Q4 - Filipino ( Last Knowt :c )

0.0(0)
learnLearn
examPractice Test
spaced repetitionSpaced Repetition
heart puzzleMatch
flashcardsFlashcards
Card Sorting

1/46

encourage image

There's no tags or description

Looks like no tags are added yet.

Study Analytics
Name
Mastery
Learn
Test
Matching
Spaced

No study sessions yet.

47 Terms

1
New cards

Talumpati

Ang pagsasalita ng harapang panghihikayat, o ___, ay isang larangan ng sining na nagpapakita ng kahusayan at katatasan ng tagapagsalita sa layuning makumbinsi ang kanyang audience hinggil sa kanyang mga pananaw, opinyon, at pangangatwiran ukol sa isang partikular na paksa.

2
New cards

Epektibong Pagtatalumpati

Ang pagsusulat ng talumpati ay isang mahalagang hakbang sa paghahanda para sa ___

3
New cards

pagtatalumpati

Ang ___ ay isang paraan ng pagsasalaysay ng ideya o kaisipan sa anyong pasalitang inilalahad nang buhay-buhay ukol sa isang partikular na paksa.

4
New cards

Talumpating Biglaan

Ito ay isang talumpati na ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda, kung saan agad na ibinabahagi ang paksa sa oras ng pagsasalita.

5
New cards

Talumpating Maluwag

Isinasagawa ito nang biglaan o walang paghahanda, ngunit nagbibigay ito ng ilang minuto para sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan.

6
New cards

Talumpating Manuskrito

Ang uri ng talumpating ito ay karaniwang ginagamit sa mga kumperensya, seminar, o iba pang programa sa pagsasaliksik. Dapat itong mabuti at nakasulat nang maayos bago basahin sa harap ng mga tagapakinig.

7
New cards

Talumpating Isinaulong

Katulad ng manuskrito, ang talumpating ito ay mabuti ring pinag-aralan at hinabi nang maayos bago ihayag sa harap ng mga tagapakinig.

8
New cards

Kronolohikal na Modelo

Ang talumpating ito ay nagbibigay-diin sa pagkasunod-sunod ng mga pangyayari o oras.

9
New cards

Topikal na Modelo

Batay sa pangunahing paksa, inaayos ang mga materyal ng talumpati.

10
New cards

Modelo ng Problema-Solusyon

Karaniwan, hinahati sa dalawang bahagi ang pagkakabuo ng talumpati gamit ang huwarang ito, kung saan ipinakikita ang problema at ang mga solusyon dito.

11
New cards

Kasanayan sa pagbuo ng mga bahagi ng Talumpati

Ang kakayahan sa pagsulat o paghahabi ng nilalaman ng talumpati mula sa simula hanggang sa pagtatapos ay isang mahalagang aspeto na dapat isaalang-alang upang maging mas maganda, masusing organisado, at mas makabuluhan ang presentasyon ng talumpati.

12
New cards

Introduksyon

Ito ang unang bahagi na nagbibigay ng pambungad sa talumpati. Mahalaga na maging angkop ang pagsisimula sa katawan ng talumpati upang maipriparang mabuti ang mga tagapakinig.

13
New cards

Katangiang hinahanap sa isang mahusay na panimula:

• maipapahayag ang mga kaisipan at damdamin ng mga tagapakinig.

• makapaghahanda sa mga tagapakinig para sa susunod na bahagi ng talumpati.

• maipapaliwanag ang paksa.

14
New cards

Diskusyon o Katawan

Ito ang yugto kung saan masusing tinalakay ang mga pangunahing punto o ideya na nais iparating sa mga tagapakinig. Ito ang sentro ng talumpati at naglalaman ng pinakamahalagang bahagi nito.

15
New cards

Kawastuhan

Tiyakin ang tamang at maayos na nilalaman ng talumpati. Dapat itong totoo at maliwanag, at bawat detalye ay maayos na ipinaliwanag.

16
New cards

Kalinawan

Mahalaga ang malinaw na pagsulat at pagbigkas ng talumpati upang maintindihan ng maayos ng mga tagapakinig.

17
New cards

Kaugnay sa Kaakit-akit

Gawing kapansin-pansin ang pagpapresenta ng mga dahilan o paliwanag para sa paksa.

18
New cards

Pagsusuri o Pagwawakas

Dito matatagpuan ang pangunahing pagsusuri ng talumpati. Karaniwan, dito'y isinusummaryo ang mga patunay at argumentong inilahad sa pangunahing bahagi ng talumpati.

19
New cards

Estilo o Haba ng Talumpati

Nakabantay ito sa dami ng oras na inilaan para sa pagtalima. Malaking tulong sa pagbuo ng nilalaman ang pagtukoy sa itinakdang oras.

20
New cards

Agenda (Bandril at Villanueva, 2016)

Ito ay isang talaan ng mga paksa na tatalakayin sa isang pagpupulong.

21
New cards

Agenda (Julian at Lontoc, 2016)

Ito ay isang kritikal na bahagi ng pagpaplano at pagpapatakbo ng pulong upang matiyak ang kahusayan, organisasyon, at epektibong pagtakbo nito.

22
New cards

Agenda

Ang matagumpay na pulong ay batay sa maayos na isinagawang ____

23
New cards

Layunin ng Agenda

Magbigay ng prehensiyon sa mga paksang tatalakayin at mga isyu na nangangailangan ng pansin ng mga dumadalo sa pulong. Naglalayon itong mapanatili ang atensiyon ng mga kasali sa mga mahahalagang aspeto ng pulong.

