Henry Gleason
Sino ang Australianong Linggwista na nagsabi na ang WIKA ay masistemang(organized) balangkas(rules) na mga tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo
Artikulo XIV, Seksyon 6-7 (1986 Konstitusyon)
Ang batas na sinasabing ‘Ang
pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito’y dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang wika.’
Wika
Ito ay midyum na ginagamit sa pakikipag-ugnayan sa ibang lugar
kabuhol ng kultura
repleksyon ito ng kultura
Kapag ang isang taong nanggaling sa ibang lugar at hindi nya maunawaan ang ginagamit na midyum sa pinuntahang lugar(speech community)
Masistemang Balangkas
Abritraryo
Katangian ng wika
Diyalekto
Ito ay matatawag na baryason ng wika sa isang lugar dahil maaaring nagkakai-iba ng anyo kung paano gamitin ang wika tulad ng punto, diin, intonasyon o tono
Katutubong Wika
ang wika na natutunan ng isang tao mula nang kanyang kapanganakan
Bagong wika
ang mga wika na kasalakukuyang idinaragdag sa ating bokabularyo
maaaring “slang“
Banyagang wika
ang mga wika na bago sa ating pandinig. Ito rin ang mga wika na nabubuo sa ibang bansa at hindi sa sariling bansa.
Wikang Rehistro o Jargon
Ito ay mga wikang nakarehisto sa isang partikular na larangan o spesyalisasyon
Hindi agad maunawaan ng isang taong hindi kabilang sa larang o field
Kulturang Filipino
Maihahambing sa tradisyonal na pagsasaing
Isang masalimuot at malawak na usapin
Kultura
Tumutukoy sa paraan ng pamumuhay at pakikipamuhay ng tao sa kaniyang lipunan
Materyal na kultura
Kulturang konkretong nahahawan o nililikha ng mga tao
Ex. Kasangkapan, pagkain, pananamit o sining
Di materyal na kultura
Kulturang hindi nahahawakn ngunit konkretong nararanasan ng mga tao
Ex. Kaugalian, tradisyon, paniniwala o edukasyon
Pag-aandukha
paraan ng pagtanggap ng kultura mula sa isang lipunan
Akulturasyon/Acculturation
Proseso ng pagtanggap ng mga kilos at gawa mula sa partikular na kultura ng ibang lipunan habang napananatili ang sariling kultura
Asimilasyon/Assimilation
Proseso ng pagtanggap ng mga kilos at gawa mula sa partikular na kultura ng ibang lipunan at napapalitan na ang sariling kultura.
Enkulturasyon/Enculturation
Proseso ng pagtanggap ng kultura sa kinagisnan o nakasanayang kultura mula sa lipunang kinabibilangan
Hindi itinuturing na pag-aandukha
Pagsasakatutubo/Indigenization
Pagangkin ng isang partikular na kulturang dayuhan at pagbago ng anyo, mukha, o hitsura nito hanggang sa magkaroon ng Pilipinong kahulugan o pansariling konsepto ng kultura (An act of making something native).
Kultuarang Popular/Pop Culture
Pinakaimpluwensyang konseptong kultural
tumutukoy sa popularidad o katanyagan ng isang konspetong kultural sa isang lipunan
Abad, 1998
Ayon kay __________, may tatlong sosyolohikal na perspektibo ng Kulturang Popular
Consesus
isang sosyolohikal na perpsektibo ng Kulturang Popular kung saan ang pagiging popular ng isang konseptong kultural ay dahil pinagkaisahan ito ng mga tao
Conflict
isang sosyolohikal na perpsektibo ng Kulturang Popular kung saan ang pagiging popular ng isang konseptong kultural ay dahil may kompetisyong binubuo ang mga tao
Interpretative
isang sosyolohikal na perpsektibo ng Kulturang Popular kung saan ang pagiging popular ng isang konseptong kultural ay dahil may singipikante itong koneksyon sa mga tao
Adorno at Horkheimer(1998)
Ang dalawang culture theorists na unang ginamit ang terminong “Culture Industry”
Cultural Industry
Ipinapakita nito na ang kulturang popular ay nagmumula sa mga istandardisadong produkto na may kinalaman sa kultura
Mass media
Ito ang naghahatid ng mga kasalukuyang pamantayan na tila kailangan nating sundi o tularan
Soledad(1997)
Ang nagsabing mayroong High K at Low K ang kulturang popular
High K
manipestasyong kultural na dinadakila, itinatakda ng sistema, ng mga intelektwal, ng mga elistista, at hindi gaanong nauunawaan ng masa ang ekspresyong kultural nito.
