtingin sa buhay at kalagayan ng lipunan. Sa ganang kanya, gaya rin naman ng katulad niyang walang narating, ang bayan ay lagi na sa mga pahirap at paglalapastangan ng mga Kastila, at ang pagkakabatid at pagkadamang ito ' y nakasalig sa kanyang pagiging bahagi ng bayan o kung sa pagturing ng Katipunan, " anak ng bayan”

Wala sa kanya ang tayog ng pag-iisip, ang pangamba 't pag-aalinlangan ng mga may narating , gaya nina Rizal, Del Pilar, Lopez Jaena at iba pang marurunong na nalulukuban ng anino ng unibersidad, kaya 't kung ano ang nakikita at nadarama ay siyang pinagbabatayan ng pansin at kuro.