AP REVIEWER G10 Q2

0.0(0)
studied byStudied by 3 people
call kaiCall Kai
learnLearn
examPractice Test
spaced repetitionSpaced Repetition
heart puzzleMatch
flashcardsFlashcards
GameKnowt Play
Card Sorting

1/86

encourage image

There's no tags or description

Looks like no tags are added yet.

Last updated 6:31 PM on 11/29/24
Name
Mastery
Learn
Test
Matching
Spaced
Call with Kai

No analytics yet

Send a link to your students to track their progress

87 Terms

1
New cards

GLOBALISASYON

Sinasalamin nito ang makabagong mekanismo upang higit na mapabilis ng tao ang ugnayan sa bawat isa.

2
New cards

GLOBALISASYON

Itinuturing din ito bilang proseso ng interaksyon at integrasyon sa pagitan ng mga tao, kompanya, bansa maging ng mga samahang pandaigdig na pinabibilis ng kalakalang panlabas at pamumuhunan sa tulong ng teknolohiya at impormasyon

3
New cards

GLOBALISASYON AYON KAY (Ritzer, 2011)

Ito ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig (

4
New cards

• Economic Globalization

• Cultural Globalization

• Political Organization

• Social Globalization

Iba’t ibang Uri ng Globilisasyon

5
New cards

Economic Globalization

na ngangahulugan ng patuloy na pagkakabuklod ng mga pandaigdigang merkado para sa mga produkto, serbisyo, at salapi.

6
New cards

Economic Globalization

ang pagkakabuklod ng pandaigdigang merkado para sa produkto, serbisyo, at salapi. Nagdudulot ito ng mas malaking kalakalan at kompetisyon ngunit maaari ring magdulot ng pagkawala ng trabaho at pagkasira ng kapaligiran.

7
New cards

Cultural Globalization

na nangangahulugan ng pagkalat ng mga ideya, paniniwala, at kaugalian sa buong mundo.

8
New cards

Cultural Globalization

ang pagkalat ng mga ideya, paniniwala, at kaugalian sa buong mundo. Nagdudulot ito ng mas malawak na pag-unawa sa kultura ngunit maaaring magresulta sa pagkawala ng identidad at hindi pagkakaintindihan.

9
New cards

Political Organization

ay nangangahulugan ng patuloy na pagtutulungan at pagkakaugnay ng mga bansa sa mga isyo ng pandaigdig tulad ng siguridad, karapatang pantao, at kapaligiran.

10
New cards

Political Organization

ang pagtutulungan ng mga bansa sa pandaigdigang isyu tulad ng seguridad, karapatang pantao, at kapaligiran. Nagdudulot ito ng katatagan at kaunlaran ngunit maaaring magresulta sa pagkawala ng soberanya at kawalan ng katarungan.

11
New cards

Social Globalization

nangangahulugan ng patuloy na paggalaw ng mga tao sa buong mundo dulot ng migrasyon at turismo.

12
New cards

Social Globalization

ang paggalaw ng mga tao sa buong mundo dahil sa migrasyon at turismo. Nagdudulot ito ng mas malawak na pag-unawa sa kultura at mas maraming oportunidad, ngunit maaari ring magdulot ng kompetisyon sa trabaho, likas-yaman, at isyung tulad ng diskriminasyon o racism.

13
New cards

5 PERSPEKTIBO O PANANAW TUNGKOL SA KASAYSAYAN AT SIMULA NG GLOBALISASYON

1. Ang globalisasyon ay nakaugat sa bawat isa.

2. Ang globalisasyon ay isang mahabang cycle ng pagbabago.

3. Ang globalisasyon ay naniniwalang may anim na wave o epoch o panahon.

4. Ang simula ng globalisasyon ay mauugat sa ispesipikong pangyayaring naganap sa kasaysayan

5. Ang huling pananaw o perspektibo ay nagsasaad na ang globalisasyon ay penomenong nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo.

14
New cards

1. Ang globalisasyon ay nakaugat sa bawat isa

Ayon kay Nayan Chanda (2007), manipestasyon ito ng paghahangad ng tao sa maayos na pamumuhay na nagtulak sa kanyang makipagkalakalan, magpakalat ng pananampalataya, mandigma’t manakop at maging adbenturero o manlalakbay.

15
New cards

2. Ang globalisasyon ay isang mahabang cycle ng pagbabago.

Ayon kay Scholte (2005), maraming globalisasyon ang dumaan sa mga nakalipas na panahon at ang kasalukuyang globalisasyon ay makabago at higit na mataas na anyo na maaaring magtapos sa hinaharap.

