1/69
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced | Call with Kai |
|---|
No study sessions yet.
Tekstong Naratibo
Maanyong paraan ng pagpapahayag na nag-uugnay ng mga pangyayari at may layuning magkuwento. Naglalahad ng magkakasunod-sunod na pangyayari, o simpleng nagsasalaysay.
Tekstong Naratibo
Layunin ng ___________ ang makapagsalaysay ng mga pangyayaring nakapanlilibang o nakapagbibigay aliw o saya.
Tekstong Naratibo
Layunin din nitong makapagturo ng kabutihang-asal, mahahalagang aral, at mga pagpapahalagang pangkatauhan
1. Magsalaysay nang dugtong-dugtong at magkakaugnay na pangyayari.
2. Makapagsalaysay ng mga pangyayaring nakalilibang o nakapagbibigay-aliw at saya.
3. Makapagturo ng kabutihang asal at mahahalagang aral.
Mga Layunin ng Tekstong Naratibo:
Mga Akdang Pampanitikan
Maikling Kuwento
Nobela
Mito
Kuwentong-bayan
Alamat
Epiko
Dula
Talambuhay
Parabula
Anekdota
Mga halimbawa ng Tekstong Naratibo:
Mga Akdang Pampanitikan
- Mga likhang pampanitikan na naglalaman ng malikhaing pagpapahayag ng damdamin, kaisipan, at karanasan ng tao.
Maikling Kuwento
- Isang akdang pampanitikan na may isang pangunahing tauhan, isang pangunahing suliranin, at nagtataglay ng mabilis at masining na banghay.
Nobela
Isang mahaba at masalimuot na kathang-isip na salaysay na may maraming tauhan at mas detalyadong banghay.
Mito
- Mga sinaunang salaysay na nagpapaliwanag sa pinagmulan ng mundo, tao, at kalikasan, kadalasang may diyos at diyosa bilang tauhan
Kuwentong-bayan
- Mga kwentong nagpasalin-salin sa pamamagitan ng bibig na naglalaman ng kultura, paniniwala, at kaugalian ng isang bayan.
Alamat
Isang uri ng kuwentong-bayan na nagpapaliwanag ng pinagmulan ng isang lugar, bagay, o pangyayari sa paraang kathang-isip.
Epiko
Isang mahabang tulang pasalaysay tungkol sa kabayanihan at pakikipagsapalaran ng isang pangunahing tauhan na may pambihirang kakayahan
Dula
Isang akdang pampanitikan na isinasadula sa entablado at binubuo ng diyalogo upang ipakita ang isang kuwento o pangyayari.
Talambuhay
Isang pagsasalaysay ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng isang tao, maaaring sarili niyang isinulat (autobiography) o isinulat ng iba (biography).
Parabula
Isang kwento na may aral o gintong aral na madalas ginagamit sa pagtuturo ng moralidad at pananampalataya.
Anekdota
- Isang maikling kwento na naglalarawan ng isang kawili-wili o makabuluhang pangyayari sa buhay ng isang tao, madalas ay may taglay na aral o inspirasyon.
Unang Panauhan (First-Person Point of View)
Ikalawang Panauhan (Second-Person Point of View)
Ikatlong Panauhan
Mga uri ng Punto De Vista:
Unang Panauhan (First-Person Point of View)
- Ginagamit ang "ako," "ko," "akin," "kami," at "namin."
- Ang nagsasalaysay ay bahagi ng kwento.
Ikalawang Panauhan (Second-Person Point of View)
- Ginagamit ang "ikaw," "ka," "mo," at "iyo."
- Direkta nitong kinakausap ang mambabasa.
Ikatlong Panauhan
- Ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya sa pagsasalaysay ay siya.
