1/29
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Kaluhulgan ng pagsasalin
Eugene A. Nida, 1964
Ang pagsasalin ay pagbuo sa tumatanggap na wika ng pinakamalapit at likás na katumbas ng mensahe ng simulaang wika, una ay sa kahulugan at ikalawa, ay sa estilo
Kaluhulgan ng pagsasalin
Theodore H. Savory, 1968
Ang pagsasalin ay maaaring maisagawa sa pamamagitan ng pagtutumbas sa ideyang nasa likod ng pananalita
Kaluhulgan ng pagsasalin
Mildred L. Larson, 1984
Ang pagsasalin ay muling pagbubuo sa tumatanggap na wika ng tekstong naghahatid ng kahalintulad na mensahe sa simulaang wika subalit gumagamit ng mga piling tuntuning gramatikal at leksikal ng tumatanggap na wika
Kaluhulgan ng pagsasalin
Peter Newmark, 1988
Ang pagsasalin ay isang pagsasanay na binubuo ng pagtatangkang palitán ang isang nakasulat na mensahe sa isang wika ng gayon ding mensahe sa ibang wika
Priyoridad sa pagsasalin
Kahulugan
Estruktura
Estilo
Pinaglalaanang tao
Dalawang elementong dapat mayroon sa pagsasalin
SL (source language o simulaang lengguwahe)
TL (target language o tunguhang lengguwahe)
Pagsasalin
Nagmula sa salitang Latin na “translatio” na nangangahulugang “pagsalin”.
Hindi na kailangang tawaging “pagsasaling-wika” dahil ito ay redundant. Sa saliksik ni Almario sa Vocabulario de la Lengua Tagala (1754), ang kahulugan ng “salin” ay transladar (paglalapat ng salita para sa salitang nasa ibang wika)
Isang matandang kawikaang Italiano ang “traduttore, traditore” na nangangahulugang “tagasalin, taksil”
Layunin/ kahalagahan ng pagsasalin
Magdagdag ng mga impormasyon at kaalaman mula sa pag-aangkat ng mga kaisipan mula sa ibang wika
Mailahok sa pambansang kamalayan ang iba’t ibang katutubong kalinangan mula sa iba’t ibang wikang rehiyonal at pangkating etniko sa bansa
Mapagyaman ang kamalayan sa iba’t ibang kultura sa daigdig mula sa pagbubukas ng bagong mundo mula sa mga salin
Mga Larang ng Araling Salin (Williams at Chesterman 2002)
text analysis and translation
translation quality assessment
translation of literary and other genres
multi-media translation
translation and technology
translation history
translation ethics
terminology and glossaries
translation process
translator training
translation profession
Saklaw ng Araling Salin
Almario, 2016
Ang tinatawag ngayong aralin sa pagsasalin (translation studies) ay isang malawak na bukirin at patuloy na nililinang dahil sa matindi at patuloy na lumalaking pangangailangan sa pagsasalin sa buong mundoÂ
Pagsasaling Siyentipiko at Teknikal
KabĂlang dito ang lahat ng pagsasalin tungkol sa purong agham, aplayd na agham, at teknolohiya.
Mas abstrakto at mas mahirap isalin ang mga tekstong siyentipiko (purong agham) ngunit may estandardisado na itong mga termino na makakatulong sa pagsasalin.
Ang mga tekstong teknikal (aplayd na agham at teknolohiya) ay mas kongkreto, mas kolokyal at mas madaling unawain.
Layunin ng pagsasaling teknikal na mailahad ang mahahalagang impormasyon sa paraang madali, maayos at epektibo
Sa pagsasaling teknikal, hindi mahalaga ang estilo basta basta ang nilalamang impormasyon ay maisalin nang hindi nababago mula SL tungong TL (Landers, 2001).
Pagsasaling Pampanitikan
Sinasalamin nito ang imahinatibo, intelektuwal at intuwitibong panulat ng may-akda; natatangi ang tekstong pampanitikan dahil sa estetika o ganda nito
Mga katangian ng tekstong pampanitikan ayon kay Belhaag (1997):
Nagpapahayag ng damdamin (ekspresibo)
Bukás sa iba’t ibang interpretasyon (konotatibo, subhetibo)
Nakatuon sa anyo at nilalaman
Hindi kumukupas at para sa kahit sinong mambabása
May tendensiyang tumaliwas sa mga tuntuning pangwika
Mga uri ng salin
Pagsasaling Siyentipiko at Teknikal
Pagsasaling Pampanitikan
Sino ba ang tagasalin?
Enani, 1997
“Isang manunulat na lumilikha ng kaniyang idea para sa mambabása. Ang tanging kaibahan lámang niya sa orihinal na may-akda ay ang ideang kaniyang ipinahahayag ay mula sa huli”
Sino ba ang tagasalin?
Coroza, 2012
Ang pagsasalin ay lampas sa lingguwistikong gawain. Ang tagasalin ay isang tunay na mananaliksik, manunuri, at malikhaing manunulat”
Sino ba ang tagasalin?