classics
Low k
manipestasyong kultural na kontemporaryo, itinatakda ng masa, ng mga ordinaryong tao, at hindi gaanong nauunawaan ng mga intelektwal ang ekspresyonal kultural nito.
kilala sa mga Pilipino bilang “bakya culture“
contemporary
Maka-Filipinong Pananaliksik
isang pananaliksik na hango sa Filipino Identity
ito ay pananaliksik na mula sa Filipino, gawa ng Filipino, para sa Filipino
(1) Nasa wikang Filipino ang midyum;
(2) Lehitimong mamamayang Pilipino ang gagawa ng pananaliksik;
(3) Sa mata ng mga Pilipino magmumula ang danas; at
(4) Hindi base sa mga banyagang pag-aaral ang mga datos at impormasyon.
Ano ang mga katangian ng pananaliksik na Maka-Filipino?
Kwalitatibong dulog(Qualitative Approach)
Ano ang dulog na ginagamit sa pananaliksik sa Filipino kung saan mararanasan ng mananaliksik ang kanilang research
Pakikipagkwentuhan
Ang pinakaangkop na metodo sa Maka-Filipinong Pananaliksik
Sa kaugaliang ito, mas lumalabas ang likas at natural na danas ng respondente(Enriquiez, 1976)
Pakikitungo, Pakikisalamuha, Pakikilahok, Pakikibagay, Pakikisama, Pakikipagpalagayang-loob, Pakikisangkot, at Pakikiisa
Ano-ano ang nasa proses ng “pakikipagkwentuhan“
Community
Ang magsisilbing lugar ng mananaliksik para sa laht ng uri ng pangangalap niya ng mga datos
Dito manggagaling ang mga suliranin, layunin at respondente ng pananaliksik
Kasanayang Komunikatibo
Communicative Competence
Kasanayan sa pagpapahayag nang may maayos at angkop na wika sa maayos at angkop na sitwasyon.
Hindi lang mahusay makipag-usap kundi maayos din makipag-usap.
Dell Hymes
Linggwista at Antropologo
Ayon sa kaniya, hindi sapat na matutuhan lang ang mga tuntuning gramatika bagkus ay magamit ang wika sa:
Maayos na komunikasyon
Maipahatid ang tamang mensahe
Magkaunawaan ng lubos
Kakayahang Lingguwistiko
Tinatawag ding “Kakayahang Gramatikal”
Ito ay pag-unawa at paggamit sa kasanayang panggramatika.
Pag-unawa at pagpapahayag sa literal na kahulugan ng salita.
Isang taong kayang makipag-usap gamit ang wastong gramatika.
Lingguwistika
isang makaagham na pag-aaral sa istruktura ng wika.
Ang taong dalubhasa rito ay tinatawag na lingguwista.
raw o rin
Katuruan sa Gramatikong Filipino
Tandaan na ginagamit ang nasa titik r (___ o ___ ) kung ang sinundang salita nito ay nagtatapos sa patinig (a, e, i, o, u) o sa malapatinig na w/y.
(Halimbawa: maganda ___, mababaw ___, alay ___)
daw o din
Katuruan sa Gramatikong Filipino
Kung nagtatapos naman sa katinig ang sinundang salita nito, gagamitin ang nasa titik d (___ o ___).
