1/71
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
|---|
No study sessions yet.
multilingguwal na bansa
Kilala ang Pilipinas bilang isang _________________ na dumanas ng kolonyalisasyon mula sa mga makapangyarihang kontinente tulad ng Europa.
Hilagang Amerika at Asya
na nagdulot ng malawakang impulwensya hindi lamang sa kabihasnan at kultura ng mga Pilipino kung hindi maging sa sinasalitang wika na pundasyon ng ating pagka- Pilipino.
Estados Unidos
Higit mang matagal na napasailalim sa kapangyarihan ng Espanya ang bansa kaysa sa Estados Unidos, kapansin-pansin ang napakalakas na kapit ng wikang Ingles sa mga Pilipino.
Ito ay sa kadahilanang hindi ipinagkait ng ________________ ang kanilang wika at sa halip, ginamit nila itong estratehiya upang ipakita ang kanilang pagmamalasakit sa mga Pilipino, sa bansa.
wikang Filipino at Ingles sa sekondarya at tersiyarya.
Sa kasalukuyang Sistema ng edukasyon, kung saan ipinatupad ang mother tounge-based/multilingual education nakasilip ng pagkakataon ang Filipino na ipagamit bilang wikang panturo sapagkat simula sa paggamit ng wika ng komunidad bilang pangunahing wikang panturo sa primarying antas, unti-unting pagpasok ang paggamit ng
wikang Filipino
Batay sa probisyon ng patakaran ng bilinggwal, dapat gamitin ang ____________ bilang wikang panturo sa mga larangang ito.
Subalit, dahil sa pagiging maluwag sa implementasyon nito, maraming kolehiyo at unibersidad ang hindi sumunod sa polisiya bukod pa sa katotohanang napakalakas ng kapit ng wikang Ingles sa sistema ng edukasyon sa bansa.
San Juan et al., (2019)
Nabanggit nina ___________________, (mula kay Ferguson, 2006), na ang katanyagang taglay ng wikang Ingles sa sistema ng edukasyon lalo na sa mga kolehiyo at mga unibersidad ay may kakambal na sosyo-ekonimiko.
Ang mga ganitong ilusyon ng mga Pilipino ang pumipigil sa marami upang higit na pagyamanin at paghusayin ang pag-aaral at paggamit ng wikang Filipino bilang wikang panturo o wika ng komunikasyon.
May ilan pa ring malalaking unibersidad ang hindi sumusuko sa pagpapayaman ng wikang Filipino at marubdob na sumusunod sa probisyon ng patakarang bilinggwal.
De La Salle, Ateneo, Unibersidad ng Sto. Tomas, UP
at iba pa ay ilan lamang sa malalaking Pamantasan at unibersidad na patuloy na gumagamit ng Filipino bilang wikang panturo sa mga kurso sa pilosopiya, agham pampolitika, lohika, ekonomiks, batas, kasaysayan at panitikan.
pilosopiya, agham pampolitika, lohika, ekonomiks, batas, kasaysayan at panitikan.
Ang De La Salle, Ateneo, Unibersidad ng Sto. Tomas, UP at iba pa ay ilan lamang sa malalaking Pamantasan at unibersidad na patuloy na gumagamit ng Filipino bilang wikang panturo sa mga kurso sa ________________________________
Malay, Daluyan, Lagda, Hasaan, Kritika
Masigla rin ang publikasyon sa mga scholarly journal tulad ng _________________________ at iba pang bago at umuusbong na journal sa kasalukuyan.
Humanidades
Higit na nauna ang larangan ng _______________ kaysa sa Agham Panlipunan subalit madalas na nagkakasalimbayan ang dalawang larangang sapagkat maraming paksa at isyu na kapwa tinatalakay ng mga ito, tao at lipunan. Marami sa mga teoretiko at pilosopikong pundasyon ng aghan panlipunan ay nagmumula sa humanidades.
