FILIPINO (1ST QUARTER)

0.0(0)
studied byStudied by 0 people
GameKnowt Play
learnLearn
examPractice Test
spaced repetitionSpaced Repetition
heart puzzleMatch
flashcardsFlashcards
Card Sorting

1/104

encourage image

There's no tags or description

Looks like no tags are added yet.

Study Analytics
Name
Mastery
Learn
Test
Matching
Spaced

No study sessions yet.

105 Terms

1
New cards

pagsusulat

Hindi natin maiaalis na palaging magkaugnay ang pagbabasa at________. Ang isang indibidwal ay hindi makapagsusulat kung walang kahit na anong tekstong nabasa.

2
New cards

Villafuerte et. al (2005).

Ang pagsulat ay lundayan ng lahat ng iniisip, nadarama, nilalayon at pinapangarap ng tao dahil nakapaloob dito ang aspetong kognitibo, sosyolohikal, linggwistikal at iba pa.

3
New cards

Bernales, et. al. (2010)

Ayon kina _______, ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o ano mang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo, at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang kaniyang/kanilang kaisipan.

4
New cards

Royo (2001)

Ayon naman kay _______, malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog ng damdamin at isipan ng tao . Sa pamamagitan nito , naipahahayag niya ang kanyang damdamin, mithiin, pangarap, agam-agam, bungang-isip at mga pagdaramdam. Dahil din sa pagsulat , nakikilala ng tao ang kanyang sarili, ang kanyang mga kahinaan at kalakasan , ang tayog at lawak ng kanyang kaisipan at ang naaabot ng kanyang kamalayan.

5
New cards

E.B. White at William Strunk

Ayon kina __________ sa kanilang Aklat na The Elements of Style, ang pagsusulat ay matrabaho at mabagal na proseso dahil sa ugnayan at koneksyon ng pag-iisip. Mas mabilis ang paglalakbay ng isip kaysa panulat.

6
New cards

pagsusulat

Ay nangangailangan ng tiyaga. Ito ay walang katapusan at paulit —ulit na proseso sa layuning makalikha ng maayos na sulatin.Kadalasan ang mga bagay na hidi natin berbal na naipahahayag ay sa pagsulat idinadaan.

7
New cards

layunin ng pagsulat

ay isinasagawa natin bunsod ng iba’t ibang layunin na maaring personal o ‘di-personal – maaring kagustuhan o pangangailangan.

8
New cards

Mabilin, Mendillo at Cruz (2011)

Ayon kay ___________. Ang pagsulat ay isang personal at sosyal na gawain kaya ito nahahati sa dalawang layunin ang personal o ekspresib at panlipunan o sosyal.

9
New cards

Personal o Ekspresib

Ito ay layuning nakabatay sa pansariling gawain kung saan ginagamit natin ang pagsulat upang ilahad ang ating nararamdaman o iniisip

10
New cards

Panlipunan o Sosyal

Ito ay layuning nagsasangkot sa tao at sa lipunang ginagalawan nito sapagkat ginagamit nating instrumento ang pagsulat upang makipag-ugnayan o makisangkot sa ating paligid na tinawag ding layuning transaksyunal.

11
New cards

Bernales et. al (2010)

Samantala, inuri naman nina ________

•Ang mga layunin ng pagsulat sa tatlo: impormatibo, mapanghikayat, at malikhain.

12
New cards

Impormatibo na Pagsulat

•Expository writings

•Ito ay naghahangad na makapagbigay ng impormasyon at mga paliwanag.

• Nakapokus ang layuning ito sa pagtalakay na teksto o paksa kagaya ng pagsulat ng report ng obserbasyon, mga estadistikang makikita sa mga libro at ensayklopidya, balita, at teknikal o business report.

13
New cards

Mapanghikayat na Pagsulat

•Persuasive writing

•Ito ay naglalayong makumbinsi ang mga mambabasatungkol sa isang katuwiran, opinyon o paniniwala.

•Pangunahing tuon nito ay ang mga mambabasa na naismahikayat o maimpluwensya ng awtor.

