1/30
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
pagkapoot
Totoo nga, ako ang taong naparito labintatlong taon na ang nakalipas, may sakit at kaawa-awa ang anyo, upang bigyan ng pitagan ang isang dakilang kaluluwang namatay para sa akin. Biktima ng isang tiwaling pamahalaan. Naglagalag ako at nagpunyaging makaipon ng malaking halaga upang maisakatuparan ang aking mga balak. Ngayo'y nagbalik ako upang wasakin ang tiwaling pamahalaan sa pamamagitan ng pag-uudyok nito sa sariling kabulukan at pagtulak ditto sa hukay na siyang matuling babagsakan. Sukdulang gumagamit ng luha at dugo. Anong damdamin ang nangingibabaw sa pahayag na ito ng tauhang si Simoun?
pagtanaw ng utang na loob
May labintatlong taon napo ngayon Ginoo, na kayo'y naghandog sa akin ng isang pagdamay na dakila. "Sa pook ding ito inilibing ang aking ina at ikaliligaya ko kung ako'y makatutulong naman sa inyo.'' Anong katangiang Pilipino ang masasalamin sa may salungguhit na pahayag?
pagkamatapat sa tungkulin
Hindi sang-ayon ang kalihim sa paglalaro ng baraha ng Kapitan Heneral sa halip na bigyan pansin ang mahahalagang suliranin ng bayan. Sa pagkatao ng kalihim ay masisinag ang katauhang
magpakalinga
Mula sa Batangas, si Kabesang Andang ay dumalaw sa kanyang anak na si Placido. Unang batian pa lamang ay dama na niya na may problema ang kanyang anak. Ito ay kanyag inalo at sinuportahan. Ang ginawa ni Kabesang Andang ay pagpapatunay lamang na siya ay isang inang
mapagparaya
Si Huli ay namasukan bilang katulong upang mapalaya ang kanyang ama sa salaping makukuha. Dahil dito si Huli ay maituturing na anak na:
paggawa
Ayon kay Simoun ang mga tulisan ang pinakamatapat na mamamayan sa buong bayan. Sila lamang ang nagpapagod sa araw-araw nilang pagkain. Samakatuwid si Simoun ay nagpapahalaga sa kahalagahan ng
makabayan
"Kung ang buhok ko ay maging kasimputi ng sa inyo, Ginoo, at sa aking pag-alaala ng aking nakaraan ay nakita kong wala akong ginawa para sa aking bayan, ang puting buhok na ito ay dapat kong ikahiya." Ang pahayag na ito ay nagpapatunay lamang na si Isagani ay
kahit anong tago ng sikreto ito ay lalabas din sa tamang panahon
"Walang lihim ang hindi nabubunyag" (Kabanata 7 - Si Simoun) nangangahulugan na:
paggalang
Ang mga sasakyan ay dahan-dahan ang lakad at ang pagsasabi ng ''tabi po'' ng mga kutsero ay naririnig maya't maya. Ang ikinikilos na ito ng mga kutsero ay nagsasaad lamang ng
mahinahon
hindi pinansin ni Mr. Leeds ang masamang intensyon ni Ben Zayb sa halip ay tinugon niya ito ng mahinusay. Sa pagkatao ni Mr. Leeds mababanaag na siya ay:
mapagtago
Si Don Tiburcio de Espadana ay kinupkop ni Padre Florentino sa kanilang tahanan upang maiwasan ang kalupitan ni Donya Victorina. Samakatuwid, likas kay Padre Florentino ang pagiging
matiyaga
Si Ginoong Pasta ay namasukan bilang isang katulong sa mga prayle upang siya ay maging abogado. Ito ay nagpapatunay na siya ay:
kahirapan
Sa paaralang pinamamahalaan ng mga prayle na pinapasukan ni Basilio ay nakaranas siya ng pangungutya ng mga kaklase maging nang kaniyang guro dahil sa kanyang ayos at pananamit. Anong isyu ang maiugnay sa pangyayari?