REGISTER
Bawat larangan ay may tiyak na set ng mga terminong ginagamit na tinatawag na ______________
● Isang kahulugan lamang dahil eksklusibo itong ginagamit sa isang tiyak na disiplina.
● Dalawa o mahigit pang kahulugan dahil ginagamit sa dalawa o mahigit pang disiplina.
● Isang kahulugan lamang sa dalawang magkaibang disiplina gawa ng pagkakaroon ng ugnayan ng mga disiplinang ito.
Ang mga salitang may REGISTER ay maaaring magkaroon ng:
"hindi kung ano ang gagawin ng tao, kundi kung paano maging tao".
Ang pangunahing layunin ng Humanidades ay ___________________________
kaisipan, kalagayan at kultura ng tao
Ang ____________________ ang binibigyang-tuon sa pag-aaral ng larangang humanidades
J. Irwin Miller, Newton Lee
Ang layuning ito ng humanidades ay sinugsugan ni ______________ na nagsabi na "ang layon ng Humanidades ay ang gawin tayong tunay na tao sa pinakamataas na kahulugan nito" na dinagdagan ni _________________ sa pagsasabi na "sana' y mapagtanto natin na ang edukasyon at ang Humanidades ay dapat pahalagahan sa pagpapaunlad ng ating mga isipan at ng lipunan sa kalahatan, at di lamang para magkaroon ng karera sa hinaharap".
Panitikan, Pilosopiya, Sining, Malayang Sining
Ang larangang ito ay binubuo ng (Wika Teatro), (Relihiyon), (Biswal: pelikula, teatro at sayaw, Applied; graphics, Industriya (fashion, Interior) at (calligraphy, studio arts, art history, print making at mied media)
Wika Teatro
Panitikan
Relihiyon
Pilosopiya
Biswal: pelikula, teatro at sayaw, Applied; graphics, Industriya (fashion, Interior)
Sining
calligraphy, studio arts, art history, print making at mixed media
Malayang Sining
Griyego at Romano
Ang larangan ng Humanidades ay umusbong bilang reaksiyon sa iskolastisismo sa panahon ng mga ________________ kung saan inihahanda ang tao na maging doctor, abogado at sa mga kursong praktikal, propesyonal at siyentipiko.
Ang analitikal na lapit
ay ginagamit sa pag-oorganisa ng mga impormasyon sa mga kategorya, bahagi, grupo, uri at mga pag-uugnay-ugnay ng mga ito sa isa't isa.
Ang kritikal na lapit
ang ginagamit kung ginagawan ng interpretasyon, argumento, ebalwasyon at sa pagbibigay ng sariling opinion sa ideya.
Ispekulatibong lapit
ay kadalasang ginagamit sa pagkilala ng mga senaryo, mga estratehiya o pamamaraan ng pagsusuri, pag-iisip at pagsulat.
deskripsyon o paglalarawan, paglilista, kronolohiya o pagkakasunod-sunod ng pangyayari, sanhi at bunga, pagkokompara at epekto.
Ang ilan sa mga halimbawa ng mga pamamaraan at estratehiysang ginagamit sa mga lapit na ito ay _____________________
Impormasyonal
Imahinatibo
Pangungumbinse
tatlong (3) anyo ang pagsulat sa larangan ng Humanidades batay sa layunin ayon kina Quinn at Irvings (1991)
a. paktwal ang mga impormasyon
b. paglalarawan
c. proseso
Impormasyonal - maaaring isagawa batay sa sumusunod:
paktwal ang mga impormasyon
bilang background gaya ng talambuhay o maikling bionote, artikulo sa kasaysayan at iba pa
paglalarawan
- nagbibigay ng detalye, mga imahe na dinedetalye sa isipan ng mambabasa, sinasabayan ng kritikal na pagsusuri na karaniwan ay isinasagawa sa mga akdang pampanitikan gaya ng kritisismo, tula, kuwento, nobela at iba pa.
proseso
- binubuo ng paliwanag kaugnay ng Teknik, paano isinagawa at ang nagging result na kadalasan ay ginagawa sa sining at musika.