Halimbawa: Proposal, konseptong papel, editoryal, talumpati, at salaysay na may layuning mapanghikayat.

14
New cards

Malikhaing Pagsulat

Creative writing

•Ito ay pagsulat na layuning makapagpahayag ng mga kathang-isip, imahinasyon, ideya, damdamin o kumbinasyon ng mga ito.

•Kadalasan itong ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikan.

Halimbawa: Nobela, maikling kwento, tula at iba pang malikhaing sulatin.

15
New cards

PAKSA (TOPIC )

ito ang pangkalahatang iniikutan ng isang teksto. Mahalaga ang kawastuhan , katumpakan at kasapatan ng kaalaman ng may-akda ukol sa tinatalakay na paksa. Sa ganitong paraan ay magiging matagumpay ang isang sulatin.

16
New cards

LAYUNIN (AIM)

tumutugon ito sa tanong na "Bakit ako magsusulat?" Ang kaalaman ng may-akda sa dahilan ng pagsusulat ay makapagbibigay ng direksyon sa anyo o paraan ng paggamit niya sa wika upang mabisang makapagpahayag.

17
New cards

WIKA ( CODE)

tinutukoy nito ang uri ng wikang gagamitin at ang paraan ng paggamit nito. Mahalagang kilalanin ng awtor ang iba't ibang salik upang magamit ang wika sa pinakamasining , payak at tiyak nitong kaanyuan.

18
New cards

KOMBENSYON (CONVENTION)

ito ang estilo ng pagsulat na karaniwan sa mambabasa at manunulat. Ang paggamit sa kinasanayang paraan ng pagsulat ang siyang makapagbibigay ng maluwag na daluyan ng kaisipan sa bumabasa sapagkat ito 'y pamilyar sa kanya.

19
New cards

LITERARY DEVICES (TAYUTAY)

Isang malawak na termino para sa lahat ng teknik, estilo, at estratehiyang ginagamit ng isang may-akda upang pagandahin ang kanyang sulatin.

20
New cards

Kasanayang Pampag-iisip

-tumutukoy sa mga kakayahang mental na ginagamit ng isang indibidwal upang unawain, suriin, lumikha, magdesisyon, at magresolba ng mga suliranin.

21
New cards

Analisis

( pagtukoy sa mga kaisipang mahalaga at hindi mahalaga )

22
New cards

Lohika

( kakayahan sa mabisang pangangatwiran)

23
New cards

Imahinasyon

( pagsasama ng mga malikhain at kawili-wiling kaisipan )

24
New cards

Kabatiran sa Prosidyur ng Pagsulat

- ang wastong baybay, pagbabantas at tamang pagkakasunud-sunod ng mga kaisipan ay mahalagang pagtuunan ng pansin sa paglikha ng magandang sulatin.

25
New cards

Kasanayan sa Pagbuo

- ito ay tumutukoy sa kakayahan ng may-akda na maisulat ang buong piyesa na taglay ang kasiningan at maayos na sikwens ng mga kaisipan.

26
New cards

Pag-iisa-isa

- ang mga ideya ay isinasaayos nang pahakbang o batay sa kronolohikal na kaayusan.

27
New cards

Pagbibigay - Depinisyon

- ito ang nagpapakita kung ano ang larangan at katangian ng isang salita. Nakatutulong ito upang mabuo ang larawang kaugnay ng paksa.

28
New cards

Hambingan at Kontras

- ginagamit ito ng may-akda sa pagkilala sa mga katangian o puntos na magkakatulad at magkakaiba.

29
New cards

Pagpapaliwanag

- ito ang naglalahad ng elaborasyon o paglilinaw ukol sa paksang tinatalakay.

30
New cards

Paghahalimbawa

- ito ang nagsasaad ng mga halimbawa ng mga kaisipan o bagay na kahawig ng mga katangian ng paksang pinahahalagahan.

