1/33
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
|---|
No study sessions yet.
tekstong naratibo
ay nagsasalaysay ng pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari;
mula sa mga tiyak na sitwasyon, tagpo, panahon at mga tauhan tungo sa kakalabasan nito.
• Nagkukuwento o nagsasalaysay ito ng mga magkakaugnay na kilos tungkol sa isang
pangyayari. Layunin nitong ipagbatid ang mahahalagang kaganapan sa salaysay at mga
detalyeng kaugnay nito.
MGA PAKSA SA PAGSULAT NG NARATIBONG KUMPOSISYON:
• SARILING KARANASAN
• NASAKSIHAN O NAPANOOD
• NAPAKINGGAN
• NABASA
• May iisang punto o pangunahing ideya-
ang punto ay maaaring makita sa una, gitna, o
huling pangungusap ng talata. Lahat ng detalye sa naratibo ay sumusuporta sa pangunahing
ideya o punto.
Ang mga pangyayari ay sunod-sunod na isinasalaysay-
tumutukoy ito sa istruktura ng
aksyon na maaring binubuo ng simulang aksyon, kumplikasyon, sukdulan, at katapusan.
Ang isang salaysay na historikal naman ay binubuo ng kronolohiya ng mga pangyayari.
o Kronolohiya- pangyayari mula sa pinakauna hanggang sa pinakahuli nito.
kronolohiya
pangyayari mula sa pinakauna hanggang sa pinakahuli nito.
Nagbibigay ng kumpletong obserbasyon ng mga pangyayari-
kinakailangan ito upang
lubos na maunawaan ang konteksto ng mga pangyayari.
Nagpapakita ng pag-unlad ng teksto-
ipinapakita rito ang salungatan ng mga tauhan at
ang nalilikhang tensiyon sa kanilang pagtatagisan.
Ugnayan ng mga kaganapan-
ipinapakita nito ang kaugnayan ng mga pangyayari mula
sa nakaraan, kasalukuyan, at sa hinaharap.
jornal
isang talaan ng mga pansariling gawain, repleksyon, naiisip at nadarama.
Itinatala ng manunulat ang kanyang mga di-malilimutang mga pangyayari sakanyang
buhay.
maikling kwento
isang akdang likha ng isip na maaaring bunga ng malikot na guniguni o hango sa tunay na pangyayari sa buhay na nagdudulot ng isang diwa o mensahe sa isip ng mambabasa.
Malaki ang nagagawang tulong ng kuwento sa mga taong may problema. Ito' y nagdudulot ng kaaliwan at naghahatid ng aral sa mga mambabasa. Nagbubunga rin ito ng pag-unawa sa mga nakikita at naririnig.
simula
- dito binabanggit ang tauhan tagpuanat panimulang suliranin
gitna
ano nangyari sa tauhan at paano unti unting mabibigyan ng solusyon ang mga suliranin. Ipinapakita rin dito ang kasiglahan na umaabot sa kasukdulan ng pangyayari.
wakas
sa bahaging ito nababasa ang konklusyon o binibigyang linaw ang diwa ng kuwento.
TRADISYUNAL NA PAGSISIMULa
kung ang manunulat ay nagsisimula sa dati nang nakasanayang pamamaraan. Nagsimula sa pagsilang, naging kabataan, hanggang sa tumanda at namatay.
Kumbensyunal na pagsisimula
kung ang manunulat ay gagamit ng flashback o balik-gunita sa pagpapahayag ng kuwento. Maituturing na makabago ang awtor na gumagamit ng ganitong pamamaraan.
paksa
kaisipan ng manunulat
batayan sa pag sulat ng kwento
• Ito'y maaari niyang kunin sa sariling karanasan, mabasa mga pahayagan, marinig sa mga kuwentuhan o likhang guniguni lamang.
banghay
ang iskeleton ng katha o salaysay.
Tinutukoy nito kung papaano umuunlad ang mga pangyayari sa kuwento.
Ang banghay ay ang magkakaugnay na pangyayaring lumilikha ng isang tunggalian, pisikal, o sikolohikal na ang pangunahing layunin ng isang kaisahang kintal o bisa.
panimulang pangyayari
ito ay ang unang pangyayari na pumupukaw sa atensyon ng mambabasa upang tuluyang basahin ang buong kuwento.
kasiglagan
karugtong ng unang pangyayari na nagsasalaysay ng mga suliraning bibigyang solusyon na maghahatid sa kasukdulan.
kasukdulan
pinaka makulay at pinaka mahalagang bahagi ng kwento
kakalasan
mag bibigay linaw sa mga pang yayari
tauhan
mga taong kumikilos, nagpapagalaw, at nagbibigay-buhay sa mga pangyayari sa kuwento.
Maaaring magkaroon ng higit sa tatlong mga tauhan.
Ang pangyayari at tauhan ay parati nang magkaugnay.
Ang pangunahing tauhan (bida), katunggaling tauhan (kontrabida), kasamang tauhan (suportang tauhan) at may akda ang bumubuo sa isang kuwento o katha.
Kailangang pagisipan ng mabuti ng may akda kung paano niya lalapatan ng pangalan ang bawat tauhan.
Dapat ay angkop ang kanyang pangalan sa uri ng papel niya at karakter na kakatawanin sa kuwento.
Ang pangalan ng tauhan ay dapat angkop sa kultura at gawain ng tao sa lipunan.
pangunahin tauhan
sa kanina umiikot ang kuwento mula una hanggang dulo
KATUNGGALING TAUHAN
kontrabida
• Subalit HINDI lahat ng kontrabida ay masama, kung minsa'y pinagbabaligtad ang katauhan ng kontrabida at bida upang maiba ang dating ng kuwento.
KASAMANG TAUHAN
supporting actors
dayalogo
salitang buhat sa bibig ng tauhan
TAGPUAN:
lugar
katumbas nf isang eksena sa pelikula Sa pamamagian ng
pagbabago-bago ng tagpo, naipakikita ang pagsulong ng mga pangyayari sa kuwento.
• Ang mga tagpo ay bahagi ng pagsulong ng kuwento. Ito 'y maaaring ilarawan ng awtor o di kaya'y tuwirang sabihin ng tauhan.
simbolo
ay isang sangkap na kumakatawan sa isang uri ng damdamin, paniniwala o kaisipan.
Karaniwan nang mga tayutay, sawikain o talinghaga ang ginagamit.
tema
ang pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng may akda s a isang maikling kuwento.
mensahe
tuwirang pangangaral o pagsesermon ng manunulat sa mambabasa.