FILIPINO FLASHCARDS

5.0(1)
studied byStudied by 174 people
GameKnowt Play
learnLearn
examPractice Test
spaced repetitionSpaced Repetition
heart puzzleMatch
flashcardsFlashcards
Card Sorting

1/38

encourage image

There's no tags or description

Looks like no tags are added yet.

Study Analytics
Name
Mastery
Learn
Test
Matching
Spaced

No study sessions yet.

39 Terms

1
New cards

Adyenda

Nagmula sa pandiwang Latin na agere na nangangahulugang napagkasunduan. Ito ay isang dokumentong naglalaman ng listahan ng mga pag-uusapan at dapat talakayin sa isang pagpupulong

2
New cards

Pulong

Pagtitipon ng dalawa o higit pang indibidwal ng mga organisasyon o grupong kinabibilangan. Ipinapatawag ang ganitong pagtitipon kung may sapat na dami ng mga paksa o isyung dapat pag-usapan

3
New cards

Katitikan ng Pulong

Opisyal na record ng pulong ng isang organisasyon, korporasyon, o asosasyon. Tala ng mga napagdesisyonan at mga pahayag sa isang pulong

4
New cards

Travelogue

Maaaring dokumentaryo, pelikula, palabas sa telebisyon o ano mang bahagi ng panitikan na nagpapakita at nagdodokumento ng iba’t ibang lugar na binisita at mga karanasan dito ng isang turista at dokumentarista.

5
New cards

Piktoryal na Sanaysay

Ito ay isang sulatin na mas maraming mga larawan kaysa sa salita. Nakatutok ito sa isang tema, maging ito man ay isang paksa tulad ng digmaan, o isang pictorial essay tungkol sa isang partikular na estado.

6
New cards

Replektibong Sanaysay

Kritikal na repleksyon ukol sa nabasa, napanood, narinig, naranasan, o kamalayan. Naglalaman ng reaksyon, damdamin, at pagsusuri

7
New cards

Bionote

Isang sulating nagbibigay ng mga impormasyon ukol sa isang indibidwal upang maipakilala siya sa mga tagapakinig o mambabasa.

8
New cards

Micro-Bionote

Makikita sa mga social media bionote o business card bionote.

9
New cards

Maikling Bionote

Bionote ng may-akda sa isang aklat.

10
New cards

Mahabang bionote

Ginagamit sa pagpapakilala sa isang natatanging panauhin/ tagapagsalita.

11
New cards

Portfolio

Isang koleksyon ng mga komposisyon o awtput. Layunin nitong ipakita ang pag-unlad ng kaalaman at kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral, manunulat sa loob ng isang termino o taong aralan.

12
New cards

Pabalat

Ang pamagat na mapipili ay kakatawan sa nilalaman ng İyong Portfolio, sa iyong naging karanasan sa pagsulat, at maging sa iyong mga natutunan.

13
New cards

Pamagating Pahina

Nilalaman nito ay ang pamagat ng iyong Portfolio, ang iyong pangalan at kinabibilangang pangkat, pangalan ng iyong guro, at ang araw ng pagpasa

14
New cards

Prologo

Intoduktoring talataan. Ipinaliwanag dito ang napili mong pamagat ng iyong portfolio, kung bakit mo iyon napili. Ilarawan ang mga nilalaman ng iyong Portfolio. Maaari ding maglahad dito ng Pag-aalay at Pasasalamat. Iminumungkahing gumamit dito ng pananaw na ikatlong panauhan.

15
New cards

Talaan ng nilalaman

Tumutukoy sa pahinang kakikitaan ng iyong ginawa, ang anyo at pamagat ng bawat isa, mula una hanggang huli.

16
New cards

Kalipunan ng mga Sulatin

Naaayos batay sa pagkakasunod-sunod.

17
New cards

Epilogo

Isang replektibong talataan. Ilarawan ang iyong mga naging karanasan sa pagsulat ng sulatin at ang mahahalagang kaalamang iyong natutunan. Iminumungkahi ang paggamit ng ikatlong panauhan sa halip na unang panauhan.

18
New cards

Rubriks

Pamantayan sa pagmamarka.

19
New cards

Bionote

Impormasyon ukol sa may akda

20
New cards

tatlo

Sulatin ang agenda _______ o higit pang araw bago ang pagpupulong

21
New cards

lima

Magtalaga lamang ng hindi hihigit sa ______ paksa para sa agenda

22
New cards

48

Dapat isulat ang katitikan sa loob ng ____ oras upang maipabatid sa mga may nakatalagang tungkulin ang kanilang mga gagawin, at upang malaman ng mga di-nakadalo ang mga naganap 

23
New cards

isa; dalawa

Ang pagsulat ng repleksyong papel ay nararapat na ______ hanggang _________ pahina lamang

24
New cards

ikatlo

Iminumungkahing gumamit ng ___________ panauhan sa pagsulat ng prologo

25
New cards

Posisyong Papel

Ito ay isang detalyadong ulat ng polisyang karaniwang nagpapaliwanag, nagmamatwid o nagmumungkahi ng isang partikular na kurso ng pagkilos.

26
New cards

Depinadong Isyu

Ang posisyong papel ay hinggil sa mga kontrobersyal na isyu, mga bagay na pinagtatalunan ng mga tao. Ang isyu ay maaaring mula sa isang partikular na okasyon o sa isang nagaganap na debate.

27
New cards

Klarong Posisyon

Kailangang mailahad nang malinaw ng awtor ang kanyang posisyon hinggil sa paksa. Ang adbentahe ng estratehiyang ito ay nalalaman na agad ng mambabasa ang kinatatayuan ng awtor.

28
New cards

Mapangumbinsing Argumento

Hindi maaaring ipagpilitan lamang ng awtor ang kanyang paniniwala. Kailangan niyang maisaalang-alang ang mga posibleng nagsasalungatang argumento na maaari niyang sang-ayunan o kontrahin, matalinong pangangatwiran at ebidensya.

29
New cards

Matalinong Katuwiran

Kailangang malinaw na maipahayag ang isang argumento, maipaliwanag ang mga pangunahing sumusuporta sa posisyon, maiwasan ang pangmamaliit sa oposisyon at iba pang maling pangangatwiran. Sa halip, isaisip ang layuning matumbok ang katotohanan..

30
New cards

Solidong Ebidensya

Kailangan ding magbanggit ang awtor ng iba't ibang uri ng ebidensyang sumusuporta sa kanyang posisyon

31
New cards

Anekdota, Awtoridad, Estadistika

Tatlong Solidong Ebidensya

32
New cards

Anekdota

upang palakasin at ilarawan ang argumento

33
New cards

awtoridad

ang testimonya nito na maalam sa isyu at nagbibigay kredebilidad sa argumento.

34
New cards

estadistika

kailangang mailahad kasama ang pinaghanguan ng impormasyon

35
New cards

Kontra Argumento

Kailangang isaalang-alang ng awtor ang mga nagsasalungatanh pananaw na maaaring kanyang iakomodeyt o pabulaanan.

36
New cards

Impormal at kolokyal, Seryoso, Matapang

Tatlong angkop na tono

37
New cards

Impormal at kolokyal

pagtatangkang makipagdaupan sa kanilang mga mambabasa

38
New cards

Seryoso

hindi ipagpalagay ng mambabasa na hindi sineseryoso ng manunulat ang isyu

39
New cards

Matapang

Mabigat na issue