Untitled Flashcard Set

LESSON 1

Maikling kwento

  • Ito ang tawag sa anyo ng panitikan na naratibong nagsasalaysay tungkol sa mga pangyayaring sangkot ang isa o higit pang mga tauhan.

  • Si Deogracias A. Rosario ay itinuturing na “Ama ng maikling kwenetong tagalog” sa Pilipinas

Elemento ng Maikling kwento

  • Paksa

    • Ito ang tumutukoy sa sentral na ideya sa isang akda o kwento

  • Tauhan

    • Ito ang nagbibigay buhay sa mga pangyayari sa isang kwento

  • Tagpuan

    • Ito ang lugar na pinangyarihan sa kwento

  • Banghay

    • Ito ang tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento

Pyramid ni Gustav Freytag

Ekposisyon
Pasidhing Pangyayari
Kasukdulan
Kakalasan
Wakas

LESSON 1.2

Wika

  • Ito ang pinakamahalagang sangkap ng komunikasyon

  • Ayon kay Edward Sapir (1921), ang wika ay isang makatao’t likas na pamamaraan ng pagbabahagi ng mga kaisipan, damdamin, at mithiin

  • Para naman kay Archibald Hill (2000), ang wika ay ang pangunahin at pinakatiyak na anyo ng simbolikong gawaing pantao

Diyalekto

  • Ito ay baryasyon ng wika na iniluluwal, halimbawa, sa rehiyong kinabibilangan ng isang indibidwal

  • Isang halimbawa nito ay ang wikang tagalog na may magkakaibang baryasyon sa maraming lugar ng Pilipinas

Halimbawa

  • Batangas - tagalog - “Magandang Umaga”

  • Pampanga - Kapampangan - “Mayap a Umaga”

  • Ilocos - Ilokano - “Naimbag a bigat”

  • Visayas - Bisaya - “Marhay na Aga”

  • Cebu - Cebuano - “Maayong Buntag”

LESSON 3 - Pang-ugnay bilang Hudyat ng Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari

Pang-ugnay - Nagsisilbing tulay ang pang-ugnay upang magkaroon ng maayos na transisyon ng paglilipat ng diwa o idea mula sa isang pangungusap o talata patungo sa isa pa.

Pang-ugnay sa Simula ng Kwento o Pangyayari:

  • Isang araw

  • Una

  • Sa simula

  • Noong una

  • Unang-una

Pang-ugnay sa Gitna o Kasunod na Bahagi ng Kwento:

  • Kasunod nito

  • Pagkatapos

  • Sunod dito

  • Samantala

  • Sumunod

  • Habang

  • Sa kabilang banda

Pang-ugnay sa Huling Bahagi o Wakas ng Kwento:

  • Hindi nagtagal

  • Sa wakas

  • Sa huli

  • Panghuli

  • Bilang pagtatapos

  • Pagkalipas ng ilang sandali

LESSON 2 - BAHAGI NG NOBELA MULA SA TIMOG- SILANGANG ASYA

NOBELA

  • Ito ang tawag sa serye ng mga pangyayaring bumubuo ng isang mahabang prosa.

  • Ang prosa ay isang tuluyang teksto na walang natatanging anyo o ritmo.

  • Ang nobela ay mas mahaba sa maikling kwento.

ELEMENTO NG NOBELA

  • Paksa - ito ang pangunahing tema o ideya ng nobela

  • Tauhan - ito ang mga karakter sa kwento

  • Tagpuan - ito ang tumutukoy sa oras, panahon, at lugar kung saan naganap ang mga pangyayari sa nobela.

  • Banghay - ito ang daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento

  • Suliranin- ito ang mga pagsubok na kinakaharap ng mga tauhan

  • Pananaw- ito ang paningin o perspektibo ng tagapagsalaysay

  • Estilo- ito ang paraan ng may-akda sa paggamit ng wika, paglalarawan, simbolismo, at dayalogo upang maging masining ang pagsasalaysay.

  • Mensahe- ito ang mahalagang kaisipan o aral na nais iparating ng may-akda sa mambabasa

HALIMBAWA - La Loba Negra, Noli Me tangere at El filibusterismo, A child of Sorrow, Ang buhay ay Hindi isang fairy tale

LESSON 2.2

Barayti ng Wika

  • Tinatawag na diyalekto ang mga barayti ng wika na ginagamit o sinasalita sa isang partikular na lugar. Ito ang baryasyon ng wika na umuusbong sa magkakaibang lokasyon batay na rin sa pagkakagamit nito sa pakikipagtalastasan. Nagiging natatangi rin ito dahil ginagamit ito ng mga tao sa iisang lokasyon

Halimbawa:
Tagalog - Bakit
Batangas - Bakit Ga?
Baguio - Bakit ngay?
Pangasinan - Bakit ei?

Barayti ng Wika

  • Sosyolek

    • Ito ay barayti ng pansamantala lamang at ginagamit sa isang partikular na grupo

    • Halimbawa: “Wag kang Judger”

    • “Cryola ang bata”

  • Etnolek

    • Ito ay nagmumula sa mga etnolingguwistikong grupo o taguri sa grupo o mga indibidwal na may parehong kultura at pananaw sa buhay. Isa ang Pilipinas sa mga bansang may maraming pangkat etniko

    • Halibawa: Palangga(Kabisayaan) - Minamahal

    • Kalipay(Cebu) - Saya, Tuwa

  • Register

    • Ito ay espesyalisadong wika na ginagamit sa isang partikular na pangkat o domain. May tatlong uri nito:

    • Larangan na naaayon sa espesyalisasyon ng taong gumagamit

    • Modo na nakabatay sa kung paano isinasagawa ang komunikasyon

    • Tenoy na naaayon sa relasyon ng mga nag-uusap

    • Halimbawa: Mga salitang pinaiiksi sa text (SKL, WTF, ILY)

    • Halimbawa: Mga salitang ginagamit ng ibat ibang propesyon (Guro - Exam, Free time)

    • Halimbawa: Mga salitang beki gaya ng

      • (Wit - Hindt,

      • Kiaw - Libo,

      • Havey - ganda,

      • Chika - Kwento,

      • Aura - Gala, alis.)

