1/47
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Ang katawagang ito ay isang bagong konsepto sa kasalukuyang mundo kung ihahambing sa ibang terminolohiya gaya ng natural na karapatan at karapatan ng taong nakilala sa kanluran noong unang bahagi ng modernong panahong nagpasiklab sa mga rebolusyon at pag-aalsa ng mga naaping European.
KARAPATANG PANTAO
Ang kahulugan nito ay nararapat sa indibidwal o tao. Ito ay salitang-ugat ng hustisya o justitita na naibibigay ang katarungan kapag natanggap ng isang tao ang nararapat sa kanya at ito ay iginagalang ng lahat.
IUS
Ang uring ito ay mababakas sa panahon ng mga rebolusyong ingles, amerikano, at pranses noong ika-17 siglo. Ipinaglaban ng mga Ingles ang karapatan sa relihiyon at pagtatatag ng komunidad na malaya sa Parlamento. Itinuturing na negatibong karapatang pantao ang yugtong ito dahil ginamit ang mga salitang “kalayaan laban sa” sa halip na “ang karapatan sa”.
KARAPATANG SIBIL AT POLITIKAL
Ito ang ikalawang yugto sa pagbuo ng mga karapatang pantao. Maiuugnay ito sa rebolusyon ng ika-20 siglo sa ilalim ng mga ideolohiyang Marxismo at sosyalismo. Ang yugtong ito ay nangangailangan ng proteksiyon at pakikisangkot ng pamahalaan. Nakatuon ito sa mga karapatang batay sa pangangailangan. Dito, sa halip na “kalayaan laban sa” ginagamit ang mga salitang “karapatan sa”
KARAPATANG EKONOMIKO, PANLIPUNAN, AT PANGKULTURA
Ito ang huling yugto sa pagkabuo ng mga karapatang pantao. Nagmula ito sa mga pinahalagahan ng unang dalawang yugto at nakaugat sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
KARAPATAN SA PAGKAKAISA O SOLIDARITY
Ano ang mga uri ng karapatang pantao
-SIBIL AT POLITIKAL
-EKONOMIK, SOSYAL, AT KULTURAL
-PAGKAKAPANTAY-PANTAY
-KOLEKTIBO
Nabuo ito upang mabigyan ng proteksiyon ang mga kabataan. Ito ang pangunahing ahensiyang tumitingin sa kondisyon ng mga bata sa lahat ng dako ng daigdig. Ang pangunahing gawain nito ang pagtulong sa mga bansa upang magkaroon ng tamang pangangalagang pangkalusugan, nutrisyon, edukasyon, at iba pang pangunahing serbisyo ng mga bata.
UNITED NATIONS INTERNATIONAL CHILDREN EMERGENCY FUND (UNICEF
Ang karapatang pambata ay nakabatay dito at nagtatakda ito ng proteksiyon, oportunidad, at pasilidad na dapat maibigay sa mga bata uoang lumaki silang malusog at normal.
DECLARATION OF THE RIGHTS OF THE CHILD
Noong 1952, itinakda ang unang batas ukol sa karapatan ng kababaihan, ang _________, na nagbibigay sa kababaihan ng karapatang kapantay ng kalakihan sa pagboto at para iboto sa posisyong pampubliko.
CONVENTION ON THE POLITICAL RIGHTS OF WOMEN
Nagpatuloy ang pagtutok sa kalagayan ng kababaihan sa __________ na nagsasaad na ang pagkamamamayan ng babae ay hindi puwedeng kagyat na baguhin dahil lamang sa pag-aasawa. Hindi rin pwedeng pilitin ang babae na magpakasal bago umabot sa legal na gulang.
1957 CONVENTION ON THE NATIONALITY OF MARRIED WOMEN
May karapatan din silang magkaroon ng ari-arian tulad ng mga lalaki batay sa _______
DECLARATION ON THE ELIMINATION OF DISCRIMINATION AGAINST WOMEN
Ang ordinansa ay tinatawag na _____ at inihain ni Konsehal Lena Mari Juico sa ilalim ng pamunuan ni Mayor Herbert Bautista. Naging ordinansa ito noong Mayo 16, 2016 matapos lagdaaan ng konseho at ng meyor.
ANTI-CATCALLING
Ano ang 4R’s?
REALIZE
RESPOND
REPORT
REFORM
Ang pangunahing may-akda nito ay si Senador Risa Hontiveros kasama sina Senador Grace Poe, Joel Villanueva, at Leila De Lima ay isang batas na tumutugon laban sa pang-aabuso sa kababaihan kasama na ang mga kasapi ng LGBTQ na siyang madalas na biktima ng pambabastos.
R.A. 11313 o ANTI-BASTOS LAW
Isa sa mga pinakamadalas gamitin ang paraang ito. Dinidikitan ng electric wire ang mga daliri at ari ng biktima. Kung minsan mayroon ding electric wire sa braso at ulo.
ELECTRIC SHOCK
Inilagay ang biktima na nakaunat sa pagitan ng dalawang kama at kapag lumaylay ang katawan, siya ay pinarurusahan.
SAN JUANICO BRIDGE
Itinuturok ang serum sa biktima upang siya ay magsalita at umamin.
