1/18
Summative Exam
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
|---|
No study sessions yet.
Ano ang ibig sabihin ng Nasyonalismo?
Pagmamahal, katapatan, at pagpapahalaga sa sariling bayan; nagbubuklod sa mamamayan at nagtutulak sa kolektibong pag-unlad.
Ano ang Kilusang Propaganda at ano ang layunin nito?
Mapayapang reporma gamit ang pagsusulat, pahayagan, at edukasyon; kasapi ay mga Ilustrado.
Ano ang Katipunan (KKK) at layunin nito?
Lihim na kilusan na armadong nakikipaglaban; layunin: ganap na kalayaan.
Ano ang mga dahilan ng pag-usbong ng nasyonalismo sa Pilipinas?
Pang-aabuso ng Espanya, diskriminasyon, kawalan ng karapatan.
Ano ang apat na elemento ng estado?
Mamamayan, Teritoryo, Pamahalaan, Soberanya.
Ano ang Soberanya?
Kapangyarihang mamahala nang malaya; walang kontrol ng dayuhan.
Ano ang mga tungkulin ng pamahalaan?
Panatilihin ang kaayusan, ipatupad ang batas, pangasiwaan ang ugnayang panlabas.
Ano ang hindi tungkulin ng pamahalaan?
Pagtatakda ng lahi na dapat manguna; pagtatatag ng opisyal na relihiyon.
Kahulugan ng Kolonyalismo
Pananakop at direktang pamamahala sa kolonya.
Kahulugan ng Imperyalismo
Pagpapalawak ng kapangyarihang pampolitika o pang-ekonomiya.
Kahulugan ng Neokolonyalismo
Patuloy na impluwensya ng dayuhan kahit malaya na ang bansa.
Kahulugan ng Globalisasyon
Koneksyon ng mga bansa sa ekonomiya, teknolohiya, at kultura.
Epekto ng kolonyalismo/imperyalismo sa bansang pangkapuluan
Mabagal na pagbangon, kakulangan sa industriya, etnikong tensyon, kahinaan ng ekonomiya.
Mga hamon sa pagkabansa sa Timog-Silangang Asya pagkatapos ng WWII
Digmaang sibil, kahirapan, tensyon sa kapangyarihan at etniko, kakulangan sa edukasyon at oportunidad, kawalan ng baseng industriyal, malawakang katiwalian.
Halimbawa ng bansa na matagumpay sa rehiyon at bakit?
Brunei – mahusay ang pamamahala; Singapore – edukasyon, teknolohiya, disiplina; Thailand – matatag na monarkiya; Timor-Leste – nakamit ang kalayaan sa pagtitiyaga.
Ano ang Bandung Conference (1955)?
Conference sa Indonesia; 29 bansa mula Asya at Aprika; layunin: labanan kolonyalismo, itaguyod ang kapayapaan, palakasin ugnayan ng malayang bansa, suportahan pambansang identidad; naging daan sa Non-Aligned Movement.
Ano ang Non-Aligned Movement (NAM)?
Grupo ng bansa na hindi aligned sa Cold War powers; layunin: independent foreign policy, kapayapaan, economic cooperation, at self-determination.
Pagpapakita ng nasyonalismo sa personal at panlipunan
Pag-aaral ng plataporma bago bumoto, pagpili ng produktong lokal, paglikha ng positibong content tungkol sa bansa, pagtulong sa katutubong komunidad, pagtatanggol sa naaapi, pagwawasto ng maling impormasyon, responsableng pamumuno, sipag at determinasyon sa pag-aaral.
Paghahambing ng nasyonalismo noon at ngayon
Noon – laban sa mananakop; samahang makabayan, rebolusyonaryo. Ngayon – laban sa katiwalian at abuso; adbokasiya sa edukasyon at kaunlaran.