1/13
Ang mga flashcard na ito ay tumutukoy sa mga katutubong likha at kultura ng mga Pilipino, binibigyang-diin ang mga halimbawa ng sining at mga produktong gawa mula sa lokal na materyales.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced | Call with Kai |
|---|
No study sessions yet.
Likha
Anomang gawa ng kamay ng tao.
Likhang-sining
Ito ay nagpapakita ng isang aspekto ng sining o kultura ng isang pamayanan.
Bangang Manunggul
Isang halimbawa ng palayok na may magagandang disenyo, na may pigura ng dalawang taong nakasakay sa isang bangka.
Pagpapalayok
Isang katutubong likha na minana mula sa mga ninuno na may kinalaman sa paggawa ng mga palayok.
Burnay
Pagpapalayok sa Rehiyon ng Ilocos na gawa sa luwad mula sa lupa.
Paglililok
Pag-uukit sa kahoy
Bulul
Isang estatwa ng espiritu na kilalang likha sa rehiyon ng Cordillera.
Paghahabi
Mahusay na likha sa iba't ibang pamayanan, gamit ang mga materyales mula sa mga halaman upang gumawa ng damit, banig, tela, at iba pa.
Abel
Telang gawa sa hibla ng bulak, kilala sa Lungsod ng Vigan.
Telang piña
Telang gawa mula sa hibla ng pinya, ginagamit sa paggawa ng Barong Tagalog.
Telang jusi
Mula sa hibla ng abaka
Telang t'nalak
Telang gawa mula sa hibla ng abaka, kilala sa pamayanan ng mga Tboli.
Telang pis syabit
Telang gawa mula sa bulak at seda, kilala sa pamayanan ng mga Tausug.
Capiz
Yari sa kabibe