1/29
Yunit 2
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
|---|
No study sessions yet.
Sitwasyong Pangwika sa Humanidades at Agham Panlipunan
ØSa pagtuturo sa larangan ng humanidades at agham panlipunan, batay sa probisyon ng patakaran ng bilinggwal, dapat gamitin ang wikang Filipino bilang wikang panturo sa mga larangang ito.
San Juan et al., (2019), (mula kay Ferguson, 2006)
ang katanyagang taglay ng wikang Ingles sa sistema ng edukasyon lalo na sa mga kolehiyo at mga unibersidad ay may kakambal na sosyo-ekonomiko.
LARANGAN NG HUMANIDADES
“hindi kung ano ang gagawin ng tao, kundi kung paano maging tao”
REGISTER
Bawat larangan ay may tiyak na set ng mga terminong ginagamit
J. IRWIN MILLER
Ø“ang layon ng Humanidades ay ang gawin tayong tunay na tao sa pinakamataas na kahulugan nito”.
ANALITIKAL NA LAPIT
Øginagamit sa pag-oorganisa ng mga impormasyon sa mga kategorya, bahagi, grupo, uri at mga pag-uugnay-ugnay ng mga ito sa isa't isa.
KRITIKAL NA LAPIT
Økadalasang ginagamit sa pagkilala ng mga senaryo, mga estratehiya o pamamaraan ng pagsusuri, pag-iisip at pagsulat.
IMPORMASYONAL
paktwal ang mga impormasyon
paglalarawan
proseso
PAKTWAL ANG MGA IMPORMASYON
bilang background gaya ng talambuhay o maikling bionote, artikulo sa kasaysayan at iba pa.
PAGLALARAWAN
nagbibigay ng detalye, mga imahe na denetalye sa isipan ng mambabasa, sinasabayan ng kritikal na pagsusuri na karaniwan ay isinasagawa sa mga akdang pampanitikan gaya ng krisismo, tula, kuwento, nobela at iba pa.
PROSESO
binubuo ng paliwanag kaugnay ng teknik, paano isinagawa at ang naging resulta na kadalasan ay ginagawa sa sining at musika.
IMAHINATIBO
binubuo ng mga malikhaing akda gaya ng piksyon (nobela, dula, maikling kuwento) sa larangan ng panitikan, gayundin ang pagsusuri nito.
PANGUNGUMBINSE
pagganyak upang mapaniwala o di mapaniwala ang bumabasa, nakikinig at nanonood sa teksto o akda. Subhetibo ito kaya't ang mahalagang opinyon ay kaakibat ng ebidensya at katuwiran o argumento.
LARANGAN NG AGHAM PANLIPUNAN
Øisang larangang akademiko na pumapaksa sa tao-kalikasan, mga gawain at pamumuhay nito, kasama ang mga implikasyon at bunga ng mga pagkilos nito bilang miyembro ng lipunan.
ØTulad ng Humanidades, tao at kultura ang sakop nito subalit itinuturing itong isang uri ng siyensya o agham.
SOSYOLOHIYA
pag-aara ng kilos, pag-iisip at gawi ng tao sa lipunan at gumagamit ng emperikal na obserbasyon, kuwalitatibo at kuwantitatibong metodo.
SIKOLOHIYA
pag-aaral mga kilos, pag-iisip at gawi ng tao, gumagamit ng empirikal na obserbasyon.
LINGGUWISTIKA
pag-aaral ng wika bilang sistema kaugnay ng kalikasan, anyo, estruktura at baryasyon nito. Bahagi ng pag-aaral ang ponetika, ponolohiya, morpolohiya, sintaks at gramatika at gumagamit ng lapit na deskriptibo o pagpapaliwanagsapag-aara lng katangian ng wika, gayundin ng historikal na lapit o pinagdaanang pagbabago ng wika.
