Looks like no one added any tags here yet for you.
Tagalog
Katutubong wika ng Maynila (Luzon)
Wikang Pambansa ng Pilipinas
dalawamput isang titik
Ilang titik ang wikang Pilipino
dalawamput walong titik
Ilang titik ang wikang Filipino
Pilipino
Wikang Pambansa ng 1945
21 na alpabeto (A Ba Ka Da)
salitang tagalog
banyagang salita
Filipino
Dahil sa pag-unlad, paglago at pagdevelop ng bansa ay umunlad at
lumalawak din ang wika
Noong 1987 sa pamamahala ni Pangulong Corazon Aquino ay
pinalitan ang wikang Pilipino ng wikang ______
Katutubo
Tinatanggap pa rin ang wikang banyaga ngunit ang pinagbatayan ng wikang pambansang ito ay ang mga Wikang _____.
Unang Wika (L1)
Ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang
unang itinuturo
katutubong wika
mother tongue
Ikalawang Wika (L2)
Nagkakaroon ng exposure sa iba pang wika sa kanyang paligid.
Ikatlong Wika (L3)
Nagagamit ang wikang ito sa pakikiangkop niya sa mundo niyang lumalawak.
Monolingguwalismo
tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa.
Bilingguwalismo
Paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang dalawang ito ay kanyang katutubong wika. -Leonard Bloomfield (1935)
Multilingguwalismo
ang kakayahan ng isang tao na magsalita o gumamit ng dalawa o higit pang wika o lingguwahe na sa antas na kaya itong gamitin
Pilipinas
Ang bansang ______ ay isang bansang multilingguwal
Heograpikong Lokasyon
Barayti ng wika sa lipunan kung saan ang pangkat ng mga tao na nagsasalita ay napaghihiwalay ng mga pulo, kabundukan, at tubigan.
Diyalekto
Barayti ng wika sa lipunan na tinawag ding bernakular na palasak sa isang lugar ng bansa.
Dayalek ng sosyal
Uri ng Dayalek kung saan naiiba sa heograpikal na dayalek dahil ito ay ginagamit nang iba’t ibang uri nang tao sa lipunan. Halimbawa nito’y Jargon
Diskretong Dayalek
Ito ay hiwalay sa ibang dayalek na dulot sa heograpikaong lokasyon at pagiging “distinct” na dayalekto.
Dayalektikal na Baryasyon
pagbabahagi ng salita sa ibang aksent o pagbigkas ng wika sa loob ng isang “language area”
etnolek
Salitang nagmula sa pinagsamang etniko at dialek. Taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko
pidgin
“nobody’s native language”
kapag may dalawang taong nakikipag-usap subalit pareho silang may magkaibang unang wika kaya’t di magkaintindihan dahil hindi nila alam ang wika ng isa’t isa.
Creole
wikang nagmula sa pidgin, pagpapasimple ng wika galing sa dalawa o higit pang mga wika
Idyolek
Ito ang pagkakaiba ng wika sa loob ng diyalek at inihahalintulad sa fingerprints ng isang tao na tanging kanya lamang.
Noli de Castro “Magandang Gabi, Bayan!”
Sosyolek
nakabatay sa katayuan o istatus ng gumagamit sa wika.
Conyo “Let’s make kain na”
Jargon
ekslukisbong salita o leksikon ng iba’t ibang pangkat ng mga propesyonal.
Ekonomiks “Allocation, scarcity, demand, supply at iba pa”
Register
ito’y paggamit ng iba’t ibang anyo ng wika batay sa uri at paksa ng talakayan, tagapakinig o kaya ang okasyon.
Larangan
Uri ng Register kung saan naayon ito sa larangan ng taong gumagamit nito.
Modo
Uri ng Register na nagpapakita paano isinasagawa ang uri ng komunikasyon
Tenor
uri ng Register ayon sa relasyon ng mga nag-uusap
Homogenous wika
pare-parehong magsalita ang lahat na gumagamit.
Pambansa/Lingua Franca
Mga salitang ginagamit sa mga aklat, babasahin at sirkulasyong pangmadla na pinalabas sa buong kapuluan at lahat ng paaralan.
dila
Ang ____ bilang aparatus sa pagbuo ng makabuluhang tunog at salita. Ang mekanismo ng tao sa pakikipagtalastasan.
Ponolohiya
(tunog)
Morpolohiya
(salita)
Sintaksis
(parirala/sugnay, pangungusap)
Semantiks
(kahulugan ng mga salita)
Diskors
(palitan ng pangungusap)
Ang wika’y sinasalitang tunog
tunog na nabubuo sa pamamagitan ng interaksyon ng iba’t ibang aparato sa pagsasalita tulad ng bibig, dila, ngipin, ngalangala (velum) at gilagid (gums).
Ang wika ay arbitraryong simbolo ng mga tunog
Ito ay kumakatawan sa isang bagay, idea, aksyon, o pangyayari
Ang wika ay komunikasyon
Ito ay kasangkapan ng komunikasyon ng dalawa o higit pang taong nag-uusap.
Ang wika ay pantao
Isang eksklusibong pag-aari ng tao ang wika. Tao ang lumilikha, tao rin ang gumagamit.
Ang wika ay nakabatay sa kultura
Kultura ang tunay na libro ng nakaraan, kasalukuyan at hinaharap ng bayan.
ang wika ay natatangi
Bawat wika ay may kaibahan sa ibang wika.
