Filipino sa Iba't Ibang Disiplina | Midterm Exam

studied byStudied by 25 people
5.0(4)
learn
LearnA personalized and smart learning plan
exam
Practice TestTake a test on your terms and definitions
spaced repetition
Spaced RepetitionScientifically backed study method
heart puzzle
Matching GameHow quick can you match all your cards?
flashcards
FlashcardsStudy terms and definitions
Get a hint
Hint

Taong 1940

1 / 70

flashcard set

Earn XP

Description and Tags

71 Terms

1

Taong 1940

Ipinag-utos ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa ikaapat na taon sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa.

New cards
2

Taong 1987

Pinalabas ng kalihim Lourdes R. Quisumbing ng Departamento ng Edukasyon, Kultura at Palakasan ang Kautusan Blg. 52 na nag-uutos sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng antas ng mga paaralan kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa patakarang edukasyong bilinggwal

New cards
3
  1. Tagalog

  2. Wikang Pambansang Pilipino

  3. Pilipino

  4. Filipino

MGA WIKANG OPISYAL NG PILIPINAS

New cards
4

Tagalog

katutubong wikang pinagbatayan ng pambansang wika ng Pilipinas (1935).

New cards
5

Wikang Pambansang Pilipino

ayon sa Batas Komonwelt Blg. 570

New cards
6

Pilipino

unang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas.

New cards
7

Filipino

kasalukuyang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas, lingua franca ng mga Pilipino, at isa sa mga opisyal na wika sa Pilipinas kasama ang Ingles (1987).

New cards
8

Ang lahat ng wika ay

  • binubuo ng mga tunog.

  • may katumbas na simbolo o sagisag

  • may estruktura.

  • nanghihiram.

  • dinamiko.

  • arbitraryo.

KALIKASAN NG WIKA

New cards
9
  • analitikal na lapit

  • kritikal na lapit

  • ispekulatibong lapit

TATLONG LAPIT

New cards
10

analitikal na lapit

ginagamit sa pag-oorganisa ng mga impormasyon sa mga kategorya, bahagi, grupo, uri at mga pag-uugnay-ugnay ng mga ito sa isa't isa.

New cards
11

kritikal na lapit

ginagamit kung ginagawan ng interpretasyon, argumento, ebalwasyon at sa pagbibigay ng sariling opinyon sa ideya.

New cards
12

ispekulatibong lapit

kadalasang ginagamit sa pagkilala ng mga senaryo, mga estratehiya o pamamaraan ng pagsusuri, pag-iisip at pagsulat.

New cards
13

MEMORANDUM TUNGKOL SA K-12 PROGRAM

ang namamayaning wika o inang wika ay ang (mother tounge) sa bawat rehiyon ang aktwal na ginagamit panturo , alinsunod sa patakarang Mother Tounge -Based Multilingual Education (MTB-MBLE)

New cards
14

HUMUNIDADES at Agham Panlipunan

Sa pagtuturo sa larangan ng ______ at ______, batay sa probisyon ng patakaran ng bilinggwal, dapat gamitin ang wikang Filipino bilang wikang panturo sa mga larangang ito.

New cards
15

San Juan et al., (2019), (mula kay Ferguson, 2006),

Nabanggit nila na ang katanyagang taglay ng wikang Ingles sa sistema ng edukasyon lalo na sa mga kolehiyo at mga unibersidad ay may kakambal na sosyo-ekonomiko.

New cards
16

REGISTER

Bawat larangan ay may tiyak na set ng mga terminong ginagamit na tinatawag na

New cards
17
  • Isang kahulugan = tiyak na disiplina

  • Dalawa o higit pang kahulugan = ginagamit sa dalawa o higit pang disiplina

  • isang kahulugan = dalawang magkaibang disiplina, ugnayan ng mag disiplinang ito.

Larangan sa iba’t ibang disiplina at kahulugan nito.