Imahinatibo
binubuo ng mga malikhaing akda gaya ng piksyon (nobela, dula, maikling kwento) sa larangan ng panitikan, gayundin ang pagsusuri dito.
Pangungumbinse
- pagganyan upang mapaniwala o di-mapaniwala ang bumabasa, nakikinig at nanonood sa teksto o akda. Subhetibo ito kaya't ang mahalagang opinion ay kaakibat ng ebidensya at katuwiran o argumento.
Ang Agham Panlipunan
ay isang larangang akademiko na pumapaksa sa tao-kalikasan, mga gawain at pamumuhay nito, kasama ang mga implikasyon at bunga ng mga pagkilos nito bilang miyembro ng lipunan.
Tao at Kultura
ang sakop nito subalit itinuturing itong isang uri ng siyensiya o agham.
Lapit siyentipiko
ang gamit sa Agham Panilipunan bagamat iba-iba ito depende sa disiplina. Ito ay gumagamit ng sarbey, obserbasyon, pananaliksik sa larangan, at mga datos na sekondarya.
dayakroniko (historical) at sinkroniko (deskriptibo)
Ang pagsusuri o metodolohiya dito ay sa
1. Sosyolohiya
2. Sikolohiya
3. Lingguwistika
4. Antropolohiya
5. Kasaysayan
6. Heograpiya
7. Agham Pampolitika
8. Ekonomiks
9. Area Studies
10. Arkeolohiya
11. Relihiyon
Mga Disiplina sa Larangan ng Agham Panlipunan
Sosyolohiya
– pag-aaral ng kilos, pag-iisip at gawi ng tao sa lipunan at gumagamit ng emperikal na obserbasyon, kuwalitatibo at kuwantitatibong metodo.
Sikolohiya
– pag-aaral ng mga kilos, pag-iisip at gawi ng tao, gumagamit ng empirical na obserbasyon.
Lingguwistika
– pag-aaral ng wika bilang Sistema kaugnay ng kalikasan, anyo, estruktura at baryasyon nito.
ponetika, ponolohiya, morpolohiya, sintaks at gramatika
Bahagi ng Lingguistikong pagaaral ang _________________ at gumagamit ng lapit na deskriptibo o pagpapaliwanag sa pag-aaral ng katangian ng wika, gayundin ng historical na lapit o pinagdaanang pagbabago ng wika.
Antropolohiya
– pag-aaral ng mga tao sa iba’t ibang panahon ng pag-iral upang maunawaan ang kompleksidad ng mga kultura at gumagamit ng participant-observation o ekspiryensiyal na imersyon sa pananaliksik.
Kasaysayan
– pag-aaral ng nakaraan o pinagdaanang pag-iral ng mga grupo, komunidad, lipunan at ng mga pangyayari upang maiugnay ito sa kasalukuyan, ginagamit ang lapit-naratibo upang mailahad ang mga pangyayaring ito.
Heograpiya
– pag-aaral sa mga lipunang sakop ng mundo upang maunawaan ang masalimuot na mga bagay kaugnay ng katangian, kalikasan at pagbabago rito kasama na ang epekto nito sa tao, metodong kuwantitatibo at kuwalitatibo ang ginagamit sa mga pananaliksik dito.
Agham Pampolitika
- pag-aaral sa bansa, gobyerno, politika at mga patakaran, proseso at Sistema ng mga gobyerno, gayundin ang kilos-political ng mga institusyon, gumagamit ito ng analisis at empirical na pag-aaral.
Ekonomiks
- pag-aaral sa mga gawaing kaugnay ng mga proseso ng produksyon, distribusyon at paggamit ng mga serbisyo at produkto sa ekonomiya ng isang bansa
Area Studies
– interdisiplinaryong pag-aaral, kaugnay ng isang bansa, rehiyon, at heyograpikong lugar, kuwalitatibo, kuiwantitatibo at empirical na obserbasyon at imbestigasyon ang lapit sa pananaliksik dito.
