1/13
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
denotatibo
tumutukoy sa literal, tahas, o diksyunaryong kahulugan ng isang salita
Bato (denotatibo)
tumutukoy sa isang matigas na materyal
na mineral na karaniwang ginagamit sa konstruksiyon o paglililok. Ito ang pisikal na
bagay na hinahasa at nilililok ni Hashnu sa simula ng kuwento.
Araw (denotatibo)
ang bituin na sentro ng ating solar
system, na nagbibigay liwanag at init sa mundo. Ito ang literal na pinagmulan ng init at
sinag na hinangad ni Hashnu na magkaroon ng kapangyarihan.
Palasyo (denotatibo)
isang malaki at marangyang
tirahan, karaniwang para sa isang hari, reyna, o iba pang maharlika. Ito ang literal na
lugar na nakita ni Hashnu na nagtataglay ng yaman at kapangyarihan.
Ulap (denotatibo)
Ang mga ulap, alapaap o panganorin ay matatagpuan sa atmospera ng daigdig.
Puso (denotatibo)
ang bahagi ng katawan ng tao na nagdidikta sa ating nararamdaman. Sa puso ni
Hashnu ay hindi siya nakukuntento sa kanyang buhay.
konotatibo
Simbolismo ng salita, ito ay hindi direktang nakasaad sa diksyunaryo kundi nabubuo batay sa karanasan,
kultura, emosyon, o konteksto kung paano ginamit ang salita
Bato (konotatibo)
Maari itong
magkaroon ng konotatibong kahulugan bilang simbolo ng katatagan. Ito rin ay maaaring
kumatawan sa tunay na kakayahan at sining na natuklasan ni Hashnu sa huli, na bumalik siya sa
kanyang pinagmulan.
Araw (konotatibo)
simbolo ng sukdulang
paghahangad ng kapangyarihan ni Hashnu. Ito ang pinakamataas na antas ng kapangyarihan na
pinangarap niyang kamtin.
Palasyo (konotatibo)
simbolo ng karangyaan o
kayamanan na ninais ni Hasnu na maranasan.
Ulap (konotatibo)
nagsisimbolo ng kalungkutan na namamayani sa puso ni Hashnu sa pagnanais na
mabago ang buhay at hindi mananatiling isnag manlililok.
Puso (konotatibo)
simbolo ng pag-ibig. Kung walang pag-ibig o pagtanggap sa ating sarili at sa mga gawaing
iniatang sa atin ay hindi tayo magiging masaya.
imahen
Mas konkretong paglalarawan ng isang bagay, tao, lugar, o pangyayari sa isang akda na
nagbibigay ng isang mental na larawan sa isipan ng mga mambabasa (Visual na
representasyon)
Simbolo
Bagay, tao, o kaganapan na kumakatawan sa isang ideya o konsepto na may mas malalim
na kahulugan sa isang kuwento. Tumutulong sa pag-unawa ng tema ng kuwento.