Lucero, 1996
Sa pagsasalin ng mga rehiyonal na wika tungong Filipino, may tatlong pangunahing tungkulin ang tagasalin:Â
Tagasalin
tagabuo ng kasaysayang pampanitikan,Â
tagapag-ambag sa pagbubuo ng kanon ng panitikang Pilipino
Mga katangian ng isang mahusay na salinÂ
Ayon sa Summer Institute of Linguistics (SIL), may tatlong katangiang dapat taglayin ang isang mahusay na salin:
C – clear (malinaw)
A – accurate (wasto)
N – natural (natural ang daloy)
Mga katangian ng isang mahusay na salinÂ
Kasanayan sa Pagbása at Panunuri
Kasanayan sa Pananaliksik
Kasanayan sa Pagsulat
Kasanayan sa Pagbása at Panunuri
Paulit-ulit na pagbása sa akda hanggang lubos na maunawaan ang nilalaman nito
Pagpapasya kung paano tutumbasan ang bawat salita lalo na iyong mga salitang siyentipiko, teknikal, kultural at may higit sa isang kahulugan
Pag-unawa sa antas ng wikang ginamit, estilo ng may-akda, kulturang nakapaloob sa teksto, at iba pang katangiang lampas sa estruktura
Kasanayan sa Pananaliksik
Kasama rito ang:
paghahanap sa kahulugan ng di-pamilyar na mga salita sa mga sanggunian (diksiyonaryo, ensiklopidya, at iba pa)
pananaliksik tungkol sa bakgrawnd ng may-akda, kulturang nakapaloob sa akda, atbp.
pagkilala sa target na mga mambabása
Kasanayan sa Pagsulat
Ito ang masalimuot ng proseso ng paglikha ng salin at patuloy na rebisyon nito upang ganap na maging natural sa TL at sa mambabása.
Pagsunod sa mga tuntuning panggramatika (hal., Ortograpiyang Pambansa)
Kaalaman sa dalawang wikang sangkot sa pagsasalin at sa estruktura ng mga ito
Pag-aayon ng kaayusan ng salita at pangungusap sa estruktura ng TL
Itinuturing ba ang pagsasalin na isang regular na trabaho sa Pilipinas? Paano?
Hindi pa
Biláng na biláng ang mga institusyong may permanenteng trabaho para sa tagasalin gaya ng KWF ngunit ang iba pa ay freelance na trabaho lámang. Kada proyekto ang bayaran. Hindi regular ang suweldo, walang benepisyo, maaaring putulin (i-terminate) anumang sandali.
Ano-ano ang mga kalipikasyon ng isang propesyonal na tagasalin?
Halos ang itinuturing lang na kalipikasyon ay ang kaalaman sa dalawang wikang sangkot sa pagsasalin. Ngunit wala pang komprehensibong kalipikasyon gaya ng pagkompleto sa mga pagsasanay, sertipikasyon bĂlang tagasalin o pagpasá sa isang estandardisadong pagsusulit sa gobyerno.
Magkano ang karaniwang suweldo ng isang tagasalin sa ating bansa?
Wala pang estandardisadong kompensasyon.Â
Ito ay nakadepende sa iaalok ng kompanya o ipepresyo ng tagasalin. Dahil dito, bukás ito sa eksploytasyon o pag- abuso. Maaaring baratin ng kompanya ang tagasalin o presyuhan nang labis ng tagasalin ang kompanya.
Paano pinalalakas ng mga tagasalin sa Pilipinas ang kanilang hanay?
Itinayo ng UST ang kauna-unahang Sentro sa Salin sa bansa.
Nagtuturo din ito ng Panimulang Pagsasalin (FIL 2).
Umiiral ang mga propesyonal na organisasyon ng mga tagasalin gaya ng FIT, PATAS, at iba pa. Bukod sa pormal na digri (PhD Filipino – Pagsasalin sa UPD) at mga kurso sa pagsasalin, tulóy-tulóy rin ang mga pagsasanay sa pagsasalin.
Bibliya
Isa sa mga unang tekstong naisalin
San Agustin
Iginiit ni ——- na sadyang wasto ang Septuagint, ang bersiyong Griyego ng Ebanghelyo ng mga Ebreo dahil ayon sa alamat, 70 Griyegong Hudyo ang nagsalin nito ngunit nagkaisa sila sa salin bagama’t magkakahiwalay silang nagsalin.
Sa kaniyang Letter to Pammachius (395 AD), pinaboran ni San Geronimo ang salita-sa-salitang salin ng Bibliya dahil “ang mismong paghahanay ng salita ay isang misteryo.”
Pinagtalunan din kung ang pagsasalin ay isang sining o agham
Ang pagsasalin daw ay agham dahil sa pinagdaraanan nitong proseso.
Ang pagsasalin naman daw ay sining dahil sa ginagawa ditong muling paglikha
Doctrina Cristiana (1593)
Ang unang aklat na nailimbag
ay salin ng mga pangunahing dasal at tuntunin ng Simbahang Katolika.
Minako O’Hagan (2002)
ang lokalisasyon ay isang proseso upang mahawi ang mga hadlang pangkultura upang magkaroon ng epekto sa bawat target na bansa .
Kailangang lumikha ang pagsasalin ng “pang-akit na domestiko” sa target na pook upang mabisà ng mailipat ang anumang impormasyon at kaalaman.