1/44
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
|---|
No study sessions yet.
INTELEKTWALISASYON NG WIKANG FILIPINO SA LARANGANG SIYENTIPIKO-TEKNIKAL
Sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang wika sa pagtuturo sa mga larangang siyentipiko-teknikal, kailangan ang intelektwalisasyon ng wika.
Malaki ang ginagampanang papel ng pagsasalin sa adhikaing intelektwalisasyon ng wika, ang pagsasa-Filipino ng iba’t ibang akda mula sa iba’t ibang wika ay isang paraan ng intelektwalisasyon ng wika.
MGA DISIPLINA SA LARANGAN NG AGHAM AT TEKNOLOHIYA
Ang salitang siyensiya o science ay mula sa salitang Latin na “scientia” na nangangahulugan ng karunungan. Ito ay higit na kilala ng mga Pilipino sa tawag na agham.
BIYOLOHIYA
Nakatuon sa pag-aaral ng buhay at mga nabubuhay na organismo kabilang ang kanilang estruktura, mga tungkulin, paglago, ebolusyon, distribusyon at taksonomiya.
KEMISTRI
Nakatuon sa komposisyon ng mga substance, properties at mga reaksyon at interaksyon sa enerhiya at sa sarili ng mga ito.
PISIKA
Nakatuon ito sa mga property at interaksyon ng panahon, espasyo, enerhiya at matter. Mula ito sa Griyego na Phusike o kaalaman sa kalikasan.
EARTH SCIENCE/HEOLIHIYA
Ito ay sumasaklaw sa pag-aaral ng mga planeta sa kalawakan, ng mga bato kung saan gawa ito at ang mga proseso ng kanilang pagbabago, at iba pang pisikal na elemento kaugnay ng pagbuo, estruktura at mga penomena nito.
ASTRONOMIYA
Pag-aaral na kinapapalooban ng pagmamasid at pagpapaliwanag ng mga kaganapang nangyayari sa labas ng daigdig at ng himpapawid nito. Pinag-aaralan nito ang pinagmulan, pagbabago at mga katangiang pisikal at kemikal ng mga bagay na napagmamasdan sa kalangitan (na nasa labas ng atmospera), pati ang mga kaugnay na mga proseso at kababalaghan.
MATEMATIKA
Ito ay siyensiya ukol sa sistematikong pag-aaral sa lohika, at ugnayan ng mga numero, pigura, anyo, espasyo, kantidad, at estruktura na inihahayag sa pamamagitan ng mga simbolo. Ang mga matematika ay lumulutas ng katotohonan o kamalian ng mga konhektura sa pamamagitan ng mga matematikal na pagpapatunay na mga argumentong sapat upang mahikayat ang ibang mga matematiko sa balidad nito.
MGA DISIPLINA SA LARANGAN NG TEKNOLOHIYA
Ang teknolohiya ay pinagsamang salitang Griyego na techne (sining, kakayahan, craft o parang kung paano ginagawa ang bagay); at logos o salita, pahayag, o binigkas na pahayag. Ang praktikal na aplikasyon ng mga impormasyon at teoryang pansiyensiya. Umaasa ito sa mga teoryang pansiyensya. Ito ang paglikha at paggamit ng iba’t ibang pamamaraan o kaugnayan ng buhay, kapaligiran, kalikasan at lipunan.
INFORMATION TECHNOLOGY (IT)
Ito ay tumutukoy sa pag-aaral at gamit ng telnolohiya kaugnay ng pagbibigay at paglilipat ng impormasyon, datos at pagpoproseso. Tumutukoy rin ito sa pag-unawa, pagpaplano, pagdidisenyo, pagbuo, distribusyon, pagpoprograma, suporta, solusyon, at operasyon ng mga software at kompyuter.
