Looks like no one added any tags here yet for you.
Talumpati
Isang sining ng pagsasalita na maaaring nanghihikayat, nangangatwiran, at tumatalakay ng isang paksa upang sukatin ang katatasan nito.
Paghahanda
Ang proseso ng paghahanda ng sarili upang makapag-isip ng mabuti tungkol sa paksa ng talumpati.
Pagpapanatili ng Kawilihan ng Tagapakinig
Mga teknik na ginagamit upang mapanatili ang kawilihan o interes ng mga tagapakinig sa talumpati.
Pagpapanatili ng Kasukdulan
Ang paghatid sa tagapakinig sa pinakamatinding emosyon batay sa paksa ng talumpati.
Kongklusyon
Ang huling bahagi ng pagsasalita o pagbigkas ng talumpati.
Impromtu
Uri ng talumpati na biglaan at walang ganap na paghahanda.
Extempore
Uri ng talumpati kung saan masusubok ang kasanayan ng mananalumpati sa paggamit ng mga angkop na salita sa loob ng nakatakdang panahon bago ang pagbigkas.
Isinaulong Talumpati
Uri ng talumpati na isinulat muna at pagkatapos ay isinasaulo ng mananalumpati.
Pagbasa ng Papel sa Kumpensiya
Uri ng talumpati na may mas kaunting alalahanin dahil lubos na inihanda ang balangkas at argumento.
Sanaysay
Anyong pagsasalaysay na mas maikli kumpara sa iba pang anyo, naglalaman ng pananaw, pagsusuri, at opinyon ng manunulat.
Replektibong Sanaysay
Sanaysay na pumapaksa sa mga karaniwang isyu o karanasan, hindi nangangailangan ng mahabang pag-aaral.
Mga Bahagi ng Replektibong Sanaysay
Kabilang dito ang Panimula, Katawan, at Kongklusyon.
Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay
Sanaysay na nagtataglay ng mga pahayag tungkol sa karanasan sa paglalakbay.
Lakbay-Sanaysay
Sanaysay na maaaring pumaksa sa tao o mamamayan ng isang lugar.
Pictorial Essay
Larawang sanaysay na naglalahad ng isang konsepto sa pamamagitan ng maayos na pagkakasunod-sunod ng mga larawan.