New cards
18
  1. Impormasyonal

  2. Imahinatibo

  3. pangungumbinse

TATLONG (3) ANYO SA PAGSULAT SA LARANGAN NG HUMANIDADES

New cards
19
  • paktwal ang mga impormasyon

  • paglalarawan

  • proseso

maaring isagawa ang Impormasyonal batay sa sumusunod:

New cards
20

paktwal ang mga impormasyon

bilang background gaya ng talambuhay o maikling bionote, artikulo sa kasaysayan at iba pa.

New cards
21

paglalarawan

nagbibigay ng detalye, mga imahe na denetalye sa isipan ng mambabasa, sinasabayan ng kritikal na pagsusuri na karaniwan ay isinasagawa sa mga akdang pampanitikan gaya ng krisismo, tula, kuwento, nobela at iba pa.

New cards
22

proseso

binubuo ng paliwanag kaugnay ng teknik, paano isinagawa at ang naging resulta na kadalasan ay ginagawa sa sining at musika

New cards
23

Imahinatibo

binubuo ng mga malikhaing akda gaya ng piksyon (nobela, dula, maikling kuwento) sa larangan ng panitikan, gayundin ang pagsusuri nito

New cards
24

pangungumbinse

pagganyak upang mapaniwala o di mapaniwala ang bumabasa, nakikinig at nanonood sa teksto o akda. Subhetibo ito kaya't ang mahalagang opinyon ay kaakibat ng ebidensya at katuwiran o argumento.

New cards
25

agham panlipunan

isang larangang akademiko na pumapaksa sa tao-kalikasan, mga gawain at pamumuhay nito, kasama ang mga implikasyon at bunga ng mga pagkilos nito bilang miyembro ng lipunan.

New cards
26
  1. SOSYOLOHIYA

  2. SIKOLOHIYA

  3. LINGGUWISTIKA

  4. KASAYSAYAN

  5. ANTROPOLOHIYA

  6. HEOGRAPIYA

  7. AGHAM PAMPOLITIKA

  8. EKONOMIKS

  9. AREA STUDIES

  10. ARKEOLOHIYA

  11. RELIHIYON

MGA DISIPLINA SA LARANGAN NG AGHAM PANLIPUNAN

New cards
27

SOSYOLOHIYA

pag-aaral ng kilos, pag-iisip at gawi ng tao sa lipunan at gumagamit ng emperikal na obserbasyon, kuwalitatibo at kuwantitatibong metodo.

New cards
28

SIKOLOHIYA

pag-aaral mga kilos, pag-iisip at gawi ng tao, gumagamit ng empirikal na obserbasyon

New cards
29

LINGGUWISTIKA

pag-aaral ng wika bilang Sistema kaugnay ng kalikasan, anyo, estruktura at baryasyon nito. Bahagi ng pag-aaral ang ponolohiya, morpolohiya, sintaks at gramatika at gumagamit ng lapit na deskriptibo o pagpapaliwanag sa pag-aaral ng katangian ng wika, gayundin ng historikal na lapit o pinagdaanang pagbabago ng wika.

New cards
30

KASAYSAYAN

pag-aaral ng nakaraan o pinagdaanang pag-iral ng mga grupo, komunidad, lipunan at ng mga pangyayari upang maiugnay ito sa kasalukuyan, ginagamit ang lapit- naratibo upang mailahad ang mga pangyayaring ito.

New cards
31

ANTROPOLOHIYA

pag-aaral ng mga tao sa iba't ibang panahong ng pag- iral upang maunawaan ang kompleksidad ng mga kultura at gumagamit ng participant-observation o ekspiryensiyal na imersyon sa pananaliksik

New cards
32

HEOGRAPIYA

pag-aaral sa mga lipunang sakop ng mundo upang maunawaan ang masalimuot na mga bagay kaugnay ng katangian, kalikasan at pagbabago rito kasama na ang epekto nito sa tao, metodong kuwantitatibo at kuwalitatibo ang ginagamit sa mga pananaliksik dito.

New cards
33

AGHAM PAMPOLITIKA

pag-aaral sa bansa, gobyerno, politika at mga patakaran, proseso at sistema ng mga gobyerno, gayundin ang kilos-politikal ng mga institusyon, gumagamit ito ng analisis at empirikal na pag-aaral.