LESSON 2.3

Katotohanan

  • Pahayag na mapatutunayan at may ebidensya. Hindi nababatay sa personal na damdamin

  • Maaaring Masuri sa pamamagitan ng obserbasyon, dokumento, or pananaliksik

  • Halimbawa: Bobo ka.

(Tiyak na Datos) (Siyentipitong batayan) (Kasaysayang tala)

Opinyon

  • Pahayag na batay sa sariling pananaw, paniniwala, o damdamin ng nagsasalita.

  • Hindi ito tiyak na mapapatunayan bilang tama or mali dahil nakabatay sa interpretasyon

  • Halimbawa: Para sakin, Sa tingin ko, sa palagay ko, sa aking pananaw, naniniwala ako na…

LESSON 3

Tula

  • Sa simpleng pagpapakahulugan, ang tula ay anyong pampanitikan na binubuo ng mga taludtod.

  • Ang anyo ng tula ay maaaring naaayon sa sukat at tugma na may sinusunod na bilang ng pantig at tugmaan sa dulong salita.

  • o maaari ding may sinusunod sa malayang taludturan na walang tiyak na bilang ang pantig at tugmaan ang mga linya.

  • Sa Papel ni Dr. J. Neil Garcia (2017), kilalang manunulat sa bansa mula sa unibersidad ng Pilipinas, idiniin niyang ang tula ay higit pa sa mga taglay nitong taludtod. ang tula, para sa kaniya, ay isang kaganapang pangwika

Elemento ng Tula

  1. Anyo

    • Ito ang tumutukoy sa kung paano isnulat ang tula. Mayroon itong apat na anyo:

      • Malayang taludturan - walang tiyak na sukat at tugma, malaya ang pagpapahayag

      • Tradisyonal - May sukat, Tugma, at gumagamit ng matalinhagang salita.

      • May sukat na walang Tugma - tiyak ang bilang ng pantig ngunit walang tugma

      • Walang sukat na may Tugma - Walang tiyak na bilang ng pantig ngunit magkakasintunong ang mga dulo

  2. Sukat

    • Ito ay bilang ng pantig sa bawat taludtod, karaniwang waluhan, labing dalawahan, or labing-animan

  3. Tugma

    • Pagkakasintunong ng mga huling pantig na taludtod. Nagdaragdag ito ng musikalidad sa tula.

  4. Saknong

    • Ito naman ang grupo ng mga taludtod sa tula. Maaari itong magsimula sa dalawa o higit pang taludtod.

  5. Persona

    • Ito ang nagasasalita sa tula na maaaring ang makata mismo o isang ibang karakter tulad ng isang bata, matanda, o kahit isang hayop

  6. Talinghaga

    • Paggamit ng tayutay o matatalinghagang pahayag para sa mas malalim na damdamin at kahulugan

Mga piling Tula ni Ho Chi Minh - Isinalin ni Christophere S. Rosales

LESSON 3.2

Ponemang Suprasegmental

  • Naiintindihan ang isang pahayag kung wasto ang pagkakabigkas nito. Halimbawa, sa pagtatanghal ng tula sa madla, marapat na akma ang diin, intonasyon, at paghinto nang sa gayon ay mahusay na maiparating sa mga tagapakinig ang mesahe ng akda.

  • Tinatawag na ponemang suprasegmental ang paraan ng pagbigkas ng isang salita, parirala, o pangungusap upang higit na maging mabisa nag pakikipagtalastasan

tatlong uri

  • Haba at diin (stress)

    • tumutukoy ito sa haba at lakas ng pagbigkas na iniuukol ng nagsasalita sa patinig ng pantig ng isang salita.

    • mahalga ito dahil nagbabago ang kahulugan ng isang salita batay sa diin nito.

    • Ex. (BU-hay at bu-HAY)

  • Intonasyon o Tono

    • Tumutukoy ito sa pagtaas at pagbaba ng pagbigkas ng pantig ng isang salita.

    • Batay sa pagbabago ng tono, maaaring mag-iba ang nais ipahiwatig ng isang pahayag

    • Halimbawa: (Kailangan ng mass testing upang gawin yon?) at (Kailangan ng mass testing upang gawin yon.)

  • Hinto/Tigil o Antala

    • Tumutukoy ito sa saglit na paghinto sa pagsasalita. Ginamit ang isang bar (/) bilang simbolo ng saglit na paghinto sa pahayag, samantalang dalawang bar (//) naman ang ginagamit bilang simbolo ng pagtatapos ng pangungusap.

    • Tulad ng tono, gamit ang hinto, man nalilinaw ang mensaheng nais iparating ng isang pahayag

Direkta o Hindi Direkta

  • May dalawang paraan ng pagpapahayag ng damdamin. Maaari itong direkta o Hindi Direkta

  • Direkta - ang pagpapahayag kung hindi ito gumagamit ng matatalinghagang salita.

  • Hindi direkta - ang pagpapahayag ng emosyon kung kakikitaan ito ng matatalinghagang salita.