1/46
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Maikling kwento
Ito ang tawag sa anyo ng panitikan na naratibong nagsasalaysay tungkol sa mga pangyayaring sangkot ang isa o higit pang mga tauhan.
Deogracias A. Rosario
ay itinuturing na “Ama ng maikling kwenetong tagalog” sa
Pilipinas
Paksa
Ito ang tumutukoy sa sentral na ideya sa isang akda o kwento
Tauhan
Ito ang nagbibigay buhay sa mga pangyayari sa isang kwento
Tagpuan
Ito ang lugar na pinangyarihan sa kwento
Banghay
Ito ang tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento
Eksposisyon, Pasidhing Pangyayari, Kasukdulan, Kakalasan, Wakas
Pyramid ni Gustav Freytag
Wika
Ito ang pinakamahalagang sangkap ng komunikasyon
Edward Sapir (1921)
siya ay ang nagsabi na ang wika ay isang makatao’t likas na pamamaraan ng
pagbabahagi ng mga kaisipan, damdamin, at mithiin
Archibald Hill (2000)
siya nag nagsabi na ang wika ay ang pangunahin at pinakatiyak na anyo ng
simbolikong gawaing pantao
Diyalekto
Ito ay baryasyon ng wika na iniluluwal, halimbawa, sa rehiyong kinabibilangan ng isang
indibidwal
Pang-ugnay
Nagsisilbing tulay ang ___ upang magkaroon ng maayos na transisyon ng paglilipat ng diwa o idea mula sa isang pangungusap o talata patungo sa isa pa
NOBELA
Ito ang tawag sa serye ng mga pangyayaring bumubuo ng isang mahabang prosa.
Prosa
ay isang tuluyang teksto na walang natatanging anyo o ritmo.
Paksa
ito ang pangunahing tema o ideya ng nobela
Tauhan
ito ang mga karakter sa kwento
Tagpuan
ito ang tumutukoy sa oras, panahon, at lugar kung saan naganap ang mga
pangyayari sa nobela.
Banghay
ito ang daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento
Suliranin
ito ang mga pagsubok na kinakaharap ng mga tauhan
Pananaw
ito ang paningin o perspektibo ng tagapagsalaysay
Estilo
ito ang paraan ng may-akda sa paggamit ng wika, paglalarawan, simbolismo, at
dayalogo upang maging masining ang pagsasalaysay.
Mensahe
ito ang mahalagang kaisipan o aral na nais iparating ng may-akda sa mambabasa
Sosyolek
Ito ay barayti ng pansamantala lamang at ginagamit sa isang partikular na grupo
Halimbawa: “Wag kang Judger”
Etnolek
Ito ay nagmumula sa mga etnolingguwistikong grupo o taguri sa grupo o mga
indibidwal na may parehong kultura at pananaw sa buhay. Isa ang Pilipinas sa mga
bansang may maraming pangkat etniko
Halibawa: Palangga(Kabisayaan) - Minamahal
Register
Ito ay espesyalisadong wika na ginagamit sa isang partikular na pangkat o domain.
Katotohanan
Pahayag na mapatutunayan at may ebidensya. Hindi nababatay sa personal na damdamin
Maaaring Masuri sa pamamagitan ng obserbasyon, dokumento, or pananaliksik
Opinyon
Pahayag na batay sa sariling pananaw, paniniwala, o damdamin ng nagsasalita.
Hindi ito tiyak na mapapatunayan bilang tama or mali dahil nakabatay sa interpretasyon
Tula
ay anyong pampanitikan na binubuo ng mgataludtod. ay maaaring naaayon sa sukat at tugma na may sinusunod na bilang ng pantig at tugmaan sa dulong salita
Dr. J. Neil Garcia
idiniin niyang ang tula ay higit pa sa mga taglay nitong taludtod. ang tula, para sa kaniya, ay isang kaganapang pangwika
Anyo
Ito ang tumutukoy sa kung paano isnulat ang tula
Malayang taludturan
walang tiyak na sukat at tugma, malaya ang
pagpapahayag
Tradisyonal
May sukat, Tugma, at gumagamit ng matalinhagang salita
May sukat na walang Tugma
tiyak ang bilang ng pantig ngunit walang tugma
Walang sukat na may Tugma
Walang tiyak na bilang ng pantig ngunit magkakasintunong ang mga dulo
Sukat
Ito ay bilang ng pantig sa bawat taludtod, karaniwang waluhan, labing dalawahan, or labing-animan
Tugma
Pagkakasintunong ng mga huling pantig na taludtod. Nagdaragdag ito ng musikalidad sa tula.
Saknong
Ito naman ang grupo ng mga taludtod sa tula. Maaari itong magsimula sa dalawa o higit pang taludtod
Persona
Ito ang nagasasalita sa tula na maaaring ang makata mismo o isang ibang karakter tulad ng isang bata, matanda, o kahit isang hayop
Talinghaga
Paggamit ng tayutay o matatalinghagang pahayag para sa mas malalim na damdamin at kahulugan
Ponemang Suprasegmental
Naiintindihan ang isang pahayag kung wasto ang pagkakabigkas nito. Halimbawa, sa pagtatanghal ng tula sa madla, marapat na akma ang diin, intonasyon, at paghinto nang sa gayon ay mahusay na maiparating sa mga tagapakinig ang mesahe ng akda.
Haba at diin
tumutukoy ito sa haba at lakas ng pagbigkas na iniuukol ng nagsasalita sa patinig ng pantig ng isang salita. mahalga ito dahil nagbabago ang kahulugan ng isang salita batay sa diin nito.
Intonasyon o Tono
Tumutukoy ito sa pagtaas at pagbaba ng pagbigkas ng pantig ng isang salita. Batay sa pagbabago ng tono, maaaring mag-iba ang nais ipahiwatig ng isang pahayag
Hinto/Tigil o Antala
Tumutukoy ito sa saglit na paghinto sa pagsasalita. Ginamit ang isang bar (/) bilang simbolo ng saglit na paghinto sa pahayag, samantalang dalawang bar (//) naman ang ginagamit bilang simbolo ng pagtatapos ng pangungusap
Direkta
ang pagpapahayag kung hindi ito gumagamit ng matatalinghagang salita
Hindi direkta
ang pagpapahayag ng emosyon kung kakikitaan ito ng matatalinghagang salita.