16
New cards

3. Ang globalisasyon ay naniniwalang may anim na wave o epoch o panahon

na siyang binigyang-diin ni Therborn (2005).

17
New cards

4. Ang simula ng globalisasyon ay mauugat sa ispesipikong pangyayaring naganap sa kasaysayan.

Sa katunayan, posibleng maraming pinag-ugatan ang globalisasyon.

18
New cards

5. Ang huling pananaw o perspektibo ay nagsasaad na ang globalisasyon ay penomenong nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo.

Tatlo sa mga pagbabagong naganap sa panahong ito ang sinasabing may tuwirang kinalaman sa pag-usbong ng globalisasyon.

19
New cards

•Cultural Integration

•Economic Network

•Technological Advancement

•Global Power

Mga Dahilan ng Globalisasyon

20
New cards

•Cultural Integration

Dahil ang mga tao ay patuloy ang pakikipagugnayan at pakikipamuhay kasama ang ibang mga tao na nagmula sa iba’t ibang panig na daigdig, sila ay nagkakaroon ng pagtanggap sa kultura ng ibang tao o lahi, na nagiging bahagi na ng kanilang pamumuhay

21
New cards

•Economic Network

Ang pakikipagkalakalan sa iba’t ibang bansa ay nagbibigay sa mga tao ngmaraming sangay ng pakikipag-ugnayan.Sila ay nagkakaroon ng palitan ngprodukto at serbisyo ayon sapangangailangan ng bawat isa

22
New cards

•Technological Advancement

Ang teknolohiya ay maaaring ituring na pangunahing dahilan sa pag-usbong at paglago ng globalisasyon lalo’t higit angmga teknolohiyang may kinalaman sa komunikasyon.

23
New cards

•Global Power

Dahil sa pakikipag-ugnayan ng mga tao mula sa iba’t ibang bansa at kultura, nagkakaroon ng tinatawag na “power allegiance” at “power resistance”.

24
New cards

•Socio-Cultural Dimension

•Economic Dimension

•Political Dimension

•Environmental Dimension

•Technological Dimension

Mga Dimensyon ng Globalisasyon

25
New cards

•Socio-Cultural Dimension

ang uri at kalagayan ng pamumuhay ng mga tao ay umuunlad sapagkat natututo tayo o nakakakuha tayo ng ideya at impormasyon mula sa ibang tao sa ibang bansa.

26
New cards

•Economic Dimension

Tinutukoy ang paglago ng pandaigdigang kalakalan at ekonomiya. Nagdudulot ito ng mas maraming trabaho, pamumuhunan, at mas malawak na merkado, ngunit may banta ng hindi pantay na pag-unlad at pagsasamantala sa likas na yaman.

27
New cards

•Political Dimension

Nagiging mas malapit ang mga bansa sa paggawa ng mga kasunduan at pagtutulungan sa pandaigdigang usapin, tulad ng kalakalan at seguridad. Gayunpaman, maaaring magdulot ito ng pagkawala ng kapangyarihan ng mga lokal na pamahalaan.

28
New cards

•Environmental Dimension

ang kapaligiran ay isa sa mga pinaka naapektuhan ng globalisasyon dahil sa pag-unlad ng pang-industriyal ng ekonomiya.

29
New cards

•Technological Dimension

ang paglago ng impormasyon at mga kaalamang siyentipiko ay nagdulot ng maraming pagbabago sa teknolohiyang ginagamit sa iba’t ibang panig ng daigdig.

30
New cards
  • Mababang Pasahod

  • Kawalan ng Seguridad

  • Job-Mismatch

  • Kontraktuwalisasyon

  • Mura at Flexible Labor

Kalagayan ng Paggawa sa Bansa

31
New cards

1. Regular

2. Hindi Regular

a. Apprentices/Learners

b. Casual workers

c. Contractual/Project-based workers

d. Probationary workers

e. Seasonal workers

Iba't Ibang Uri ng Manggagawa

32
New cards

1. Regular

• Manggagawa na gumaganap sa gawaing pangkaraniwang kailangan ng nagmamay-ari at tumagal o umabot na ng isang taon sa trabaho

33
New cards

a. Apprentices/Learners

b. Casual workers

c. Contractual/Project-based workers

d. Probationary workers

e. Seasonal workers

2. Hindi Regular (a.-e.)

34
New cards

a. Apprentices/Learners

Manggagawa na bahagi ng TESDA apprenticeship programat On-the-Job Training (OJT) na mga mag-aaral na walang regular na sahod.

