1/22
Yunit 1
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
|---|
No study sessions yet.
WIKA (HUTCH)
Ito ay sistema ng mga tunog, arbitraryo na ginamit sa komunikasyong pantao
Constantino (2007),
ang wika ay maituturing na behikulo ng pagpapahayag ng damdamin, isang instrumento sa pagtatago at pagsisiwalat ng katotohan.
MENDOZA 2007
ang wika ay personal ang gamit ng wika sa pagpapahayag ng personalidad at damdamin ng tao. Nakasalalay ang mga pangungusap na padamdam o anumang saloobin
GLEASON
•ang wika ay masistemang balangkas na sinasalitang tunog na isinasaayos sa paraang arbitraryo. Ang mga tunog ay hinugisan/binigyan ng mga makabuluhang simbolo na pinagsama-sama upang makabuo ng salita na gamit sa pagbuo ng mga kaisipan.
DR. FE ORANES 2002
matutuhan ang wika upang sila ay makapaghanapbuhay, makipamuhay sa kanilang kapwa at mapahalagahan nang lubusan ang kagandahan ng buhay na kanilang gingalawan.
WIKA
•Inilalarawan bilang identidad ng isang bayan o bansa, kaluluwa o sumasalamin sa ating kultura at ang nag uugnay sa isa't isa.
•Ang lahat ng wika ay binubuo ng mga tunog.
•Ang lahat ng wika ay may katumbas na simbolo o sagisag
• Ang lahat ng wika ay may estruktura.
•Ang lahat ng wika ay nanghihiram.
•Ang lahat ng wika ay dinamiko.
•Ang lahat ng wika ay arbitraryo.
kalikasan ng wika
ABRIL 2015
bunsod ng petisyon ng Tagapagtanggol ng Wikang Filipino ( Tanggol Wika) ay naglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema para ipahinto ang pagtanggal sa Filipino at panitikan sa Kolehiyo.
ABRIL 2018
ay inilabas ng CHED ang CMO No. 04, Series of 2018 upang ipatupad ang nasabing resolusyon ng Korte Suprema.
COMMISSION ON HIGHER EDUCATION
CHED
GENERAL EDUCATION CURRICULUM
GEC
TEMPORARY RESTRAINING ORDER
TRO
SALIGANG BATAS 1987, ARTICLE 14, SECTION 6
FILIPINO ang WIKANG ginagamit ng mga naninirahan sa PILIPINAS , ang pambansang wika ng mga PILIPINO.
SEKYON 6
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa sa salig na umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang edukasyon.
SEKYON 7
Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga't walang ibang itinadhana ang batas , Ingles. Ang wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opisyal ang Espanol at Arabic.
PRIMUS INTERES PARES
nangunguna sa lahat ng magkakapantay ang wikang Filipino bilang wikang pambansa sa kontekstong multilinggwal at multikultural ng Pilipinas.
K-12
dahil dito, sa unang mga taon sa elementarya , ang namamayaning wika o inang wika ay ang ( mother tongue) sa bawat rehiyon ang aktwal na ginagamit panturo , alinsunod sa patakaran ng Mother Tongue -Based Multilingual Education (MTB-MBLE)
GIMENEZ MACEDA 1997
ang wikang pambansa ang wikang higit na makakapagbigay -tinig at kapangyarihan sa mga tagawalis, drayber, tindero at tindera , at iba pang ordinaryong mamamayan ng bansa na gumagamit nito, at kaugnay nito, ang paggamit ng Filipino bilang wika ng pananaliksik at akademikong diskurso ay makapagpapalawak sa kaaalaman at makapag-aalis sa agwat na namamagitan sa intelektwal at masa.
GLOBALISASYON
pandaigdig sistema ng malayang kalakalan o free trade na isinagawa sa pamamagitan ng pag-alis ng taripa , nananatiling mahalagang panangga sa daluyong ng kultural na homogenisasyon.
LUMBERA (2003)
sa espasyo ng sariling wika at panitikan maaaring harapin at labanan ang kultura ng globalisasyon upang kalusin ang negatibong bisa nito sa lipunang Filipino.
LUMBERA
ang wika at panitikan natin ay buhay na katibayan ng ating kultura at kasaysayan.
GUILLERMO 2014
Araling Pilipinas, Araling Pilipino, Araling Filipino, Filipinolohiya, Philippine Studies iba-iba man ang katawagan , ang ubod ng mga terminolohiyang ito'y tumutukoy sa FILIPINO bilang larangan, bilang isang disiplina na esensya ay interdisiplinaryo o nagtataglay ng “mahigpit na pag-uugnayan at interaksyon ng dalawa o higit pang disiplina upang makamit ang higit pang disiplina upang makamit ang higit na paglilinaw at pag-unawa hinggil sa isang partikular na usapin”
CONSTANTINO 2015
Sa artikulong “Intelektuwalismo sa Wika”, ang kahalagahan ng ganap na intelektwalisasyon ng paggamit ng Filipino sa iba't ibang larangan tungo sa pagpapaunlad hindi lamang ng wikang Filipino, kundi ng kaisipang Pilipino mismo:
“ Ang wika ay mas mabilis na uunlad kung ito'y ginagamit sa seryosong pag-iisip at hindi lamang pambahay, panlansangan o pang-aliw. Ang wikang katutubo ay yumayabong ay nakatutulong sa katutubong isip”.