1/11
RPG
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Ano ang kahulugan ng salitang 'history' sa payak na pagbibigay kahulugan?
Ito ay kadalasang sinasabing pag-aaral sa ating nakaraan.
Ano ang pinagmulan ng salitang kasaysayan?
Ang salitang kasaysayan ay nagmula sa salitang Griyegong 'historia' na nangangahulugang pagsisiyasat.
Ano ang pangunahing ideya na naiparating ni Dr. Zeus Salazar ukol sa kasaysayan?
Ang kasaysayan ay salaysay ukol sa nakaraan na may saysay para sa sariling grupo na isinasalaysay gamit ang kanilang sariling wika at kalinangan.
Ano ang tatlong bahagi ng salitang kasaysayan ayon kay Dr. Augusto de Viana?
Ka-, saysay, at –an.
Bakit mahalaga ang batis o sources sa pag-aaral ng kasaysayan?
Kasi mapapatunayan ng mga ito na ang isang tala ay nangyari o naganap sa mga nakalipas na panahon.
Ano ang primaryang batis?
Ito ay mga tao o bagay na naging saksi habang nagaganap ang isang mahalagang pangyayari.
Magbigay ng halimbawa ng primaryang batis na nakasulat.
Talaarawan, Awtobiograpiya, Liham, Diyaryo/Pahayagan.
Ano ang tinutukoy na sekundaryang batis?
Ito ay mga batis na hindi 'saksi' sa mga pangyayari ngunit naglalahad ng impormasyon kaugnay ng primaryang batis.
Ano ang kahulugan ng 'kritisismo' sa kasaysayan?
Ito ay ang masusing pagsusuri ng mga dokumento upang mapalabas ang katotohanan ng mga pangyayari sa nakaraan.
Ano ang kaibahan ng kritikang panlabas at kritikang panloob?
Ang kritikang panlabas ay tungkol sa pagkilala kung tunay o di-tunay ang batis, samantalang ang kritikang panloob ay tungkol sa mas malalim na pagsusuri ng nilalaman ng dokumento.
Ano ang nilalaman ng Pambansang Museo ng Pilipinas?
Matatagpuan dito ang mga sikat na primaryang batis gaya ng mga balangay, dibuhong Spoliarium ni Juan Luna, at iba pa.
Ano ang pangunahing layunin ng mga pangkat ng mga historyador at arkeologo?
Kinalap nila ang mga sanggunian o batis upang mapag-aralan at makakuha ng kaalaman tungkol sa nakaraan.