Ikatlong Panauhan
Ang tagapagsalaysay ay taga-obserba lang at nasa labas siya sa mga pangyayari. May tatlong uri ang ganitong uri ng pananaw:
Maladiyos na panauhan (Omniscient)
Limitadong panauhan (Limited Omniscient)
Tagapag-obserbang panauhan (Objective)
Mga uri ng Ikatlong Panauhan:
Maladiyos na panauhan (Omniscient)
Nababatid niya ang galaw at iniisip ng lahat ng mga tauhan. Napapasok niya ang isipan ng bawat tauhan at naihahayag niya ang iniisip, damdamin, at paniniwala ng mga ito sa mga mambabasa.
Maladiyos na panauhan (Omniscient)
Alam ng tagapagsalaysay ang lahat, kabilang ang iniisip at nararamdaman ng lahat ng tauhan.
Limitadong panauhan (Limited Omniscient)
- Nababatid niya ang iniisip at ikinikilos ng isa sa mga tauhan subalit hindi ang sa iba pang tauhan.
Limitadong panauhan (Limited Omniscient)
Nakatuon lang sa iisang tauhan—alam ng tagapagsalaysay ang kanyang iniisip, ngunit hindi sa iba pang tauhan.
Tagapag-obserbang panauhan (Objective)
- Hindi niya napapasok o nababatid ang nilalaman ng isip at damdamin ng mga tauhan. Tanging ang mga nakikita o naririnig niyang pangyayari, kilos, o sinasabi lang ang kaniyang isinalaysay
Tagapag-obserbang panauhan (Objective)
- Parang kamera—nakikita lang ang kilos ng mga tauhan ngunit hindi ang kanilang iniisip
Kombinasyong Pananaw o Paningin
Dito ay hindi lang iisa ang tagapagsalaysay kaya’t iba’t ibang pananaw o paningin ang nagagamit sa pagsasalaysay
Kombinasyong Pananaw o Paningin
Karaniwan itong nangyayari sa isang nobela kung saan ang mga pangyayari ay sumasakop ng mas mahabang panahon at mas maraming tauhan ang naipakikilala sa bawat kabanata.
Kombinasyong Pananaw o Paningin
- Ginagamit ang iba’t ibang pananaw sa loob ng kwento, maaaring lumipat mula unang panauhan patungo sa ikatlong panauhan o vice versa.
Direkta o Tuwirang Pagpapahayag
Di-Direkta o Di-Tuwirang Pagpapahayag
Paraan ng Pagpapahayag o Paglalahad ng mga Tauhan sa Kanilang Diyalogo, Saloobin, at Damdamin sa Tekstong Naratibo:
Direkta o Tuwirang Pagpapahayag
Ang tauhan ay direkta o tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng kanyang diyalogo, saloobin, o damdamin. Ito ay ginagamitan ng panipi
Di-Direkta o Di-Tuwirang Pagpapahayag
Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, iniisip, o nararamdaman ng tauhan sa ganitong uri ng pagpapahayag. Hindi na ito ginagamitan ng panipi.
Tauhan
Tagpuan at Panahon
Banghay
Paksa o Tema
Suliranin O Tunggalian
Resolusyon
Mga Elemento ng Tekstong Naratibo:
Tauhan
Ang nagdadala at nagpapaikot ng mga pangyayari sa isang salaysay. Sila ang kumikilos sa mga pangyayari at karaniwang nagpapausad nito.
Ekspositori
Dramatiko
Mga Paraan sa pagpapakilala ng tauhan:
Ekspositori
- Kung ang tagapagsalaysay ang magpapakilala o maglalarawan sa pagkatao ng tauhan.
Dramatiko
- Kung kusang mabubunyag ang karakter dahil sa kanyang pagkilos o pagpapahayag
Pangunahing Tauhan
Kasamang Tauhan
Katunggaling Tauhan
Ang May-akda
Mga Karaniwang Tauhan sa isang kuwento:
Pangunahing Tauhan
- bida; umiikot ang mga pangayayari sa kuwento simula hanggang sa katapusan.
Kasamang Tauhan
karaniwang kasama o kasangga ng pangunahing tauhan.
Katunggaling Tauhan
- kontrabida; siyang sumasalungat o kalaban ng pangunahing tauhan
Ang May-akda
- sa likod ay laging nakasubaybay ang kamalayan ng makapangyarihang awtor.
