Modyul 4: Ambagan: Mga Salita mula sa iba't ibang Wika sa Filipinas

0.0(0)
studied byStudied by 0 people
0.0(0)
full-widthCall Kai
learnLearn
examPractice Test
spaced repetitionSpaced Repetition
heart puzzleMatch
flashcardsFlashcards
GameKnowt Play
Card Sorting

1/26

encourage image

There's no tags or description

Looks like no tags are added yet.

Study Analytics
Name
Mastery
Learn
Test
Matching
Spaced

No study sessions yet.

27 Terms

1
New cards

Ambagan

proyekto ng Filipinas Institute of Translation (FIT) na ginaganap kada-dalawang taon. Nagpapanukala ito ng isang estratehiya sa pagpapayaman ng wikang Filipino – ang paghalaw mula sa kaban ng bokabularyo ng iba't ibang wika sa Filipinas upang ilahok sa korpus ng wikang pambansa.

2
New cards

Pay-yo (may variant na payaw at payew)

rice terraces o hagdan-hagdang palayan na ehemplong ito ng katutubong teknolohiyang pang-agrikultura ng mga taga-Cordillera.

3
New cards

Ifugao

nagmula sa salitang pugaw, na ang ibig sabihin ay "naninirahan sa kilalang mundo".

4
New cards

Bagol

katumbas ng "Diyos/Diyosa" sa Tagalog at "deity" sa Ingles.

5
New cards

Hudhud

katumbas ng "kuwento" sa Tagalog at "story" sa Ingles.

6
New cards

Baltung

"padyak ng paa" sa Tagalog at "foot stamping" sa Ingles.

7
New cards

Bangibang

tumutukoy sa mahabang kahoy na kabilang sa mga instrumentong umpog o patambol.

8
New cards

Dog-al

may literal na kahulugang "paalisin". Ito ay isinasagawa upang paalisin ang mga ispiritu ng mga pesteng sumisira sa kanilang mga pananim.

9
New cards

Him-ung

isinasagawa kaugnay sa paglilibing ng isang pinatay na tao.

10
New cards

Honga

tumutukoy sa mga ritwal ng pasasalamat o kagalingan.

11
New cards

Hongan di kitaguwan

ginaganap sa bahay para sa kagalingan at pagkakaroon mabuting pangalan sa lipunan ng isang pamilya.

12
New cards

Hongan di page

ginaganap sa sakahan o sa kamalig upang magkaroon ng magandang ani.

13
New cards

Hagoho

isang dalubhasang ritwal na isinasagawa sa bahay sa gabi sa pamamagitan lamang ng isang mumbaki.

14
New cards

Halupe

isinasagawa upang iwasan ang mga sumpa at masamang hangarin ng mga kaaway.

15
New cards

Dinongdong

isinasagawa hindi lamang para iwasan ang mga masasamang hangarin ng kaaway kundi para rin ibalik ito sa kanila upang magdusa at maghirap.

16
New cards

Bogwa

ang ritwal na kung saan inilalabas o inaalisan ng takip ang isang bagay mula sa isang inilibing na estado.

17
New cards

Dangli

tumutukoy sa mga hayop na isinakripisyo o pinatay sa panahon ng isang ritwal ng paghukay muli sa inilibing.

18
New cards

Bolwa

tumutukoy sa pagbabahagi ng piraso ng karne sa mga kamag-anak.

19
New cards

Yánggaw

paraan ng mga aswang na hawaan ang isang tao ng pagiging aswang nila. Kadalasan ay sa pamamagitan ng laway.

20
New cards

Yánggaw (Kaufmann)

"attraction, inclination, propensity to attract, habituate, cause a liking for, make partial to, make (grow) fond of".

21
New cards

Bag-ong yánggaw

ang aswang na pinakamatapang at pinakaagresibo. Sila ang nanunugod at nanununggab dahil atat na atat silang kumain ng tao.

22
New cards

Dëngán

isang kakaibang konseptong Panay na ang literal na kahulugan ay "kasabay." Ito ay parang "kululuwang kakambal" ng bawat tao.

23
New cards

Dëngán (Magos)

"The Dungan is the essence of life and existence. It is the 'thing' which gives animation and vitality to a person, for without it the person would get sick and die not long after the loss."

24
New cards

Sirum-sirum

katumbas ito ng "kuliglig" sa Filipino at "cricket" o "cicada" sa Ingles.

25
New cards

Nalipatan

tungkol sa mga batang refugee na nalunod dahil lumubog ang masikip at maliit na barkong sinakyan upang makatawid sa border.

26
New cards

Untata

tungkol sa mga batang pagod na sa giyera at sa isang mahinahon na tinig ay nagsasabing úntata o tigilan na ang digmaan.

27
New cards

Diin

mayroong dalawang kahulugan: "saan" sa Kinaray-a/Hiligaynon at "pagbigay halaga" sa Tagalog.