31
New cards

PAGBUO NG PANGUNAHING PAKSA

Ang pangunahing paksa ang pinakakaluluwa ng isang sulatin. Sa bahaging ito iikot ang pagtalakay ng manunulat, dito rin iuugnay ang mga paksang binibigyang-diin sa pagtalakay.

32
New cards

PAGBUO NG BALANGKAS

Dito makikita ang unang kabuuan ng sulatin. Matapos mabuo ang balangkas maaari nang suriin kung may kulang ba o kailangan muling iayos.

33
New cards

PANGANGALAP NG DATOS

Tinitipon ang impormasyon at datos na kinakailangan. Pagkatapos, isinasaayos batay sa pangangailangan.

34
New cards

UNANG PAGSULAT (BURADOR)

Pagkatapos ng balangkas isinasagawa ang unang pagsulat. Hindi muna binibigyang-pansin ang mga tuntunin sa pagsulat.

35
New cards

UNANG PAGREREBAYS AT PAG-EEDIT

Ginagamit upang maiayos ang kabuuan. Inaalis ang di makatutulong sa higit na pagpapahusay ng sulatin.

36
New cards

MULING PAGSULAT

Inihahandang muling sulatin ang kabuuan upang mas maging mahusay kaysa sa naunang pagsulat.

37
New cards

HULING PAGREREBAYS AT PAG-EEDIT

Ito ang pinakahuling pagrerebays at pag-eedit tungo sa pinal na pagsusulat.

38
New cards

PINAL NA PAGSULAT

Sa bahaging ito ang pagsulat ay kailangang malinis na ang pagkakasulat, wala nang mali at inaasahang ito ay maayos na maayos na.

39
New cards

Napapanahong ideya

Mga paksang pinag-uusapan sa kasalukuyan at may malaking halaga sa lipunan.

40
New cards

Orihinal na estilo

Nagpapakita ng sariling kakanyahan sa paraan ng pagsulat upang manatili ang orihinalidad.

41
New cards

Organisadong ideya

Nagpapakita nang maayos na paglalagay ng mga ideya na may ugnayan mula umpisa hanggang sa dulo ng pahayag.

42
New cards

Malinaw ang layunin sa pagsulat

Naipararating ang nais na ipakahulugan sa kabuuan ng sulatin.

43
New cards

Payak at simple ang pananalita

Inaangkop din ang nilalaman o salita batay sa bumabasa nito o pinaglalaanan ng sulatin.

44
New cards

Gumagamit ng bullet sa mga tiyAK na salita.

Upang makita ang maayos na daloy ng sulatin.

45
New cards

Isinasaalang-alang ang awdyens

Mahalagang isinasaalang-alang ang paglalaanan ng sulatin upang matukoy ang nararapat na salita na maaaring gamitin.

46
New cards

Estratehiya sa pagsulat:webbing

knowt flashcard image
47
New cards

Estratehiya sa pagsulat:Concept mapping

knowt flashcard image
48
New cards

Estratehiya sa pagsulat:Cluster diagram

49
New cards

Estratehiya sa pagsulat:Process diagram

knowt flashcard image
50
New cards

Personal na sulatin

Impormal at walang tiyak na balangkas.

51
New cards

TRANSAKSYUNAL na sulatin

Pormal at maayos ang pagkakabuo higit na binibigyang-pokus ang impormasyong nais ihatid ng manunulat.

52
New cards

MALIKHAING sulatin

Kinakailangan ng imahinasyon ng isang manunulat. Maaaring piksyon at di-piksyon.

53
New cards

akademikong sulatin

Ito ang pagsulat na higit mahalaga kaysa sa lahat, sapagkat dito, ang lahat ng kaalaman sa pagsulat ay hinuhubog, nililinang at pinapahusay.

54
New cards

teknikal na sulatin

Ito ang pagsulat na nangangailangan ng ipormasyong teknikal na kadalasan ang layunin ay lumutas ng isang komplikadong suliranin.

55
New cards

dyornalistik na sulatin

Ito ang pagsulat na inilaan para sa mga pamamahayag o pag-uulat ng balita.

