1/48
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
|---|
No study sessions yet.
akademiya
itinuturing institusyon ng kinikilala at respetadong mga iskolar, artista at siyentista na ang LAYUNIN AY ISULONG, PAUNLARIN, PALALIMIN AT PALAWAKIN ANG MGA KAALAMAN AT KASANAYANG PANGKAISIPAN UPANG MAPANATILI ANG MATAAS NA PAMANTAYAN NA PARTIKULAR NA LARANGAN.
tao o ang sarili
isang dinamikong puwersa ng buhay na may kakayahang mag-isip nang kritikal o mapanuri, maging mapanlikha at malikhain, at malayang mapagbago at makapagbago
AKADEMIKO
Magbigay ng impormasyon
DI- AKADEMIKO
Magbigay ng sariling opinyon
AKADEMIKO
Obserbasyon, pananaliksik at pagbabasa
DI- AKADEMIKO
Sariling karanasan, pamilya, at komunidad
AKADEMIKO
Iskolar, mag-aaral, guro (akademikong komunidad)
DI- AKADEMIKO
Iba’t ibang publiko
AKADEMIKO
• Planado ang ideya
• May pagkakasunud-sunod ang estruktura ng mga pahayag
• Magkakaugnay ang mga ideya
DI-AKADEMIKO
• Hindi malinaw ang estruktura
• Hindi kailangang magkakaugnay ang mga ideya
unang panauhan
isa sa mga tauhna ang nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang naranasan, naalala, o naririnig, gumagamit ng “ako” KITA, KAMI, NAMIN, AMIN, TAYO, ATIN, NARIN, AKIN, KO
ikalawang panauhan
mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya sa kuwento kaya;t gumagamit siya ng panghalip na “ka” at “ikaw” IYO, MO, KAYO, NINYO, INYO
ikatlong panauhan
isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya ay “siya” NIYA, KANYA, SILA, KANILA, NILA,
Obhetibo
• Hindi direktang tumutukoy sa sa tao at damdamin kundi sa mga ideya, facts
• Nasa pangatlong panauhan ang pagkakasulat, hindi gumagamit ng pangalawang panauhan AKADEMIKO
Subhetibo
• Sariling opinyon, pamilya at komunidad ang pagtukoy
• Tao at damdamin ang tinutukoy
• Nasa una at pangalawang panauhan ang pagkakasulat DI-AKADEMIKO
AKADEMIKONG GAWAIN
AKADEMIKONG SANAYSAY
PAMANAHONG PAPEL
KONSEPTONG PAPEL
TESIS
DISERTASYON
MGA AKLAT
REBYU
SULATING PANG-ENSAYKLOPEDYA
BIONOTE
AGENDA
PHOTO ESSAY
POSISYONG PAPEL
REPLEKTIBONG SANAYSAY
PAPEL PANGKUMPERENSIYA
ABSTRAK
BOOK REPORT
PAGSASALING-WIKA
BIBLIOGRAPIYA
PANUNURING PAMPANITIKAN
ANTOLOHIYA
PASALITANG TESTIMONYA
MEMOIR
SULATING EKSPOSITORI
PANUKALANG PROYEKTO
TALUMPATI
KATITIKAN NG PULONG
DI-AKADEMIKONG GAWAIN
PIKSYON
PANONOOD NG PELIKULA O BIDYU
PAKIKIPAG-USAP SA SINUMAN
PAGSULAT SA ISANG KAIBIGAN
PAKIKINIG SA RADYO
KOMIKS
MAGASIN
Deskripsyon ng Paksa
Kasama rito ang mga depinisyon, paglilinaw at pagpapaliwanag. Karaniwan itong makikita sa simula ng teksto.
Problema at Solusyon
Dito tinutukoy sa pamamagitan ng paksang pangungusap ang pinakatema ng teksto at ang punto at layunin ng paksa, ang gustong patunayan, ipagiitan, isangguni, ilahad at paano ito mauunawaan.
Pagkakasunud-sunod o Sekwensiya ng Ideya
Maaari itong kronolohikal (panahon) o hierarkikal ( ideya)
Sanhi at Bunga
Nagagamit ito para pagbatayan ang mga ebidensya at katuwiran sa teksto.
Pagkokompara
Kaugnay ito ng pagkakapareho at/o pagkakaiba ng mga datos upang pagtibayin ang katuwiran
Aplikasyon
Iniuugnay rito ang paksa at mga ideya sa tunay na nagaganap sa buhay.