kawalan ng pagasa
Sa kabanata 6 ng El Filibusterismo, naisip ni Basilio na magpasagasa upang wakasan ang kahirapang naranasan sa buhay. Anong katangian ng tauhan ang mahihinuha sa pahayag?
ang kahirapan ay hindi hadlang sa tagumpay
Si Basilio ay isang ulilang lubos na nagpaalila at nag-aral upang makaahon sa buhay. Alin sa sumusunod na kaisipan ang angkop sa pahayag?
pagluluksa ng ama sa anak
Dahil sa matinding pagmamahal ni Kapitan Tiago sa kanyang anak na si Ma. Clara, ikinalungkot niya ang kamatayan nito. Ito ay naglalarawan ng
dangal
ang pagtupad sa tamang oras katulad ng pagdalo sa anumang pagtitipon ay nagpapakilala ng isang taong may
pagkabahala
Sa pahayag ni Simoun na "Basilio, nakababatid ka ng lihim na maaring ikasawi ko, at ngayoý nakatuklas ka ng isa pa na kung mabubunyag ay ikasisira sa aking mga balak, kaya't ang buo kong buhay ay nasa kamay mo." Kung ikaw si Basilio, anong damdamin ang mangingibabaw sa'yo matapos matuklasan ang lihim ni Simoun?
pagasa
Si Isagani ay may mataas na pangarap sa bayan. Alam niya na itoý maisasakatuparan. Ito ay nagpapakita na si Isagani ay may
mapagmalasakit
"Kapag ako ay naging ganap na doktor at tayo ay nakasal, hindi na kakailanganin ng iyong ama ang kanyang bukirin." Sa pagsasalita ni Basilio mahihinuhang siya ay
pangarap
Ninais ng mga estudyante na magkaroon ng pagbabago sa bansa upang makamtan ang kalayaan at kaunlaran. Ito ay nagpapakita na ang mga estudyante ay may __________ sa bayan
sariling paninindigan
Nalulugod si Padre Fernandez sa mahusay na pagpapahayag ni Isagani lalo na kung ito ay nahihinggil sa pagtatanggol sa bayan dahil sa prinsipyong ipinaglalaban. Ipinakikita lamang na si Isagani ay taong may
pagmamalasakit sa bayan
Maraming kaisipang ibinahagi si Isagani kay Padre Fernandez na nahihinggil sa pagtatanggol sa bayan. Magpapahiwatig lamang na si Isagani ay may
tiwalang pamamahala noon
ang Bapor Tabo ay sumasagisag sa
may pananalig sa Diyos
Nang magising si Huli, kaagad niyang pinuntahan ang imahe ng Mahal na Birhen upang tignan kung ang perang inilagay niya sa ilalim nito ay nadagdagan na. Sa mga ikinilos ni Huli mahihinuhang siya ay isang taong
pagkamaalalahanin
Lubhang mahal ni Huli si Basilio kaya't nang ito'y makulong naisip niya kung paano ito matutulungan kahit na ito'y magdudulot ng kanyang kapahamakan. Ito'y nagpapakilala ng
mapaghalaga
Nang yumao si Kapitan Tiago, marami ang nagbigay puri sa kanyang kabutihang nagawa. Ito ay nagpapakilala na ang tao ay marunong __________ sa nagawa ng iba
magliwaliw
isipin mo munang mag-aral bago _maglimayon_
umaayon
Ako'y hindi _kumikiling_ sa mga prayle. Kilala ninyo ang aking malayang isipan
suliranin
ang paglalakbay ni Basilio ay punung-puno ng _ligalig_, gutom, at puyat
pagtatalo
nilutas ng Kapitan Heneral ang _hidwaan_ sa pamamagitan ng pag-uutos na "ang lahat ay dapat maupo gaya ng mga Intsik"