KOMPAN-L4.docx

ALAM MO BA?

  • Lingua Franca ang tawag sa wikang ginagamit ng mas nakakarami sa isang lipunan.
  • Sa Pilipinas, itinuturing na Lingua Franca ang Wikang Filipino dahil 92% ng mga tao ay nakakaunawa ng wikang ito

ANG WIKA AT ANG LIPUNAN

  • EMILE DURKHEIM
  • Nabubuo ang Lipunan ng mga taong naninirahan sa isang pook. Ang mga tao ay may kanya-kanyang papel na ginagampanan. Sila ay namumuhay, nakikisama at nakikipagtalastasan sa bawat isa.

GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN

  • M.A.K HALLIDAY
  • MICHAEL ALEXANDER KIRKWOOD HALLIDAY ay isang iskolar sa Inglatera.
  • Siya ang naglahad ng pitong tungkulin ng wika na mababasa sa kaniyang aklat na Explorations in the Functions of Language (1973).

7 TUNGKULIN NG WIKA

INSTRUMENTAL

  • Ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa mga pangangailangan ng mga tao gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba.
  • Halimbawa:
  1. Paggawa ng patnugot
  2. Pag gamit ng cellphone

REGULATORYO

  • Tungkulin ng wika na ginagamit sa pagkontrol o paggabay sa kilos o asal ng ibang tao. Sa madaling sabi, ito ang pagsasabi kung ano ang dapat o hindi dapat gawin.
  • Halimbawa:
  1. Pagbibigay ng direksyon, paalala, o babala

INTERAKSYONAL

  • Tungkulin ng wikang ginagamit ng tao sa pagtatatag, pagpapanatili at pagpapatatag ng relasyon sosyal sa kapwa tao.
  • Halimbawa:
  1. Pakikipagbiruan
  2. Pakikipagpalitan ng kuro-kuro

PERSONAL

  • Tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon. Sa mga talakayang pormal o impormal gamit ang tungkuling ito.
  • Halimbawa:
  1. Paggawa ng talambuhay o journal

IMAHINATIBO

  • Ito ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan. Gamitin ang tungkuling ito sa mga akdang pampanitikan.
  • Halimbawa:
  1. Pagsulat ng Maikling Katha, Nobela at Tula

HUERISTIKO

  • Ang tungkuling ito ay ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may kinalaman sa paksang pinag-aaralan.
  • Halimbawa:
  1. Pag-interbiyu sa taong makakasagot ng mga katanungan.

IMPORMATIBO

  • Ito ay kabaligtaran ng heuristiko. Ito ay may kinalaman sa pagbibigay impormasyon. Ito ay maaring pasulat o pasalita.
  • Halimbawa:
  1. Pagbibigay-ulat, panayam, paggawa ng tesis, at pagtuturo.

PARAAN NG PAGGAMIT NG WIKA

  • ROMAN JAKOBSON
  • Isa sa mga pinakamagaling na dalubwika ng ika-20 siglo. Siya ay nagbahagi rin ng anim na paraan ng pagbabahagi ng wika noong 2003.

6 NA PARAAN NG PAGGAMIT NG WIKA

PAGPAPAHAYAG NG DAMDAMIN (EMOTIVE)

  • Saklaw nito ang pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin at emosyon.

PANGHIHIKAYAT (CONATIVE)

  • Ito ang gamit ng wika upang makahimok at makaimpluwensiya sa iba sa pamamagitan ng pag-uutos o pakiusap.

PAGSISIMULA NG PAKIKIPAG-UGNAYAN (PHATIC)

  • Ginagamit ang wika upang makipag-ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng usapan.

PAGGAMIT BILANG REPERENSYAL

(REFERENTIAL)

  • Ipanapakita dito ang gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang magparating ng mensahe at impormasyon.

PAGGAMIT NG KURO-KURO

(METALINGUAL)

  • Ito ang gamit na lumulinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa isang isyu.

PATALINGHAGA (POETIC)

  • Gamit ng wika sa masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa, sanaysay, at iba pa.