ARALING PANLIPUNAN

0.0(0)
studied byStudied by 0 people
0.0(0)
full-widthCall with Kai
GameKnowt Play
New
learnLearn
examPractice Test
spaced repetitionSpaced Repetition
heart puzzleMatch
flashcardsFlashcards
Card Sorting

1/46

encourage image

There's no tags or description

Looks like no tags are added yet.

Study Analytics
Name
Mastery
Learn
Test
Matching
Spaced

No study sessions yet.

47 Terms

1
New cards

Ano ang Heograpiya?

tumutukoy sa paglalarawan ng daigdig.

2
New cards

Ano ang Kontinente?

ang pinakamalaking uri ng anyong lupa.

3
New cards

Sino si Alfred Wegener?

siya ang nagpanukala ng Teorya ng Continental Drift noong 1912, na nagsasabing ang mga kontinente ay dating isang malaking masa ng lupa.

4
New cards

Ano ang Laurasia at Gondwanaland?

ang dalawang malaking masa ng lupa na nabuo matapos mabasag ang Pangea ayon sa Teorya ng Continental Drift.

5
New cards

Ano ang Rehiyon?

Ito ay bahaging daigdig na pinagbuklod ng magkakatulad na katangiang pisikal o kultural.

6
New cards

Ano ang Lokasyong Absolute?

paggamit ng latitude at longitude upang matukoy ang eksaktong kinaroroonan.

7
New cards

Ipaliwanag ang Interaksyon ng Tao sa Kapaligiran.

Pagsusuri sa relasyon ng tao sa kanyang pisikal na kapaligiran.

8
New cards

Ano ang Plate Tectonics?

ayon dito ang mga kontinente ay nakatuntong sa mga plates o malaking tipak ng lupa na nakalutang sa magma.

9
New cards

Bakit mas umunlad ang mga sinaunang kabihasnan sa mga lugar na may malawak na anyong tubig?

ang mga sinaunang kabihasnan ay mas umunlad sa mga lugar na may malawak na anyong tubig dahil ang tubig ay nagbibigay ng pagkakataon sa kalakalan, transportasyon, at suplay ng pagkain.

10
New cards

Ano ang isang proyekto na maaaring gawin upang maiwasan ang mga sakuna tulad ng pagbaha at pagguho ng lupa?

ang pagbuo ng isang programa para sa pagtatanim ng puno sa baybayin ng ilog upang maiwasan ang pagbaha at pagguho ng lupa ay isa lamang sa mga proyekto na pwede nating gawin sa ating komunidad.

11
New cards

Bakit mainam ang lupang sakahan sa Mesopotamia?

ang lokasyon sa pagitan ng mga ilog ay nagdulot ng mainam na lupang sakahan dahil sa pag-apaw at pag-iwan ng silt o banlik.

12
New cards

Bakit tinawag na "Pighati ng Tsina" ang Ilog Huang Ho?

tinawag na "Pighati ng Tsina" dahil sa madalas nitong pagbaha at pagdulot ng kapahamakan.

13
New cards

Ano ang pinakamalaking epekto ng Ilog Huang Ho sa kasalukuyang lipunan at pamumuhay ng mga Tsino?

ang pagbuo ng mga dike sa Tsina upang kontrolin ang pagbaha ng Ilog Huang Ho.

14
New cards

Paano nakatulong ang Ilog Nile sa sinaunang kabihasnan sa Egypt?

nagdala ng matabang lupa na angkop sa pagtatanim, na nagpaunlad sa sinaunang kabihasnan sa Egypt.

15
New cards

Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng Sistema ng Pagsulat (tulad ng cuneiform ng Sumerians at hieroglyphics ng Ehipto)?

mahalaga ang pagkakaroon nito dahil ginagamit ito sa pagtatala ng kasaysayan, kalakalan, at mga batas.

16
New cards

Paano pinamumunuan ang lipunang Sumerian?

pinamumunuan ng mga hari at pari sa pamamagitan ng pampulitika at relihiyosong awtoridad.

17
New cards

Paano pinamumunuan ang lipunang Egyptian?

pinamumunuan ng pharaoh sa pamamagitan ng bloodline ng pamilya.

18
New cards

Ano ang dalawang pangunahing sinaunang kabihasnan na umunlad sa Gresya at ang kanilang pangunahing ikinabubuhay?

ito ang dalawang pangunahing sinaunang kabihasnan na umunlad sa Gresya at ang kanilang mga pangunahing ikanabubuhay ay: Minoan (mangangalakal) at Mycenaean (agrikultura).

19
New cards

Bakit naging madali ang kalakalan para sa mga sinaunang kabihasnan sa Gresya?

ang pagiging napalilibutan ng karagatan ang naging dahilan upang maging madali ang kalakalan para sa mga sinaunang kabihasnan sa Gresya.

20
New cards

Anong dagat ang pinakamahalaga para sa transportasyon at kalakal ng mga sinaunang Griyego?

ang pinakamahalagang dagat para sa transportasyon at kalakal ng mga sinaunang Griyego.

21
New cards

Ano ang Mesoamerica?

rehiyon na itinuturing na lunduyan ng mga unang kabihasnan sa America.

22
New cards

Aling kabihasnan ang kauna-unahang gumamit ng dagta ng mga punong goma?

ito ang kabihasnan na kauna-unahang gumamit ng dagta ng mga punong goma.

23
New cards

Sino ang nagtatag ng pamayanan sa Tenochtitlan noong 1325?

ang mga nomadikong tribo na nagtatag ng pamayanan sa Tenochtitlan noong 1325.