24
New cards

Kritikal

Ang paghahanda ng Agenda bago ang pagpupulong ay ____ sapagkat naglalaman ito ng mga mahahalagang impormasyon tulad ng layunin at paksang tatalakayin, mga partisipante sa talakayan, at ang oras na nakalaan para sa bawat paksa.

25
New cards

pagpupulong

Ang ____ ay isinasagawa alinsunod sa tinatawag na Agenda.

26
New cards

Katitikan ng Pulong

Pagkatapos ng pulong, kung saan napag-usapan ang mga mahahalagang usapin o gawain para sa isang samahan, organisasyon, o kompanya, isinusulat naman ang _____

27
New cards

Hindi ito maide-dokumento

Ang mga kasunduan at napag-usapan sa pulong ay mawawalan ng bisa kung

28
New cards

Katitikan ng Pulong (Julian at Lontoc, 2016)

Ang ___ ay magiging ebidensya at basehan para sa mga hinaharap na plano at aksyon. Ito ay isang dokumento na naglalarawan ng mga pangyayari sa nakaraang pulong at maaaring isulat hindi lamang ng kalihim kundi pati na rin ng sinumang deputadong miyembro ng isang samahan o kompanya.

29
New cards

Pamagat

Naglalaman ito ng pangalan ng samahan, organisasyon, o kompanya, kasama ang petsa, lugar ng pulong, at oras ng pagsisimula at pagtatapos.

30
New cards

Listahan ng mga Dumalo

Nakasaad dito ang pangalan ng tagapagdaloy ng pulong at ang mga dumalo, kabilang na ang mga panauhin at ang mga absent sa pulong.

31
New cards

Pagrerebisa at Pagpapatibay ng Naunang Katitikan

Makikita rito kung mayroong mga pagbabago o pagpapatibay sa naunang dokumento.

32
New cards

Usapin na Napagkasunduan

Nakatala dito ang mga mahahalagang usapan, kung sino ang nanguna sa talakayan, at ang mga napagkasunduang desisyon.

33
New cards

Anunsiyo o Patalastas

Bagamat hindi karaniwan, itinuturing itong mahalaga dahil naglalaman ito ng mga suhestiyon para sa susunod na Agenda mula sa mga dumalo.

34
New cards

Agenda para sa Susunod na Pulong

Naglalaman ito ng mga plano para sa susunod na pulong, kasama ang petsa, oras, at lugar.

35
New cards

Pagtatapos

Nakasaad dito ang oras kung kailan natapos ang pulong.

36
New cards

Pirma

Ang pangalan at lagda ng gumawa ng Katitikan ng Pulong, kasama ang petsa ng pagpasa.

37
New cards

Hakbang sa Pagsusulat ng Katitikan ng Pulong

1. Pumili ng format para sa katitikan ng pulong, kung saan makikita ang listahan ng mga dumalo, mga tinalakay na paksa, desisyon, at mosyon.

2. Pumili ng paraan ng pagre-record ng pulong gamit ang kuwaderno, laptop, o tape recorder.

3. Gumawa ng listahan ng mga dadalo, maaaring gamitin ang Agenda bilang gabay.

4. Gamitin ang template para sa dokumento, kung saan makikita ang oras, petsa, lugar, layunin ng pulong, mga dadalo, at mangunguna. Ilagay ang espasyo para sa bawat paksa na tatalakayin, kabilang ang paglalarawan ng talakayan, desisyon, at mosyon.

5. Tumutok sa mahahalagang impormasyon habang nagpupulong. Kung mayroong template, ito ay magiging mas madali.

6. Pagkatapos ng pulong, suriin ang mga tala o basahin ang mga paksang napagdesisyunan upang tiyakin na wala nang maling nairekord at maitama ang anumang pagkakamali.

7. Ihanda ang Katitikan ng Pulong para sa distribusyon sa mga dumalo at sa mga hindi nakadalo. Mahalaga ang agarang pamamahagi ng kopya para mapanatili ang kahalagahan ng pulong at upang malaman ng lahat ang mga susunod na aksyon at sangkot na indibidwal.

38
New cards

Pagsusulat

Ang ___ ay isang gawaing nangangailangan ng masusing pag-iisip at pagsusuri.

39
New cards

akademikong sulatin

Mahalaga na maunawaan na bawat ____ ay mayroong mga katangian na nakakatulong upang maipahayag nang epektibo sa mga mambabasa o tagapakinig ang mga konsepto na nilalaman ng akda.

40
New cards

Katangian ng Abstrak

1. Maigsi ngunit kumpletong isinasalaysay ang pangkalahatang nilalaman ng pananaliksik.

2. Mapagkakatiwalaan

3. Obhetibo

4. Simple

41
New cards

Mapagkakatiwalaan (Abstrak)

Sa pagsasaad ng tumpak at tiyak na mga pahayag o detalye.

42
New cards

Obhetibo (Abstrak)

Naglalahad ng mga kaisipang walang kinikilingan, batay sa pananaliksik o pag-aaral.

43
New cards

Simple (Abstrak)

Gumagamit ng malinaw at tiyak na mga salita sa simpleng pagpapahayag ng pangungusap.

44
New cards

Katangian ng Bionote

1. Tapat

2. Maikli

3. Payak

45
New cards

Tapat (Bionote)

Naglalaman ito ng totoong at tiyak na impormasyon.

46
New cards

Maikli (Bionote)

Naglalaman lamang ng mga mahahalagang tala tungkol sa buhay ng isang tao.

47
New cards

Payak (Bionote)

Gumagamit ng mga salitang madaling maunawaan upang maipakilala ang sarili nang tuwiran.