Arkeolohiya
– pag-aaral ng mga relikya, labi, artifact at monument kaugnay ng nakaraang pamumuhay at gawain ng tao.
Relihiyon
– pag-aaral ng organisadong koleksiyon ng mga paniniwala, sistemang kultural at mga pananaw sa mundo kaugnay ng sangkatauhan at sangkamunduhan (uniberdo) bilang nilikha ng isang superior at superhuman na kaayusan
simple, impersonal, direkta, tiyak ang tinutukoy, argumentatibo, nanghihikayat at naglalahad
Ang mga sulatin sa Agham Panlipunan ay ____________________
Di-piksyon
___________ ang anyo ng mga sulatin sa larangan ng Agham Panlipunan na madalas ay mahaba dahil sa presentasyon ng mga ebidensya ngunit sapat upang mapangatuwiranan ang katuwiran o tesis
report, sanaysay, papel ng pananaliksik, abstrak, artikulo
Karaiwang mga anyo ng sulatin sa Agham Panlipunan ang _________________________, rebuy ng libro o artikulo, niyograpiya, balita, editorial, talumpati, adbertisment, proposal sa pananaliksik, komersiyal sa telebisyon, testimonial at iba pa.
Mahalagang maunawaan muna ang iba’t ibang katangian ng bawat anyo, pormat, layunin, wika, nilalaman at inaasahang mambabasa.
a. Pagtukoy sa genre o anyo ng sulatin gaya ng binanggit sa itaas
b. Pagtukoy at pagtiyak sa paksa.
c. Paglilinaw at pagtiyak sa paksang pangungusap.
d. Pagtiyak sa paraan ng pagkuha ng datos
e. Pagkalap ng datos bilang ebidensya at suporta sa tesis
f. Analisis ng ebidensya gamit ang lapit sa pagsusuring kuwantatibo, kuwalitatibo, argumentatibo, deskriptibo, at etnograpiko.
g. Pagsulat ng sulatin gamit ang lohikal, malinaw, organisado (simula, gitna at wakas), angkop, sapat at wastong paraan ng pagsulat.
h. Pagsasaayos ng sanggunian at talababa sa mga ginamit na sulatin ng ibang may-akda.
May sinusunod na proseso sa pagsulat sa Agham Panlipunan. Ang mga ito ay ang sumusunod:
Ang pagsasalin
ay nagmula sa salitang Latin na translation na translation naman sa wikang Ingles.
ay isang sining at agham na nangangailangan ng malawak at malalim na kaalaman sa larangan ng lingguwistika at gramatika.
Metafora o metaphrasis
ito sa wikang Griyego na pinagmulan ng salitang Ingles na metaphrase o salita-sa –salitang pagsalin (Kasparek 1983 hango kay Batnag 2009).
Layunin ng Pagsasalin
1. Magdagdag ng mga impormasyon at kaalaman mula sa pag-aangkat ng mga kaisipan mula sa ibang wika.
2. Mailalahok sa pambansang kamalayan ang iba’t ibang katutubong kalinangan mula sa iba’t ibang wikang rehiyonal at pangkating etniko sa bansa.
3. Mapagyaman ang kamalayan sa iba’t ibang kultura mula sa pagbubukas ng bagong mundo mula sa mga salin.
1. Pagsasaling Pampanitikan
2. Pagsasaling siyentipiko-teknikal
Uri ng pagsasalin
Pagsasaling Pampanitikan
– nilalayon na mailikha ng obra maestra batas sa orihinal na akdang nakasulat sa ibang wika.
Pagsasaling siyentipiko-teknikal
– komunikasyon ang pangunahing layon.
Espanyol
Nagsimula ang kasaysayan ng pagsasalin sa bansa noong dumating ang mga _____________ at ipayakap ang Kristiyanismo sa mga Pilipino.