56
New cards

reperensyal na sulatin

Ang sulating ito ay walang ibang layunin kundi magmungkahi ng iba pang mapagkukunang kaalamanan o sanggunian hinggil sa isang paksa.

57
New cards

propesyunal na sulatin

Sa pagsulat na ito mailalapat ang mga natutuhan mo sa akademya na may kaugnay sa iyong piniling propesyon. Dito ay susulat ka batay sa iyong larangan at batay sa iyong propesyon.

58
New cards

liham

Ang _____ay isang paraan ng pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng pagsasatitik ng mga salita.

59
New cards

korespondensya opisyal

Ang ______ ay tawag sa mga liham pantanggap upang makapagkomunikasyon ang mga pinuno at kawani ukol sa mga transaksyon at usaping pangkompanya.

60
New cards

KALINAWAN

Iwasan ang mahaba at paligoy-ligoy na kaisipan sa paggawa ng liham at korespondensya.

Itala ang mga kaisipan.

Gawing tiyak at maiksi ang mga pangungusap.

61
New cards

KAWASTUHAN

Dapat isaalang-alang ang wastong pagbabantas, pagbabaybay at wastong pagsunod sa mga alituntunin panggramatika.

62
New cards

KABUUAN NG MGA KAISIPAN

Dapat tiyakin na ang mga nilalaman ng liham ay buo at eksaktong impormasyon ang nasa isipan ng may-akda.

63
New cards

PAGKAMAGALANG

Pahalagahan ang kagandahang-asal na siyang sasalamin sa katauhan ng sumulat.

64
New cards

KAIKSIAN

Maging diretso sa pagpapabatid, iwasan ang mga pahayag na maaaring magpalabo at magpahaba ng mensahe.

65
New cards

PAGKAKAKUMBERSASYUNAL

Gawing natural ang pagpapahayag ng damdamin, iwasan ang pagiging paulit-ulit.

66
New cards

PAGKAMAPITAGAN

Palaging isaalang-alang ang damdamin at opinyong pinangangalagaan ng tatanggap ng mensahe.

67
New cards

PAMUHATAN

Bahagi ng liham na naglalaman ng detalye patungkol sa pinanggalingan ng liham. Kasama na rito ang lugar, numero at email na ginagamit sa pagkontak.

68
New cards

PETSA

Nakatala ang eksaktong panahon kung kailan ginawa ang liham.

Paraan ng pagkakasulat;

Ika-araw buwan, tao

Buwan araw,taon

Araw buwan-taon

69
New cards

PATUNGUHAN

Nakasulat dito ang pangalan ng taong tatanggap ng liham, ang kanyang titulo at katungkulan sa tanggapan, kasama rin ang address ng tanggapang patutunguhan.

70
New cards

BATING PANIMULA

Nakasaad ang angkop na pagbati ng sumulat sa kinauukulan.

71
New cards

KATAWAN NG LIHAM

Nakasaad dito ang mensahe at mga impormasyong nais ipabatid ng sumulat.

72
New cards

BATING PANGWAKAS

Nakatala dito ang magalang at mabisang paraan ng pamamaalam. Ang paggalang ay inaangkop sa antas ng pormalidad ng liham.

73
New cards

LAGDA

Dito isinusulat ang pangalan ng lumiham.

74
New cards

REFERENS INISYAL

Titik lamang ito ng pagkakakilanlan ng taong sumulat ng isang liham. Inisyal lamang ang isinusulat upang maipakita kung sino ang nagdikta at sumulat. Malaking titik (nagdikta) Maliit (nagtayp ng liham)

CTF:eff JAR:eff/06082011 JLS:JAR/eff JLS/jar:eff

75
New cards

ENCLOSURE O KALAKIP

Ito ang nagpapaalala sa taong tumanggap ng liham na may kalakip na dokumento o kasulatan. Nakasulat ito sa linya pagkatapos ng referensyal inisyal.

