1/12
Padre Burgos
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Pananaliksik
paraan ng pagtuklas ng mga sagot sa mga partikular na tanong ng tao tungkol sa kanyang lipunan o kapaligiran
maka-Pilipinong pananaliksik
gumagamit ng wikang Filipino at mga katutubong wika sa Pilipinas
Etika
tumutukoy sa mga pamantayan ng pagkilos at pag-uugali batay sa katanggap-tanggap na ideya sa kung ano ang tama at mali
pamamalahiyo
tahasang paggamit at pangongopya ng mga salita at ideya nang walang kaukulang pagbanggit o pagkilala sa pinagmulan nito
Kuwalitatibo
kinapapalooban ng mga uri ng pagsisiyasat na ang layunin ay malalimang unawain ang pag-uugali at ugnayan ng mga tao at ang dahilan na gumagabay rito
Kuwantitatibo
tumutukoy sa sistematiko at empirical na imbestigasyon
Deskriptibong Pananaliksik
nagbibigay ng tugon sa mga tanong na sino, ano, kalian, saan, at paano
Aksiyong Pananaliksik
tinatasa ang isang tiyak na kalagayan, pamamaraan, modelo, polisiya, at iba pa sa layuning palitan ito ng mas epektibong pamamaraan
Metodolohiya
tumutukoy sa isang organisadong larangan ng pag-aaral ng mga pamamaraan
Metodo
tumutukoy sa pamamaraan ng pagtuklas
Sarbey
ginagamit upang mangalap ng datos sa sistematikong pamamaraan sa isang tiyak na populasyon o sampol ng pananaliksik
Pakikipanayam
pagkuha ng impormasyon sa isang kalahok
Dokumentaryong Pagsusuri
pamamaraan na ginagamit upang kumalap ng impormasyon na susuporta at magpapatibay sa mga datos ng pananaliksik