Naging napakalaking suliranin para sa mga Espanyol ng wikang umiiral sa bansa sapagkat lubhang magkalayo ang pamilya ng mga wika sa bansa at sa Espana
Austronesia, Indo –European
Ang Pilipinas ay mula sa __________- at ang Espanya ay kabilang sa _________________
Ayon kay Tanawan et al., (2007)
malaking tulong din sa mabilis na paglaganap ng Kristiyanismo at pag-aaral sa gramatika at bokabularyo ang pagpapangkat sa mga prayle sa apat na orden na naitalaga sa iba’t ibang bahagi sa bansa.
Dominican
Pangasinan at Cagayan
Franciscan
Camarines
Heswita
kalahati ng Bisaya
Agustinian
kalahati ng Bisaya, Ilocos at Pampanga
Nagkaroon ng sariling imprentahan ang mga lugar
upang higit na maging mabilis ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo at pagsulat ng mga aklat at babasahin tungkol sa pag-aaral ng wika gramatika
wika ng globalisasyon
Lalong lumakas ang pagkakakapit ng wikang Ingles sa mga Pilipino dahil sa paniniwalang ito ang __________________
Ang mga dalubhasa
ay puspusan ang ginawa/ginagawang pagsasalin sa mga pinakamahuhusay na akda, local man o banyaga upang lubos na maipabatid sa mga Pilipino ang diwa at ganda ng iba’t ibang kultura at kahusayan ng iba’t ibang kaalaman
Rufino Alejandro, Belvez Paz, Virgilio Almario, Buenvinido Lumbera at marami pang iba.
Nakilala sa gawaing ito sina
KWF
Nakipagtulungan naman ang _____________-, bilang isang konstitusyonal na ahensya, sa gawaing ito. Patuloy ang isinasagawa nilang pagsasalin ng mga klasiko at pinakamahuhusay na akdang pampanitikan sa daigdig.
Mga Tungkulin ng Pagsasalin sa Pagsusulong sa Filipino
1. Sa naipamalas na hindi hanggang sa ordinaryong talakayan lamang magagamit ang Filipino kundi kaya nitong magamit sa pagpapahayag ng mga intelektuwal na diskuro na makikita sa mga naisaling akda sa agham, teknolohiya, agham panlipunan, panitikan at marami pang iba.
2. Napapaunlad ang korpus ng Filipino habang patuloy ang mga gawaing pagsasalin. Sa mga katulad na inisyatiba, nabibigyang katumbas sa ating wika ang mga konsepto na tanging sa Ingles o ibang wika natin nababasa. Maaaring ang pagtutumbas na ito ay dumaan sa pagsakatutubo, adaptasyon, o lumikha man, ang mahala ay magkakaroon ang mga konsepto ng mga tiyak na katumbas sa Filipino.
3. Naiimbak ang mahahalagang kaalaman sa iba’t ibang larangan sa pamamagitan ng Filipino. Dahil dito, mas naitatampok ng Filipino ang kakayahan nitong maging imbakan ng karunungan na tinatayang mahalaga sa pag-unlad at lalong pagpapabuti sa buhay ng mga Pilipino.
4. Nagtutulay ang pagsasalin, gamit ang mga naisaling akda, upang puspusang magamit ang Filipino sa akademya particular sa mga kolehiyo at unibersidad. Kung mga aklat at materyales na panturo o sanggunian ang mga naisalin magiging mas madali na ang pagtuturo at hindi na magiging dahilan ang kawalan ng kagamitan kaya hindi ginagamit ang Filipino sa mga kursong wala pang nalilimbang na aklat sa Filipino.
5. Napauunlad nito ang pedagogical idiom sa isang larangan. Bagamat pagpapaunlad din ito sa korpus ng Filipino, particular na tinutukoy nito ang mga salita na magagamit para maituro nang mabilis at episyente ang isang kurso gamit ang Filipino. Dahil sa mga naisaling akda, unti-unti itong mabubuo ng mga gagamit ng Filipino sa pagtuturo ng iba’t ibang larangan