1/14
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
|---|
No study sessions yet.
KLASISMO
Naglalahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang dalo y ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.
HUMANISMO
Pinaniniwalaan na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay kaya’t kailangang maipagkaloob sa kaniya ang kalayaan sa pagpapahayag sa saloobin sa pagpapasaya
IMAHISMO
Naipapahayag ang kalinawan sa mga imaheng biswal, eksaktong paglalarawan o pagbibigay anyo sa mga ideya
REALISMO
Ipinaglalaban nito ang katotohanan kaysa kagandahan. Sinumang tao, anumang bagay at lipunan ayon sa mga realista, ay dapat maging makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad. Karaniwang nakapokus ito sa paksang sosyo- pulitikal kalayaan, at katarungan para sa mga naapi.
KULTURAL
Tumutukoy sa mga kuwentong batay sa isang kulturang pinaghanguan ng kuwento o tula.
BAYOGRAPIKAL
Patungkol sa may-akda ng mga akdang pampanitikan. Siya ang nagsusulat o sumusulat ng mga akdang pampanitikan na ating nababasa magpasahanggang ngayon. Ang teoryang ito ay tumutukoy sa bakgrawnd ng may akda sa kaniyang sinulat na akda, makababasa tayo ng ilang mga pangyayaring nangyari sa tunay na buhay ng may-akda upang mas mapaganda pa nito ang paghubog sa kaniyang sinulat na akda. Kakikitaan din ito ng pilosopiya ng may akda sa dahilang nababasa ito ng kaniyang pananaw patungkol sa mga bagay na nais niyang ipabatid sa mga mambabasa.
HISTORIKAL
Ang teoryang ito ay patungkol sa pinagmulan at pag-unlad ng wikang ginamit sa mga akdang pampanitikan. Kakikitaan ang mga akda ng mga pagbabago sa paggamit ng mga salitang naaayon sa panahon at sa kultura na may kinalaman sa mga pagbabagong nagaganap sa ating bayan, kasama rito ang mga pagbabagong nagaganap sa ating lipunan, ekonomiya, edukasyon, agrikultura, at higit sa lahat ang ating pananampalataya.
MARKISMO
Ang akda batay sa kalagayan ng mga tauhan. Hinahanapan ang akda ng patunay ng mga naglalabasang lakas sa pagitan ng mahina at malakas, matalino at mangmang, duwag at matapang, mahirap at mayaman. Dito nakapaloob ang mga tauhang bida at kontrabida. May suliranin ang bida at ang gumagawa nito ay ang kontrabida. Sa teoryang ito, hindi padadaig ang naaping tauhan, babalikwas ito upang magapi ang nang-aaping lakas.
ROMANTISISMO
Kasalungat nito ang klasismo sapagkat ang higit na pinahahalagahan ay ang damdamin at guniguni. Nagpapamalas ng pag-ibig sa kalikasan, pagmamahal sa kalayaan at sa lupang sinilangan, paniniwala sa taglay na kabutihan ng tao, paghahangad ng na mga bagay espiritwalidad hindi materyal, pagpapahalaga sa dignidad hindi sa mga karangyaan at paimbabaw na kasiyahan at kahandaan magmahal sa babae/lalakeng nag-aangkin ng kapuri-puri at magagandang katangian, inspirasyon at kagandahan.
DEKONSTRAKSYON
Ito ay teoryang na maaari mong baguhin ang katapusan at maaaring magdagdag ng mga tauhan ngunit hindi maaaring buhayin ang mga namatay na sa akda.
EKSISTENSYALISMO
Hinahanapan ng katibayan ang kahalagahan ng personalidad ng tao at binibigyan halaga ang kapangyarihan ng kapasyahan laban sa katwiran
SOSYOLOHIKAL
may paksang nagbibigay ng kaapihang dinanas ng tauhan sa kuwento. Ito ay nagiging salamin sa mga tunay na nangyayari sa lipunan tulad ng pang-aapi sa mga mahihirap at pagturing dito na mababang uri.
FORMALISMO
Ang pagpapaliwanag sa anyo ng akda ang tanging layunin ng pagsusuri; samakatuwid, ang pisikal na katangian ng akda ang pinakabuod ng teoryang ito. Ang tunguhin ng teoryang ito ay matukoy ang: nilalaman, kaanyuan, o kayarian, paraan ng pagkakasulat ng akda.
FEMINISMO
Tumutukoy sa kalakasan at sa kakayahan ng tauhang babae sa isang kuwento o akda.
ARKITAYP
Layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga simbolismo sa akda.