1/74
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Bio-data
ay isang form na naglalatag ng ilang personal na impormasyon tungkol sa iyo. Makikita rin dito ang iyong inabot sa pag-aaral at ilang kakayahang maaaring magpakilala sa iyo bilaang indibidwal.
NAGAGAMIT BILANG EPEKTIBONG MIDYUM NG KOMUNIKASYON
Hindi palaging pasalita ang awtput na kailangan sa isang trabaho. Sa pamamagitan ng husay sa paggawa ng mga sulatin, nagagawa ng isang indibidwal na makapaghatid ng mensahe at mailang ang kaniyang mga nawaga sa akmang pamamaraan.
NAKATUTUKOY NG MAHUSAY NA EMPLEYADO
Taglay ng isang mahusay na empleyado ang kakayahan sa akademikong pagsulat. Palaging itinuturing na mahusay na katrabaho ang indibidwal na maalam sa pagsusulat ng epektibong korespondensiya.
NAKAPAGLALATAG NG KAHUSAYAN NG INDIBIDWAL
Kung naipakikita ng iyong sulatin ang maayos at organisadong ideya, naihahayag din nito ang husay bilang bahagi ng institusyon.
NAKAPAGPAPAKITA NG KREDIBIDILAD
Ang maayos na sulatin ay nangangahulugan ng maayos na pagpapahatid ng mensahe sa sinumang may kailangan nito.
NAKAPAGPAPAKITA NG PROPESYONALISMO
Ang trabaho ay pormal na gawain. Kaya, ang kakayahan sa akademikong pagsusulat ay palaging kahingian dito.
NAGIGING TULAY SA TAGUMPAY SA TRABAHO
Sinumang indibidwal na bahagi ng isang larang ay naghahangad ng mahusay na kinalalagyan ng trabaho.
Résumé
Naglalaman ito ng ilang batayang impormasyon hinggil sa iyo-educational background, mga naging karanasan sa trabaho, at ang ilan sa iyong kakayahan.
Curriculum Vitae
Ito ay komprehensibong pag-uulat ng iyong kapasidad sa sektor na iyong kinabibilangan. Ito ay credential based.
Résumé
Naghahayag ng educational background at ng kakayahan: karanasan sa trabaho, mga nakamit na karangalan.
Curriculum Vitae
Naghahayag ng kredibilidad bilang eksperto sa larang: educational background, mga papel o pananaliksik na isinagawa, espeyalisasyon, organisasyong kinabibilangan.
Résumé
isang pahina
Curriculum Vitae
higit sa isang pahina (depende sa tatanggap nito)
Résumé
sa anumang trabaho
Curriculum Vitae
karaniwang ginagamit sa akademya, sa sektor ng agham, at medisina
ILAKIP LAMANG ANG KAUKULANG IMPORMASYON
Pangunahing layunin ng resume ang ipakilala ka bilang propesyonal.
GUMAMIT LAMANG NG ISANG FONT AT LARAWANG MAY PORMAL NA KASUOTAN
Dapat na sumunod sa akademikong sulatin ang iyong resume. Sa pamamagitan nito, maipakikita mo ang iyong sarili bilang propesyonal.
TIYAKING MAY KAUGNAYAN ANG IMPORMASYONG ILALAGAY SA INAAPLAYAN MONG POSISYON
Maglakip lamang ng mga impormasyong maaaring makatulong upang mapili ka sa inaaplayan mong trabaho.
MAGING TAPAT SA IMPORMASYON
Sa anumang propesyon, kailangan ang katapatan.
I-PROOFREAD AT IREBISA KUNG KAILANGAN
Tiyaking ang iyong ipapasang resume ay mahusay na tumatalima sa pamantayang panggramatika at akademikong pagsulat.
Liham-Aplikasyon
Ito ay isang uri ng liham na pantanggapan o yaong ginagamit sa akademikong disiplina.
Liham-Aplikasyon
Ito ay nililikha upang ipadala sa mga institusyon o kompanyang akademiko na layuning ipakilala ang sarili bilang propesyonal, at inilatag ang layuning matanggap sa partikular na posisyon.
Hindi Pormal (Liham Panlipunan)
Pagpapahayag ng sariling damdamin hindi kahingian ang pagtalima sa pamantayang panggramatika.
Karaniwang malapit sa nagpadala ang tatanggap.
Nasa sobre ang pamuhatan.
Pormal (Akademikong Liham)
Mahigpit ang pagsunod sa pamantayang panggramatika.
Pormal ang tono at estruktura.
Ipinadala sa mga akademikong tanggapan ( pribado o pampubliko).
Nakalakip sa liham ang pamuhatan.
