FPL 3rd Quarter Exams

studied byStudied by 6 people
0.0(0)
learn
LearnA personalized and smart learning plan
exam
Practice TestTake a test on your terms and definitions
spaced repetition
Spaced RepetitionScientifically backed study method
heart puzzle
Matching GameHow quick can you match all your cards?
flashcards
FlashcardsStudy terms and definitions

1 / 91

92 Terms

1

Cecilia Austera, et. al. 

Pagsulat ay isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog sa mga mag-aaral

New cards
2

Royo 2001

malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog sa damdamin at isipan ng tao.

New cards
3

Pagbabasa

ay isang kasanayang  naglulundo  ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinaka-epektibong midyum ng paghahatid ng mensahe. (2009)

New cards
4

Nagsisilbing libangan

sapagkat sa pamamagitan nito ay maibabahagi nila ang kanilang mga ideya at mga kaisipan sa kawili-wili o kasiya-siya para sa kanila.

New cards
5

Mag-aaral

kalimitang  dahilan  ng pagsusulat ay ang matugunan  ang pangangailangan  sa pag-aaral bilang bahagi ng pagtatamo ng kasanayan.

New cards
6

Propesyonal

Ito ay kanilang ginagawa bilang bahagi ng pagtugon  sa bokasyon o trabaho na kanilang ginagampanan sa lipunan.

New cards
7

Personal o Ekspresibo / Panlipunan o sosyal

Bahagi ng Pagsulat (Edwin Mabilin et al. 2012)

New cards
8

Personal o Ekspresibo

 Ay nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan, naiisip magdulot sa bumabasa ng kasiyahan, kalungkutan, pagkatakot, o pagkainis depende sa layunin ng taong sumusulat. (Edwin Mabilin et al. 2012)

New cards
9

Panlipunan o Sosyal

ay ang  makipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunang  ginagalawan. –  (Edwin Mabilin et al. 2012)

New cards
10

Wika

ang magsisilbing behikulo upang  maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ilahad ng isang  taong nais sumulat.

New cards
11

Paksa

Ito ay magsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda.

New cards
12

Layunin

__________ ang magsisilbing giya mo  sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat

New cards
13

Pamamaraan ng Pagsulat

Isang gamit sa pangangailangan ng pagsulat upang mailahad  ang kaalaman at kaisipan ng manunulat batay  sa rin sa layunin o pakay ng pagsusulat.

New cards
14

Impormatibo/Ekspresibo/Naratibo/Deskriptibo/ Argumentatibo

Limang Pangunahing Pamamaraan

New cards
15

Mabilin (2012)

Ang pagsulat ay isang pagpapahayag ng kaalaman ng kailanman hindi maglalaho sa isipin ng mga bumabasa at bumabasa

New cards
16

Pakikinig/Pagsasalita/Pababasa/Pagsusulat/Panonood

Limang Makrong Kasanayan Pangwika

New cards
17

Impormatibo

Pamamaraan ng Pagsulat na nagbibigay impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa

New cards
18

Ekspresibo

_________ ay naglalayong magbahagi ng sariling opinyon, paniniwala, ideya, obserbasyon, at kaalaman hinggil sa isang tiyak.

New cards
19

Naratibo

Magkwento o magsalaysay ng mga pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak na pagkakasunod-sunod.

New cards
20

Pamamaraang Deskriptibo

Maglarawan ng katangian, anyo, hugis, ng mga bahay o pangyayari batay sa mga nakita, narinig, natunghayan, naranasan, at nasaksihan.

New cards
21

Argumentatibo

Naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa.

New cards
22

Malikhaing Pagsulat, Teknikal na Pagsulat, Propesyonal na Pagsulat, Dyornalistik na Pagsulat, Reperensiyal na Pagsulat, Akdemikong Pagsulat

Mga Uri ng Pagsusulat (6)

New cards
23

Malikhaing Pagsulat

Layunin nitong maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin at nakaantig sa imahinasyon at isipan  ng mga mambabasa.

New cards
24

Malikhaing Pagsulat

kuwento, Dula, Tula, Maikling Sanaysay, Komiks, Iskrip ng teleserye, Kalyeserye, Musika, Pelikula.

New cards
25

Teknikal na Pagsulat

Ito ay ginagawa sa layuning pag-aralan ang isang proyekto  o kaya naman ay bumuo ng isang  pag-aaral na kailangan para lutasin ang isang problema o suliranin.

