1/29
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced | Call with Kai |
|---|
No study sessions yet.
bayanihan
Kilala ang mga Pilipino sa
matibay na diwa ng
pagtutulungan, lalo na sa oras
ng pangangailangan.
Humaneness
Pinahahalagahan ng mga
Pilipino ang malalim na
ugnayan sa kapwa.
Ipinapakita ito sa paggalang,
malasakit, at pag-unawa sa
iba.
Paggalang sa nakakatanda
Malalim ang paggalang ng
mga Pilipino sa matatanda.
Ipinapakita ito sa
pagmamano at paggamit ng
mga salitang “po” at “opo.”
Hospitality
Kilalang-kilala ang mga
Pilipino sa pagiging
maalaga at magiliw sa
bisita. Nag-aalok ng
pagkain, tirahan, at aliw
kahit limitado ang kanilang
kakayahan.
Strong family ties
Ang pamilya ang sentro ng
buhay Pilipino. Madalas ay
nakatira sa extended family,
isinasaalang-alang ang
pamilya sa pagdedesisyon,
at inuuna ang kapakanan ng
mga mahal sa buhay kaysa
sa pansariling interes.
Resilience
Sa kabila ng kahirapan,
kalamidad, at personal na
problema, nananatiling
masayahin at umaasa ang
mga Pilipino.
Religious/strong faith
Malaki ang papel ng relihiyon
sa buhay ng maraming
Pilipino. Nakaaapekto ito sa
kanilang pagpapahalaga,
desisyon, at pang-araw-araw
na gawain. Maging Kristiyano,
Muslim, o kabilang sa ibang
pananampalataya, karaniwan
sa mga Pilipino ang panalangin
at pasasalamat sa Diyos.
Hardworking
Masipag at masikap ang
mga Pilipino sa trabaho.
Handa silang magsakripisyo
para sa pamilya, lalo na ang
mga Overseas Filipino
Workers (OFWs) na
nagtatrabaho sa ibang
bansa upang masuportahan
ang kanilang mahal sa
buhay
Persistent
Ang mga Pilipino ay kilala
sa pagiging persistent o
hindi madaling sumuko sa
harap ng pagsubok. Kahit
maraming balakid, patuloy
silang lumalaban upang
makamit ang kanilang mga
pangarap. Ipinapakita nito
ang tibay ng loob at
determinasyon.
Patient
Ang pagiging mapagtiis ay
likas sa maraming Pilipino.
Ginagawa nila ang kanilang
trabaho nang buong husay
kahit nangangailangan ito
ng mahabang oras at
sakripisyo. Marunong silang
maghintay at magtiyaga
para sa mas magandang
resulta.
Resourceful and Creative
Ang mga Pilipino ay
maparaan at malikhain sa
pagharap sa kakulangan.
Nakakahanap sila ng
solusyon gamit ang
limitadong resources. Dahil
dito, nakagagawa sila ng
mga ideya at bagay na
kapaki-pakinabang at
kakaiba.
Cheerful
Kilala ang mga Pilipino sa
pagiging masiyahin kahit sa
gitna ng problema.
Marunong silang ngumiti at
tumawa upang gumaan ang
pakiramdam ng kanilang
sarili at ng iba. Ang
positibong pananaw na ito
ay nakatutulong sa
pagharap sa hamon ng
buhay.
Thrifty and Frugal
Ang pagiging matipid ay
mahalagang katangian ng
mga Pilipino. Marunong
silang mag-ipon at maglaan
ng pera para sa
mahahalagang
pangangailangan.
Ipinapakita nito ang
pagiging responsable sa
pananalapi.
Generosity
Ang mga pilipino ay likas na
mapagbigay lalo na sa
pamilya at kaibigan. Handa
silang tumulong kahit kaunti
ang mayroon sila. Ang
katangiang eto ay
nagpapakita ng malasakit at
pagmamahal sa kapwa.
Work Ethics
May mataas na
pagpapahalaga ang mga
Pilipino sa dangal at
katapatan sa trabaho.
Sinisikap nilang gawin nang
maayos ang kanilang
tungkulin at sundin ang mga
patakaran. Dahil dito, sila ay
pinagkakatiwalaan sa loob
at labas ng bansa.