•Kalakip: Mungkahing Memorandum

•Mga Kalakip:Memorandum ng Kasunduan Katitikan ng Pulong Kasunduan sa Pagbabayad

• Kalakip:Gaya ng nasasaad.

76
New cards

PAKSA

Tinatawag na Subject line na nauuna nang ipabatid sa tatanggap ng liham ang layunin ng liham. Maaari itong ilagay sa itaas na linya ng pamuhatan o bating panimula.

PAKSA: Kahilingan sa Pagsasalin ng “Ten Principles of Bandung” sa Wikang Filipino.

77
New cards

ATTENTION LINE

Ginagamit ito kung nais ng lumiham nang agarang pagtugon.

Tawag-pansin: Gng. Maria Agriina Dela Cruz Records Oficer III

78
New cards

BINIBIGYANG-SIPI O

COPY FURNISHED

Ito ang nagpapakita sa taong sinulatan na may iba pang taong nakatanggap ng liham,

79
New cards

POSTSCRIPT O PAHABOL

P.S.

Dito nakatala ang mensaheng nakalimutang banggitin sa katawan g liham.

80
New cards

MGA ISTILO NG LIHAM AT KORESPONDENSIYANG OPISYAL:Ganap

na Blak

knowt flashcard image
81
New cards

MGA ISTILO NG LIHAM AT KORESPONDENSIYANG OPISYAL:Modifayd Blak

knowt flashcard image
82
New cards

MGA ISTILO NG LIHAM AT KORESPONDENSIYANG OPISYAL:May Pasok

(Estilong Indented)

knowt flashcard image
83
New cards

Uri ng Liham

knowt flashcard image
84
New cards

PAGSUSURI

Nakapagsusuri ng mga teksto sa iba't ibang larangan.

Nabibigyang kahulugan ang mga konseptong kaugnay sa tekstong binasa.

Mapalawak ang bokabularyo tungo sa mas mataas na antas na pag-unawa sa mga teksto.

Nakagagawa ng pagsusuri/pag- aanalisa sa pamamagitan ng paggawa ng pormal na sulatin

85
New cards

I. PAGSUSURI SA KABUUAN NG TEKSTO

Tingnan ang kabuuan ng akda bago tuluyang basahin. Subuking tukuyin ang layunin , nilalaman maging ang target na mambabasa ng teksto bago ito simulang basahin nang buo. Hanapin ang mga palatandaan sa mga pamagat, subtitle at iba pang bahagi ng teksto.

1.1 Sino ang sumulat ng teksto?

1.2 Sino ang target na mambabasa nito?

1.3 Anu-anong mga babasahin ang ginamit na sanggunian?

86
New cards

II. PAGTUKOY SA PANGKALAHATANG LAYUNIN AT ISTRUKTURA NG TEKSTO

Pagkatapos masuri ang artikulo sa kabuuan nito maaari nang simulan ang pagbabasa. Kailangang tukuyn ang layunin ng may akda at tisis na pahayag. Tingnan din ang konklusyon sapagkat naglalaman ito ng kabuuan ng akda.

2.1 Ano ang pangunahing kaisipan na nais ilahad ng may akda?

2.2 Ano-ano ang mga katibayang ginamit ng may akda?

2.3 Ano-ano ang limitasyong inilatag ng may akda tungkol sa teksto?

2.4 Ano ang pananaw ng may akda?

87
New cards

III. PAGBASANG MULI NG ARTIKULO

Magbibigay pansin ang paraan ng pasulat na presentasyon. Huwag lamang magpokus sa kung ano ang sinasabi ng may akda, kundi sa kung paano ito sinabi ng may akda. Masusukat ang katatagan at katotohanan ng pahayag sa pamamagitan ng mga katibayang inilahad ng may akda.

88
New cards

IV. PAGSUSURI AT PAGTATAYA NG TEKSTO

Ito ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng pagtingin sa istilo at kumbensyonal na istruktura ng katulad na artikulo.

4.1 Buo ba ang artikulo?

4.2 May katuturan at kabuluhan ba ito?

4.3 Ano ang pangunahing kahulugan at katuturan ng akda sa disiplinang kinabibilangan

nito?