(Halimbawa: maasim ___, hinalikan ___, ginamit ___)
“ng“
Katuruan sa Gramatikong Filipino
Tandaan na ginagamit ang “__” kung ang sumusunod na salita ay pangngalan o noun.
(Halimbawa: Pupunta kami bukas __ Luneta para mamasyal.)
“nang”
Katuruan sa Gramatikong Filipino
Ginagamit ang “____” bilang kasingkahulugan ng noong.
(Halimbawa: ____ dumating ang mga Kastila, pinalaganap nila angKristiyanismo.)
Ginagamit ang “____” bilang kasingkahulugan ng upang o para.
(Halimbawa: Ikinulong ni Ana ang aso ____ hindi na ito makakagat pa.)
Ginagamit ang “____” bilang katumbas ng pinagsamang na at ng.
(Halimbawa: Malapit ____ makauwi ang kaniyang tatay mula sa trabaho.)
Ginagamit ang “____” Bilang pagtukoy sa pang-abay na pamamaraan.
(Halimbawa: Iniabot ____ palihim ni Pedro ang liham kay Maria.)
Ginagamit ang “____” bilang pang-angkop ng inuulit na salita.
(Halimbawa: Pabilis ____pabilis ang pag-ikot ng elisi ng eroplano.)
Gitling
Katuruan sa Gramatikong Filipino
Ito ay ginagamit kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang-ugat ay nagsisimula sa patinig.
(Halimbawa: mag-alis, nag-isa, nag-ulat, mang-uto, may-ari, tag-init, pag-asa)
Ito ay ginagamit kapag may unlapi ang Pangngalang Pantangi (tuwirang ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng isang bagay o kagamitan, sagisag o simbolo).
(Halimbawa: maka-Diyos, maka-Rizal, pa-Baguio, taga-Luzon, mag-Japan)
Ito ay ginagamit kapag ang panlaping “ika-” ay unlapi sa numero o pamilang. Walang gitling kung binabaybay sa salita ang numero.
(Halimbawa: ikatlo = ika-3, ikasampu = ika-10)
Diptonggo
Katuruan sa Gramatikong Filipino
Alinmang patinig na sinusundan ng malapatinig na /y/ o /w/ sa loob ng isang pantig.
(Halimbawa: baliw, aray, reyna, bahay, giliw, gulay, saliw, buhay)
Klaster
Katuruan sa Gramatikong Filipino
Ito ay ang magkakabit na dalawang magkaibang katinig sa isang pantig. -
(Halimbawa: kwelyo, tsiko, trabaho, dyaryo, braso, sombrero)
S.P.E.A.K.I.N.G
ang modelong binuo ni Dell Hymes upang isa-isahina ng mga dapat isaalng-alang upang magkaroon ng mabisang pakikipagtalastasan
ito ang maaaring gabay ng isang taong makikipag-usap sa kapwa niya taong nagmula sa ibang lipunan
S - setting
P - participants
E - ends
A - act sequence
K - keys
I - instruments
N - norms
G - genre
Kahulugay ng S.P.E.A.K.I.N.G:
S - lugar o pook kung saan nakikipag-uusap
P - mga taong nag-uusap
E - layunin o pakay ng pakikipag-usap
A - takbo ng usapan
K - tono ng pakikipag-usap
I - midyum na ginagamit sa pakikipag-usap
N - paksa ng usapan
G - diskursong ginagamit sa usapan
Komunikasyon
isang proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng mga simbolikong cues.
Kakayahang Pragmatiko
Tinatawag ding “Kakayahang Istratedyik”
Ito ay paggamit ng wika sa isang partikular na konteksto upang magpahayag sa paraang diretsahan o hindi.
Isang taong kayang makipag-usap nang berbal at di-berbal.
Kinesics
Di-Berbal na Komunikasyon
Tumutukoy sa kilos o galaw ng katawan.
Hindi man bumibigkas, naipararating pa rin ang mensahe sa pamamagitan ng iba’t ibang bahagi ng katawan.
Pictics
Di-Berbal na Komunikasyon
Tumutukoy sa ekspresyong ipinapakita sa mukha.
