1/20
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Talumpating Pampalibang (Uri ng Talumpati batay sa LAYUNIN)
Kadalasang naisasagawa pagkatapos ng isang salusalo. Gumagait ng mga anekdota o maikling kwento upang kamamit ang layuning magpatawa.
Talumpating Nagpapakilala (Uri ng Talumpati batay sa LAYUNIN)
Tawag rin na panimulang talumpati dahil ginagamit kung ninanais na maipakilala nang maikli lamang ang isang taong kilala o may pangalan na. Layunin na mapukaw ang atensyon at maihanda ang tagapakinig sa kredibilidad ng kanilang magiging tagapagsalita.
Talumpating Pangkabatiran (Uri ng Talumpati batay sa LAYUNIN)
Ginagamit kung ninanais na maliwanagan at maunawaan ang isang partikular na paksa dahil nagtataglay ito ng mga kagamitang makatutulong sa pagtatalakay sa paksa. Ginagamit sa mga panayam, kumbensyon, at pagtitipong siyentipiko, diplomatiko at iba pa
Talumpating Nagbibigay-galang (Uri ng Talumpati batay sa LAYUNIN)
Ginagamait kuug nais bigyang galang o bigyang pagsalubong ang isang panauhin gayundin sa pagtanggap sa isang bagong kasapi o hindi kaya sa isang kasamang aalis o mawawalay.
Talumpating Nagpaparangal (Uri ng Talumpati batay sa LAYUNIN)
Nilalayon ng ganitong talumpati ang mabigyan parangal ang isang tao o magbigay ng papuri sa mga mabubuting nagawa ng isang tao.
Talumpating Pampasigla (Uri ng Talumpati batay sa LAYUNIN)
Ginagamit upang pukawin ang damdamin at impresyon ng mga tagapakinig. Ginagamit ng isang coach para sa kaniyang mga manlalaro, ng isang pinuno ng tanggapan para sa kaniyang mga kawani at ng isang lider ng samahan para sa kaniyang mga miyembro upang pukawin ang kanilang mga damdamin at impresyon.
ANIM na Uri ng Talumpati batay sa LAYUNIN)
1. Talumpating Pampalibang
2. Talumpating Nagpapakilala
3. Talumpating Pangkabatiran
4. Talumpating Nagbibigay-galang
5. Talumpating Pangparangal
6. Talumpating Pampasigla
Dagli (Uri ng Talumpati ayon sa PAMAMARAAN)
Isinasagawa ng walang handa
Maluwag (Uri ng Talumpati ayon sa PAMAMARAAN)
Binibigyan ng panahon para maihanda at makapangalap ng datos
Pinaghandaan (Uri ng Talumpati ayon sa PAMAMARAAN)
May panahon upang mapaghandaan ang ganitong uri ng talumpati at kailangang may sapat na pag-aaral sa paksa. Maaring isinulat, binasa, o kaya ay isinaulo.
TATLONG Uri ng Talumpati ayon sa PAMAMARAAN
1. Dagli
2. Maluwag
3. Pinaghandaan
Simula (Bahagi ng Talumpati)
Dito nakasasalalay kung makukuha ang atensyon ng mga tagapakinig kaya napakahalagang magkaroon ng estratehiya upang makamit ito. Sa bahanging ito natukoy na ang layunin ng paksang nais talakayin ng mananalumpati.
Katawan o Gitna
Sa bahaging ito makikita ang mahahalagang impormasyon tungol sa paksang tinatalakay ng mananalumpati kabilang ang mga paliwanag at halimbawa.
Katapusan o Wakas
Sa bahaging ito nakalahad ang pinakamalakas na katwiran, paniniwala at ang mga impormasyong makapagpapatibay rito. Dito nakasalalay kung mahihikayat na mapakilos ang tagapakinig ng mananalumpati. Ito rin ang nagmimistulang buod ng paksang tinatalakay.
Ano ang BAHAGI ng Talumpati
1. Simula.
2. Katawan o Gitna
3. Katapusan o Wakas
1. Pumili ng isang makabuluhang paksa (Gabay sa Pagsulat ng Mahusay na Talumpati)
Siguraduhin na naisaalang-alang ang paksang kapaki-pakinabang mula sa target na tagapakinig o 'di naman kaya ay ang pinag-uusapang depinadong isyu na may epekto o makatutulong sa kanila.
2. Mangalap ng mga impormasyon (Gabay sa Pagsulat ng Mahusay na Talumpati)
Mangalap ng mga impormasyon mula sa mga mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng ebidensya o 'di naman kaya ay sa mga dating kaalaman o mga naging karanasan.
3. Suriin ang mga nakalap na datos at impormasyon (Gabay sa Pagsulat ng Mahusay na Talumpati)
Balagkasin ang mga ideya upang mahati ito sa tatlong bahagi: ang simula, katawan at katapusan.
4. Siguraduhing maging sensitibo (Gabay sa Pagsulat ng Mahusay na Talumpati)
Iwasan na ang nilalaman ng talumpati ay tungkol lamang sa sarili at kakikitaan ng pansariling intres. Maging obhetibo.
5. Gumamamit ng wika na gamitin ng iyong tagapakining upang hindi maging boring ang pagsasalita. (Gabay sa Pagsulat ng Mahusay na Talumpati)
Magkaroon ng estratehiya sa paglalahad upang masigurong makukuha ang interes ng uyong tagapakinig mula simula hanggang katapusan.
LIMA na Gabay sa Pagsulat ng Talumpati
1. Pumili ng makabuluhang paksa
2. Mangalap ng mga impormasyon
3. Suriin ang mga nakalap na datos at impormasyon.
4. Siguraduhing maging sensitibo
5. Gumamit ng wika na gamitin ng iyon tagapakinig upang hindi maging boring ang pagsasalita.