1/16
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Lingua Franca
Ang tawag sa wikang ginagamit ng mas nakakarami sa isang lipunan.
Wikang Filipino
Ang wikang itinuturing na Lingua Franca sa Pilipinas dahil 92% ng mga tao ay nakakaunawa ng wikang ito.
Lipunan
Nabubuo ng mga taong naninirahan sa isang pook at may kanya-kanyang papel na ginagampanan.
Instrumental
Ang tungkulin ng wikang tumutugon sa mga pangangailangan ng mga tao gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba.
Regulatoryo
Ang tungkulin ng wika na ginagamit sa pagkontrol o paggabay sa kilos o asal ng ibang tao.
Interaksyonal
Ang tungkulin ng wikang ginagamit ng tao sa pagtatatag, pagpapanatili, at pagpapatatag ng relasyon sosyal sa kapwa tao.
Personal
Ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon.
Imahinatibo
Ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan.
Hueristiko
Ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may kinalaman sa paksang pinag-aaralan.
Informatibo
Ang tungkuling ito ay ginagamit sa pagbibigay impormasyon.
Paraan ng Paggamit ng Wika
Ang mga paraan ng paggamit ng wika ayon kay Roman Jakobson.
Pagpapahayag ng Damdamin (Emotive)
Ang pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin, at emosyon.
Panghihikayat (Conative)
Ang gamit ng wika upang makahimok at makaimpluwensiya sa iba sa pamamagitan ng pag-uutos o pakiusap.
Pagsisimula ng Pakikipag-ugnayan (Phatic)
Ang paggamit ng wika upang makipag-ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng usapan.
Paggamit bilang Reperensyal (Referential)
Ang gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang magparating ng mensahe at impormasyon.
Paggamit ng Kuro-kuro (Metalingual)
Ang gamit na lumulinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa isang isyu.
Patalinghaga (Poetic)
Ang gamit ng wika sa masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa, sanaysay, at iba pa.