35
New cards

b. Casual workers

Manggagawa na mahalaga ang trabaho sa kompanya ngunit hindi kasinghalaga ng mga regular na empleyado.

36
New cards

c. Contractual/Project-based workers

Manggagawa ng kompanya na nagtatrabaho ayon sa pinirmahang kontrata o kaya naman ay nagtatrabaho base sa tagal ng isang proyekto.

37
New cards

d. Probationary workers

Ang manggagawang inoobserbahan ng employer sa loob ng anim na buwan upang malaman kung ang manggagawa ay kwalipikado nang maging regular.

38
New cards

e. Seasonal workers

Manggagawa na tinatanggap o kinukuha sa isang partikular na panahon.

39
New cards

Employment

Kalagayan ng isang tao pagdating sa kanyang kabuhayan. Masasabing employed ang isang tao kung siya ay kasalukuyang may hanapbuhay o trabaho.

40
New cards

Unemployment

Ito ay nangyayari kapag ang mg tao ay walang trabaho ngunit aktibong naghahanap ng trabaho. Ito ay isang kondisyon kung saan ang mga manggagawa ay walang makita o mapasukang trabaho.

41
New cards

Underemployment

Ang manggagawa ay maaaring ituring na underemployed kung sila ay employed ngunit ang kanilang trabaho ay isang part-time job sa halip na full- time job.

42
New cards
  • Employment Pillar (Haligi ng Empleyo)

  • Worker's Rights Pillar (Haligi ng Karapatan ng Manggagawa)

  • Social Protection Pillar (Haligi ng Panlipunang Kaligtasan)

  • Social Dialogue Pillar (Haligi ng Kasunduang Panlipunan)

Apat na Haligi para sa Isang Disente at Marangal na Paggawa

43
New cards

Haligi ng Disenteng Paggawa

Tumutukoy sa hanapbuhay na may respeto sa mga karapatan ng isang tao at sa kanyang karapatan bilang isang manggagawa na magkaroon ng ligtas at maayos na kondisyon sa pagtatrabaho na kung saan hindi naaabuso ang isang manggagawa.

44
New cards

Employment Pillar (Haligi ng Empleyo)

Tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng trabaho, malaya at pantay na oportunidad sa paggawa, at maayos na workplace para sa mga manggagawa.

45
New cards

Worker's Rights Pillar (Haligi ng Karapatan ng Manggagawa)

Naglalayong palakasin at siguruhin ang paglikha ng mga batas para sa paggawa at matapat na pagpapatupad ng mga karapatan ng mga manggagawa.

•Karapatang sumali sa mga unyon

• Pagkakaroon ng Minimum Wage

•Walong oras na trabaho kada araw

•Karapatang maprotektahan

46
New cards

Social Protection Pillar (Haligi ng Panlipunang Kaligtasan)

Hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at mga sangkot sa paggawa na lumikha ng mga mekanismo para sa proteksyon ng manggagawa, katanggap-tanggap na pasahod, at oportunidad.

47
New cards

Social Dialogue Pillar (Haligi ng Kasunduang Panlipunan)

Palakasin ang laging bukas na pagpupulong sa pagitan ng pamahalaan, mga manggagawa, at kompanya sa pamamagitan ng paglikha ng mga collective bargaining unit.

48
New cards
  • Batas Republika Blg.1933

  • Batas Republika Blg. 1052

  • Batas Republika Blg. 1131

  • Batas Republika Blg.772

  • Batas Republika Blg.679

  • Batas Republika Blg.8187

Mga Batas na Nangangalaga sa Karapatan ng Manggagawa

49
New cards

Batas Republika Blg.1933

Batas na nagtatadhana ng walong oras ng paggawa ng mga manggawa

50
New cards

Batas Republika Blg. 1052

Batas na nagtatadhana ng patakaran ukol sa pagkatanggal ng mga manggagawa

51
New cards

Batas Republika Blg. 1131

Batas na nagbabawal sa pagtanggap ng manggagawa na walang pang 18 taong gulang

52
New cards

Batas Republika Blg.772

Batas na nagtatakda ng pagbabayad sa mga manggagawa na napinsala sa oras ng trabaho

53
New cards

Batas Republika Blg.679

Batas na nagtatakda na pagkalooban ng maternity leave ang manggagawang babae ng dalawang buwan

54
New cards

Batas Republika Blg.8187

Batas na nagbibigay ng isang linggong pahinga ng mga ama ng tahanan kapag nanganak ang asawa nito

55
New cards

Suliranin ng Paggawa sa Bansa

Iskemang Subcontracting

Tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang kompanya (principal) ay komukontrata ng isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon.

