1/23
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Edward Griffin
isang Amerikanong manunulat at conspiracy theorist, ayon sa kanya hindi totoong umiinit ang mundo.
Al Gore
isang politiko at environmentalist mula sa United States, na nagsasabing unti-unting tumataas ang temperatura ng mundo dahil sa patuloy na pagtaas ng lebel ng greenhouse gases sa atmospera.
Conspiracy Theorist
tumutukoy sa taong naniniwala sa pagsasabwatan o pagsasapakatan (conspiracy). Hindi nito tinatanggap ang mga nangingibabaw na paliwanag sa isang pangyayari, bagkus itinutulak ang isa pang paliwanag na sa tingin niya ay mas katanggap-tanggap.
UNFCCC
United Nations Framework Convention on Climate
Change
Global Warming
- tumutukoy sa
nararanasang pagtaas ng temperatura ng mundo sa mga nakaraang dekada; sinasabing dala ito ng patuloy na pagtaas ng konsentrasyon ng carbon dioxide at iba pang greenhouse gases sa ating atmospera. Ito ay saklaw ng usapin sa climate change.
Solar Variability
ang pagbabago ng klima ay maaaring bunga ng pagbabago sa antas ng enerhiyang pinakakawalan ng araw
Infrared Radiation
Maaari itong maramdaman ng tao ngunit hindi nakikita ng mata dahil nagtataglay ito ng mababang wavelength, mas
mababa sa visible light.
Ang infrared thermal camera ay gumagamit ng infrared radiation.
Gamit ito, nalalaman ang surface body temperature ng tao maging ng mga hayop.
Rebolusyong Industriyal
ito ay may kaugnayan sa mga kaganapang panlipunan at pang-ekonomiya na humantong sa pagbabago mula sa lipunang agrikultural at komersiyal tungo sa modernong lipunang industriyal na nagsimula noong kalagitnaan ng ika-18 siglo hanggang sa kalagitnaan ng ng Ika-19 siglo
IPCC (Intergovernmental Panel on Climate Change)
ang itinalagang pandaigdigang institusyon na nag-aaral sa pagbabago ng klima ng mundo at tagapaghatid ng mga siyentipikong kaalaman at teknikal na payo sa Nagkakaisang mga Bansa (United Nations).
Ocean Acidification
tumutukoy sa pagbaba ng pH level ng karagatan.
dulot ng pagtaas ng level ng carbon dioxide at ibang. nakalalasong kemikal dito. Ang pH ay eskala o ginagamit na panukat para tukuyin and acid at base level ng tubig.
Pagkakaroon ng iba't ibang uri ng sakit.
Pagkasira ng mga likas na yaman.
Pagkakaroon ng matitinding uri ng kalamidad.
Suliranin sa pagkain at tubig.
Epekto ng Climate Change
Human Displacement
tumutukoy sa galaw o paglisan ng mga tao mula sa isang lugar na mapanganib patungo sa mas ligtas na lugar.
Environmental Sanitation
tumutukoy sa estratehiya o pamamaraan ng pagkontrol sa lahat ng kadahilanan ng sakit sanhi ng pisikal na kapaligiran.
Irrigation
ang artipisyal at
kontroladong paglalapat ng tubig upang tulungan ang paglago ng mga pananim lalo na sa mga lupaing hindi nakatatanggap ng sapat ng ulan. Ginagamit din ito sa paghahayupan, pagkontrol ng alikabok, at pagpapanumbalik ng behetasyon (vegetation) sa mga nakatiwangwang o abandonadong lupain.
Ang ganitong sistema ay simulang gawin 5,000 taon na ang nakaraan.
National Budget
National Budget
Polusyon
Unti-unting pagkaubos ng mga likas na yaman
Unti-unting pagkawala ng biodiversity
Pagkalat ng iba't ibang uri ng sakit
Mga Suliraning Pangkapaligiran
Ekolohiya
tumutukoy sa likas na kapaligiran; tumutukoy rin sa isang sangay ng agham na nag-aaral sa pagkabaha-bahagi at kasaganaan ng mga bagay na may buhay at ang kanilang interaksiyon sa kanilang kapaligiran.
Genetic Modification
-ang manipulasyon ng genome (genes) ng isang organismo gamit ang biyoteknolohiya para lumikha ng panibagong uri nito. Nakaaapekto ito sa biodiversity dahil sa mga panibagong uri ng mga halaman o organismo na may kakaibang katangian.
Maaaring palitan nito ang mga likas na yaman na normal na nakikita sa ating kapaligiran.
Synthetic Fertilizer
tumutukoy sa uri ng pataba na gawang tao (man-made) tulad ng ammonium phosphate, potassium sulfate, at ammonium nitrate.
PEMSEA
isang
intergovernmental organization sa
Silangang Asya na naglalayong panatilihin ang masagana at malinis ha karagatan, baybayin, at komunidad sa buong rehiyon.
Vegetation Cover
Uri o dami ng mga halaman sa isang lugar na epekto ng klima.
Tumutukoy rin ito sa isang uri ng lugar na
mayaman at sagana sa mga halaman o puno dahil sa pagkakaroon ng magandang klima.
Colar Bleaching
ang unti-unting pagkasia ng mga korales sa ating karagatan. Dahil sa unti-unting pag init ng tubig sa karagatan at pagtaas ng lebel ng mga nakalalasong kemikal, unti unting nawawala at matingkad na kulay ng mga korales.
Agenda 21
tumutukoy sa plano ng Nagkakaisang mga
Bansa (United Nations)
ukol sa pagtamo ng likas-kayang pag-unlad (sustainable development); ito ay produto ng Earth Summit na ginanap sa Rio de Janeiro, Brazil noong 1992.