FIL Lesson 1 (Finals): Posisyong Papel

0.0(0)
studied byStudied by 0 people
learnLearn
examPractice Test
spaced repetitionSpaced Repetition
heart puzzleMatch
flashcardsFlashcards
Card Sorting

1/25

encourage image

There's no tags or description

Looks like no tags are added yet.

Study Analytics
Name
Mastery
Learn
Test
Matching
Spaced

No study sessions yet.

26 Terms

1
New cards

Posisyong Papel

Paninimbang, pagpili, paglalatag, at pangangatwiran ng iyong panig hinggil sa isang paksa.

Naglalaman ng opinyon, saloobin, at pananaw na isang manunulat na pinagtitibay gamit ang matibay na ebidensya ay katuwiran.

Karaniwan itong nauugnay sa batas, akademya, politika, at iba pang napapanahong isyu.

Layunin nitong makahimok ng suporta mula sa mambabasa sa pamamagitan maingat na pagtitimbang ng iba't ibang perspektiba upang maipagtanggol ang pinapanigan nitong panig.

2
New cards

Posisyong Papel ayon kay Barrot 2016

Isang anyo ng akademikong sulatin na nagpapakita ng tindig o pananaw ng isang manunulat ukol sa isang tiyak na isyu. Layon ng sulating ito na makipagtalo, sa pamamagitan ng paglalatag ng pinaniniwalang katwurin at magmungkahi ng isang tiyak na kurso ng pagkilos

3
New cards

Posisyong Papel ayon kay Bloomburg University

Karaniwan din itong isunusulat na may habang isa hanggang isat kalahating pahina. Kinakailangan itong maglaman ng maikling panimula ukol sa paksa, kasunod ang komprehensibong paglalahad ng punto ng iyong posisyon. Ang mahusay na posisyong papel ay hindi lamang dapat na naglalahad ng mga ebidensya sa argumento, bagkus ay dapat ding lumikha ng panukala para sa resolusyon.

4
New cards

Kahalagahan ng Posisyong Papel sa AKADEMIYA

Ito ang nagsisilbing daan upang talakayin ang mga umuusbong na paksa nang walang eksperimentasyon at orihinal na pananaliksik

5
New cards

Kahalagahan ng Posisyong Papel sa POLITIKA

Nakatutulong ito sa pagdedetalye ng pananaw ng isang indibiduwal. Karaniwan itong ginagamit sa kampanya, organisasyong pamahalaan, sa mundo ng diplomasya, at sa mga pagsisikap baguhin ang mga kuro-kuro.

6
New cards

Kahalagahan ng Posisyong Papel sa BATAS

Sa daigdig ng batas, ang terminolohiyang ginagamit para sa isang posisying papel ay aide-Memoire.

7
New cards

Ano ang Tatlo na Kahalagahan ng Posisyong Papel?

- Sa AKADEMIYA

- Sa POLITIKA

- Sa BATAS

8
New cards

Aide-Memoire

Isang uri ng memorandum na naglalaman ng mahalagang punto ng isang iminumungkahing talakayan, na ginagamit lalo na sa mga di-diplomatikong komunikasyon.

9
New cards

Layunin at Gamit ng Posisyong Papel

Naglalayong maipaglaban kung ano ang alam mong tama. Ito ay nag tatakwil sa kamalian na hindi tanggap ng karamihan

10
New cards

Salin ni Garcia 2017 ng

"How to Write a Position Paper" ni Grace Fleming

11
New cards

1. Pag pili ng paksa batay sa interes --- (Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Posisyong Papel)

Pumili ng paksa ayon sa interes upang mapadali ang pagpapatibay ng iyong panindigan o posisyon.

12
New cards

2. Magsagawa ng Paunang Pananaliksik --- (Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Posisyong Papel)

Makatutulong upang matiyak na sapat ang hanguang datos na magpapatibay sa iyong argumento at posisyon.

13
New cards

3. Hamunin ang iyong sariling paksa --- (Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Posisyong Papel)

Kailangang alamin at unawain ang kabaligtarang pananaw o kabilang panig ng iyong posisyong upang higit mong mapanindigan ang iyong panig.

