\
Mahalaga ang buhay ng tao sapagkat ito ay bigay ng panginoon, sinasabing ang tao ang may pinakamataas na antas ng buhay na nilikha ng panginoon, kumpara sa ibang nilalang niya na may buhay katulad ng halaman at hayop. Bilang tao biniyayaan tayo ng panginoon ng buhay at may taglay na talino at mataas na antas ng pag-iisip, kaya marapat lamang na pahalagahan natin at pasalamatan ang buhay na bigay niya sa atin.Bilang tao na biniyayaan ng buhay lagi nating tandaan na tanging ang diyos din lamang ang may karapatang bawiin ito sa atin.
\