New cards
26

Teknikal na Pagsulat

  • Feasibility  Study  on the Construction  of Platinum Towers in Makati

  • Project on the Renovation of Royal  Theatre in Caloocan City

  • Proyekto sa Pagsasaayos ng Ilog  ng Marikina

New cards
27

Propesyonal na Pagsulat

Ito ay may kinalaman sa mga sulating sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan.

New cards
28

Propesyonal na Pagsulat

  • Lesson Plan

  • Medical Report

New cards
29

Dyornalistik na Pagsulat

Ito ay may kinalaman  sa mga sulating  may kaugnayan  sa pamamahayag.

New cards
30

Dyornalistik na Pagsulat

  • Balita

  • Editoryal

  • Lathalain

  • Artikulo

New cards
31

Reperensyal na pagsulat

Ito  na  irekomenda sa iba ang mga sangguniang maaaring mapagkunan ng mayamang kaalaman hinggil sa isang  tiyak na paksa.

New cards
32

Reperensyal na pagsulat

  • Aklat

  • Tesis

New cards
33

Akademikong Pagsulat

ay isang intelektwal na pagsulat . Ang gawaing ito ay  nakatutulong sa  pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal  sa iba’t ibang larangan.

New cards
34

Akademikong Pagsulat

  • Pananaliksik

  • Aklat

New cards
35

Akademikong Pagsulat

Mahalagang matutuhan ang  akademikong pagsulat sapagkat kung marunong sumulat nang maayos at may kabuluhan ang isang tao, maituturing na nakaaangat siya sa iba dala na rin ng mahigpit na kompetisyon  sa kasalukuyan  sa larangan  ng edukasyon at pagtatrabaho.

New cards
36

Akademikong Pagsulat

Kung saan sa asignaturang ito ay lilinangin, sasanayin ang kasanayan at kaalaman  ng mga mag-aaral  sa pagsulat gamit ang akademikong Filipino.

New cards
37

Akademya

Ay tumutukoy  sa institusyong pang-edukasyon na maituturing na haligi sa pagkamit ng mataas na kasanayan at karunungan.

New cards
38

Elementong Bumubuo ng Akademya

  • Mag-aaral

  • Guro

  • Administrdor

  • Gusali

  • Kurikulum

New cards
39

Akademikong Filipino

Malinaw sa isip ng gumagamit nito, ito may ay paraang pasalita o pasulat, ang kahalagahan ng pagsunod sa mga alituntunin sa paggamit ng wikang Filipino upang ito ay maging istandard at magamit bilang wika ng intelektuwalisasyon.

New cards
40

Katangiang Dapat Taglayin ng Akademikong Pagsulat

  • Obhetibo

  • Pormal

  • Maliwanag  at organisado

  • May paninindigan

  • May pananagutan

New cards
41

Vivencio Jose

Epektibong magagamit ang Filipino sa loob ng akademya, hindi lamang sa larangan ng pagtuturo sa lahat ng uri ng komunikasyon kundi maging sa pamamagitan ng kurikulum at buhay sa akademya.

New cards
42

Obhetibo

Kailangang ang mga datos na isusulat ay batay sa kinalabasan ng ginawang pag-aaral at pananaliksik.

New cards
43

Pormal

Iwasan ang paggamit ng mga balbal at kolokyal .

New cards
44

Maliwanag at Organisado

Ang talata ay kinakailangang kakitaan ng maayos na pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap na binubuo nito.

New cards
45

May paninindigan

Ang kanyang layunin na naisagawa ito ay mahalagang mapanindigan niya hanggang sa matapos niya ang kanyang isusulat.

New cards
46

May pananagutan

Ang mga ginamit sa mga sanggunian ng mga sangkap ng datos o impormasyon ay dapat na bigyan ng nararapat na pagkilala. Ito ay makakatulong upang higit na mapagtibay ang kahusayan at katumpukan ng iyong ginawa.

New cards
47

Iba’t  ibang  Uri ng Akademikong Sulatin

  • Abstrak

  • Sintensis/buod

  • Bionote

  • Panukalang proyekto

  • Talumpati

  • Agenda

  • Katitikan  ng pulong

  • Posisyong papel

  • Replektibong -sanaysay

  • Pictorial –essay

  • Lakbay- sanaysay

New cards
48

magbabahagi ng sariling opinyon, paniniwala, ideya, obserbasyon, at kaalaman

Pangunahing pamamaraan ng pag sulat na naglalayong ______________________________ hinggil sa isang tiyak na paksa batay sa sariling karanasan o pag-aaral.