New cards
34

EKONOMIKS

pag-aaral sa mga gawaing kaugnay ng mga proseso ng produksyon, distribusyon at paggamit ng mga serbisyo at produkto sa ekonomiya ng isang bansa.

New cards
35

AREA STUDIES

interdisiplinaryong pag-aaral, kaugnay ng isang bansa, rehiyon, at heyograpikong lugar, kuwalitatibo, kuwalitatibo, at empirikal na obserbasyon at imbestigasyon ang lapit sa pananaliksik dito.

New cards
36

ARKEOLOHIYA

pag-aaral ng mga relikya, labi, artifact at monument kaugnay ng nakaraang pamumuhay at gawain ng tao.

New cards
37

RELIHIYON

pag-aaral ng organisadong koleksiyon ng mga paniniwala, sistemang kultural at mga pananaw sa mundo kaugnay ng sangkatauhan at sangkamunduhan (uniberdo) bilang nilikha ng isang superyor at superhuman na kaayusan.

New cards
38
  1. Biyolohiya

  2. Kemistri

  3. Pisika

  4. Heolohiya

  5. Astronomiya

  6. Matematika

MGA DISIPLINA SA LARANGAN NG AGHAM

New cards
39

Biyolohiya

Nakatuon sa pag-aaral ng buhay at mga nabubuhay na organismo kabilang ang kanilang estruktura, mga tungkulin, paglago, ebolusyon, distribusyon at \n taksonomiya.

New cards
40

Kemistri

Nakatuon sa komposisyon ng mga substance, properties at mga reaksyon at interaksyon sa enerhiya at sa sarili ng mga ito.

New cards
41

Pisika

Nakatuon ito sa mga property at interaksyon ng panahon, espasyo, enerhiya at matter. Mula ito sa Griyego na Phusike o kaalaman sa kalikasan.

New cards
42

Heolohiya

Ito ay sumasaklaw sa pag-aaral ng mga planeta sa kalawakan, ng mga bato kung saan gawa ito at ang mga proseso ng kanilang pagbabago, at iba pang pisikal na elemento kaugnay ng pagbuo, estruktura at mga penomena nito.

New cards
43

Astronomiya

Pag-aaral na kinapapalooban ng pagmamasid at pagpapaliwanag ng mga kaganapang nangyayari sa labas ng daigdig at ng himpapawid nito.

New cards
44

Matematika

Ito ay siyensiya ukol sa sistematikong pag-aaral sa lohika, at ugnayan ng mga numero, pigura, anyo, espasyo, kantidad, at estruktura na inihahayag sa pamamagitan ng mga simbolo.

New cards
45

PAGSASALIN

Ang paglilipat ng kahulugan ng pinagmulang wika sa target na wika (Larson, 1984)

New cards
46

PAGSASALIN

Isang proseso ng paglilipat sa pinakamalapit na katumbas ng diwa o mensaheng nakasaad sa wikang isasalin (Nida at Taber, 1969).

New cards
47

SALITA-SA-SALITA

Ito ay tinatawag na word-for-word translation na ginagamit ng mga linggwista para ipakita ang kahulugan ng mga salita.

New cards
48

SALITA-SA-SALITA

Anong metodong pagsasalin ito:

Faith is like love. It cannot be forced.

Pananampalataya ay tulad pag-ibig. Ito hindi  pilit/pwersa.

Ang pananampalataya ay tulad ng pag-ibig. Hindi ito sapilitan. (Pagwawasto)

New cards
49

LITERAL O DIRECT

Ang pangunahing katuturan ng salita ang ibinibigay na panumbas, hindi ang salitang may pinakamalapit na kahulugan sa orihinal.

New cards
50

LITERAL O DIRECT

Anong metodong pagsasalin ito:

o   You are the apple of my eye.

Ikaw ang mansanas ng aking mata.

o   The pillows are light.

Ang mga unan ay maliwanag.

New cards
51

IDYOMATIKO

Ang mensahe ng orihinal ay isinasalin sa paraang madulas at natural ang daloy ng tunguhang wika. Ginagamit dito ang idyoma ng tunguhang wika at sadyang nagiging iba ang porma ng pahayag.