ANTROPOLOHIYA
pag-aaral ngmga taosa iba’t ibangpanahongngpag-iralupang maunawaan ang kompleksidad ng mga kultura at gumagamit ng participant-observation o ekspiryensiyal na imersyon sa pananaliksik.
KASAYSAYAN
pag-aaral ng nakaraan o pinagdaanang pag-iral ngmga grupo, komunidad, lipunan at ngmga pangyayari upangmaiugnay ito sa kasalukuyan, ginagamit ang lapit-naratibo upang mailahad ang mga pangyayaring ito.
HEOGRAPIYA
pag-aaral sa mga lipunang sakop ng mundo upang maunawaan ang masalimuot na mga bagay kaugnay ng katangian, kalikasan at pagbabago rito kasama na ang epekto nito sa tao, metodong kuwantitatibo at kuwalitatibo ang ginagamit sa mga pananaliksik dito.
AGHAM PAMPOLOTIKA
pag-aaral sa bansa, gobyerno, politika at mga patakaran, proseso at sistema ng mga gobyerno, gayundin ang kilos-politikal ng mga institusyon, gumagamit ito ng analisis at empirikal na pag-aaral
EKONOMIKS
pag-aaral sa mga gawaing kaugnay ng mga prosesong produksyon, distribusyon at paggamit ng mga serbisyo at produkto sa ekonomiya ng isang bansa. Pinaniniwalaang ang mga kalagayang pang-ekonomiya ng isang bansa ay may epekto sa krimen, edukasyon, pamilya, batas, relihiyon, kaguluhan atmga institusyong panlipunan, empirikal na imbestigasyon ang lapit sa pag-aaral dito.
AREA STUDIES
interdisiplinaryongpag-aaral, kaugnayng isangbansa, rehiyon, at heyograpikong lugar, kuwalitatibo, kuwalitatibo, at empirikal na obserbasyon at imbestigasyon ang lapit sa pananaliksik dito.
ARKEOLOHIYA
pag-aaral ng mga relikya, labi, artifact atmonument kaugnayng nakaraang pamumuhay at gawain ng tao.
RELIHIYON
pag-aaral ng organisadong koleksiyon ng mga paniniwala, sistemang kultural at mga pananaw sa mundo kaugnay ng sangkatauhan at sangkamunduhan (uniberdo) bilang nilikha ng isang superyor at superhuman na kaayusan.
PAGSULAT SA AGHAM PANLIPUNAN
Kaiba sa Humanidades, ang mga sulatin sa Agham Panlipunan ay simple, impersonal, direkta, tiyak ang tinutukoy, argumentatibo, nanghihikayat at naglalahad. Di-piksyon ang anyo ng mga sulatin sa larangang ito na madalas ay mahaba dahil sa presentasyon ng mga ebidensya ngunit sapat upang mapangatuwiranan ang katuwiran o tesis.
ANYO NG SULATIN (AGHAM PANLIPUNAN)
report, sanaysay, papel ng pananaliksik, abstrak, artikulo, rebyu ng libro o artikulo, balita, editorial, talumpati, adbertisment, proposal sa pananaliksik, komersiyal sa telebisyon, testimonyal at iba pa.
a.Pagtukoy sa genre o anyo
b. Pagtukoy at pagtiyak sa paksa.
c. Paglilinaw at pagtiyak sa paksang pangungusap.
d. Pagtiyak sa paraan ng pagkuha ng datos.
e. Pagkalap ng datos
f. Analisis ng ebidensya
g. Pagsulat ng sulatin gamit ang lohikal, malinaw, organisado
h. Pagsasaayos ng sanggunian
PROSESO NG PAGSULAT (AGHAM PANLIPUNAN)
PAGSASALING PAMPANITIKAN
nilalayon na makalikha ng obra maestra batay sa orihinal na akdang nakasulat sa ibang wika
PAGSASALING SIYENTIPIKO-TEKNIKAL
komunikasyon ang pangunahing layon