New cards
49

Lagom

ay ang pinasimple at pinaikling bersiyon ng isang salutin o akda.

New cards
50

Pagsasagawa ng Paglalagom

  1. Natutuhan ang pagtitimbang-timbang ng mga kaisipang nakapaloob sa binabasa.

  2. Natutuhan niyang magsuri ng nilalaman ng kanyang binabasa

  3. Nahuhubog ang kasanayan ng mag-aaral sa pagsulat partikular ang tamang paghabi ng mga pangungusap sa talata .

  4. Nakatutulong sa pagpapaunlad o pagpapayaman ng bokabularyo.

New cards
51

Abstrak, Sintesis, Bionote

Uri ng Lagom o Buod

New cards
52

Abstrak

Isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel siyentipiko at teknikal, lektyur at mga report.

New cards
53

Abstrak

Lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat na makikita sa kabuuan ng papel. 

New cards
54

statistical figures o table

Iwasan din ang paglalagay ng mga _________ sa Abstrak

New cards
55

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak

  1. Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o akademikong sulatin o gagawan ng abstrak.

  1. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng sulatin mula sa introduksyon, kaugnay sa literatura, metodolohiya resulta, at kongklusyon.

  1. Buuin gamit ang mga talata.

  1. Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon, graph, table , at iba pa maliban lamang kung sadyang kinakailangan.

  1. Basahing muli ang ginawang abstrak.

New cards
56

Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak

  1. Lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat na makikita sa kabuuan ng papel. 

  2. Iwasan din ang paglalagay ng mga statistical figures o table sa abstrak.

  3. Gumamit ng mga simple, malinaw, at direktang mga pangungusap.

  4. Maging obhetibo sa pagsulat.

  5. Gawin lamang itong maikli ngunit komprehensibo .

New cards
57

Sinopsis/ Buod

 Isang uri ng lagom sa kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kuwento, salaysay, nobela ,dula parabula, talumpati, at iba pang anyo ng panitikan.

New cards
58

Tandaan sa Pagsulat ng Sinopsis o buod

  1. Gumamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat nito.

  2. Isulat ito batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na isip nito.

  3. Kailangang mailahad o maisama rito ang mga pangunahing tauhan maging ang kanilang mga gampanin at mga suliraning kanilang kinaharap. 

  4. Gumamit ng mga angkop na pang-ugnay sa paghabi ng mga pangyayari sa kuwentong binubuod lalo na kung ang sinopsis na ginawa ay binubuo ng dalawa o higit pang talata.

  5. Tiyaking wasto ang gramatika, pagbabaybay, at mga bantas sa ginamit sa pagsulat.

  6. Huwag kalimutang isulat ang sangguniang ginamit kung saan hinango o kinuha sa sipi ng akda.

New cards
59

Hakbang sa Pagsulat ng Sinopsis/ Buod

  1. Basahin ang buong seleksyon o akda at unawaing mabuti hanggang makuha ang buong kaisipan o paksa ng diwa nito.

  2. Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan.

  3. Habang nagbabasa, magtala at kung maaari ay magbalangkas.

  4. Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinyon o kuro-kuro ang isinusulat.

  5. Ihanay ang ideya sang-ayon sa orihinal.

  6. Basahin ang unang ginawa, suriin, at kung mapaikli pa ito nang hindi mababawasan ang kaisipan ay lalong magiging mabisa ang isinulat na buod.

New cards
60

Bionote

Maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa

pagsulat ng personal profile ng isang tao.

New cards
61

Duenas at Sanz

Tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang academic career na madalas ay makikita o mababasa sa mga journal, aklat, ng mga sulating papel.

New cards
62

Bionote

Ito rin ang madalas na mababasa sa bahaging “Tungkol sa Iyong sarili” na makikita sa mga social network o digital communication sites.

New cards
63

Bionote

Halimbawa:

• PAGPAPAKILALA SA SARILI NG MGA GUMAGAWA NG BLOG.


New cards
64

Tandaan sa Pagsulat ng Bionote

1. Sikaping maisulat lamang ito nang maikli.

2. Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na impormasyon o detalye tungkol sa iyong buhay.

3. Isulat ito gamit ang ikatlong panauhan upang maging litaw na obhetibo ang pagkakasulat nito.

4. Gawing simple ang pagkakasulat nito.

5. Basahin muli at muling isulat ang pinal na sipi ang iyong bionote.


New cards
65

Konklusyon

Naglalaman ng pinakabuod ng bawat bahagi ng sulatin o ulat.