New cards
52

IDYOMATIKO

Anong metodong pagsasalin ito:

o   Hand to mouth existence.

Isang kahig isang tuka.

o   I have butterflies in my stomach.

Kinakabahan/Hindi maintindihan ang nararamdaman.

New cards
53

Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan

PAGSASALIN NG KAGAWARAN NG PAMAHALAAN

DSWD

New cards
54

Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila

PAGSASALIN NG KAGAWARAN NG PAMAHALAAN

MMDA

New cards
55

Kagawaran ng Teknolohiyang Pang-impormasyon at Komunikasyon

PAGSASALIN NG KAGAWARAN NG PAMAHALAAN

DICT

New cards
56

Kagawaran ng Repormang Pansakahan ng Pilipinas

PAGSASALIN NG KAGAWARAN NG PAMAHALAAN

DAR

New cards
57

Tanggapan ng Pampanguluhang Tagapayo sa Prosesong Pangkapayapaan

PAGSASALIN NG KAGAWARAN NG PAMAHALAAN

Office of the Presidential Adviser Peace Process

New cards
58

TRANSFERENCE

Ito ay ang paglilipat o panghihiram ng mga kultural na salita mula sa simulaang wika patungo sa tunguhang wika nang walang pagbabago sa ispeling

New cards
59

TRANSFERENCE

Anong teknik ng pagsasaling ito:

English : cake         Filipino : cake

New cards
60

ONE TO ONE TRANSLATION

May isa-sa-isang pagtutumbasan ng mga salita sa salita parirala sa parirala, sugnay sa sugnay o pangungusap sa pangungusap. Kapag humahaba ang yunit ay mas hindi angkop ang pamamaraang ito

New cards
61

ONE TO ONE TRANSLATION

Anong teknik ng pagsasaling ito:

English : a beautiful garden

Filipino : ang magandang hardin

New cards
62

LEXICAL SYNONYM

Ibinibigay ang malapit na katumbas o angkop na kasingkahulugan sa target na wika ng pinagmulang wika.

New cards
63

LEXICAL SYNONYM

Anong teknik ng pagsasaling ito:

"old" house - "lumang" bahay

"old" man - "matandang" lalaki

New cards
64

DESCRIPTIVE EQUIVALENT

Ito ay tinatawag ding amplikasyon na ang ibig sabihin ay pagbibigay ng katumbas na kahulugan sa pamamagitan ng kahulugang naglalarawan.

New cards
65

DESCRIPTIVE EQUIVALENT

Anong teknik ng pagsasaling ito:

shampoo – sabong panlinis sa buhok

New cards
66

RECOGNIZED TRANSLATION

pagsasalin sa    opisyal at tinatanggap ng marami na salin ng ano mang salita o termino.

New cards
67

RECOGNIZED TRANSLATION

Anong teknik ng pagsasaling ito:

Silla (Spanish word) – upuan

signature (English)  - lagda (hindi signatura)

New cards
68

ADDITION/ EXPANSION

Gramatikal na pagdaragdag ng salita sa salin upang maging malinaw ang kahulugan.

New cards
69

•        ADDITION/ EXPANSION

Anong teknik ng pagsasaling ito:

“Earth provides enough to satisfy every man’s needs, but not every man’s greedy.

Mali: Earth ay nagbibigay ng sapat na upang masiyahan ang mga pangangailangan  ng bawat tao, ngunit kasakiman hindi lahat ng tao.

Tama: Ang mundo ay nakapagbibigay ng sapat upang matugunan ang mga pangangailangan ng tao, subalit hindi ang kasakiman ng tao.

New cards
70

REDUCTION/CONTRACTION

Gramatikal na pagpapaikli o pagbabawas ng mga salita na hindi nababago o nasisira ang kahulugan ng orihinal.

New cards
71

REDUCTION/CONTRACTION

Anong teknik ng pagsasaling ito:

I'll take them along tomorrow.

Babaunin ko 'yon bukas.

New cards
robot