1/28
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Konseptuwal na balagtas o conceptual framework
isang network ng magkakaugnay na konseptong sumusuporta sa isa’t isa na, kung pagsasamasamahin, ay makapagbibigay ng komprehensibong pag-intindi sa isang penomeno
teoretikal na balagtas o theoretical framework
isang balangkas batay sa isang kasulukuyang umiiral na teorya sa isang larang ng pag-aral na kaugnay o sumasalamin sa hypothesis ng pinag-aaralan.
rationale
bahagong nasasaad sa kasaysayan o dahilan kung bakit napiling talakayin ang isang paksa. Mababasa rito ang kahalagahan at kabuluhan ng paksa.
Layunin
Dito naman mababasa ang hangarin o tunguhin ng pananaliksik batay sa paksa.
Metodolohiya
ilalahad dito ang pamamarang gagamitin ng mananaliksik sa pangangalap ng datos gayundin ang paraang gagamitin sa pagsusuri naman niya sa mga nakalap na impormasyon
inaasahang output o resulta
dito ilalahad ang inaasahang kalalabasan o magiging resulta ng ananaliksik pag-aral.
American Psychological Association
APA
Modern Language Association
MLA
Chicago Manual Style
Chicago
Direktang Sipi
Ginagamit ito kung isang bahagi lámang ng akda ang nais sipiin.
Dapat lámang isipin na hindi naman maganda kung sobrang haba ang direktang sisipiin.
Bakâ kasi lumabas na ang halos buong papel ay nagmula sa ideya ng iba. Tiyakin ding tama ang pagkakopya ng mga datos at hindi nagbago sa proseso ng pagkopya.
Buod ng tala
Ginagamit ito kung ang nais lámang gamitin ay ang pinakamahalagang ideya ng isang talâ, tinatawag din itong synopsis. Layunin ng buod na mabigyan ng pangkalahatang ideya ang mambabasa. Bagama't ang buod ang pinaikling bersiyon ng isang talâ, taglay nito ang pangunahing ideya.
presi
Mula ito sa salitang Prances na precis na ang ibig sabihin ay pruned or cut down. ang tawag kung ang gagamitin ay ang buod ng isang talâ. Sa paggamit ng ito, pinapanatili nito ang orihinal na ayos ng ideya at ang punto de bista ng may-akda. Maaaring gamitin ng mananaliksik ang mga susing salita o key words ng orihinal na manunulat. Humigit-kumulang na sangkatlo ng orihinal na talâ ang haba ng presi.
Sipi ng sipi
maaaring gamitin ang sinipi mula sa isang mahabang sipi. Ang ganitong uri ay ginagamitan din ng panipi
Hawig o Paraphrase
isa itong hustong paglalahad ng mga ideya gamit ang higit na payak na salita ng mananaliksik
sariling salin
Sa mga pagkakataong ang talâ ay nása wikang banyaga, ginagamitan ito ng pagsasalin. Ito ay ang paglilipat ng ideya mula sa isang wika tungo sa iba pang wika.
aklat
narito ang mga impormasyon isinasama sa bibliyograpiya kung ang sunggunian ay aklat.
peryodikal
tumutukoy ito sa anumang publikasyon na lumalabas nang regular.
Journal
peryodikal na lumalabas sa akademikong komunidad
Magasin
Ang peryodikal para sa publiko
Pahayagan
Peryodikal na araw-araw lumalabas
reference
mga impormasyong isinasama sa bibliyograpiya kung ang sanggunian ay reference.
di nakalathalang sanggunian
narito ang mga impormasyon isinasama sa bibliyograpiya kung ang sanggunian ay di nakalathala
Kronolohikal
Ginagamit ang prinsipyong ito kung ang datos o impormasyon ay ayon sa pagkasunod-sunod ng pangyayari. Kung ang iyong paksa ay naglalahad ng proseso o pangyayari o maging kasaysayan.
Batay sa espasyo
ginagamit ito kung ipakikita at ipaliliwanag ang lokasyon, lugar, o iba pang paggamit ng espasyo
Komparatibo
Ginagamit kapag nais ipaliwanag o ipakita ang pagkakatulad at/o ang pagkakaiba ng dalawang bagay, tao, o prinsipyo.
Sanhi/bunga
ginagamit kung nais bigyang diin ang sanhi at bunga o sanhi o bunga ng isang paksang sinisiyasat.
Pagsusuri
ang prinsipyong ito ay ginagamit kung nais ipakita ang paghihimay-himay ng isang buong kaisipan.
Borador
draft
Introduksyon
maaaring maglaman ng maikling kaligiran ng paksa.