New cards
66

Philip Koopman (1997)

Ayon kay ______ maikli lamang , tinataglay nito ang mahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng introduksyon, mga kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta, at kongklusyon.

New cards
67

Ramon Diaz

New cards
68

Rationale, metodo, resulta, konklusyon, rekomendasyon

Nilalaman ng Abstrak sa Tesis

New cards
69

Kahalagahan ng Abstrak

1. Matutulungan nito ang sinomang mananaliksik o manunulat na higit pang mapaunlad ang isang paksa, saliksik o sulatin.

2. Kapag may abstrak hindi na kailangan pang basahin ang kabuuan ng pananaliksik upang matukoy kung ito ay makapagpapayaman sa isinusulat o kung malayo sa kanyang paksa.

New cards
70

Deskriptibong Abstrak, Impormatibong Abstrak,

Uri ng Abstrak

New cards
71

Deskriptibong Abstrak

Inilalarawan sa mga mambabasa ang pangunahing ideya ng papel.

New cards
72

Impormatibong Abstrak

Ipinapahayag sa mga mambabasa ang mahahalagang ideya ng papel

New cards
73

Duenas at Sanz

Tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang academic career na madalas ay makikita o mababasa sa mga journal, aklat, ng mga sulating papel.

New cards
74

Layunin ng Bionote

Maipakilala ang sarili sa madla sa pamamagitan ng pagbanggit ng mga personal sa impormasyon tungkol sa sarili at maging ng mga nagawa o ginagawa sa buhay.

New cards
75

Sintesis o Buod

Uri ng lagom o buod na gumamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat nito.

New cards
76

Mga dapat tandaan sa pagsulat ng bionote

  • Isulat ng maikli

  • 200 na salita

  • 5-6 na pangungusap

  • Personal na detalye

  • Mga interes

New cards
77

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Bionote

1 pangalan
2 pangunahing trabaho ng may akda
3 edukasyong natnggap ng may akda at saan ito naganap
4 mga akademikong karangalan
5 mga premyo/gantimpalang natamo
6 Organisasyong kinabibilangan
7 mga gampanin sa organisasyon

New cards
78

Edwin Mabilin et al.

Ang Pagsulat ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring pagsulatan.

New cards
79

Royo 2001

Layunin ng pagsulat ay (pagbasa, pagsulat, pananaliksik) ang paghubog ng damdamin at isipan ng isang tao.

New cards
80

Benepisyo ng pagsulat

Masasanay ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at maisulat sa obhetibong paraan

Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng datos na kakailanganin sa pananaliksik

New cards
81

Mga gamit sa pagsulat

Kasanayang pampag-iisip
Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsusulat
Kasanayan sa paghabi ng buong sulatin
Wika
Paksa
Layunin
Pamamaraan ng Pagsulat

New cards
82

Kasanayang pampag-iisip

dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-analisa o magsuri ng mga datos na mahalaga o hindi gaanong mahalaga, o maging ng mga impormasyong dapat isama sa akdang isusulat.

New cards
83

Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat

Dapat isaalang-alang sa pagsulat ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika

New cards
84

Kasanayan sa paghabi ng buong sulatin

Tumutukoy sa kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon.

New cards
85

Teknikal na Pagsulat

Nilalaman ang pinag-aralan na proyekto o pag-aaral para lutasin ang problema

Hal: computer, lab notes

New cards
86

Propesyonal na Pagsulat

Konektado sa larangan na matututunan sa eskwelahan

Hal: police report

New cards
87

Dyornalistik na Pagsulat

Pamamahayag ang nilalaman o balita.

Hal: dyaryo, magazin

New cards
88

Reperensyal na Pagsulat

Kinukuhanan ng mga datos o reperensya

New cards
89

Akademikong Pagsulat

Pagtaas ng kaalaman ng manunulat sa iba't-ibang larangan

Hal: thesis, abstract

New cards
90

Batis

Pinagmulan o pinaggalingan

Matang-tubig

New cards
91

Kasanayang pampag-iisip

dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-analisa o magsuri ng mga datos na mahalaga o hindi gaanong mahalaga, o maging ng mga impormasyong dapat isama sa akdang isusulat.

New cards
92

Malikhaing Pagsulat

Makakaukol sa damdamin

Hal: Tula, Sanaysay

New cards
robot