1/15
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Ayon sa listahan ni Grimes at Grimes (2000) mayroong _ na buhay na wika sa Pilipinas.
168
Sa sensus ng NSO noong 2000, mayroon tayong _ na buhay na wika sa bansa.
144
Ang unang pagsisikap na magkaroon tayo ng isang opisyal na wika ay itinadhana sa _.
Saligang Batas ng Biak-na-Bato noong 1897
Ayon sa Saligang Batas ng Biak-na-Bato noong 1897, anong wika ang magiging opisyal na wika ng mga Pilipino?
Tagalog
Sa 1935 Konstitusyon, saang artikulo at seksyon nakasaad ang hakbang tungo sa pagpapaunlad ng wikang pambansa?
Artikulo XIV Sek. 3
Anong batas ang pinagtibay ng Kongreso noong Nobyembre 13, 1936 na nagtatatag ng Pambansang Surian ng Wika?
Batas Komonwelt 184
Sino ang nagpalabas ng Kautusang Tagapagpaganap 134 na nagpapahayag ng pagkakaroon ng pambansang wika ng Pilipinas batay sa Tagalog?
Manuel L. Quezon
Simula sa anong petsa naging isa sa mga Opisyal na Wika ng Bansa ang Wikang Pambansa ayon sa Batas Komonwelt 570?
Hulyo 4, 1946
Ayon sa Order Militar Big. 13, anong mga wika ang idineklara bilang opisyal na wika sa Pilipinas?
Wikang Japanese at Tagalog
Sino ang nag-utos na ituro ang wikang pambansa sa lahat ng paaralan sa Pilipinas?
Jose P. Laurel
Kailan ipinalabas ni Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Bing. 7?
Agosto 13, 1959
Sino ang lumagda sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 na nagtatakda ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng patakarang Edukasyong Bilingguwal?
Kalihim Juan S. Manuel
Ayon sa 1987 Konstitusyon, Artikulo XIV, Seksiyon 6, ano ang Wikang Pambansa ng Pilipinas?
Filipino
Kailan binigyan ng depenisyon ng KWF ang Filipino sa pamamagitan ng Resolusyon Blg. 1-92?
Mayo 13, 1992
Magbigay ng mga walong pangunahing wika na ginagamit sa Pilipinas.
Bicol, Hiligaynon, Ilocano, Kapampanga, Pangasinense, Sebuano, Tagalog, Waray
Ano ang tawag sa patakarang pangwika kung saan nakasalig ito sa paggamit ng wikang pambansa at katutubong wika bilang pangunahing midyum sa pakikipagtalastasan at pagtuturo?
Multilingguwalismo