TRUTH SERUM
Pinupuwersa ang biktimang itutok ang baril na maaring mayroon o walang bala sa sentido at iputok ito.
RUSSIAN ROULETTE
Isa sa paboritong paraan ay pambubugbog ng grupo ng mga sundalo gamit ang kamao, tadyak, at karate sa nakagapos na biktima.
BEATING
Pinapalo ang biktima ng hawakan ng baril.
PISTOL WHIPPING
Pagbigti gamit ang kamay, electric wire, o steel bar.
STRANGULATION
Purong paminta ang inilalagay sa labi o ari.
PEPPER TORTURE
Pinaplantsa ang katawan ng biktima
FLAT IRON
Isa rin ito sa paboritong gawin. Binubuhusan ng napakaraming tubig ang bibig ng biktima at pagkatapos ay pinapalo siya hanggang lumabas ang tubig.
WATER CURE
Iginagapos at ikinukulong ang biktima. Binibigyan ng pagkain ngunit hindi niya alam kung ano ang pagkain dahil madilim ang selda.
ANIMAL TREATMENT
Ito ay ang walang pakundangang pagpatay sa tao nang walang legal na proseso at kagagawan ng mga nasa pamahalaan.
EXTRA JUDICIAL KILLINGS
Ito ang pananakit ng kapwa upang makakuha ng impormasyon o pag-amin sa kasalanan.
TORTURE
Ang mga katawagang ito ay karaniwang halinhinang ginagamit kahit na may lumalakas na adbokasiya ukol sa pagkakapantay-pantay ng mga kasarian.
GENDER AT SEX
Ito ang pisikal na anatomiya ng tao.
BIOLOGICAL SEX
Ito pagiging babae o lalaki at karaniwang iniuugnay sa pagkakaiba ng lipunan at ng kultura. Sakop nito ang pagpapakita ng panlabas na anyo at ang kalooban ng isang tao.
GENDER
Ito ang tingin ng tao sa sarili bilang lalaki, babae, parehong babae at lalaki, o wala sa mga ito. Sariling pananaw ito ng tao. Maaring pareho ito sa kasarian nang siya ay ipanganak. Maari ding magpaopera ang tao upang makamit nang lubusan ang kanyang pagkakakilanlan.
GENDER IDENTITY
Paraan kung paano inilalahad ang kanyang gender identity sa iba sa pamamagitan ng kilos o asal, pananamit, gupit ng buhok, boses, at iba pa.
GENDER EXPRESSION
Ang papel na ginagampanan, mga inaasahan, at kilos na inaasahan ng lipunan sa babae at lalaki.
GENDER ROLE
Tumutukoy sa isang taong ang gender identity ay hindi katugma ng kasarian nang siya ay ipanganak. Ito ay maaaring pumili kung babaguhin ang mga hormone sa kanyang katawan o magpapaopera
TRANSGENDER
Tumutukoy sa atraksiyong romantiko o seksuwal sa isang taong may tiyak na kasarian.
SEXUAL ORIENTATION
Ang mga taong tugma ang kasarian nang ipanganak, at tugma sa gender identity at gender expression.
GENDER NORMATIVE/CISGENDER
Mas malawak at mas pabago-bagong gender expression. Ang mga interes at kilos ay pabago-bago araw-araw. Ang mga taong ito ay hindi nakakulong sa mga limitasyon at inaasahan ng lipunan, maaaring ramdam nilang maging babae isang araw at maging lalaki sa ibang araw at para sa kanila hindi sila mailalarawan bilang alinman sa dalawa.
GENDER FLUIDITY
Taong walang seksuwal na atraksiyon sa iba at walang hilig sa sex. Maaari pa rin namang may kaugnayan silang romantiko sa iba.
ASEXUAL
Taong may parehong atraksiyon sa babae at lalaki.
BI-GENDERED
Tinatawag ding binary, may pakiramdam na babae at lalaki. Tinatawag din silang pansexual.
BISEXUAL
Tumutukoy sa taong itinatago ang kanyang sexual orientation.
CLOSETED O IN THE CLOSET
Ang paraan kung saan kinikilala, tinatanggap, at ipinagmamalaki ng mga lesbian, gay, at bisexual ang kanilang gender identity.
COMING OUT
Isang taong ang atraksiyong emosyonal, romantiko, at sekswual ay para sa may kaparehong kasarian. Ginagamit ito para sa mga lalaki; gamit din ito na tawag sa mga lalaking gay at mga lesbian.
GAY
Akronim para sa lesbian, gay, bisexual, at transgender.
LGBT
Tumutukoy sa taong ipinanganak na may pisikal na tanda ng kasarian na hindi tiyak kung lalaki o babae.
INTERSEX
Tumutukoy sa isang babaeng may atraksiyong emosyonal, romantiko, at seksuwal para sa kapwa babae.
LESBIAN
Katawagang naglalarawan sa mga taong sumasalungat sa mga katangian ng heterosexuality at gender taditionalism. Simbolo ito ng pagmamalaki at pagpapakita ng pagiging kakaiba.
QUEER
Isang paraan ng pagbago sa ari sa pamamagitan ng plastic surgery. Bahagi ito ng pagbago sa kasarian.
SEX REASSIGNMENT SURGERY (SRS)