Pamuhatan
address ng taong nagbibigay ng liham
Patunguhan
pangalan at katungkulang ng taong tatanggap ng liham
Bating Pambungad/Bating Panimula
nagpapahayag ng pambungad na bati
Katawan ng Liham
isinasalaysay ang mensahe ng liham
Bating pangwakas
magalang at maiksing pamamaalam ng sumulat pamitagang
Lagda
ganap na pagpapakilala ng may akda
Panukalang Papel
Ito ay nagsisilbing gulugod ng anumang programa. Ito ang nagsisilbing teksto ng plano ng isasagawang proyekto.
Rasyonal
Ipinaliliwanag ang napanukala (proponent) ang kahalagahan ng inihahapag na proyekto. Idinidiin nito ang katuturan ng isasagawang proyekto.
Layunin
Sa bahaging ito ay mas malinaw na inilalatag ang nais tunguhin ng isasagawang programa. Dapat ay maiksi at nauunawaan agad ng tatanggap nito.
Panahon ng pagsasagawa (Timeline)
Ang bahaging ito ang maglalatag ng tiyak na panahon o ang target na petsa ng pagsasagawa ng isang programa. Dito nililinaw ang iskedyul, at ang oras maging ang mga kalahok nito.
Taskings
Isa sa pinakamahalagang matugunan ng panukalang proyekto. Inilalatag dito ang mga dapat na gawin sa pagsasagawa ng programa.
Badyet
Dito iniisa-isa ang gastos at pagkukunan ng pondo upang maisagawa ang panukalang proyekto.
Adyenda
Ito ay ang listahang naglalaman ng pag-uusapan sa isang pulong. Nakaaayos ito batay sa pagkasunod-sunod ng mga pag-uusapang paksa.
Panukalang Papel
Ito ay nagsisilbing gulugod ng anumang programa. Ito ang nagsisilbing teksto ng plano ng isasagawang proyekto.
PETSA AT LUGAR NG PULONG
Pangunahing laman ng adyenda ang takdang araw at ang pagganapan ng mga kalahok upang mapaghanadaan ang pulong.
INAASAHANG MAKAMIT SA PULONG
Sa bahaging ito inilalatag ang pangunahing layunin ng pulong at kung bakit ito kailangang gawin
MGA TATALAKAYING PAKSA
Sa bahaging ito inililista ang mga espesipikong paksa batay sa pangunahing layuning inilalatag ng adyenda. Nakabatay ang haba nito sa pangangailangan ng organisasyong nagsasagawa ng pulong. Nakalatag din dito ang mga usaping kailangan agad desisyunan ng grupo.
MGA KALAHOK
Sa bahaging ito inililista ang mga dapat na dumalo sa pulong.
How to design an agenda for an effective meeting ni Roger Swarz (2015)
GABAY SA PAGBUO NG ADYENDA
Manghingi ng input sa mga kasapi
Bagama’t ang pinuno ng organisasyon ang naghahanda ng adyenda, makatutulong ang pagtatanong sa mga kasapi ng kanilang mga mungkahi
Mamili ng paksang may kaugnayan sa mga kasapi
Hindi palaging nagaganap ang pagpupulong kaya dapat na may agarang usapin kailangang matugunan sa pagsasagawa nito. Tiyaking ang adyenda ay nauukol sa usaping kinakaharap sa mga kasapi ng organisasyon
Gawing patanong ang paglilista ng adyenda kung kailangan
Mas matutugnan agad ang mga usaping kailangang talakayin sa pulong kung inilalatag ito bilang mga direktang tanong.
Maglaan ng tiyak na oras para sa bawat paksa
Kailangan may limitasyon din ang pulong. Matitiyak na matatalakay nang wasto ang mga ito.
Tumutukoy ng mga paraan sa pagresolba sa mga usapin
Maaari ito sa pamamagitan ng botohan, pagpapalitang-kuro, o iba pang katulad. Napag-uusapang mabuti ang anumang kailangang solusyunan.
Magtakda ng mga taong tatalakay sa mga usapin kung kailangan
Hindi palaging pinuno ang nagsasalita sa pulong. Magtalaga ng kasaping may kaugnayan sa isang pakasa upang maagap itong matalakay sa pulong.
Maglaan ng pagtatasa para sa isinagawang pulong
Magkaroon ng panahonupang i-evaluate ang nmga isinasagawang pulong. Mahalaga ang input at konstruktibong kritisisimo mula sa mga kasapi upang lalong mapagtibay ang isang organisasyon.
Katiitikan ng Pulong
Matuturing bilang pagtatala ng kasaysayan ng isang institusyon o organisasyon dahil naglalaman ito ng rekord ng pulong, mga paksang napag-usapan at napagdesisyunan.
sintesis o buod
Pagsasaayos ng magkakakhiwalay na mga detalye upang magkaroon ng isang kabuuan. Ibinubod at itinatala ag iba’at ibang ideya, at kasunduan
Pagbubukas ng pulong
Ilagay dito ang oras ng pagsisimula, lugar na pinagganapan ng pulong, at ang nagpatawag nito.