89
New cards

PAGSASALIN SA TEKSTONG SIYENTIPIKO

Tatlong Paraan ng Panghihiram sa Ingles (Hango sa Aklat ni Alfonso Santiago, 2003)

90
New cards

Kunin ang katumbas na salita sa Wikang Kastila at baybayin sa Filipino.

knowt flashcard image
91
New cards

Pagbabaybay ayon sa Palabaybayang Filipino. Ang paraang ito ay karaniwang ginagamit

(a) kung hindi maaari ang unang paraan

(b) kung walang katutubong salita na magagamit bilang salita sa katawagang Ingles.

knowt flashcard image
92
New cards

HIRAM NA SALITA

Kung hindi maaaring mabigyan ng katumbas sa Filipino hiramin nang buo ang salita gaya ng cake, oxygen, keypad, coke at cellphone.

93
New cards

TEKSTONG HUMANIDADES

Ang humanidades ay hango sa salitang humanus na ang ibig sabihin ay “tumulong sa tao.”

Ito ay disiplina ng pag-aaral na tumutukoy sa sining ng biswal.

Sa pamamagitan ng tesktong ito naipapahayag ng tao ang kanyag nadarama, adhikain, pangarap, pag-asa o pangamba.

Sangay nito ang mga paksang may kaugnay sa lipunan at panitikan.

Upang makilala ang sariling kalinangan.

Sariling pagkakakilanlan.

Upang malaman ang kapintasan sa ating panitikan.

Upang makilala ang kagalingan ng panitikan.

Maging katutubo sa atin ang magkaroon ng pagmamalasakit sa panitikan.

Ang humanidades ay hango sa salitang humanus na ang ibig sabihin ay “tumulong sa tao.”

Ito ay disiplina ng pag-aaral na tumutukoy sa sining ng biswal.

Sa pamamagitan ng tesktong ito naipapahayag ng tao ang kanyag nadarama, adhikain, pangarap, pag-asa o pangamba.

Sangay nito ang mga paksang may kaugnay sa lipunan at panitikan.

Upang makilala ang sariling kalinangan.

Sariling pagkakakilanlan.

Upang malaman ang kapintasan sa ating panitikan.

Upang makilala ang kagalingan ng panitikan.

Maging katutubo  sa atin ang magkaroon ng pagmamalasakit sa panitikan.

94
New cards

Azarias

Ayon kay ____: ang panitikan ay pagpapahalaga ng mga damdamin ng tao higit sa mga bagay-bagay sa daigdig, pamumuhay, sa lipunan at pamahalaan at sa kaugnayan ng kaluluwa sa Bathalang lumikha.

95
New cards

TEKSTONG SIYENTIPIKO

Mga tesktong hango sa pananaliksik sa agham tulad ng kimika, Pisika, Biyolohiya at sipnayan at iba pa.

Halimbawa: Ang Global Warming

Kadalasang istilo nito ay sa paraang paglalahad ng, paglalarawan at pangangatwiran.

Halimbawa: Ebolusyon ng Tao

Pormal ang ginagamit na wika gaya ng mga salitang teknikal at pang-agham.

Halimbawa: X-ray,cortez, enzyme, infrared atbp.

Pangunahing layunin lamang nito ay magbigay ng mga impormasyong pang-akademiko na mula sa mahaba at masinsing pag-aaral.

96
New cards

Piling Salitang Teknikal na may Katumbas sa Filipino:Haynayan

– Biology

97
New cards

Piling Salitang Teknikal na may Katumbas sa Filipino:Mikhaynayan

– Microbiology

98
New cards

Piling Salitang Teknikal na may Katumbas sa Filipino:Mulatling Hanayan

– Molecular Biology

99
New cards

Piling Salitang Teknikal na may Katumbas sa Filipino:Sihay

- Cell

100
New cards

Piling Salitang Teknikal na may Katumbas sa Filipino:Kagaw

– Germ