56
New cards

• Labor-Only Contracting

• Job-Contracting

Dalawang anyo ng SUBCONTRACTING:

57
New cards

Labor-Only Contracting

ay isang uri ng kasunduan sa trabaho na ilegal sa ilalim ng batas ng paggawa sa Pilipinas. Sa sistemang ito, ang contractor o subcontractor ay kumikilos lamang bilang tagapamagitan at walang sapat na puhunan, kagamitan, o kontrol sa trabaho ng mga manggagawa.

58
New cards

Job contracting

ANG SUBCONTRACTOR AY MAY SAPAT NA PUHUNAN para maisagawa ang trabaho at mga gawain ng mga manggagawang ipinasok ng subcontractor. WALA SILANG DIREKTANG KINALAMAN sa mga gawain ng kompanya.

59
New cards

Migrasyon

ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa iba pa, maging ito man ay pansamantala o permanente.

60
New cards

panloob na migrasyon (internal migration)

ang paglipat ng tao sa loob lamang ng bansa, tulad ng mula sa isang bayan, lalawigan, o rehiyon patungo sa ibang lugar.

61
New cards

migrasyong panlabas (international migration)

ang paglipat ng mga tao sa ibang bansa upang doon na manirahan o mamalagi nang matagal na panahon.

62
New cards

→Emigration

– pag-alis mula sa sariling bansa.

63
New cards

→Immigration

– pagdating sa bagong bansa.

64
New cards

MIGRANTE

tumutukoy sa isang tao na lumilipat mula sa isang lugar patungo sa ibang lugar, maaaring sa loob o labas ng bansa, upang humanap ng trabaho, mas magandang kabuhayan, o ibang layunin.

65
New cards

FLOW

Ito ay tumutukoy sa dami bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa isang takdang panahon. Madalas ditong gamitin ang mga salitang inflow, entries or immigration.

66
New cards

STOCK

Ito ay ang bilang ng nandayuhan na naninirahan Ο nananatili sa bansang nilipatan. Mahalaga ang flow sa pag- unawa sa trend o daloy ng paglipat o mobility ng mga tao habang ang stock naman ay makatutulong sa pagsusuri sa matagalang epekto ng migrasyon sa isang populasyon.

67
New cards

1. Globalisasyon ng Migrasyon

2. Mabilisang Paglaki ng Migrasyon

3. Pagkakaiba-iba ng Uri ng Migrasyon

4. Pagturing sa Migrasyon bilang Isyug Politikal

5. Paglaganap ng ‘Migration Transition’

6. Peminisasyon ng Migrasyon

Perspektibo sa Migrasyon

68
New cards

1. Globalisasyon ng Migrasyon

Tumataas ang bilang ng mga bansang nakararanas at naaapektuhan ng migrasyon. Ang mga bansang madalas puntahan o dayuhin tulad ng Australia, New Zealand, Canada at United States ay patuloy pa ring dinadagsa at sa katunayan ay nadadagdagan pa ang bilang ng mga bansang pinagmumulan nito. Malaking bilang ng mga migrante ay mula sa mga bansa sa Asya, Latin America at Africa

69
New cards

2. Mabilisang Paglaki ng Migrasyon

Ang kapal o dami ng mga nandarayuhan ay patuloy ang pagtaas sa iba’t ibang rehiyon ng daigdig. Malaki ang implikasiyon nito sa mga batas at polisiya na ipinatutupad sa mga destinasyong bansa.

70
New cards

3. Pagkakaiba-iba ng Uri ng Migrasyon

Hindi lamang iisang uri ng migrasyon ang nararanasan ng halos lahat ng mga bansang nakapaloob sa usaping ito. May mga bansang nakararanas ng labour migration, refugees migration at maging ng permanenteng migrasyon nang sabaysabay. Bukod sa nabanggit, mayroon pang tinatawag na irregular, temporary at permanent migrants

71
New cards

4. Pagturing sa Migrasyon bilang Isyug Politikal

Malaki ang naging implikasyong politikal ng migrasyon sa mga bansang nakararanas nito. Ang usaping pambansa, pakikipag-ugnayang bilateral at rehiyunal at maging ang polisiya tungkol sa pambansang seguridad ay naaapektuhan ng isyu ng migrasyon.

