1/54
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Teksto
isang babasahin na naglalaman ng mga ideya tungkol sa iba't ibang tao o impormasyon tungkol sa mga bagay bagay.
Tekstong Deskriptibo
Ang deskriptibong teksto o deskripsyon o paglalarawan ay naglalayong bumuo ng malinaw na larawan sa isip ng mga mambabasa.
Ito ay may layuning maglarawan ng isang bagay, tao, lugar, karanasan, sitwasyon at iba pa.
Ang uri ng sulating ito ay nagpapaunlad sa kakayahan ng mag-aaral na bumuo at maglarawan ng isang partikular na karanasan.
Nagbibigay ang sulatin na ito ng pagkakataon na mailabas ng mga mag-aaral ang masining na pagpapahayag.
Karaniwang Deskripsyon
kung nagbibigay ng impormasyon ayon sa pangkalahatang pagtingin o pangmalas.
Masining na Deskripsyon
kung ito ay nagpapahayag ng isang buhay na larawan batay sa damdamin at pangmalas ng mayakda.
Tekstong Naratibo
Tekstong may layunin na mag salaysay ng magkakaugnay na pangyayari.
Halimbawa ay sariling karanasan o maari din ang mga pangyayaring likhang isip lamang.
Ginagamit din sa mga ulat na naglalahad ng mga aktibidad ng isang kumpanya o organisasyon, testimonya ng saksi sa isang krimen o pangyayari, tala o record ng mga obserbasyon ng isang doctor, at iba pang katulad nito.
Mabuting Pamagat
Maikli
Kawili wili o kapana-panabik.
Nagtatago ng lihim o hindi nagbubunyag ng wakas, orihinal o hindi palasak.
Hindi katawa-tawa, kung ang komposisyon ay wala naming layunin na magpatawa.
May kaugnayan sa paksa o diwa ng komposisyon.
HALIMBAWA
"Ang Kalupi" ni Benjamin Pascual
Mahalagang Paksa
Nasa estilo at orihinalidad ang buhay ng isang narasyon.
Maaring gawing bago ang lumang paksa.
Mabuting Simula
Kailangang maging kawili-wili.
Maging tiyak at tuwiran sa simula pa lamang ng kwento.
Iwasan ang pag gamit ng "Noong unang panahon... Isang araw, habang..., Minsan, may isang... at Ang kwentong ito ay tungkol sa... ang mga ito ay paso na."
Mabuting Wakas
Kailangang maging kawili-wili katulad ng iyong simula.
Iwasan ang prediktibol na wakas kung kaya maigi kung maglalagay ng twist na makatwiran ang narasyon.
Iwasan ang pangangaral sa iyong wakas, maari itong ipahiwatig na lamang sa pamamagitan ng mga simbolismo at pahiwatig.
Tekstong Ekspositori
nagpapaliwanag o naglalahad ng mga kaalaman hinggil sa anumang paksang saklaw ng kaalaman ng tao.
nililinaw ang mga katanungan sapagkat tinutugunan nito ang pangangailangan ng mga mambabasa na malaman ang kaugnay na ideya.
Depinisyon
Isang estilo ng pagbibigay ng kahulugan sa di-pamilyar na termino o mga salitang bago sa pandinig at susulat ng isang sanaysay o ano pa man
termino
salitang binibigyang kahulugan
uri
class o specie
kung saan kabilang o nauuri ang terminong binigyan kahulugan
natatanging katangian
distinguish characteristics
kung paano ito naiiba sa mga katulad na uri
paggamit ng sinonim
paggamit ng mga salitang kapareho ang kahulugan
intensibong pagbibigay kahulugan
paggamit ng termino, uri, at natatanging katangian
ekstensibong pagbibigay kahulugan
pinapalawak dito ang kahulugang ibinigay o tinalakay sa intensib na pagbibigay kahulugan
denotasyon
Karaniwang kahulugan o kahulugang mula sa diksyonaryo
konotasyon
Di- tuwirang kahulugan o matalinhagang kahulugan
enumerasyon
pag-iisa-isa ay nauuri sa dalawa, simple at komplikadong pag-iisa-isa.