24
New cards

Sa aling lipunan malaki ang impluwensya ng relihiyon sa pamamahala at urban planning dahil katuwang ng mga pinuno ang mga kaparian?

sa lipunang ito, katuwang ng mga pinuno ang mga kaparian sa pamamahala kaya malaki ang impluwensya ng relihiyon sa kanilang pamamahala at urban planning.

25
New cards

Paano hinubog ng heograpiya ang kultura at kabuhayan ng Polynesia?

ang heograpiya ng mga maulan at mababang pulo sa Pacific Ocean ang nagpahintulot sa pagtubo ng hindi karaniwang halaman at puno, na nagpapakita ito kung paano hinubog ng kalikasan ang kanilang kultura at kabuhayan.

26
New cards

Paano maaaring ilarawan ang Daigdig sa konteksto ng ruta ng kalakalan?

ito ay maaaring ilarawan sa pamamagitan ng pagbuong isang alyansa sa pagitan ng dalawang lungsod-estado upang maprotektahan ang isang mahalagang ruta ng kalakalan.

27
New cards

Sino ang Pharaoh?

ang pinakamataas na pinuno sa lipunang Egyptian.

28
New cards

Ano ang Sistemang Varna?

ay isang sistema sa lipunang Indian na batay sa kapanganakan na hindi maaaring baguhin.

29
New cards

Sino ang Dalits?

itinuturing na pinakamababang uri sa lipunan at diskriminado batay sa Sistemang Caste.

30
New cards

Ano ang Agoge?

tawag sa paaralang militar sa Sparta kung saan ipinapadala ang mga batang lalaki sa edad na pito.

31
New cards

Sino ang mga Lalaking Mamamayan sa sinaunang lipunang Greek?

sila ang may ganap na legal na katayuan, karapatang bumoto, at karapatang magmay-ari ng ari-arian sa sinaunang lipunang Greek.

32
New cards

Paano hinubog ng heograpiya ang Sparta at anong ipinagtuunan nila ng pansin?

ang kanilang heograpiya na napapaligiran ng mga bundok ay nagbigay sa kanila ng natural na depensa na nagpapahintulot sa kanila na mag-focus sa kanilang lakas militar (matinding din sa pagsasanay at lakas militar).

33
New cards

Paano nakikilahok ang mga mamamayan sa pamamahala ng Athens?

direktang nakikilahok ang mga karapat-dapat na mamamayan sa paggawa ng desisyon.

34
New cards

Bakit naging mas maimpluwensya ang Athens sa kabihasnang Kanluranin kaysa sa Sparta?

dahil sa kanilang pag-unlad sa sining, panitikan, pilosopiya, at arkitektura.

35
New cards

Paano nagkaroon ng malaking impluwensiya ang Zoroastrianismo sa Judaismo, Kristiyanismo, at Islam?

sa pamamagitan ng pagpapakilala ng konsepto ng labanan sa pagitan ng mabuti at masama o dualismo, nagkaroon ng malaking impluwensiya ang Zoroastrianisme sa Judaismo, Kristiyanismo, at Isiam.

36
New cards

Sino si Zarathushtra?

ang kinikilalang pangunahing propeta ng Zoroastrianismo.

37
New cards

Ano ang Kristiyanismo?

ang relihiyon na nakabatay sa pananampalataya kay Hesus Kristo bilang Mesiyas o Tagapagligtas.

38
New cards

Ano ang mga katuruan ng Kristiyanismo?

pag-ibig sa Diyos at sa kapwa, pagpapatawad, at pagtanggap sa biyaya na kaugnay sa nasabing relihiyon.

39
New cards

Ano ang Relihiyon (ayon sa dokumento)?

naglalarawan ng mga paniniwala at gawi na konektado sa espirituwalidad, at pakikisalamuha ng tao sa kanyang kapaligiran, kapwa, at espirituwal na puwersa.

40
New cards

Ano ang Moksha sa Hinduismo?

konsepto sa Hinduismo na ang layunin ay makalaya mula sa sirkulo ng reinkarnasyon at makamit ang espirituwal na paglaya.

41
New cards

Saan nagmula at ano ang kahulugan ng salitang Pilosopiya (Philosophia)?

nagmula sa salitang Griyego na nangangahulugang "pag-ibig sa karunungan".

42
New cards

Paano nakatutulong ang pag-aaral ng pilosopiya?

nakatutulong sa kritikal na pag-iisip sa pamamagitan ng pagtuturo upang suriin ang mga isyu, lutasin ang problema, at gumawa ng desisyon.

43
New cards

Ano ang Ren sa Confucianismo?

ito ang tawag sa konsepto ng pagiging makatao o pagiging mabuti sa Confucianismo.

44
New cards

Anong relihiyon ang nagbibigay-diin sa paggalang sa mga kami o espiritu ng kalikasan?

binibigyang-diin ng relihiyong ito ang paggalang sa mga kami o espiritu ng kalikasan.

45
New cards

Paano ipinakita ng Shintoismo ang pagiging kasangkapan ng pampulitikang nasyonalismo sa kasaysayan ng Hapon?

sa pamamagitan ng paggamit ng relihiyon upang palakasin ang pambansang identidad at pagkakaisa.

46
New cards

Ano ang Karma sa Budismo?

ito ang mga kahihinatnan ng mga kilos at gawa sa buhay ng isang tao.

47
New cards

Ano ang Nirvana sa Budismo?

ito ang pagtamo ng espirituwal na paglaya mula sa pagdurusa na nagbibigay-inspirasyon sa milyun-milyong tao sa buong mundo.