INHINYERIYA
Ito ay nagmula sa salitang Kastila na ingeniera o ingenieria. Ito ay nakatuon sa paglalapat ng agham upang matugunan ang pangangailangan ng sangkatauhan. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng aplikasyon ng mga prinsipyong siyentipiko, matematika at praktikal na karanasan upang makabuo ng mga disenyo at mapagana ang mga estruktura o makina ayon sa sistematikong proseso o pamamaraan.
METODONG IMRAD
I – INTRODUKSYON
M – METODO
R – RESULTA
A – ANALISIS
D - DISKUSYON
Introduksyon
Nakapaloob dito ang problema, motibo, layunin. Background at pangkalahatang pahayag. Bakit isinagawa ang pag-aaral? Ang mga tanong na dapat sagutin? Ano ang pinatunayan ng hipotesis?
Metodo
Nakapaloob ang mga modelo at panukat na gagamitin, ano, kailan, saan, paano, gagamitin ang materyal. Sino-sino ang sangkot? (Disenyo ng Pag-aaral, Respondente at paraan ng pagpili, Lugar ng Pag-aaral, Hakbang na Isasagawa, Instrumentong gagamitin, Istatistikang Panunuri)
Resulta
Nakapaloob dito ang resulta ng ginawang empirikal na pag-aaral. Tama ba ang hipotesis? Ipapakita ito sa pamamagitan ng mga tsart, graph, plot at iba pang graphic organizer
Analisis
Nakapaloob ang analisis ng isinagawang pag-aaral batay sa resulta.
Diskusyon
Nakapaloob dito ang diskusyon at konklusyon ng isinagawang pag-aaral. Ano ang implikasyon ng resulta? Bakit? Ano ang maitutulong nito sa lipunan sa hinaharap? May mga paglabag ba ito sa etika? Makabuluhan ba ito? Masasabi bang malaking kontribusyon ito sa sangkatauhan.
ILANG KUMBENSYON SA PAGSULAT
1. Gumagamit ng atin, kami, tayo ang sulating siyentipiko at teknikal, hindi personal
(hal. ako, ikaw at iba pa)
2. Hindi pasibo kundi aktibo
3. Nasa pangkasalukuyan (hal. matematika)
4. Maraming drowing (hal. kemistri)
ILANG HALIMBAWA NG MGA SULATIN ILAN SA MGA SULATING AKADEMIKO SA SIYENSYA AT TEKNOLOHIYA ANG MGA SUMUSUNOD:
1. Teknikal na Report
2. Artikulo ng Pananaliksik
3. Instruksyunal na polyeto o handout
4. Report Panlaboratoryo
5. Plano sa Pananaliksik
6. Katalogo
7. Teknikal na Talumpati o Papel na Babasahin sa Komprehensya
8. Report ng Isinagawang Gawain (Performance Report)
MGA HAKBANG SA PAGSASALIN (Unibersidad ng Pilipinas)
Pagtutumbas mula Tagalog/Filipino o mula sa katutubong wika ng Pilipinas
Panghihiram sa Español
Panghihiram sa Ingles; pagbabago sa baybay o pananatili ng orihinal na baybay sa Ingles
Paglikha
KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG MGA TAGA SALIN SA TEKSTONG SIYENTIPIKO AT TEKNIKAL
malawak na kaalaman sa tekstong isasalin;
mayamang imahinasyon upang mailarawan sa isipan ang mga kasangkapan o prosesong tinatalakay;
katalinuhan upang mapunan ang mga nawawala at/o malalabong bahagi sa orihinal na teksto;
kakayahang makapamili at makapagpasya sa pinakaangkop na terminong katumbas mula sa literatura ng mismong larangan o sa diksiyonaryo;
kasanayang gamitin ang pinagsasalinang wika nang may kalinawan, katiyakan, at bisa; at
karanasan sa pagsasalin sa mga kaugnay na alrangan o sisiplina.