Ang dyipni ay katulad ng maraming bagay at ugaling bahagi na ng buhay-Pilipino
Pagkokompara
Ang white lady sa Balete Drive, biktima ng sexual abuse at heinous violence, ay muli’t muling bumabalik sa alaala at espasyo ng marahas at baliw na syudad
Aplikasyon
Upang maging malinaw ang pagtalakay sa pag-unlad ng Wikang Filipino bilang pambansa at wikang opisyal ay susuriin ang mga pinagdaanan nito sa iba’t ibang yugto ng pag-iral nito
Sekwensiya ng Ideya
Isa sa mga maaaring tingnan ay ang epekto ng kalamidad sa kabuhayan ng mga tao
Sanhi at Bunga
Nahahati ang pagsusuri sa dalawang bahagi: ang unang bahagi ay naglalahad ng mga pagdadalumat sa pambansang panitikan at ang ikalawang bahagi ay pumapasok sa usapin ng saklaw at bisa ng isang konsepto
Deskripsiyon ng Paksa
May mga paraan upang mapakinabangan ang texting na kinababaliwan ng mga mag-aaral at itinuturing ng mga guro na sagabal sa kanilang pag-aaral
Problema at Solusyon
Maingat
dahil kailangang usisain, busisiin ang mga ebidensya, at suriin kung gaano kalohikal ang teksto at hindi batay sa haka-haka lamang.
Aktibo
dahil habang nagbabasa ay may pagtatala at anotasyong ginagawa ang mambabasa upang maging malinaw ang ipinahayag ng teksto.
Replektibo
dahil nabibigyang katibayan o patunay ang nabasa kaugnay ng mga kaalaman at sariling karanasan ng mambabasa
Maparaan
dahil maaaring gumamit ng ilang estratehiya upang maunawaang mabuti ang teksto gaya ng pre-viewing, skimming, at brainstorming.
Tradisyunal na pananaw (Bottom-Up)
Matatagpuan sa loob ng teksto ang lahat ng ideya, impormasyon at kahulugan para sa mambabasa. Nagreresulta ito ng pasibong pagbasa.
Pananaw na Kognitibo (Top-Down)
May interaksiyon ang mambabasa sa teksto; bumubuo ang mambabasa ng hipotesis o haka-haka, tinatanggap o hindi tinatanggap ang ideya, nagbibigay interpretasyon sa datos, kumukuha ng impormasyon kaugnay ng datos sa teksto mula sa mga dating kaalaman, nabasa, nakita, nadinig o napanood.
Metakognitibong Pananaw
Lumilikha ng kahulugan sa teksto mula sa mga kaalaman at karanasan
PRIMARYA
Pinakamababang antas ng pagbasa at pantulong upang makamit ang literasi sa pagbasa
Ang antas na ito ay tumutukoy sa tiyak na datos at partikular na impormasyon SCANNING
Sa antas na ito, hindi nauunawaan ang metapora, imahen at iba pang simbolismo
INSPEKYUNAL/MAPAGSIYASAT
Mauunawaan ng ng mambabasa ang kabuuang teksto at nakakapagbigay ng hinuha o impresyon tungkol dito
Skimming ang kadalasang nagagamit sa antas na ito
Nakakapagbigay ng mabilisan ngunit makabuluhang paunang rebyu sa isang teksto
ANALITIKAL
Tumutukoy sa mapanuri o kritikal na pag-iisip upang maunawaan ang kahulugan ng teksto at layunin o pananaw ng manunulat
REPHRASING
Bahagi nito ang pagtatasa ng katumpakan, kaangkupan at kung katotohanan o opinyon ang nilalaman ng teksto
SINTOPIKAL
Pinakamataas na antas ito ng pagbasa. Komplikado at sistematikong pagbasa ito. Humahamon sa kakayahan ng mambabasa KOLEKSYON NG PAKSA
Layunin
Karaniwang pagpapaunlad o paghamon ito sa mga konsepto o katwiran
Tono
Dapat ito ay impersonal. Hindi parang nakikipag-usap lang. hindi rin ito emosyonal.
Pananaw
Ikatlong panauhan
Batayan ng Datos
Pananaliksik at kaaalamang masusing sinusuri upang patunayan ang batayan ng katuwiran dito.
Balangkas ng kaisipan (Framework) o Perspektiba
Ito ang pinipiling ideya o kaisipan na gustong patunayan ng sumulat.
Target na mambabasa
Mga akademiko o propesyunal ang target nito
Introduksyon
Ito ang pinakatesis o pokus ng pag-aaral o paksa. May gustong patunayan ang paksa at makatutulong kung
sa bahaging ito ay nililinaw na ang nais patunayan sa pamamagitan ng paksang pangungusap o tesis na
pangungusap.
Katawan
Sa bahaging ito pinauunlad at nagsusulat ng mga talata. Mahalaga rito ang tuloy-tuloy, organisado, maayos at
makinis na daloy ng ideya kung saan:
Kongklusyon
Ito ang huling bahagi ng teksto na isinasagawa sa pamamagitan ng pagbubuod, pag rebyu ng mga tinalakay,
paghahawig (paraphrase) o kaya’y paghamon, pagmungkahi o resolusyon.