1/10
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced | Call with Kai |
|---|
No study sessions yet.
Responsible Parenthood
magkatuwang na responsibilidad ng ama at ina na pagpasiyahan ang dami/bilang ng anak o laki ng nais na pamilya at ang tamang agwat o pagitan ng pagbubuntis na isinasaalang-alang
ang pamumuhay ng pamilya at ang
kahandaan, kalusugan, kultura ng lipunan, at ekonomiya na ayon sa kanilang paniniwalang panrelihiyon at sariling mithiin.
Abortion
kusang pagpapalaglag, pagtanggal o pagkitil sa namumuong embryo o fetus sa sinapupunan ng ina. Ang hindi
inaasahan o aksidenteng pagkakalaglag ng namumuong sanggol ay tinatawag na miscarriage.
Birth Control
paggamit ng gamot (contraceptive), aparato, sexual practices, o surgical procedures para pigilan ang pagbubuntis o pagkakaroon ng maraming anak.
International Conference on Human Rights
pagpupulong-pulong ng 80 kinatawan ng mga bansang kasali sa United Nations para pagtibayin at pagkasunduan ang
Proklamasyong Teheran noong ika-13 ng Mayo
1968 para sa mga
pangunahing karapatan ng mga magulang para malaya at
responsableng matukoy ang dami at agwat ng taon ng kanilang mga anak.
Margaret Sanger
Naging popular ang birth control noong 1914 dahil kay _____ _____, isang aktibista, sex educator, manunulat, at nars sa Estados Unidos.
International Conference on Population and Development
pagpupulong na naganap sa Cairo, Egypt kung saan pinagtibay ang isang programa na nakatuon sa reproductive health at karapatan ng
kababaihan. Suportado ito ng United Nations Population Fund.
Family Planning
ito ay isang programa na nagbibigay-pahintulot sa mag-asawa na malaya at responsableng makapagdesisyon para maisakatuparan ang minimithing dami ng anak at ang wastong agwat ng mga ito. Ang wastong agwat sa pagbubuntis ay nasa tatlo hanggang limang taon.
Reproductive Health Care
access sa lahat ng paraan, pasilidad, serbisyo, at suplay pangkalusugan na makatutulong sa pagkakaroon ng kalusugang reproduktibo.
Billings Ovulation Method
isang natural at ligtas na paraan ng pagbubuntis. Layunin nitong turuan ang kababaihan kung paano malalaman ang kanilang fertility period para alam kung kailan at hindi dapat makipagtalik sa asawa batay sa menstrual cycle.
Tinatawag rin itong fertility awareness-based method.
Abortifacient
gamot o sangkap na may kakayahang ilaglag (abort) ang fetus sa sinapupunan ng ina.
Alternative Learning System
isang programa ng Department of Education na naglalayong tulungan ang mga tao (bata o matanda, normal o may espesyal na pangangailangan) na hindi nakapag-aral o nakapagtapos.Tinutulungan silang matuto at magpatuloy sa pag-aaral para magkaroon ng kaalaman at kasanayan kahit sa impormal na kaparaanan