1/48
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Pananaliksik
paraan ng pagtuklas ng mga sagot sa mga partikular na tanong ng tao tungkol sa kanyang lipunan o kapaligiran
Pananaliksik
Tumutuklas ng iba’t ibang paraan para mapabuti ang pamumuhay sa pamamagitan ng imbensyon at kaalaman
Maka-Pilipinong Pananaliksik
Gumagamit ng wikang FIlipino at mga katutubong wika sa Pilipinas
Isinasaalang-alang angpagpili ng paksang naaayon sa interes at kapakinabangan ng mga PIlipino
Mga Gabay sa Pamimili ng Paksa
may sapat na sanggunian na pagbabatayan ng napiling paksa
paglimita sa masaklaw na paksa
makapag-ambag ng bagong kaalaman sa piniling paksa
gagamit ng sistematiko at siyentipikong paraan upang masagot ang tanong
Etika
ito ay tumutukoy sa mga pamantayan ng pagkilos at pag-uugali batay sa katanggap-tanggap na ideya sa kung ano ang tama at mali.
tumutukoy sa pagiging matuwid, makatarungan, matapat, at mapagpahalaga ng isang indibidwal sa kanyang kapwa.
Mga Gabay sa Etikal na Pananaliksik
Pagkilala sa pinagmulan ng mga ideya sa pananaliksik
Boluntaryong partisipasyon ng mga kalahok
Pagiging kumpidensyal at pagkukubli sa pagkakakilanlan ng kalahok
Pagbabalik at paggamit sa resulta ng pananaliksik
pamamalahiyo
tahasang paggamit at pangongopya ng
mga salita at ideya nang walang
kaukulang pagbanggit o pagkilala sa
pinagmulan nito.
Mga Anyo ng Pamamalahiyo
pag-angkin sa gawa o ideya ng iba
hindi paglalagay ng maayos na panipi sa mga siniping pahayag
pagbibigay ng maling impormasyon sa pinagmulan ng siniping pahayag
pagpapalit ng mga salita sa katulad na wika o kaya ay pagsasalin ng teksto ngunit pangongopya sa ideya nang walang sapat na pagkilala
pangongopya ng napakaraming ideya at pananalita, tukuyin man o hindi ang pinagmulan nito
Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa
-pamimili at paglilimita ng paksa
-pagbuo ng tanong
-pagbuo ng haypotesis
-pagbabasa ng mga kaugnay na
literatura at pag-aaral
Pagdidisenyo ng Pananaliksik
-pamimili ng disenyo at pamamaraan
-pagbuo ng paradaym, konseptwal, at
teoretikal na balangkas
-pagpaplano ng mga proseso
-pagtukoy sa populasyon o materyales
na pagmumulan ng datos
Pangangalap ng Datos
-pagbuo ng kasangkapan na gagamitin
sa pangangalap ng datos at aktwal na
paggamit nito
-pagkuha ng datos mula sa mga
kalahok ng pananaliksik
-pagsasaayos ng mga datos para sa
presentasyon
Pagsusuri ng Datos
-presentasyon ng datos
-pagsusuri at interpretasyon ng datos
-paggamit ng mga paraang estadistikal
sa interpretasyon ng datos
-Pagbuo ng lagom, kongklusyon, at
rekomendasyon
Pagbabahagi ng Pananaliksik
-pamimili ng jornal kung saan ilalathala
ang pananaliksik
-rebisyon ng format at nilalaman batay
sa rebyu ng jornal
-presentasyon sa mga kumperensya o
iba pang paraan ng pagbabahagi
Kuwantitatibo
ito ay tumutukoy sa sistematiko at empirical na imbestigasyon ng iba’t ibang paksa at penomenang panlipunan sa pamamagitan ng matematika, estadistika, at mga Teknik na gumagamit ng komputasyon.
Kuwalitatibo
ito ay kinapapalooban ng mga uri ng pagsisiyasat na ang layunin ay malalimang unawain ang pag-uugali at ugnayan ng mga tao at ang dahilan na gumagabay rito.
Deskriptibong Pananaliksik
ito ay nagbibigay ng tugon sa mga tanong na sino, ano, kalian, saan, at paano na may kinalaman sa paksa ng pag-aaral.
Aksiyong Pananaliksik
inilalarawan at tinatasa ang isang tiyak na kalagayan, pamamaraan, modelo, polisiya, at iba pa sa layuning palitan ito ng mas epektibong pamamaraan.
Metodolohiya
ito ay tumutukoy sa isang organisadong larangan ng pag- aaral ng mga pamamaraan at tuntunin na ginagamit sa pagtuklas ng bagong kaalaman.
Metodo
tumutukoy sa pamamaraan ng pagtuklas
Mga Bahagi ng Metodolohiya
Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik
Lokal at Populasyon ng Pananaliksik
Kagamitan sa paglikom ng Datos
Paraan sa paglikom ng Datos
Paraan sa pagsusuri ng Datos
Sarbey
isang metodo na
ginagamit upang mangalap
ng datos sa sistematikong
pamamaraan sa isang tiyak
na populasyon o sampol ng
pananaliksik.