PAMAMARAAN SA PAGSASALING SIYENTIPIKO AT TEKNIKAL
1. saling-angkat (direct borrowing);
2. saling-paimbabaw (surface assimilation);
3. saling-panggramatika (grammatical translation);
4. saling-hiram (loan translation)
5. saling-likha (word invention)
6. saling-daglat (acronyms/abbreviated word)
7. saling-tapat (parallel translation)
8. saling-taal (indigenous-concept oriented translation)
9. saling-sanib (amalgamated translation)
saling-angkat
(direct borrowing);
Halimbawa:
persepsyon mula sa Latin na perception
amnesya mula sa Ingles na amnesia
sikolohiya mula sa Kastila na psicologia
mahal mula sa Bahasa Malaysia na mahal
salin mula sa Javanese na salin
saling-paimbabaw
(surface assimilation);
Halimbawa:
reimporsment mula sa reinforcement
suggestment mula sa suggestion
its depends mula sa it depends
bolpen mula sa ballpen
tsaa mula sa cha
saling-panggramatika
(grammatical translation);
Halimbawa:
inter-aksyong sosyal ---- social interaction
kumperensyang internasyunal ---- international conference
reaksyong abnormal ---- abnormal reaction
saling-hiram
(loan translation)
Halimbawa:
paghuhugas-isip para sa brainwashing
alon ng tunog para sa sound waves
alon ng utak para sa brain waves
susing-panalita para sa keynote speaker
saling-likha
(word invention)
Halimbawa:
punlay (punla+buhay) – sperm
banyuhay (bagong anyo ng buhay) - metamorphosis
balarila (bala ng dila) - grammar
saling-daglat
(acronyms/abbreviated word)
Halimbawa:
BSU-Batangas State University
LPU-Lyceum of the Philippines University
UB-University of Batangas
TAPSILOG - Tapa-Sinangag-Itlog
saling-tapat
(parallel translation)
Halimbawa:
panaderya para sa bakery
Lesson Plan para sa guro
saling-taal
(indigenous-concept oriented translation)
Halimbawa:
Pakikitungo (transaction/civility with)
Pakikisalamuha (inter-action with)
Pakikilahok (joining/participating)
saling-sanib
(amalgamated translation)
Halimbawa:
gahum (Cebuano) para sa hegemony
hinupang (Hiligaynon) para sa adolescence
Haynayan
(biology)
isang natural na agham na nauukol sa pag-aaral ng buhay at mga nabubuhay na organismo
Mikhaynayan
(microbiology)
isang natural na agham ukol pag-aaral sa miktataghay o microorganism
Mulatling Haynayan
(molecular biology)
pag-aaral ng mga istruktura at tungkulin
ng mulatil o molecule sa mga nabubuhay na organismo
Palapuso
(cardiologist)
isang dalubhasa ng palapusuan o cardiology
Palabaga
(pulmonologist)
isang dalubhasa ng palabagaan o pulmonology
Paladiglap
(radiologist)
isang dalubhasa ng paladiglapan o radiology
Sihay
(cell)
ang pinakapayak na kayarian ng mga buhay na organismo
Muntilipay
(platelet)
mga selula o sihay na may mahalagang papel sa pagpagaling ng mga sugat na dumadaan sa daluyan ng dugo
Kaphay
(plasma)
isang bahagi ng dugo na ang pangunahing trabaho ay ang
transportasyon ng mga ensyma, nutrisyon, at hormona
Iti, daragis, balaod
(tuberculosis)
impeksyon sa baga na nagmumula sa isang uri ng ishay o bacteria, ang Myobacterium tuberculosis
Sukduldiin, altapresyon
(hypertension)
isang medikal na kondisyon kung saan ang presyon ng dugo sa mga malaking ugat ay labis na mataas
Mangansumpong
(arthritis)
ang pamamaga sa mga kasu-kasuan na nagiging sanhi ng kawalan ng kakayahang maiunat o maibaluktot at paninigas ng bahaging ito
Piyo
(gout)
isang uri ng mangansumpong o rayuma na dulot ng abnormal na metabolismo ng uric acid.
Balinguyngoy
(nosebleed)
pagdurugo ng ilong