Maka-ina
ay likas na
malambing at naghahanap
ng pag-aaruga, lalo na mula
sa pamilya. Mahalaga sa
kanila ang pakiramdam ng
alaga at kalinga, na
nagpapalakas ng ugnayan
sa isa’t isa. Ipinapakita nito
ang pagpapahalaga sa
pamilya at emosyonal na
koneksyon.
Ningas Kugon
Ito ang ugali ng
pagsisimula ng gawain
nang puno ng sigla ngunit
mabilis ding nawawalan ng
interes. Nagiging dahilan
ito ng mga gawaing hindi
natatapos at mga planong
hindi natutupad.
Mamaya Na o Manana habit
Ito ang ugali ng pag-aantala ng mahahalagang
gawain sa pag-aakalang
may oras pa. Bagama’t
minsan ay bunga ng
pagiging positibo, madalas
itong humahantong sa
stress, kakulangan sa
oras, at hindi maayos na
pamamahala ng oras.
Bahala na
Ang bahala na ay ang pag-iwan ng resulta sa kapalaran o sa Diyos, lalo na sa alanganing sitwasyon. Bagama’tnagpapakita ito ng pananampalataya at tapang, maaari rin itong maging dahilan ng kawalan ng paghahanda at responsableng pagkilos.
Crab mentality
Ito ang ugali ng paghila
pababa sa kapwa, lalo na
kapag sila ay
nagtatagumpay. Katulad
ng mga alimango sa isang
balde, imbes na
magtulungan ay hinihila
ang isa’t isa pababa.
Nagmumula ito sa inggit at
kawalan ng tiwala sa sarili.
Utang na loob
Bagama’t mahalagang
pagpapahalaga ang
pasasalamat, nagiging
negatibo ang utang na loob
kapag humahantong ito sa
bulag na pagsunod o
paggawa ng mali kapalit ng
pabor na natanggap.
hiya
Ang hiya ay pag-iwas sa
mga gawain na maaaring
magdulot ng kahihiyan.
Bagama’t nakatutulong ito
sa
pagpapakumbaba,
maaari rin itong maging
dahilan ng pananahimik sa
harap ng mali, o kawalan
ng lakas ng loob na
ipaglaban ang sarili.
Colonial Mentality
Ito ang paniniwala na mas
maganda o mas mataas
ang halaga ng mga
banyagang produkto,
kultura, o tao kaysa sa
sariling atin
pakikisama
Mahalaga sa mga Pilipino
ang pagkakaisa at iwasan
ang alitan. Ngunit kapag
sobra, nagiging dahilan ito
ng hindi pagsasalita laban
sa mali at pagsupil sa
sariling opinyon para
lamang mapanatili ang
kapayapaan.
Sore losers
Ito ang ugali ng ilan na
hirap tumanggap ng
pagkatalo o pagkakamali.
Sa halip na matuto,
nagiging dahilan ito ng
inggitan, galit, o paninisi sa
iba, na nakakasira ng
relasyon at teamwork.
Filipino time
Ang Filipino Time ay ang
ugali ng pagiging palaging
late at hindi pagsunod sa
napag-usapang oras.
Nakakaapekto ito sa
propesyonalismo at
respeto sa oras ng ibang
tao
Balat-sibuyas
Ito ay pagiging sobrang
sensitibo sa biro, puna, o
kritisismo. Dahil dito,
nagkakaroon ng hindi
pagkakaunawaan at hirap
sa bukas na
komunikasyon.
pasalubong mindset
Ito ang paniniwala na kapag
may galing abroad,
obligado silang magbigay
ng pasalubong o regalo.
Naglalagay ito ng pressure
sa mga OFW at minsan ay
nagiging pabigat sa kanila.
double standards sa mga lalake at babae
May hindi patas na
pagtingin sa asal ng babae
at lalaki, kung saan mas
mahigpit ang husga sa
kababaihan. Nagdudulot ito
ng diskriminasyon at hindi
pagkakapantay-pantay ng
kasarian.
fiesta mentality
Ito ang labis na
pagpapahalaga sa
kasiyahan kahit kapos sa
budget o may mas
mahalagang
responsibilidad. Minsan,
nauuwi ito sa utang at
pagpapabaya sa mas
mahahalagang
pangangailangan.