simple
ito ay ang pagtalakay sa pangunahing paksa at pagbabanggit ng mga kaugnay at mahahalagang salita.
komplikado
pagtalakay sa pamamaraang patalata ng pangunahing paksa at mga kaugnay na kaisipan na naglilinaw sa paksa. Sa ikalawang uri ng sunod-sunod o nang magkakahiwalay at magkakaugnay na talata ang mga bagay na inisa-isa.
pagsusunud-sunod o order
sikwensyal o kronolohikal
Sikwensyal
ayon sa diksyonaryo ay serye o suno-sunod ng mga bagay na konektado sa isa't isa at ang kronolohiya naman ay mga pagkakasunod-sunod ng mga bagay. Bagama't magkaiba ang kahulugan ng mga salitang ito sa diksyonaryo, di-maipagkakailang halos magkatulad ang kahulugan ng dalawang ito.
kronolohikal
ang teksto kung ang paksa nito ay mga tao o kung ano pa mang bagay na inilalahad sa isang paraan batay sa isang tiyak na baryabol tulad ng edad, distansya, tindi, halaga, lokasyon, posisiyon, bilang, dami atbp.
prosidyural
Isang uri ng teksto tungkol sa serye ng mga gawain upang matamo ang inaasahang hangganan o resulta.
Paghahambing at pagkokontrast
Isang tekstong nagbibigay-diin sa pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawa o higit pang tao, bagay, kaisipan o ideya at maging ng pangyayari.
problema at solusyon
Pagtalakay ito sa isa o ilang suliranin at paglalapat ng kalutasan ang pokus ng hulwarang ito.
sanhi at bunga
Tinatalakay ang mga kadahilan ng isang bagay o pangyayari at mga epekto nito.
argumentasyon
o pagmamatuwid
ay nasa dakong huli ng sa pag-aaral ng mga uri ng teksto.
Hindi magkakaroon ng sapat, malinaw at mabisang argumento kung wala munang matibay na kaalaman at kakayahan sa mga naunang paraan ng pagpapahayag.
Kailangan ang mabisang panghihikayat at di-mapasubaling pagsisiwalat ng mga prinsipyo at paninindigan.
Ang argumento o pakikipagtalo ay paraan upang ilahad o igiit ang katotohanan at hikayatin/paniwalain ang iyong mambabasa sa iyong panig.
Nakasalalay ang katagumpayan ng teksto sa mga ebidensyang sumusuporta sa bawat argumento.
simula
Nakasaad sa panimula/simula ang paksa ng teksto.
Layon ng panimula o pambungad na ihanda ang mga mambabasa.
Mahalagang makuha ng manunulat ang atensyon at damdamin nila.
Magbanggit ng mga bagay na gigising sa kamalayan ng mambabasa.
Magbigay ng personal na reaksyon o pananaw tungkol sa paksa.
gitna/katawan
Magsisilbing dahilan ng mga mambabasa upang manatiling tapat sila sa pagbasa.
Kinakailangang maayos na maihanay at maipaliwanag ang mga argumento at katwiran.
Ang bawat katwiran ay kailangan masuportahan ng mga ebidensya, datos o istatiska, pahayag ng mga awtoridad o di kaya'y mga kolaborativ na pahayag mula sa aklat sa mga magazine, dyaryo at iba pang babasahin
wakas
Ang huling suntok, kumbaga sa boksing, na magpapabagsak sa kalaban.
Kailangang maging tuwiran, payak, mariin, malinaw at mabisa.