Tauhang Bilog (Round Character)
Tauhang Lapad (Flat Character)
Dalawang Uri ng Tauhan:
Tauhang Bilog (Round Character)
- Isang tauhang may multidimensiyonal o maraming saklaw ang personalidad.
Tauhang Lapad (Flat Character)
tauhang nagtataglay ng iisa o dadalawang katangiang madaling matukoy o predictable.
Tagpuan at Panahon
Walang pagsasalaysay o naratibo na mabubuo kung walang lugar na pinangyarihan ng kwento at panahon kung kailan ito naganap.
Banghay
Ito ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento. Ito ay tumutukoy sa paraan ng pagkakalahad ng mga pangyayari.
Pagkakaroon ng isang epektibong simula
Pagpapakilala sa suliraning ihahanap ng kalutasan
Pagkakaroon ng saglit ng kasiglahan
Patuloy sa pagtaas ang pangyayaring humantong sa isang kasukdulan
Pababang pangyayari na humantong sa isang resolusyon
Pagkakaroon ng isang makabuluhang wakas (ending)
Mga Karaniwang Banghay o Balangkas ng isang Naratibo:
Anachrony
______ o mga pagsasalaysay na hindi nakaayos sa tamang pagkakasunodsunod
Analepsis (Flashback)
Prolepsis (Flash-forward)
Ellipsis
Mga Uri ng Anachrony:
Analepsis (Flashback)
- dito ipinapasok ang mga pangyayaring naganap sa nakalipas.
Prolepsis (Flash-forward)
- dito nama’y ipinapasok ang mga pangyayaring magaganap pa lang sa hinaharap.
Ellipsis
- may mga nagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysay na tinanggal o hindi isinama.
Paksa o Tema
Ito ang sentral na ideya kung saan iikot ang mga pangyayari sa tekstong naratibo. Mahalagang malinang ito nang husto sa kabuuan ng akda upang mapalutang ng may-akda ang pinakamahalang mensaheng nais niyang maiparating sa kanyang mambabasa.
Suliranin O Tunggalian
Ang pinakamadramang tagpo ng kwento at inaasahang may maidudulot na mahalagang pagbabago patungo sa pagtatapos.
Suliranin O Tunggalian
Mula rito ay maaaring makakuha ng kaisipan o mensahe na magsisilbing layunin ng tekstong naratibo.
• Tao laban sa tao
• Tao laban sa sarili
• Tao laban sa lipunan
• Tao laban sa kapaligiran o kalikasan
Ang tunggalian ay may apat na uri:
Resolusyon
Ang kinalabasan o kinahantungan ng tunggalian o komplikasyon sa kuwento.
Diyalogo
Foreshadowing
Plot Twist
Ellipsis
Comic Book Death
Reverse Chronology
In media res
Deus ex machina
Iba’t ibang Pamamaraan sa Narasyon:
Diyalogo
Paggamit ng direktang pag-uusap ng mga tauhan.
Foreshadowing
Pagbibigay ng clue sa puwedeng maging takbo ng kuwento.
Plot Twist
Kabigla-biglang pagbabago sa takbo ng kuwento na hindi inaasahan ng mambabasa.
Ellipsis
Ang pag-aalis ng ilang bahagi upang mag-isip ang mga mambabasa
Comic Book Death
Pinalalabas na patay na ang mga mahahalagang tauhan ngunit nabubuhay sa dulo.
Reverse Chronology
Baliktad na pamamaraan dahil nagsisimula sa wakas patungong simula ang takbo ng kuwento.
In media res
Nagsisimula sa gitna ang takbo ng kuwento sa pamamagitan ng flashback.
Deus ex machina
Tinatawag din “god from the machine” Ito ay pagbabago sa problema sa kuwento na tila ba wala ng solusyon ngunit nareresolba dahil sa diinaasahang tauhan o bagay o pangyayari na hindi naman nabanggit sa umpisa ng kuwento