Mga dumalo
Ilista ang mga dumalo, maging ang mga lumiban kalakip ang dahilan ng hindi nila pagdalo.
Mga usapin mula sa nakaraang pulong
Banggitin ang mga usaping napagdesisyunan sa nakaraang pulong.
Pagtatala ng napag-usapan
Itala aang mga usapin bawat nakatakdang adyenda.
Pagtatapos ng Pulong
Itala sa bahaging ito kung anong oras natapos ang pulong.
Tagapagtala at nagbigay pansin sa katitikan
Tukuyin sa bahaging ito ang naghanda ng katitikan. Tiyaking masuri ito ng pinuno ng organisasyon kung kailangan.
Tumutukoy ng mga paraan sa pagresolba sa mga usapin
Maaari ito sa pamamagitan ng botohan, pagpapalitang-kuro, o iba pang katulad. Napag-uusapang mabuti ang anumang kailangang solusyunan.
Tumutukoy ng ilang gabay upang mapaghandaan ang pulong
Magbilin kung paano makapaghahanda ang mga kalahok sa mga paksa ng adyenda.
Korespondiya opisyal
Ito ay mga nagmumula sa akademikong institusyon o mga opisyal na tanggapan ng komersiyo at negosyo.
Academic Format
Kung ang pangunahing punto ng liham o memorandum ay inilalagay sa huling bahagi nito. Sa mga unang bahagi, inilalatag muna ang kaligiran at nagbibigay ng introduksiyon sa binubuksang usapin. Sa mga sumunod na bahagi, inilangkap ang ilang detalye bago ihayag ang pinakalayunin nito.
upfront format
Sa mga pagkakataong tiyak na sasang-ayon ang tatanggap ng liham. Sa balangkas na ito, binabanggit na agad sa unang bahagi ang kahilingan/layunin ng sumulat. Sa mga sumunod, na bahagi nito sinusuportahan ng ila pang detalye at impormasyon hinggil sa panukala. Ganitong format ang ginagamit sa liham-aplikasyon sa trabaho.
soft-approach format
Sa mga pagkakataong nais manghikayat ngunit hindi tiyak na sasang-ayon ang tatangap nito. Sa mga unang bahagi, nagpaphayag ng papuri o pagpapalayang-loob sa tatanggap nito. Sa mga huling bahagi lamang binabanggit ang layunin ng sulat kalakip ang ilang detalyee at datos sa panukakalang nakapaloob sa liham.
Balita
ay ang pag-uulat ng mga makabuluhang pangyayaring naganap o magaganap pa lamang
Press Release
Ito ay patalastas ng isang organisasyon sa isang partikular na usapin. Ito ay istratehiya ng nagpapaalam sa publiko ng mahalagang nangyayari sa samahan na maaaring programang isasagawa, pagtitipon, pagbabahagi ng tindig hinggil sa napapanahong usapin, o iba pang makabuluhang ganap sa organisasyon.
Press Release
Ito din ang dokumentong ibinibigay ng isang samahan sa midya tuwing magsasagawa ito ng press conference (press con) o ang pagtitipon na iniimbitahan ng isang organisasyon ang mga kasapi ng midya para sa isang panayam.
Publisidad
ang layunin ng paglalabas ng press release ng isang institusyon. karaniwang layunin nito ay magbigad impormasyon sa publiko
Public relations manager
Siya ang karaniwang naglalabas ng press release ng isang samahan. Siya rin ang nakatakdang makipag-ugnayan sa mga miyembro ng midya kung may nais ibahagi ang samahan sa publiko.
Humalaw sa pormal na pagbabalita
Makatutulong kung maalam ka sa pagsulat ng balita kung bubuo ng press release. Piliin lamang ang mga makabuluhang detalye na nais iparating ng inyong organisasyon sa ilalabas na press release.
Isiping nagbebenta ka ng produkto
Patalastas ang esensiya ng press release. Maaari itong magamit upang maitanghal ang iyong organisasyon. Hindi ito lantarang patalastas bagkus ito ay pagbibigay-serbisyo sa tao.
Sumipi ng mga pahayag mula sa kinauukulan
Makatutulong kung maglalakip ng mga pahayag mula sa mga kasapi ng iyong organisasyon.
Panatilihin ang mabuting ugnayan sa midya
Malaking bahagi ng tagumpay ng press release ay ang pagpapaabot nito sa mga mamamamahayag.
Gumamit ng social media
Maraming mga kompanya at organisasyon sa kasalukuyan ang gumagamit ng social media upang ipaabot sa publiko ang anumang impormasyon hinggil sa kanila. Dapat maalam sa social media at digital platforms upang mapagtagumapayn ang isang press release.
Maglakip ng contact details
Huwag kaligtaang maglagay ng contact details sa inyong press release