Naipapakita ang emosyon kahit hindi ito sinasabi.
Mahihinuha ang nararamdaman ng isang tao.
Oculesics
Di-Berbal na Komunikasyon
Tumutukoy sa galaw ng mata.
Sapagkat mata ang durungawan ng kaluluwa.
Mahihinuha rin sa tingin ang nararamdaman ng isang tao.
Vocalics
Di-Berbal na Komunikasyon
Tumutukoy sa di-lingguwistikong tunog na may kaugnayan sa pagsasalita.
Maaaring tumutukoy sa mga tunog na walang kahulugan sa linggwistika. (Hal: pagsutsot)
Haptics
Di-Berbal na Komunikasyon
Tumutukoy sa pagdama o paghawak upang maihatid ang mensahe.
Hindi lang basta paggamit ng bahagi ng katawan kundi dumidikit ito sa katawan din ng kausap.
Proxemics
Di-Berbal na Komunikasyon
Tumutukoy sa espasyo (space) na komunikatibong gamit sa pakikipag-usap.
Ang distansya ay maaaring makapagpahiwatig ng mensahe.
Chronemics
Di-Berbal na Komunikasyon
Tumutukoy sa oras o panahon ng pakikipag-usap.
Ang paggamit ng oras ay maaaring kaakibat ng mensahe sa kausap.
Iconics
Di-Berbal na Komunikasyon
Tumutukoy sa mga larawan o simbolong may ibig sabihin.
Colorics
Di-Berbal na Komunikasyon
Tumutukoy sa kulay na nagpapahiwatig ng damdamin o oryentasyon.
Objectics
Di-Berbal na Komunikasyon
Tumutukoy sa paggamit ng bagay na may nais sabihin.
Paralanguage
Di-Berbal na Komunikasyon
Tumutukoy sa tono ng tinig, kalidad, at bilis ng pagsasalita.
Katahimikan
Di-Berbal na Komunikasyon
Tumutukoy sa paghahanda ng sasabihin o pagsasawalang-kibo.
Speech Act
J.L. Austin (1962)
ang pakikipag-usap na hindi lamang paggamit ng mga salita upang maglarawan ng isang karanasan kundi paggawa rin ng mga bagay gamit ang mga salita.
Sino ang gumawa at kailan?
Illocutionary Force
Locution
Perlocution
Taltong Sangkap ng Speech Act
Sadya o intensyonal
Hal: Nais humingi ng tubig
Angyong linggwistiko
Hal: Nagtanog kung may tubig
Epekto sa tagapakinig
Hal: Kumilos ang kausap para kumuha ng tubig
kakayahang Diskorsal
Tumutukoy sa pagtiyak sa kahulugang ipinapahayag ng mga teksto ayon sa konteksto nito.
nangangahulugang palitan ng kuro/punto
Ang isang taong kayang makipagpalitan ng mga punto o ideya sa isang partikular na diskurso ay nagtataglay nito.
Kakayahang Tekstuwal
Uri ng kakayahang Diskorsal
Kakayahan ng isang indibidwal sa pagbasa at pag-unawa ng literal sa iba’t ibang teksto.
Kakayahang Retorikal
Uri ng kakayahang Diskorsal
Kakayahan ng isang indibidwal pagbasa at pag-unawa sa mga pananaw o opinyon.
Cohesion o Kaisahan
Dapat isinasaalang-alang upang malinang ang kakayahang diskorsal
Tumutukoy ito sa gramatikal o linggwistikong katangian ng pahayag.
Isinasaalang-alang ang wasto at tamang gramatika sa mga pangungusap na ipapayahag.
Maipapakita ang pagkakaisa ng mga salita at mga tuntuning panggramatika.
Coherence o Kaugnayan
Dapat isinasaalang-alang upang malinang ang kakayahang diskorsal
Tumutukoy ito sa pagkokonekta ng mga ideyang ipapahayag.
May kinalaman ito sa retorikal na katangian sa mga katwiran o argumentong sasabihin.