72
New cards

5. Paglaganap ng ‘Migration Transition’

ay nagaganap kapag ang nakasanayang bansang pinagmumulan ng mga nandarayuhan ay nagiging destinasyon na rin ng mga manggagawa at refugees mula sa iba’t ibang bansa. Partikular dito ang nararanasan ng South Korea, Poland, Spain, Morocco, Mexico, Dominican Republic at Turkey

73
New cards

6. Peminisasyon ng Migrasyon

• Malaki ang ginagampanan ng kababaihan sa usaping migrasyon sa kasalukuyan. Sa nagdaang panahon, ang labour migration at refugees ay binubuo halos ng mga lalaki. Nang sumapit ang 1960, naging kritikal ang ginampanan ng kababaihan sa labour migration. Kaakibat ng migrasyon ang pagbabago ng gampaning pangkasarian sa isang pamilya. Sinasabing kapag ang lalaki ang nangibang bansa ang asawang babae ang mas higit na umaako ng lahat ng gawaing pantahanan

74
New cards

Irregular migrants

ay ang mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na hindi dokumentado o walang permit para magtrabaho at sinasabing overstaying sa bansang pinuntahan

75
New cards

Temporary migrants

Ang tawag sa mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na may kaukulang permiso at papeles upang magtrabaho at manirahan nang may takdang panahon

76
New cards

Permanent migrants

ay may layunin sa pagtungo sa ibang bansa ay hindi lamang trabaho kundi ang permanenteng paninirahan sa piniling bansa kaya naman kalakip dito ang pagpapalit ng pagkamamamayan o citizenship.

77
New cards

• Pang-ekonomiya

• Pampulitika

• Panlipunan

• Pandaigdigan (Global)

pangunahing pananaw at perspektibo sa migrasyon

78
New cards
  • FORCED LABOR

  • HUMAN TRAFFICKING

  • SLAVERY

MGA ISYUNG KALAKIP NG MIGRASYON:

79
New cards

Forced Labor

Uri ng trabaho kung saan ang mga tao ay pinipilit magtrabaho nang labag sa kanilang kalooban sa ilalim ng banta o pangaabuso

80
New cards

Human Trafficking

Ang ilegal na pagbebenta o paggalaw ng mga tao, kadalasang para sa pagsasamantala tulad ng prostitusyon, sapilitang paggawa, o iba pang uri ng pangaabuso.

81
New cards

Slavery

Kundisyon kung saan ang isang tao ay itinuturing na pag-aari ng iba at pinipilit gawin ang mga trabaho nang walang kalayaan o kabayaran.

82
New cards

•Nagkakaroon ng pagdami ng populasyon

•Nakapagdaragdag ng kitang pang-ekonomikal

•Nakatutulong upang dumami ang manggagawa

•Ang migrants ay tumatanggap ng mas mababang pasahod kumpara sa lihitimong tao na taga roon sa bansa/ lugar na iyon.

Mabuting Epekto ng Migrasyon sa bansang pupuntahan

83
New cards

•Nakapagdaragdag sa gastos at security ng bansa/lugar na pinuntahan.

• Mayroong posibilidad ang pagkakaroon ng overcrowding

• Maaaring pagmulan ng di-pagkakasundo sa pananaw at paniniwala.

Di-Mabuting Epekto ng Migrasyon sa bansang pupuntahan

84
New cards

•Maaaring bumaba ang potential workforce ng bansa

• Nagkakaroon ng gender imbalance sa lugar na inalisan ng mga migrants

• Nagkakaroon ng tinatawag na “brain drain” sapagkat ang marami sa umaalis ay mga skilled at professional

Di-Mabuting Epekto ng Migrasyon sa bansang pinanggalingan

85
New cards

•Ang padalang pera na kinita sa ibang bansa o lugar ay nakatutulong sa ekonomiya

• Nababawasan ang ang unemployment sa bansang pinanggalingan

• Ang mga taong nagmula sa ibang bansa /lugar ay may dalang bagong skills at kalaman

Mabuting Epekto ng Migrasyon sa bansang pinanggalingan

86
New cards
87
New cards

Explore top flashcards

Module 9
Updated 705d ago
flashcards Flashcards (56)
Unit 6 + 7 History
Updated 663d ago
flashcards Flashcards (133)
gd (prefi2)
Updated 102d ago
flashcards Flashcards (26)
Unit 5: Kinetics
Updated 68d ago
flashcards Flashcards (21)
Module 9
Updated 705d ago
flashcards Flashcards (56)
Unit 6 + 7 History
Updated 663d ago
flashcards Flashcards (133)
gd (prefi2)
Updated 102d ago
flashcards Flashcards (26)
Unit 5: Kinetics
Updated 68d ago
flashcards Flashcards (21)