1/35
Group 1 - 3 summary
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Produksiyon
Tumutukoy sa paglikha, pagbuo at paggawa ng mga produkto at serbisyo na tumutugon sa mga pangangailngan at kagustuhan ng mga tao
Primarya
Ang unang antas sa produksiyon. Dito sinisimulang pagsama-samahin ang mga hilaw na materyal na gagamitin sa paggawa ng mga produkto. Nakapaloob sa antas na ito ang gawain sa sektor ng agrikultura.
Intermedya
Ang pangalawang antas sa pagpoproseso ng mga hilaw na produkto. Sa antas na ito, ang mga nakuhang hilaw na materyal ay maaari nang dumaan sa pagpipino o refining process upang mas higit na pakinabang ang makuha
Tapos/ Ganap na produkto
Ang pinakahuling proseso o antas ng produksiyon. Sa antas na ito, ang hilaw na materyal ay nagawa nang isang tapos na produkto na maaari nang ibenta sa mga pamilihan upang ikonsumo ng tao. Nakapaloob sa antas naa ito ang sektor ng industriya, pagmamanupaktura, at sektor ng paglilingkod.
Fixed input
Tumutukoy ito sa mga salik ng produksiyon na hindi nagbabago kaagad-agad tulad ng lupa, mga impraestraktura, pabrika, o planta kung saan nagaganap ang produksiyon
Variable input
Tumutukoy ito sa mga salik ng produksiyon na maaaring magbago depende sa pangangailangan sa produksiyon tulad ng koryente, tubig, mga hilaw na materyal, at mga kinakailangan ng manggagawa
Short run
Tumutukoy ito sa panahon na may isang input na hindi nagbabago at ang ibang input ay maaaring mabago sa produksiyon. Wala itong tiyak na panahon sapagkat nakadepende ito sa demand o pangangailangan sa produksiyon.
Long run
Tumutukoy ito sa panahon na ang lahat ng input ay mababago maliban Sa teknolohiya ng produksiyon
Very long run
Tumutukoy ito sa panahong kailangan sa pagpapalit ng teknolohiya upang mapaunlad ang produkto. Sa pagpapasiyang ito, kinakailangan ng masusing pananaliksik at pag-aaral upang higit ang pakinabang na makukuha sa mga teknolohiyang ginagamit sa pagpoproseso ng mga input.
Lupa
Ang unang salik ng produksiyon. Ito ang hindi mapapalitang yaman ng kalikasan at hindi rin maaaring bawasan at dagdagan.
Paggawa
Pinakamahalagang salik ng produksiyon
Komisyon
Ang tawag sa bayad na ibinibigay sa mga ahente. Ito ang kabuuang bahagdan na nakukuha nila mula sa pagbenta ng mga produkto
Bonus
Ang ibinibigay sa mga tagapamahala at empleyadong tumulong sa kompanya na kumita nang malaki. Ito ay karagdagan sa kitang tinatanggap sa kompanya
Royalty
Ang bahagdan ng kita na ibinabayad sa mga manunulat ng aklat, kompositor, at imbentor dahil sa kanilang mga likha na tinatangkilik ng mga tao.
Fee
Ang tawag sa bayad sa mga propesyonal na tinatawag na professional fee at sa mga talent na tinatawag na talent fee.
Pansamantala o seasonal
Mga manggagawa sa kalagayang ito ay nagsasagawa ng trabaho para sa tiyak na panahon lamang upang mapunan ang kakulangang manpower sa trabaho.
Kontraktuwal
Ang manggagawa ay may tiyak na panahon o kontrata ng paninilbihan sa kompanya.
Kaswal
Ang isang manggagawa ay matagal nang naninilbihan sa isang kompanya ngunit hindi pa rin permanente o palagian
Regular o permanente
Isang manggagawa ay palagian na sa kaniyang trabaho. Nakakatanggap na siya ng iba'tibang benepisyo mula sa kompanya.
Kapital
Tumutukoy ito sa lahat ng mga kalakal at ari-ariang ginagamit sa pagprodyus ng iba pang mga produkto at serbisyo
Permanenteng kapital
Ito ay kapital na matibay. nakapirmi, at hindi nahahati.
Halimbawa: gusali, mga makinarya sa pabrika, at mga trak na ginagamit sa pagde-deluver
Umiikot na kapital
Binubuo ng mga hilaw na materyal na mabilis mapalitan o mabago ang anyo tulad ng panggatong at pondong pambayad ng suweldo ng mga manggagawa, langis, at koryente.
Espesyal na kapital
Ito ay kapital na may takdang gamit lamang na hindi maaaring ipagamit sa iba. May iisang layunin lamang ito sa paggamit.
Malayang kapital
Ito ay yamang kapital na maaaring mabago ang gamit depende sa pangangailangan sa produksiyon
Investment
Tumutukoy ito sa paggamit ng salapi upang mas lumaki pa ang tubo nito sa darating na panahon
Depresasyon
Tumutukoy ito sa katangian ng isang kapital na nasa yugto ng pagkaluma at pagkasira na nagiging sanhi ng pagbawas ng kapakinabangan nito.
Interes
Ang tawag sa bayad sa kapital/puhunan.
Solong propitaryo
Ang pinakasimple o payak na uri ng negosyo sa pilipinas
Sosyohan
Isang legal na uri ng negosyo na itinatag ng dalawa o higit pang kasapi
Korporasyon
Isang organisasyong binubuo ng grupo na mga negosyante o kompanya na pinahihintulutan ng pamahalaan na makilala at kumilos bilang isang kompanya
Lokal na korporasyon
Korporasyong pagmamay-ari ng mga pilipino
Dayuhang korporasyon
Multinasyonal na korporasyon na umaabot sa ibat ibang bansa ang operasyon
Dibedendo
Ang tinatanggap ng mga may ari ng korporasyon bilang tubo sa kanilang istak o sapi
Kooperatibo
Isang organisasyong pangkalakalan na binubuo ng mga taong may limitadong resorces para sa kagalingan ng lahat ng kasapi
Nightshift Formula
Minimum wage x Cola = a
a x Increase = b
b + Cola = c
Normal formula
Inutang o Kapital x Interest = Explicit Interest
Inutang o Kapital + Explicit Interest = Puhunan
Inutang o Kapital + Puhunan = Gross
Bayaran + Lahat ng Bayaran = A
Gross - A = Neto