Narito ang mga susuportang detalye sa ilalatag na argumento.
Marshall McLuhan
Sino ang propesor ng Komunikasyon na nagsasaad na “bagamat mahalaga ang mensaheng ipinararating ng isang tao, higit na mas mahalaga ay ang paraan kung paano ito ipinadala”.?
The medium is the message
ang isinasaad ni Marshall McLuhan
WIka sa Pahayagan
Sitwasyong Pangwika:
Bago pa man umusbong ang radyo at telebisyon, mga dyaryo ang pinakaunang pinagkukuhanan ng mga tao ng impormasyon kaya malaki ang naging papel nito sa paggamit ng wika.
Sa katunayan, wikang Filipino ang midyum ng mga tabloid na pahayagan. Bagaman pormal ang pagkakagamit ng wika, madalas ay senseysyonal at nagsusumigaw na mga artikulo nito na nakaaagaw ng pansin ng mga mambabasa na naglalaman ng mga balitang lokal o mga impormasyong kailangang maunawaan ng mga mambabasa nito, ang masa.
Samantala, wikang Ingles naman sa mga broadsheet na pahayagan. Pangunahing laman nito ang mga impormasyon ukol sa politika, ekonomiya, negosyo, kalakalan, at industriya. Karaniwang mga edukado, akademiko, at propesyonal ang mga mababasa.
WIka sa Radyo
Sitwasyong Pangwika:
Sa pag-usbong ng industriya ng brodkasting sa Pilipinas, isa ang radyo sa mga unang sumahimpapawid upang magbigay ng impormasyon sa tao.
Bagaman ay madalas parehong nasa wika Filipino ang ginagamit ng mga brodkaster, nagkakaiba naman ito sa paraan.
Sa AM radio ay kadalasang pormal ang gamit ng wikang Filipino. Pangunahing laman kasi nito ay mga balita at impormasyong makatutulong sa tao sa pang-araw-araw.
Habang sa FM radio naman ay kadalasang impormal ang gamit dahil laman nito ay mga musika, awit, at karaniwang usapan ng mga tao na naglalayong makapagbigay ng aliw sa mga tagapakinig.
WIka sa Telebisyon
Sitwasyong Pangwika:
Itinuturing ang telebisyon bilang pinakamakapangyarihan sa lahat ng uri ng media dahil sa lawak nang naaabot nito. Isa pa, isa itong audio at visual na paraan ng paghahatid ng impormasyon.
Maliban din sa pagbibigay-impormasyon, ang sitwasyon ng wika rito ay masyadong malawak, maaaring gamitin sa balita o aliwan, at maaari ring pormal at impormal ang paraan upang maunawaan ng mga tagapanood. •
Wikang Filipino ang nangungunang midyum sa lokal na mga istasyon habang wikang Ingles sa mga cable channels.
WIka sa Pelikula
Sitwasyong Pangwika:
Nakabatay naman sa wikang mauunawaan ng mga manonood ang pelikula.
Maaaring wikang banyaga, wikang Filipino, o wikang katutubo.
Ang sitwasyong ng wika rito ay pasalaysay dahil ginagamit ang wika para maunawaan ang naratibo.
Minsan din ay may talinhaga o simboliko ang pagkakagamit ng wika upang mas maging malikhain ang pagkukuwento.
WIka sa Internet
Sitwasyong Pangwika:
Sa modernong panahong ito, makikita ang iba’t ibang sitwasyong pangwika sa internet.
Ang midyum na ginagamit ng mga “netizen” o mga taong gumagamit ng internet ay masyado nang masalimuot. •
Ang wika rito ay maaaring lokal o banyaga, maaari ring pormal at impormal.
Ang iba’t ibang barayti ng wika ay ginagamit na rin dito.
Pangunahing layunin kasi ng internet ay ang kumunekta o makapag-ugnay sa iba’t ibang tao upang makipagkomunika, magbigay ng impormasyon, mang-aliw, at iba pa.