Pinipili at isinasaayos
mayroong sistematikong pagkakaayos at pagkakapili ang bawat salita.
ang wika ay ginagamit
dapat ang wika ay gagamiting ng bawat nilalang dahil ang hindi paggamit ng wika ay mamatay ito at sa palaging paggamit ng wika ito naman ay mabubuhay.
ang wika ay makapangyarihan
nagagawa ng isang wika na mapukaw ang damdamin at mapilit ang isang indibidwal o grupo ng mga indibidwal upang kumilos patungo sa iisang layunin
ang wika ay malikhain
may kakayahan ang anumang wika na makabuo ng walang katapusang dami ng pangungusap.
ang wika ay dinamiko
nagbabago ito dahil sa impluwensya ng panahon at kasaysayan
Pormal
ito ay mga salitang pamantayan dahil na kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng karamihang nakapag-aaral sa wika. kalimitang ginagamit sa mga paaralan at sa iba pang mga pangkapaligirang intelektwal.
rehiyonal
Uri ng Lingua Franca kung saan ang mga salita o wika nito ay pangkalahatang ginagamit sa isang rehiyon bilang midyum sa anumang uri ng pakikipagtalastasan.
nasyonal
naging midyum sa pangkalatang pangkat ng mga tao kahit na ang nagsasalita ay mula at nabibilang sa iba ibang dako ng kapuluan
pampanitikan
mga salitang matatayog, malalalim, makukulay at kadalasay ginagamit ang salita sa ibang kahulugan
Impormal
salitang karaniwan at palasak sa mga pang araw-araw na pakikipagusap at pakikipagsulatan sa mga kakilala.
Lalawiganin
antas ng wikang impormal na ang mga salita ay kilala lamang ng pook na pinaggagamitan nito
Kolokyal
Antas ng wika kung saan ang mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na hinalaw sa pormal na mga salita
Balbal
ito ang mga salitang kilala o pinakamababang antas ng wika bilang salitang kanto, kalye, panlansangan o katumbas nito sa ingles na “slang”
Basic Interpersonal Communicative Skills (BICS)
pakikiusap, pagsang-ayon, pagbati, pag-imbita, pasasalamat at pagpapahayag ng galit, tuwa, hinanakit, gulat at iba pa.
Cognitive Academic Language Proficiency (CALP)
akademikong wika, sapagkat kadalasan itong ginagamit sa mga sitwasyong nangangailangang ng mataas o kritikal na pag-iisip
BICS - pang instrumental
(manipulate) pagalawin ng tagapagsalita ang kanyang kausap
BICS - regulatori
kokuntrulin ang mga pangyayaring naganap at nagbibigay daan para alalayan ang pakikisalamuha o pakikipagusap na sumang ayon, di sumang ayon at pagaalay at pagabala(disrupt) sa gawa of kilos ng kausap.
BICS - panginteraskyonal
nagagamit ang wika upang bumuo ng relasyon o ugnayan
BICS - pampersonal
nagagamit ang wika upang ipahayag ang nararamdaman, opinyon at sariling identidad
CALP - Pangheuristiko
gamit ng wika bilang kagamitan sa pagtuklas, pagkatuto ng kaalaman at pagunawa tungkol sa kapaligiran o daigdig.
CALP - pang imahinasyon
nagagamit ang wika upang maipahayag ang malikhaing kaisipan
CALP - pangrepresentasyonal
nagagamit ang wika sa pagpaparating, pagbibigay at pagpapalitan ng katotohanan at impormasyon
tayutay
salita o pahayag na ginagamit upang bigyang-diin ang mga kaisipan o damdamin sa pamamagitan ng mga mabisa, matalinghaga, makulay, at kaakitakit na pananalita.
Simili o Pagtutulad
kagaya, katulad, parang, anaki’y, animo, kawangis, gaya, tila, kasing, -sing, atbp.
Metapora o pagwawangis
paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng mga kataga o pangatnig.
Pagpapalit-tawag
tumutukoy sa pagpapalitan ng katawagan o ngalang tinutukoy nito
Sinekdoke
uri ng tayutay na nagbabanggit sa isang bahagi, konsepto o kaisipan.
pagmamalabis o eksaherasyon
pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin, kalagayan, o katayuan.
Pagtawag o Apostrophe
ang pakikipag usap sa karaniwang bagay ay mistulang pakikipag-usap sa isang buhat na tao. (pangangalan)
Personipikasyon
nagbibigay buhay o nagsasaad ng kilos upang buhayin ang mga bagay. (pandiwa)
Paglilipat-wika
nagpapahayag sa mga bagay na wala buhat ng mga katangian na ginagamit sa tao sa pamamagitang ng pang-uri. (pang-uri)
Pag-uyam o Irony -
(kaibaw nata unsay pasabot sa irony)
telebisyon
- Ang _____ ay itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami ng mamamayang naaabot nito.
radyo
Katulad ng telebisyon, Filipino rin ang nangungunang wika sa _____. Ang halos lahat ng mga estasyon ng _____sa AM man o sa FM ay gumagamit ng Filipino at iba’t ibang barayti nito.
Balagtasan
ay isang uri ng patimpalak o paligsahan ng talino sa pagtula na kung saan ay isa sa mga tanyag at kinikilalang tradisyunal na anyo ng panitikang Pilipino.
Fliptop
Ito’y pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap. Nahahawig ito sa balagtasan dahil ang mga bersong nira-rap ay magkakatugma bagama’t sa fliptop ay hindi nakalahad o walang malinaw na paksang pagtatalunan.
Pick up lines
May mga nagsasabing ang ___ ____ ____ ay makabagong bugtong kung saan may tanong na sinasagot ng isang bagay na madalas maiuugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto ng buhay.
Hugot lines
Ang ____ _____ na tinatawag ding love lines ay isa pang patunay na ang wika nga ay malikhain. Hugot lines ang tawag sa mga linya ng pag-ibig na nakakakilig, nakatutuwa, cute, cheesy, o minsay nakakainis.