Pakikipanayam o Interbyu
ito ay pagkuha
ng impormasyon sa isang
kalahok na may
awtoridad sa paksa ng
pananaliksik.
Nakanalangkas na pakikipanayam
sakto o tiyak ang pagtatanong tulad ng talatanungan sa sarbey
Pakikipanayam sa bahagyang balangkas
nagbibigay kontrol sa mananaliksik o tagatanong sa magiging daloy na panayam
Malaya na pakikipanayam
layunin nitong galugarin ang nararamdaman ng kalahok tungkol sa paksa ng pananayam
Dokumentaryong Pagsusuri
Ito ay pamamaraan na ginagamit upang kumalap ng impormasyon na susuporta at magpapatibay sa mga datos ng pananaliksik
Nakabalangkas na Obserbasyon at Pakikisalamuhang Obserbasyon
Ito ay pagmamasid sa mga kalahok na pokus ng pag-aaral habang siyentipikong itinatala ang kanilang pagkilos
Madalas ginagamit sa field study gaya ng etnograpiya
Mga Kasanayan sa Pananaliksik
-Paglalahad ng Resulta
-Tala at Bibliyograpiya
-Rebisyon
-Presentasyon at Paglathala
Paglalahad ng Resulta ng Pananaliksik
Presentasyon ng Datos
Talahanayan
ito ay naglalaman ng mga tiyak na datos gaya ng mga bilang at bahagdan
Graph
ito ay biswal na presentasyon ng mga numero o bahagdan na nagpapaplita ng kabuoang ugnayan o kalakaran batay sa uri nito
Pagsusuri at Interpretasyon ng mga Datos
Ang interpretasyon ay pagpapaliwanag kung bakit ito ang naging sitwasyon.
Binibigyan ng kahulugan ang impormasyon, bumubuo ng mga ugnayan at paghahambing, tinutukoy ang mga sanhi at posibleng kahihinatnan.
Bibliograpiya
ito ay nagpapakita ng
talaang pinagsanggunian o pinagkuhanan
ng impormasyon.
APA
American Psychological Association
MLA
Modern Language Association Chicago Manual of Style
Direktang Sipi
ito ay ginagamit kung isang bahagi lamang ng akda ang nais sipiin. Tiyaking tama ang pagkakopya ng mga datos at hindi nagbago sa proseso ng pagkopya.
Gumamit ng panipi (“ ”) sa bawat nakuhang tala. Gumamit din ng ellipsis (...) kung bahagi lamang ng sipi ang gagamitin.
Buod
Ito ay ginagamit kung ang nais lamang gamitin ay ang pinakamahalagang ideya ng isang tala
Layunin ng buod na mabigyan ng pangkalahatang ideya and mambabasa
Presi
Ito ang tawag kung ang gagamitin ay ang buod ng isang tala. Pinapanatili nito ang orihinal na ayos ng ideya at ang punto de vista ng may akda.
Sipi ng Sipi
Ito ay pagsipi mula sa isang mahabang sipi
Ginagamitan din ng panipi
Hawig o Paraphrase
Ito ay isang hustong pagllaahad ng mga ideya gamit ang higit na payak na salita ng mananaliksik
Salin/ Sariling Salin
Ito ay paglilipat ng ideya mula sa isang wika tungo sa iba pang wikaMga Dapat Isaalang-alang sa Pagsasalin
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsasalin
1. Alamin ang konteksto ng isasalin. May
mga salitang iba ang kahulugan
depende sa konteksto.
2. Ang mga idyoma ay hindi maaaring
isalin nang direkta sapagkat maiiba
ang kahulugan nito.
3. Iwasan ang pagsasalin nang literal.
4. Ang mga salitang teknikal at
siyentipiko ay maaari nang hindi
isalin.
Editing
Paghahanap ng maliit na suliranin sa teksto na madaling masolusyonan
Proofreading
Ito ay may kinalaman sa
mga pagkakamaling gramatikal,
tipograpikal, at pagbabantas.
malawakang rebisyon
Ang ________________________ ay may
kinalaman sa pagtatasa ng kabisaan ng
kabuoang papel.
-pagdaragdag ng ebidensya, hindi
nasagot ang layunin
hindi malawakang rebisyon
Ang _______________________________ ay
nangangailangan lamang ng kaunting
pagbabago sa isang bahagi nito.
-dagdag paliwanag sa ilang termino o
kakulangan sa introduksiyon
Ang “Hasaan” ng
UST ay isang
refereed jornal sa
Filipino.
Presentasyon ng Pananaliksik
Isang paraan ng pagbabahagi ng
pananaliksik ang presentasyon nito sa
mga lokal, pambansa, at pandaigdigang
kumperensya.
Peer Review
Ito ay isang proseso o serye ng ebalwasyon na pinagdaraanan ng artikulo bago ito mailimbag sa mga jornal