14
New cards

4. Magpatuloy upang mangolekta ng pansuportang katibayan --- (Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Posisyong Papel)

Matapos matiyak ang posisyon ay matibay na at ang kasalungat na posisyon ay mas mahina kaysa sa iyong posisyon.

15
New cards

5. Lumikha ng Balangkas (outline) --- (Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Posisyong Papel)

Halimbawa pano balangkasin ang posisyong papel:

a. Ipakita ang iyong paksa gamit ang maikling paglalahad ng kaligirangimpormasyon. Bumuo ng argumento o tesis na naghahayag ng iyong posisyon.

b. Itala ang mga posibleng kasalungat na pananaw

c. Ipakita ang mga sumusuportang punto ng mga kasalungat na pananaw

d. Pangatuwiranang mahusay at nakatatayo pa rin ang iyong posisyongamit ang pangkontra-argumento mo sa mga ebidensya ng kabilang panig.

e. Ibuod ang iyong argumento at muling igiit ang iyong posisyon.

16
New cards

Ano ang Lima na Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Posisyong Papel?

1. Pagpili ng paksa batay sa sariling interes

2. Magsagawa ng paunang pananaliksik

3. Hamunin ang iyong sariling paksa

4. Magpatuloy upang mangolekta ng pansuportang katibayan

5. Lumikha ng balangkas (outline)

17
New cards

1. Mahusay na Pagpapaliwanag sa isyu --- (Katangian ng Posisyong Papel)

dapat maingat itong maipaliwanag upang maunawaan agad ng mambabasa ang pinakatuon nito at kung bakit mahalaga ang isyung ito.

18
New cards

2. Malinaw na posisyon --- (Katangian ng Posisyong Papel)

kinakailangan malinaw at direkta ang pagpapakilala sa napiling panig na nais ipaglaban sa iyong posisyong papel sa pamamagitan ng paglalahad nito sa pahayag na tesis.

19
New cards

3. Mapangumbinsing Argumento --- (Katangian ng Posisyong Papel)

kinakailangan nito matanghal ng argumentong makapagkukumbinsi sa mga mambabasa na maniwalang ang kaniyang posisyong ay balido at makatwiran.

20
New cards

4. Makatwirang Tono --- (Katangian ng Posisyong Papel)

kinakailangang ipakita sa papel na ito ang tonong magpapakita ng pangangatuwiran at karapat-dapat na pagkatiwalaan.

21
New cards

Ano ang APAT na Katangian ng Posisyong Papel

1. Mahusay na Pagpapaliwanag sa isyu

2. Malinaw na posisyon

3. Mapangumbinsing Argumento

4. Makatuwirang Tono

22
New cards

(1-6) Patnubay sa Pagsulat ng Posisyong Papel

1. Mananaliksilik ng napapanahong isyu.

2. Maging maalam sa iba't ibang posisyong ukol sa isyu.

3. Busisiin ang iyon posisyong papel at hanapan ng kahinaan.

4. Patatagin ang kredibilidad ng iyong papel.

5. Sagutin ang isyu sa kakaibang paraan.

6. Limitahan ang papel hanggang dalawang pahina.

23
New cards

(7-13) Patnubay sa Pagsulat ng Posisyong Papel

7. Kilalanin ang iyong mambabasa.

8. Ibuod ang kontra argumento at pabulaan ito sa pamamagitan ng mga ebidensya.

9. Bigyan n kahulugan ang hindi pamilyar na salita.

10. Gumamit ng salitang kilos hangga't maaari.

11. Ayusin ang iyong mga ebidensya.

12. Suriin ang iyong papel.

13. Ipakita ang ethos, pathos, at logos sa pangangatuwiran.

24
New cards

Ethos (etika)

Nagpapakita ng kredibilidad at kahusayan ng manunulat

25
New cards

Logos (lohika)

Magpapakita ng rasyonal na dulog sa pagbuong argumento.

26
New cards

Pathos (emosyon)

Magpapakita ng pagpukaw sa damdamin habang nangangatuwiran.