Kailangang tinitiyak sa pagwawakas na ang sinumang maaring may taliwas na opinyon ay makukumbinsi na ng manunulat.
blakenship
pananaliksik sa human kinetics
tukuyin ang problema
unang hakbang o proseso sa pananaliksik
inilalahad sa paraang patanong at sasagutin sa pananaliksik
rebyuhin ang literatura
Ito ang magtuturo sa mananaliksik kung ano-ano na ang mga pag-aaral na isinagawa kaugnay ng paksang pampananaliksik, kung paano isinagawa ang mga naunang pag-aaral, at ang mga konklusyon at rekomendasyong nilikha ng iba pang mananaliksik
Linawin ang problema
Sa hakbang na ito, inaasahang ang manananliksik ay hahantong sa mga problemang researchable at higit na limitado ang pokus kumpara sa orihinal na natukoy na problema.
Malinaw na Bigyang-Kahulugan ang mga Termino at Konsepto
Ang mga termino at konsepto ay mga salita o parirala na ginagamit para sa layunin ng paglalahad ng layunin at deskripsyon ng pag-aaral
Ilarawan ang Populasyon
Ang mga proyektong pampananaliksik ay maaaring nakapokus sa isang tiyak na pangkat ng mga tao, pasilidad, programa, istatus, gawain o teknolohiya.
Idebelop ang Plano ng Instrumentasyon
Nagsisilbi itong mapa sa kabuuan ng pag-aaral.
Tinutukoy dito kung sino-sino ang sangkot sa pag-aaral, maging paano at kailan kokolektahin ang mga datos.
Kinapapalooban din ito ng maraming desisyon at konsiderasyon kaugnay kung paano suriin ang mga datos na makokolekta.
Kolektahin ang mga Datos
Napakakritikal na hakbang ito sa panananliksik dahil dito makukuha ang mga impormasyong kailangan upang masagot ang mga katanungang inilalahad sa Mga Suliranin ng Pag-aaral.
sarbey,
kwestyoner,
Interbyu
Obserbasyon
suriin ang mga datos
Ang mga resulta ng pagsusuri ay kanya ring rerebyuhin at lalagumin batay sa mga katanungang inilahad sa Mga Suliranin ng Pag-aaral.
Isulat ang papel pampananaliksik
Sa hakbang na ito kailangang:
Maisulat o maiencode ang papel ayon sa itinakdang pormat ng paaralan
Maging maingat hinggil sa grammatical at typographical errors
Isaalang-alang ang kaisahan(unity), pagkakaugnay-ugnay(coherence), at diin(emphasis) sa pagsulat ng talataan.
isulat ang resulta ng pag aaral
Sa hakbang na ito, iniuulat ng mananaliksik sa paraang pasalita ang resulta ng pag-aaral.
Karaniwang isinasagawa ito sa pamamagitan ng talakayang panel kung ang pananaliksik ay ginagawa nang pangkatan.
Ang resulta ng pananaliksik ay ineebalweyt din ng panel ng mga eksperto.
Name-calling
ang pagbibigay ng hindi magandang puna o taguri sa katunggali upang tangkilikin
Name-calling
karaniwan sa mundo ng pulitika
Glittering Generalities
magaganda at nakakasilaw na pahayag ukol sa isang produkto
Ethos
ang karakter, imahe, reputasyon, ng tagapagsalita
Logos
lohikal na pangangatwiran o pagmamatuwid ng tagapagsalita
Pathos
ginagamit ang galit, awa o emosyon upang manghikayat
Transfer
ang paggamit sa isang sikat na personalidad upang maipalipat sa isang produkto o tao ang kasikatan
Testimonial
kapag ang sikat na personalidad ay tuwirang nag-eendorso sa isang produkto o tao
Plain Folks
ang mga sikat o kilala na tao ay ipinapalabas na ordinaryong tao upang manghikayat sa boto o produkto
Card Stacking
ipinapakita ang mabuting at magagandang katangian ng produkto ngunit hindi ibinabanggit ang hindi magandang katangian
Bandwagon
panghihikayat upang gamitin ang isang produkto dahil lahat ay gumagamit na